SA INIT ng panahon hindi na nagiging maganda ang kaniyang pakiramdam. Napagdesisyunan niya na lamang na maligo. Umalis nga siya ng selda na walang sinasabi sa kaniyang mga kasama roon. Kasama niyang nagtungo sa paliguan ang guwardiya na naglalakad sa kaniyang likuran. Nang makarating siya roon wala siyang nadatnan na ibang presong naliligo na kaniya rin namang ikinatuwa. Sa pintuan pa lang pagkatayo niya roon naamoy na niya ang singaw ng init na nabinbin sa kalaparan niyon. Pagkahakbang niya nga papasok naramdaman niya ang init sa kaniyang balat, higit na mainit doon sa kawalan ng hanging pumapasok. Nagpaiwan ang guwardiya sa labas ng paliguan na walang sinasabi sa kaniya sa kaniyang pagtuloy-tuloy. Bago pa siya dumiretso sa shower nanatili muna siya sa bihisan matapos lang ng pinto kung saan naroon ang dalawang hanay ng locker. Sa pinakagitna niyon naroon mahabang upuan kung saan siya naupo. Pinatong niya na roon ang kaniyang pamalit at ang puting towel. Inuna niyang hinubad ang kaniyang polong suot na asul kasama na puting sando. Sa kaniyang isipan ay naglalaro ang nangyari sa selda nang masahiin niya ang katawan ni Aristhon. Hindi naman siya nagagalit na nararamdaman niya ang paninigas ng p*********i nito sa kaniyang pang-upo. Liban pa roon sumikip ang kaniyang dibdib habang pinagmamasdan niya ito na nang mga sandaling iyon niya lamang naramdaman. Hindi niya kayang maipalawanag ngunit mukhang tama itong nagugustuhan niya ang nangyayari sa kanilang dalawa. Sa palagay niya nga ay iyon din ang dahilan kahit na mayroon itong hindi nagawang maganda sa kaniya nanatili pa rin siya sa selda nito. Hinintay niya lang na pigilan siya nitong huwag sumunod sa matandang lalaki na si Gustavo. Mas nararamdaman niyang buhay siya sa tuwing nagagalit ito sa kaniya't nasasaktan siya nito. Hindi na bagong mayroong nanakit sa kaniya kaya nasanay na siya ngunit pagdating kay Aristhon masasabi niyang nagkakakulay ang malungkot niyang buhay. Nagbibigay ng kung anong sigla sa kaniyang sarili ang masamang titig nito. Ang bawat sakit naman na nakukuha ng katawan niya mula rito ay ginigising ang kagustuhan niyang mabuhay. Napapabuntong hininga na lamang siya sa kaniyang naiisip nang malalim sa kaniyang pagtayo. Hinubad na rin niya ang suot na pantalon. Ang panghuli niyang hinubad ay ang abuhin niyang salwal. Tinupi niya nang maayos ang mga hinubad at iniwan sa mahabang upuan. Lumakad na siya kapagkuwan patungo sa mga shower dala sa kamay ang lagayan ng sabon. Sa katahimikan sa loob ng paliguan maririnig nang malinaw ang kaniyang paghakbang. Hindi na siya namimili ng shower. Lumapit lang siya sa isa sa mga ito na nasa kanan. Sinukbit niya ang lagayan ng sabon pagkatayo niya sa ilalim niyon. Nakuha niya pang mag-inat ng kamay bago niya binuksan ang shower. Sa pagpihit nga niya sa bukasan niyon lumabas mula sa bilugam shower head ang malamig na tubig. Sa bilis ng pagbagsak ng tubig tumama kaagad iyon sa kaniyang ulo pati na rin sa kaniyang balikat. Napapapikit na lamang siya ng kaniyang mata habang ninamnam ang lamig niyon. Nagugustuhan niya ang pagtama ng tubig sa kaniyang mukha dahil mistulang hinahaplos siya niyon. Sa hindi niya paggalaw kusang dumaloy sa kaniyang katawan ang tubig hanggang sa mabasa na nga siya nang buong-buo.
