Kabanata 11

2700 Words
NAKARATING sila ng klinika ni Aristhon na akay pa rin siya nito, nakadantay pa rin ang kaniyang kamay sa balikat nito samantalang ang isang kamay nito'y nakakapit naman sa kaniyang beywang. Pinagbuksan sila ng guwardiyang nakatalaga sa kanilang selda ng pinto. Pagkahanggang sa sandaling iyon ay nanakit pa rin ang kaniyang ulo kaya nahihirapan siyang maglakad: hindi nagiging tuwid ang kaniyang paghakbang; nanlalambot ang kaniyang mga tuhod; nanlalabo na rin nang bahagya ang kaniyang mga mata. Naiwan ang guwardiya na nakatayo sa pintuan sa paghakbang nila papasok ng klinika na nang mga sandaling iyon ay binalot ng katahimikan. Hindi makikita ang doktor sa mesa nito na siyang unang bumungad sa kanila, naiwan iyong walang tao na kinapapatungan ng pinaghalong mga folders at libro. Mayroon din itong lagayan ng mga paper clips na hindi lang ganoon ang laman, nilagyan na rin iyong ng ilang mga ballpen. Sa pinakatabi naman nakalagay ang manipis na kompyuter. Hindi gaanong maliwanag sa loob dahil sa nakatabing na kurtina sa bintanang salamin sa malayong sulok. Bago ang bintana ay ang dalawang hanay ng mga kama, sa kanan ay dalawa at ganoon din sa gawing kaliwa, na nahihiwalay ng mga peach na kurtina. Dinala siya ni Aristhon sa unang kama't inilalayan pa rin siya kahit sa kaniyang paghiga. Yumangitngit iyon dahil sa kaniyang bigat habang inaalis nito ang kaniyang sapatos na suot. "Masakit pa ba ang ulo mo?" ang naitanong nito sa kaniya sa pagtayo nito sa tabi ng kama. Hindi niya naman ito sinagot nang direkta sa paghawak niya sa kaniyang ulo habang bumabaluktot sa kama. "Bigyan mo lang ako ng painkiller. Mawawala rin ito sa oras na uminom ako," sabi niya sa lalaki. Sa puntong iyon nahawi ang peach na kurtina sa likuran ni Aristhon. Sumilip doon ang tauahan nitong kalbo na nakahiga sa kasunod na kama, napupusasan ang kamay nito sa bakal na frame nang hindi ito makaalis habang walang nagbabantay rito. "Ano ang nangyayari sa kaniya, Boss?" ang naitanong ng kalbo kay Aristhon. Puno ang mukha nito ng mga idinikit na bendahe. Nilingon ito ni Aristhon sa naging katanungan nito. "Hindi ko alam. Nanakit ang kaniyang ulo," ang nasabi ni Aristhon sa tauhan na kalbo. "Nasaan na ba iyong doktor?" dugtong nito pag-ikot nito ng tingin sa kabuuan ng silid. "Kinausap iyong warden. Mamaya pa ang balik niyon," pagbibigay alam ng kalbo. Sa narinig ibinalik ni Aristhon ang tingin sa kaniya. Hindi na maganda ang itsura niya nang sandaling iyon dahil sa lalong pagputla ng kaniyang kompleksiyon, basa na rin ng pawis niya ang kaniyang suot. Dahil dito umalis ito sa kinatatayuan kapagkuwan ay nagtungo sa mga kabinet na nakasabit sa dingding. Napapasunod na lang tingin ang alalay nito sa likod nito. Inisa-isa nitong buksan ang mga kabinet sa paghahanap ng painkiller. Sa tuwing walang nahahanap hinahayaan lang nitong nakabukas kaya kita ang mga laman ng mga nakakahong gamot. Sa hindi nito pagtigil nakakita rin naman nito ng painkiller na nasa gitnang kabinet. Inilabas nito iyon sabay bumalik sa kaniyang kinahihigaan. "Uminom ka na," sabi ni Aristhon nang itapon nito ang gamot na nasa puting sisidlan sa kaniya. Tumama sa tiyan ang tinapon nitong gamot kaya pinilit niyang maupo hawak iyon. Sinubukan