Hindi na niya pinagkaabalahang patayin ang shower nang kunin niya ang sabon. Hininaan niya lamang iyon nang bahagya kapagkuwan ay sinimulan na niya ang pagsasabon. Sa paggalaw ng kaniyang kamay sa kaniyang dibdib sumagi sa isipan niya na hindi siya nadadalaw ng kasamahan niya sa trabaho. Hindi niya gustong isipin na mayroong nangyari sa labas kaya hindi siya nabibisita. Naisip niyang dapat siguro ay tawagan niya ito sa telepono nang makausap niya ito. Naputol ang kaniyang pag-iisip nang makarinig siya ng ingay mula sa labas gawa ng grupo ng mga preso. Napalingon siya sa pintuan nang pumasok nga ang mga preso sa paliguam na apat ang bilang. Napatitig pa ang mga ito sa kaniya na hindi niya rin naman binigyang pansin. Pinagpatuloy niya na lamang ang pagsasabon habang iniisip kung dapat na siyang mag-anglaw nang makaalis na siya roon. Ngunit nang tumimo sa utak niya na wala siyang dapat ikinatakot sa mga ito dahil wala rin naman siyang nagawang kasalanan sa mga ito napagdesisyunan niyang tapusin ang paliligo. Natigil sa pag-uusap ang apat na preso na hindi niya kaagad nakilala, ang dalawa sa mga ito ay ang alagad ng matandang lalaki na si Gustavo na nakaaway niya sa palikuran. Sa paghubad ng mga ito sa kanilang suot nagbulungan ang mga ito na mayroong ngiti sa mga labi. Nagtinginan pa nga ang mga ito na mayroong ipagkahulugan at sabay-sabay na lumingon sa kaniya. Dahil sa hindi naman siya nakaharap sa mga ito hindi niya pansin iyon. Binuksan ng isa sa mga preso ang locker na nasa gitna't pinasok doon ang hinubad nitong damit. Sumisipol naman ang isa na nakaupo sa mahabang upuan na balak pakialaman ang kaniyang iniwang damit. Sa puntong iyon napalingon siya sa mga ito kaya hindi natuloy ng preso ang balak nitong paghawak sa kaniyang mga damit. Tumayo na lamang ito nang makasabay sa dalawang naglakad na patungo sa mga shower. Ang naiwang presong nagbukas sa locker ay nagsukbit ng towel sa balikat nito sabay malakas na sinara ang locker na siyang umalingangaw sa kabuuan ng paliguan. Hindi na rin naman nag-usap ang mga ito sa paglapit ng mga ito sa shower pero ang isa ay patuloy pa rin sa pagsipol. Pumuwesto ang mga ito sa kabilang hanay ng mga showe nang magkasunod-sunod. Sa pagtayo ng mga ito sa ilalim ng mga showe head maririnig ang pagbukas ng mga ito sa tubig sa kaniyang pagkatalikod sa mga ito. Hindi niya ulit nilingon ang mga ito sa patuloy niyang pagsabon hanggang sa kaniyang mga paa. Dumulas pa ang sabon sa kaniyang kamay kaya nahulog iyon sa kaniyang mga paa. Wala namang pagdadalawang-isip na pinulot niya iyon at itinabi sa lagayan. Hindi niya pansin na nakatingin pa rin sa kaniya ang apat na preso sa kabila. Kitang-kita nang mga ito ang kaniyang pang-upo kaya gumuhit ang ngisi sa labi ng presong sumipol.
"Ano bang gagawin natin mamaya?" ang tanong ng presong sumipol. Nakatayo ito sa bandang gitna. Naiiba ang kulay nito sa tatlong preso dahil higit na mapusyaw ang kulay nito samantalang ang mga kasama nito'y kayumangging-kayumanggi ang kulay.