niya namang buksan iyon nang makainom na siya ng gamot kaso nanginginig ang kaniyang kamay na siyang naging dahilan kaya nawawalan siya ng kontrol. Sa hindi pagtigil ng panginginig hindi na niya nga nabuksan ang gamot. Sa inis niya ay binitiwan niya na lamang iyon sabay bumalik sa pagkahiga na nakadapa naman. Sa nasaksihan ni Aristhon napabuntonghininga na lamang ito nang malalim na mapapansin sa pagbagsak ng balikat nito. Kinuha na lamang nito ang gamot at ito na lamang ang nagbukas na umingay nang bahagya. Lumapit ito sa maliit na mesa na kinapapatungan ng pitsel at baso sa gitna ng dalawang kama. "Hayaan mo na lang siya nang makaganti rin naman ako," ang naisatinig ng tauhan ni Aristhon. Tiningnan ni Aristhon ang tauhan nito. "Dapat maging patas ka sa lahat ng bagay. Kung gusto mong gumanti hamunin mo siya. Hindi iyong ganitong gagamitin mo ang pananakit ng kaniyang ulo. Hindi masaya ang ganoon," pangaral ni Aristhon na ikinatamimi ng kaniyang tauhan. Nagsalin ito ng tubig sa baso mula sa pitsel kapagkuwan ay binalikan siya nito. Napabangon na lamang siya nang upo sa pag-abot nito sa kaniya ng gamot, ibinuka niya ang kaniyang mga palad kaya nilagyan nito iyon ng dalawang tableta. "Dagdagan mo pa," aniya sa lalaki kaya napatitig ito sa kaniya. Sa hindi nito pagsunod sa sinabi niya kinuha niya mula sa kamay nito ang lagayan ng gamot. Naglagay siya kapagkuwan ng mahigit sampung tableta sa kaniyang palad. Sabay-sabay niya iyong ininom sa isang lagukan lamang kasunod ng pag-inom ng tubig na kinuha niya sa kamay ni Aristhon. "Masyado namang marami ang ininom mo," puna ni Aristhon sa kaniya nang bawiin nito ang baso sa kaniyang kamay. "Hindi tatalab sa akin kung ilang tableta lang," ang nakuha niya rin namang sabihin sa lalaki. Nahiga na nga siya nang nakatihaya habang nakatitig sa puting kisame. "Ano bang sakit mo?" tanong nito sa kaniya. Naupo ito sa gilid ng kama na nakatingin sa kaniya. Sinulyapan niya ito sa naging katanungan nito. "Wala. Sumasakit lang ang ulo ko kapag kulang sa tulog," pagsisinungaling niya. Lumapit ito sa kaniya't pinakatitigan ang kaniyang mukha. Inilagay pa nito ang kamay sa tagiliran niya nang magawa nito nang maayos. "Sa palagay ko ay mayroon kang malubhang sakit. Hindi mo mararanasan ang nangyari sa iyo kanina kung wala," ang nasabi nito. "Wala akong magagawa kung hindi ka naniniwala." Ibinalik niya na lamang ang tingin sa kisame. Humawak siya sa kaniyang ulo sa unti-unting pagkawala ng pananakit niyon. Mapapansin ang paghugot nito nang hininga. "Magpahinga ka na lang muna rito," wika nito sa paglayo na nito sa kaniya. "Ako na ang bahalang magpaliwanag kung bakit wala ka sa taniman." "Puwede na akong bumalik sa taniman. Hindi na rin babalik ang pananakit ng ulo ko dahil sa nainom ko ngang gamot." Bumangon siya nang upo na hindi natuloy sa pagtulak ni Aristhon sa kaniyang dibdib. Napahiga lang siya ulit sa malambot na kama. "Huwag mo nang ipagpilitan ang gusto mo," mariin nitong sabi. "Dahil kung hindi mo magagawa ang iniuutos ko sa iyo dahil sa sakit mo hindi ako magdadalawang-isip na patayin ka. Pinagbibigyan na kitang mabuhay kaya huwag mong sayangin." Hindi nito inaalis ang kamay nito sa kaniyang dibdib kung kaya siya mismo ang umalis niyon. "Para sabihin ko sa iyo hindi ako natatakot mamatay." "Alam kung hindi pero paano na lang ang naiwan mo sa labas kung sino man iyon," paalala nito sa kaniya na ikinatahimik niya dahil hindi rin naman ito nagkakamali sa bagay na iyon. Hindi siya maaaring mamatay hanggang hindi pa nagigising ang kaniyang ina. "Wala akong naiwan sa labas," sabi niya naman dito. "Huwag ka nang magsinungaling. Alam kong mayroon. Gusto mo ngang lumabas, hindi ba? Mayroon bang nangyaring hindi maganda? Kasintahan mo ba?" "Nagkakamali ka riyan," pagtama niya sa maling akala nito. "Kung hindi kasintahan, magulang mo? Napaano ba sila?" saad nito na hindi niya binigyang pansin. "Dahil sa wala ka namang pakialam sa ama mo base sa naging pag-uusap natin. Sa palagay ko ay hindi maganda ang nangyari sa nanay mo." Pinagmasdan niya ang mukha nito sa mga lumabas sa bibig nito. "Masyadong malikot ang isip mo. Walang tama sa mga nasabi mo," pagbibigay niya nang diin upang hindi na siya nito masyadong usisain pa. "Alam mo wala kang dapat itago sa akin. Dahil malalaman ko pa rin naman," paalala nito sa kaniya. "Kaya sabihin mo na lang sa akin ang gusto kong malaman." Huminga siya nang malalim sa pag-iisip kung dapat niya bang sabihin dito ang kalagayan ng kaniyang ina. Hindi niya gustong sabihin dito dahil baka mayroon itong gawin kaso katulad ng sabi nito hindi nga rin naman mahirap dito na alamin ang lahat ng tungkol sa kaniya. Ang iniisip niya lang kung masasabi niya rito, hindi malayong gagamitin nito iyon para makontrol siya nito. Sa huli nagdesisyunan niya na huwag na lamang ibigay ang gusto nitong marinig mula sa kaniya. Dahil naisip niyang kapag magkakaroon pa rin siya ng kontrol sa sitwasyon kung sakaling maipit na siya sa mga kamay nito. "Wala akong tinatago. Kung ano rin ang lumalabas sa bibig ko iyon din ang totoo. Hindi mo ako mapipilit dahil wala talaga." "Paano mo naman maipapaliwanag ang inasal mo kanina?" mariin nitong tanong. Sumasalamin sa mga mata nito ang kabuuan ng kaniyang mukha. "Labis ang pag-alala mo." "Sino ba ang hindi mag-aalala kung nasa bingit ng kamatayan ang matalik mong kaibigan? Wala siyang ibang natatakbuhan kundi ako lang," ang naisip niyang sabihin na dagdag kasinungalingan na naman. Kapag nalaman talaga nitong puno siya ng mga kasinungalingan pihadong mananagot siya rito. Kaya bago pa mangyari iyon kailangan na niyang gawin ang kaniyang trabaho na siyang dahilan bakit siya napasok sa kulungan. "Ano naman ang pangalan ng kaibigan mo?" "Bakit? Para saan?" paniniguro niya rito dahil kung anong tumatakbo sa loob ng isipan nito. "Padadalhan ko ng tulong para makapagpokus ka sa inuutos ko sa iyo na siya ring sadya mo rito." "Wala akong tiwala sa iyo. Hindi ko sasabihin," pagtanggi niya dahil walang bahid ng katotohanan na mayroon siyang kaibigan na hindi maganda ang kalagayan. "Sinabi ko na sa iyo na mayroon akong isang salita. Kung ano ang lumabas sa bibig ko gagawin ko," saad nito na puno ng kaseryosohan. Pinagsalubong niya ang dalawang kilay dito. "Hindi ko kailangan ng tulong mo para sa kaibigan ko," aniya na totoo rin naman dahil wala naman talaga siyang matalik na kaibigan. Hindi na naalis ang tingin nito sa kaniya kaya binalak na naman niyang umalis ng kama. Sa kabilang