"Mayroon kami roong itinabing palabas kung gusto mong panoorin sabihin mo lang," sabi naman ng presong nasa kanan ng sumipol. "Napakaganda ng nakuha namin siguront magugustuhan mo. Ang kikinis na balat."
Sa tono ng pagsasalita ng mga ito nahuhulaan niya kung anong palabas ang tinutukoy ng mga ito. Hindi naman niya pinagtakhan ang bagay na iyon dahil naisip niyang mayroong tinatago ang mga ito na dvd player. Hindi na niya binigyang pansin pa ang mga naririnig sa kaniyang pag-anlaw. Hindi na rin nasundan pa ang pag-uusap ng mga ito sa pagligo ng mga ito. Ngunit ang presong hilig sumipol ay ginawa na naman nito.
Nang matapos nga siya sa pagligo pinatay na ang shower. Lumakad na siya pabalik sa bihisan dala ang lagayan ng sabon. Hindi naman siya nakatuloy nang humarang sa harapan niya ang lalaking maputi ang balat, sumunod pa rito ang isang preso. Iniwan ng mga ito ang showe na nakabukas. Narinig niya pang tumayo sa likuran niya ang dalawa pang preso na hindi niya nilingon para malaman lang. Napapabuntonghininga na lamang siya nang malalim para sa mga ito.
"Puwede ba tayong mag-usap?" ang naitanong sa kaniya ng presong maputi.
Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa't ngumisi nang tumama ang mata nito sa kaniyang p*********i. Naalis nito ang tingin doon sa kaniyang pagsasalita.
"Wala tayong pag-usapan. Hindi nga kita kilala," matigas niyang sabi rito.
Humakbang pa ito palapit sa kaniya sabay patong ng kamay sa kaniyang kanang balikat. Kaagad niya namang inalis iyon kaya natawa ito nanh mahina para sa kaniya.
"Relaks ka lang. Wala naman kaming gagawing masama sa iyo," sabi naman nito sa kaniya. "Mayroon lang akong gustong itanong sa iyo tungkol sa iyo?"
Nagsalubong ang dalawa niyang kilay rito na ikinakunot ng kaniyang noo.
"Ano naman? Sabihin mo na nang makaalis na ako," saad niya na lang din nang matapos na iyon.
"Magkano ba ang isang gabi mo?" sabi nito sa kaniya.
Hindi niya nagustuhan ang narinig kaya sumama ang kaniyang mukha. Nauunawaan niya rin naman kung ano ang tinutukoy nito dahil madalas niyang marinig iyon sa mga kalapating mababa ang lipad. Gayunman aniya pa rin, "Ano ang pinagsasabi mo?'"
"Hindi ba't nagpapabayad ka sa kung sino man ang gustong maglabas ng init ng katawan. Balit ko ay parausan ka ni Aristhon. Pagbigyan mo na ako babayaran kita ng malaki."
"Siraulo ka ba? Hindi ko gawain ang sinasabi mo," matapang niyang sabi. "Hindi ako isang parausan."
"Huwag ka nang tumanggi. Masasarapan ka naman," saad ng presong puti. "Magaling ako sa kama. Hinahanap-hanap nga ako nang nasa labas ako."
"Subukan mo lang na hawakan ako makikita mo ang hinahanap mo," pagbabanta niya rito na tiim ang bagang.
Imbis na makinig ang preso sa kaniya isinenyas nito ang ulo kaya ang dalawang nasa likuran niya na alagad ng matandang lalaki ay hinawakan na naman siya sa kaniyang mga kamay. Isa lang ang nasabi niya nang sandaling iyon. Hindi nadadala ang mga ito. Sa ginawa ng mga ito nabitiwan niya ang lagayan ng sabon na siyang dahilan kaya nahulog iyon sa sahig. Kumawag-kawag pa siya sa mg ito nang makawala ngunit kahit anong pilit niya'y hindi naman nangyari. Natuto na ang dalawang mayroong hawak sa kaniya dahil pinilipit ng mga ito ang kaniyang kamay sa likod. Nilagyan pa siya ng busal ng maputing preso sa bibig. Nang balak niyang itong sipain umatras ito't sinalo ang kaniyang paa. Ang natitira namang isang preso ay kinuha ang kaniyang isa paa. Sa nangyari nawala ang kaniyang paa sa sahig at nabuhat siya ng mga ito. Dinala siya ng mga ito sa sulok ng paliguan. Ungol na lamang ang kaniyang nagawa nang sandaling iyon.
Pagkarating sa sulok itinayo na siya ng mga ito sabay idinikit sa dingding. Tumama ang kaniyang dibdib sa matigas na tiles na kaniyang ikinaungol. Tumatawang tumayo sa likuran niya ang maputing preso. Nakuha pa nitong pisilin ang kaniyang pang-upo na ikinapang-init ng kaniyang ulo lalo na't ramdam niya ang pagbaon mga daliri nito.
"Ang lambot ng puwet mo. Ang sarap palu-paluin," ang nakuha nitong sabihin sa kaniya. Hinampas nga nito ang kanang pisngi ng kaniyang puwet na ikinatawa ng mga kasama.
Umalingawngaw ang tawanan ng mga ito sa loob paliguan na iyon. Lalo pang kumulo ang kaniyang dugo nang ipadaan ng maputing preso ang kamay nito sa pagitan ng dalawang pinsgi ng kaniyang puwet. Ang isa naman nitong kamay ay inihawak nito sa kaniyang leeg. Hindi basta nakuntento ang kamay nito dahil naglakbay pa iyon sa buo niyang katawan.
Sa balak nitong pagkagat sa kaniyang balikat narinig na lamang ng mga ito ang boses ni Aristhon.
"Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?" ang matapang na sabi ni Aristhon sa pagtayo nito sa bihisan. Matalim ang tingin nito sa apat na mga preso. Nakatayo lang sa likuran nito ang alalay nitong si Ismael.
Natigil nga ang presong maputi ang buhok at pinakawalan naman siya ng dalawang preso. Nagsilayo rin ang mga ito sa kaniya kaya naalis niya ang busal sa bibig. Binitiwan niya lamang iyon sa sahig.
"Wala naman. Nakikipag-usap lang kami," ang kinakabahang sabi ng maputing preso.
Naglakad na ito patungo sa bihisan kasabay ang tatlo pa. Dinaanan lang ng mga ito ang nakatayong si Aristhon kasama si Ismael.
"Mabuti naman," sabi naman ni Aristhon. "Sa susunod huwag kayong lumapit sa kaniya. Hindi niyo siya puwedeng kausapin,", dugtong nito na mayroong pagbabanta.
Naiyuko na lamang ng apat ang ulo ng mga ito sa kanilang paglalakad. Hindi na lamang nagbihis ang mga ito sa takot kay Aristhon. Nagtapis lamang ang mga ito ng tuwalya't lumabas na nga ng paliguan dala ang mga pamalit na damit. Hinatid pa ni Aristhon ng tingin ang mga ito kapagkuwan ay ibinaling sa kaniya.
Nang magtagpo ang kanilang tingin mabagal itong naglakad patungo sa kaniya. Naiwan si Ismael na naghuhubad naman ng damit nito para maligo.
Hindi niya sinalubong ang tingin ni Aristhon. Kinuha niya na lamang ang lagayan na nahulog sa sahig. Pinulot niya na rin ang sabon. Hindi siya umalis sa paliguan. Muli siyang naligo nang malinis niya ang kaniyang sarili. Hindi siya mapakali na mayroong humahaplos sa kaniyang buong katawan. Pakiramdam niya ay mayroon siyang makukuhanh sakit. Tumayo siya sa ilalim ng shower sa pagbuhos ng malamig na tubig.
Ang tanging taong nakakahawak sa kaniyang buong katawan na hindi siya naasiwa ay si Aristhon. Komportable ang pakiramdam niya kapag dumadampi ang palad nito sa kaniyang balat malayong-malayo sa iba. Sa kaniyang pagsabon tuluyan ng nakalapit sa kaniya si Aristhon. Hindi nito alintana na nababasa ang suot nito.
Natigil siya saglit sa pagtitig nito sa kaniya. "Ano na naman?" ang tanong niya rito sa pagkatalikod niya rito.
"Gusto lang kitang tulungang magsabon," sagot naman nito sa kaniya.
Nilingon niya ito na masama ang tingin. "Hindi ako bata. May sarili akong kamay," paalala niya rito.
"Kahit na. Gusto ko pa rin." Kinuha nito ang sabon sa kaniyang kamay. "Hindi ka puwedeng tumanggi kung ayaw mong ako ang tumuloy nang naudlot balak gawin sa iyo ng apat."
Hinarap niya ito nag-aapoy ang mga mata. Binalewala lamang nito iyon nang patalikurin na naman siya nito. Napabuntonghininga na lamang siya nang malalim nang ipatong nito ang kamay sa balikat para muling sabonan iyon.
"Ano bang ginagawa mo rito?" ang tanong niya nang bumaba ang kamay nito sa kaniyang likod.
Hindi tumagal ang kamay nito sa likod niya. Inilipat nito iyon sa tagiliran niya't pinadaan sa kaniyang pang-upo. "Alam ko kasing mayroong mangyayari sa iyo kaya sumunod na ako," sabi naman nito sa kaniya.
"Kaya ko naman ang sarili ko," aniya rito.
Mula naman sa kaniyang puwet, lumipat ang kamay nito sa kaniyang hita. Hindi naman siya naasiwa sa ginagawa nito kahit nasasagi nito ang kaniyang p*********i.
"Hindi sa lahat ng oras makakaya mong pangalagaan ang sarili mo." Pinaikot nito ang kamay sa kaniyang tiyan.
"Alam ko. Pero hindi ko naman kailangan ng tulong mo."
Pumaitaas ang kamay nito sa kaniyang dibdib. Dumikit pa ito sa kaniyang likod nang masabunan nito nang maayos kaya tuluyan na itong nabasa. Nararamdaman niya ang pagtibok ng puso nito sa kaniyang likod.
"Hindi nga ba?" panunuyam nito sa kaniya nang pabulong sa kaniyang tainga. Ipinatong pa nito ang baba sa kaniyang balikat.
"Oo," simpe niyang tugon. Hindi niya pinansin ang pang-aasar nito sa kaniya.
Tumawa ito nang mahina habang patuloy nitong sinasabunan ang kaniyang dibdib. "Nagugustuhan mo ba ang ginagawa ko?" ang naisipan nitong itanong.
"Hindi."
"Talaga?" paniniguro nito sa kaniya na hindi na niya sinagot. "Bakit hinahayaan mo ako?"
"Tinanong mo sa akin ngayon samantalang pinipilit mo."
"Oo nga naman. Pero wala ka ba talagang nararamdaman? Kahit gawin ko ito?" Hinawakan siya nito sa kaniyang paglalaki. Sinabunan nito iyon habang ginigising ngunit kahit anong paggalaw ng kamay nito ay wala talagang nagiging reaksiyon ang kaniyang p*********i.
Nahinto lang saglit si Aristhon nang magsalita si Ismael sa pagtayo nito sa ilalim ng shower sa kanilang kanan.
"Mayroong kang bisita boss," pagbibigay-alam nito sa kay Aristhon nang buksan nito ang shower.
Sa narinig bumitiw na nga sa kaniya si Aristhon. Binalik nito sa kaniy ang sabon ng tinanggap naman niya. Wala itong sinasabi na naglakad para lumabas ng paliguan kahit na basa ang damit. Siya naman ay tinapon niya ang sabon patungo kay Ismael na nasalo ng naman ng huli. Nang maalis ang sabon sa kaniyang katawan nag-anlaw siya sa huling pagkakataon.