gilid ng kama na lamang siya bumaba palayo rito ngunit nang tumayo siya'y bigla na lamang umikot ang kaniyang paningin na siyang naging dahilan kaya muli siyang napaupo sa kama. Pinikit niya ang kaniyang mata sa paghihintay na mawala iyon na pinagmamasdan siya hindi lang ni Aristhon pati na rin ang tauhan nitong kalbo. "Bakit hindi ka pa lumakad?" tanong pa ni Aristhon. Nilingon niya ito dahil sa narinig. "Magpapahinga na lang ako saglit," sabi niya na lamang sa kaniyang paghiga sa gilid ng kama. Ilang dangkal ang layo niya sa kinauupuan ni Aristhon. "Nahihilo ka, ano?" paniniguro nito sa kaniya na hindi niya naman sinagot. "Iyan ang napapala mo, masyadong marami ang ininom mong gamot na walang laman ang tiyan." Tuwid lamang siyang nakahiga na hindi gumagalaw, magkapatong ang dalawa niyang mga paa. "Kung ilan lang ang iinumin ko panigurado hanggang ngayon nanakit pa rin ang ulo ko," sabi niya na lamang kasunod ng paghapo niya sa kaniyang tiyan sa pagkulo niyon. "Madalas bang nananakit ang ulo mo?" Tumayo ito mula sa kama't hinawi ang peach na kurtina nang matakpan ang nakahigang tauhan nito na nang mga sandaling iyon ay nakatulog na sa pakikinig sa kanila. "Hindi gaano," tugon niya naman dito. "Ang dami mong tanong." Naglakad ito patungo sa paanan ng kama't pinagmasdan siya nito mula roon. Ibinaba niya ang kaniyang tingin patungo rito. "Ano ang gusto mong gawin ko? Huwag na lang magtanong?" ganti nito sa kaniya. "Kung mananahimik lang ako panigurado titirahin mo na ako patalikod. Mas mabuti na itong inusisa ka dahil darating din ang sandaling madudulas ka't mapapaamin na lang. Hindi pa rin ako kumbinsido sa mga sinabi mo sa akin." "Walang saysay kung paghihinalaan mo pa ako nang todo." "Mas maganda na iyong maingat." Humakbang ito patungo sa pinto na binuksan din naman nito. Kinausap nito ang guwardiyang naghihintay doon. Tumango-tango ang guwardiya matapos nitong marinig ang sinabi ni Aristhon kapagkuwan ay lumakad na ito. Hinatid pa ni Aristhon ng tingin ang lumalayong guwardiya bago nito sinara ang pinto. Hindi rin naman ito nagtagal pa sa pinto dahil sinara na nito iyon. Imbis na sa kama ito bumalik lumakad na lamang ito patungo mesa ng doktor. Naupo ito sa itim na swivel chair na nakaharap sa kaniya't bukang-buka ang dalawang paa. "Ang laki ng tiwala ng mga tao sa iyo rito. Iniiwan ka lang," puna niya sa nakikita niyang nangyayari. Pinagtagpo nito ang dalawang braso sa dibdib na hindi inaalis ang tingin sa kaniya. "Dahil sa mabait akong preso. Hindi ako gumagawa ng mga bagay na makakasama hindi lang sa akin pati na rin sa buong piitan." Marahan siyang naupo na binabaluktot ang dalawang tuhod sa ibabaw ng kama, bumabaon ang kaniyang mga paa sa malambot na kama. "Parang iyon naman talaga ang dahilan." Gumuhit ang matalim na ngisi sa labi nito. "Maghintay ka nang kaunti para sa almusal. Mabilis lang iyong guwardiya. Narito na iyon mamaya." "Hindi ko naman sinabing kakain ako ng almusal," paalala niya rito. "Oo. Hindi nga. Pero nagugutom ka. Huwag mong sabihing pati pagkagutom gagawin mo pa ring kasinungalingan." "Lalagyan mo na naman ng pangpatulog ang pagkain." Inilapit nito ang upuan sa kama na hindi tumatayo, dumulas lamang ang mga bilog na gulong sa sahig kaya naabot nito kaagad ang paanan. "Puwede rin naman kung gusto mo," hirit nito sa kaniya sa pagpatong nito nang dalawang kamay sa harang ng kama. Sinalubong nito ang mga mata niyang tumatalim na ang tingin. "Bakit pa ba ako nakikipag-usap sa iyo? Wala namang akong mapapala," ang naisatinig niya dulot ng pagkadismaya. "Mayroon. Hindi mo lang nakikita." Naputol ang pag-uusap nila dahil sa katok sa pinto. Sinundan iyon ng pagpasok ng guwardiya dala ang isang trey. Hindi pa man ito nakakalapit sa kanila nasinghot na niya ang laman niyong almusal. "Narito na. Ito lang ang naihanda. Naubusan ng supply," pagbibigay alam ng guwardiya sa pagtayo nito sa gilid ng kama. Itinaas ni Aristhon ang kamay para sa guwardiya. "Ilapag mo na lang," utos nito na sinunod na naman ng guwardiya. Binitiwan nga nito ang trey na mayroong dalawang pinggan na naglalaman ng mga hotdog, bacon at itlog. "Kung mayroon pa kayong kailangan tawagin niyo lang ako," ang nasabi ng guwardiya sa paglayo nito ng kama. Hindi binigyang pansin ni Aristhon ang sinabi nito sa paglalakad nito pabalik sa pinto na siya ring paghatid niya ng tingin. Naibaling niya lamang ang atensiyon sa lalaki nang makalabas ang guwardiya. "Ano bang ipinangako mo sa guwardiya na iyon kaya ka sinunusunod?" pag-usisa niya rito. Sinalubong nito ang kaniyang mga mata. "Naguguluhan ako sa iyo. Ano ang ibig mong sabihin?" sambit nito sa paghawak nito sa isang tinidor. Tinusok nito ang hotdog na nasa unang pinggan. "Huwag ka ngang umasta riyan na hindi mo alam kung ano ang tinutukoy ko. Sigurado ako mayroong kapalit ang pagsunod niya sa iyo." Inilapit nito ang dulo ng hotdog sa bibig sabay kagat. "Dinadagdagan ko ang suweldo niya para makaipon siya ng pangpakasal nila ng kaniyang magiging asawa," ani nito kahit na mayroong laman ang bibig. "Sa iba ano namang kapalit?" sunod niyang tanong sa paglipat nito ng puwesto. Naupo ito sa gilid na mismo ng kama malapit na sa kaniya. "Huwag mo na lang itanong dahil hindi mo magugustuhan kaya kumain ka na lang." Isinubo nito sa kaniyang bibig ang kinagatan nitong hotdog. Hindi niya inasahan ang gagawin nito ang bagay na iyon kaya dumikit ang dulo ng hotdog sa kaniyang bibig, hindi siya nakalayo dito. "Marunong naman akong kumain. Mayroon akong mga kamay," reklamo niya rito na pinalusot lamang nito sa dalawang tainga. Lalo pa nitong idinikit ang hotdog sa kaniyang bibig. Kinagat niya na lamang iyon na walang gaanong masamang bagay na naiisip. Kinuha niya na rin ang tinidor na para sa kaniya. Una niyang nilantakan ang dilaw ng itlog. Wala nang namagitan sa kanilang mga salita sa kanilang pagkain ng almusal. Sa gutom niya nga ay tuloy-tuloy lang siya hanggang sa mabilaukan siya. Sa dami ng mga isinusubo niya nang sunod-sunod hindi niya napigilan iyon. Dahil dito nagmadaling tumayo si Aristhon para kumuha ng tubig sa pitsel. Mabilisan itong nagsalin ng tubig sa baso na siyang inabot nito sa kaniya. Hindi na siya makahinga nang maayos dahil sa bumarang pagkain sa lalamunan niya kanuha niya't ininom kaagad ang tubig kahit hawak pa nito ang baso. Sa bawat pag-inom niya nga'y nakuha pa nitong hapuin ang kaniyang likod. Itinigil lamang nito ang ginawa nang mtapos na siya sa pag-inom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD