Kabanata 3

2835 Words
HINDI na niya pinagtakhan na inilagay siya sa hiwalay na kuwarto malayo sa kasama niyang si Daniel. Nag-iisa lamang ang bilugang ilaw sa kisame na siyang pumuno ng liwanag sa kabuuan ng silid, nakaposas pa rin ang kaniyang kamay nang sandaling iyon sa paa ng bakal na mesang hindi naaalis. Sa harapan niya ay ang matandang pulis na nag-iimbestiga sa kaniya, binubuklat nito ang talaksan na itim ang kulay. Matapos nitong magbasa isinara na rin nito ang talaksan kapagkuwan ay mataman siyang pinagmasdan na para bang mayroong kung ano sa kaniyang mukha. "Sabi rito ay dati kang sundalo," panimula ng matandang pulis. "Ano ang nagpabago sa isip mo't pumapatay ka na ngayon? Naliliitan ka ba sa nakukuha mong sahod? O sadyang galit ka sa mundo?" Tiningnan niya lang naman ito na hindi sumasagot sa mga sinabi nito sa kaniya kaya napabuntonghininga na lamang ito nang malalim. Gumalaw ito sa kinauupuan sa pagpatong nito ng kamay sa mesa kaya umirit iyon sa sahig. "Magsalita ka. Paano kita matutulungan kung hindi ka magsasalita?" sumunod nitong sabi sa kaniya na hindi pa rin niya binigyang pansin. Hindi na nito napigilan ang sarili sa pagsiklab ng galit nito sa kaniya. "Magsalita ka!" mariin nitong sabi nang kuwelyuhan siya nito. Sinalubong niya lamang ang tingin nito na walang lumalabas sa kaniyang bibig. Binitiwan pa rin naman siya nito matapos siyang matingnan nang matagal sa mukha. "Walang magagawa ang pananahimik mo. Mabubulok ka sa kulungan sa ginagawa mo." Muli itong naupo sa silyang bakal na hindi inaalis ang tingin sa kaniya. Sa humuhupang galit nito sa kaniya tumayo na lamang ito ng upuan kapagkuwan ay lumabas ito ng silid na iyon. Marahas pa nitong isinara ang pinto kaya lumagabog iyon nang malakas. Sa kaniyang pag-iisa nilingon niya ang malaking salamin sa kanan, pinakatitigan niya ito dahil sa mga taong naroon sa likuran niyon na hindi niya rin naman makita. Hindi rin naman tumagal sa labas ang matandang pulis sapagkat mayamaya lamang ay bumalik nito ng silid bitbit sa isang kamay ang kape. Kagat naman nito sa bibig ang isa pa dahil hindi nito mahawakan sa pagbukas nito sa pinto. Nang maisara nitong muli ang pinto sa ikalawang pagkakataon sinipa na lamang nito sapagkat pinanghawak na nito ang isa pang kamay sa kapeng nasa bibig nito na malapit na nitong hindi mapakawalan. Sa pagbalik nito sa mesa inilagay nito ang isang kape sa harapan niya. Pinakatitigan niya ang kapeng nasa maliit na basong papel, sa init ng kape kitang-kita ang namumuting usok na pinapakawalan nito. Nakuha pang sumenyas ng pulis nang hindi niya hinahawakan ang kape. Kinuha niya rin naman ang kape nang dalawang kamay na hindi na tinitingnan ang matandang pulis, napapatitig na lamang ang opisyal sa namumutla niyang mga daliri. Nilasap niya ang init ng kape na nagbibigay sa kaniya nang kaginhawahan. Kapagkuwan ay uminom na siya niyon na walang hingahan. Inisang lagok niya lamang ang kape kahit na mainit pa iyon. Maging ang matandang pulis ay sumimsim din naman ng kape. "Magsasalita ka na ba ngayong nainitan ka na?" anang pulis sa pagbaba nito sa papel na baso. "Ilang oras na tayo rito. Ibuka mo na iyang bibig mo para matapos na tayo't magawan na natin paraan para mabawasan ang sala mo." Hinayaan niya sa kaniyang kamay ang wala nang laman na basong kaniyang ininuman ng kape. Hindi pa rin naman siya sumagot sa pagtitig niya sa opisyal. Naihampas nito ang kamay sa mesa sa pagbalik ng inis nitong nararamdaman na naging dahilan kaya natapon ang hindi pa nito naaubos na mainit na kape. "Bakit mo pinatay ang grupo na iyon sa aliwan? Ano ang makukuha mo? Mayroon bang nag-utos sa iyo?" Hindi na nito naituloy ang iba pang sasabihin dahil sa natapong kape, tumulo iyon mula sa mesa paibaba ng pantalon nitong suot. Lalong hindi naipinta ang mukha nito nang sandaling iyon habang pininupunasan ng papel ang natapong kape sa mesa. Nanatili lamang siyang nakaupo nang tuwid na hindi pa rin nagsasalita na lalong ikinasiklab ng galit ng matandang pulis. Sa puntong iyon nagpatong-patong na ang galit nito kaya hindi na ito nakapagpigil. Umalis iton ng kinauupuan kapagkuwan ay lumapit sa kaniya. Nakatanggap siya nang malakas na sipa mula rito sa kaniyang dibdib na kaniyang ikinatumba sa sahig. Hindi natapos sa basta isang sipa lang ang matandang pulis, sinunod-sinod nito ang pagsipa sa kaniya sa iba't ibang bahagi ng katawan. Hindi rin naman siya nagkaroon ng reaksiyon kahit nararamdaman niya ang ibayong sakit ng ginagawa nito. Hinayaan niya lamang ito sa pananakit sa kaniya habang nakatingin sa ilalim ng mesa kung saan tumutulo pa rin ang natapong kape. "Hindi dapat nabubuhay ang katulad mo!" mariing sabi ng matandang pulis sa kaniya nang sipain siya nito sa braso. "Papatayin din kita!" Natigil lamang ang matandang pulis sa pagbugbog sa kaniya nang bumukas ang pinto ng silid na kanilang kinalalagyan. Nagmamadaling pumasok doon ang isa pang pulis na mas bata sa matandang puils, nakasuot ito ng itim na diyaket. Kaagad nitonng nilapitan ang matandang lalaki't pinigilan sa balikat nito na mayroong kasamang pagtulak dito. "Ano ang ginagawa mo?!" matigas na sabi ng mas batang pulis sa nakatatanda. Tinulak nito uli ang galit na pulis nang balak na naman siya nitong sipain. "Kung alam ko lang na ganito ang gagawin mo hindi na sana kita hinayaan na tanungin siya. Akala ko ba'y gusto mong mayroong maitulong pagkatapos ngayon pinapalala mo lang ang sitwasyon." Nasapo ng matandang pulis ang ulo nito sa paghakbang nito nang papunta't paparito. Nang ibalik nito ang atensiyon sa nakababata tinuro siya nito. "Dapat siyang mamatay para wala na siyang mabiktima pang iba," galit na sabi ng opisyal. Humugot nang malalim na hininga ang nakababata sa narinig. Pinagmasdan nito nang maigi ang kasamahan at nagsabi, "Hindi siya ang pumatay sa anak mo. Sinisira mo ang trabaho ko sa galit mong iyan. Sana naman naisip mo iyon bago mo siya binugbog." Sa narinig hinawakan ng matandang lalaki sa suot ang nakababatang pulis, ang isang kamao nito ay nakahanda para manuntok. Hindi naman nito naituloy nang mapagtanto nitong hindi nito dapat ginagawa iyon kung kaya binaba na lamang nito ang kamao't binitiwan ang kasamahan sa trabaho. Nakuha pa nitong itulak ang nakababata't tiningnan siya nang masama sa paglalakad nito patungo sa pinto. Lumabas na ito na naiwan siya kasama ang mas batang pulis na sinundan pa ng tingin sa pintuang ang matandang lalaking lumalayo. Matapos niyon binaling na ng pulis ang atensiyon sa kaniya na blangko ang mukha. "Tumayo ka na riyan," ang sabi ng pulis sa kaniya na hindi niya pinakinggan. Hinawakan na lamang siya nito sa braso't itinayo siya na hinayaan niya lang na gawin nito. Hindi na siya nagtagal pa sa silid na iyon dahil inilabas siya nito nakahawak pa rin sa kaniyang braso. Nilakad nito ang pasilyo hanggang sa makarating sa opisina ng pulisya kung saan naghalo ang mga ingay sa bawat mesang naroon. Naroong mayroong sumisigaw na mga kababaihan matapos mahuling nagbibigay ng aliw sa daan. Hindi rin mawawala ang grupo ng mga kalalakihan na nakaupo sa pahabang upuan sa sulok, sa itsura ng mga ito na puno ng tama sa mukha malalamang galing ang mga ito sa away. Kahit iyong ibang mga pulis ay napapasigaw na rin dahil hindi magawang magpaliwanag sa mga taong kinakausap. Lalo na iyong malapit sa kanila dahil kulang na lang ihampas nito ang keyboard sa kausap na lalaking kalbo, mabuti na lamang napigilan ng kasamahan nito ang kamay nito. Naalis niya lang ang tingin sa mga ito nang hilahin siya ng pulis na mayroong hawak sa kaniya. Hindi sila tumigil sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa harapan ng seldang walang laman. Binuksan iyon ng pulis ng isang kamay lang na mayroong kasamang kalatong. Ipinasok siya nito kapagkuwan na mayroong kasamang pagtulak sa kaniyang likod. Napahakbang na lang din siya papasok sa ginawa nito. "Akin na iyang kamay mo," wika nito sa pagkatalikod niya rito. Hinarap niya ito na walang ano mang emosyon sa kaniyang mukha. Inilapit niya ang nakaposas na kamay dito. Inalis nito ang posas na walang lumalabas sa bibig. Habang ginagawa nito iyon nabaling ang tingin niya kay Daniel na nakaupo sa mesang walang pulis. Pagtagpo ng kanilang mga tingin gumuhit ang matalim na ngisi na labi nito na nalaman niya kaagad kung ano ang ipagkahulugan. Ilang sandali pa ay naalis na ng pulis ang posas kaya nakalaya na ang kaniyang kamay na namumula. Hindi niya inalis ang tingin kay Daniel lalo na't sa kinauupuan nitong mesa lumapit ang pulis na nagdala sa kaniya sa selda. Pagkaupo ng pulis sa upuan ibinaling na ni Daniel ang tingin dito na siya ring pag-alis niya ng atensiyon dito. Humakbang na lamang siya patungo sa sulok ng selda't naupo roon na nakasandig ang likod sa dingding. Sa pananatili niya sa seldang iyon lumapit doon si Daniel na hindi na naalis ang ngisi sa labi. PInagmasdan siya nito mula sa labas. "Akala mo sigruo ay hindi ko alam kung ano ang ginagawa mo," sabi ni Daniel sa kaniya. Tiningnan niya ito nang tuwid sa nasabi nito. "Ano ang alam mo?" tanong niya rito nang makasigurado na rin na hindi ito nagkakamali ng akala. "Pinadala ka para patayin ang senador, hindi ba? Kinaibigan mo ako para magawa iyon dahil alam mong balak kong magtrabaho sa ilalim niya," ang mahaba nitong sabi sa paghawak nito ng dalawang kamay sa selda. "Kung iyan ang gusto mong isipin wala na akong magagawa riyan," aniya sa lalaki't ibinaling na lamang ang tingin sa pader. Narinig niya na lamang na tumawa ito nang mahina. "Isa kang mangmang na naniwalang tutulungan kita. Inunahan na kita bago mo pa masira ang mga plano ko sa bahay. Nakatulong sa akin ang ginawa mong magpatay sa mga lalaking iyon. Nabawasan ako ng mga kaaway. Pagkatapos hindi pa ako makukulong dahil ako mismo ang nagsuplong sa iyo sa mga pulis. Hindi ko alam na marami ka nang napatay." Hindi na niya pinagtakhan ang sinabi nito dahil ang mga katulad nito ay toso. Alam niyang gagawin nito ang bagay na iyon sa kaniya kahit sa unang pagkikita pa lamang nila. "Siguraduhin mong magtago dahil sa oras na makalabas ako ikaw ang isusunod ko," ang naisipan niyang sabihin dito para pagbantaan ito dahil makukulong din ito katulad ng ginawa nito sa kaniya. "Hindi mangyayari iyan. Hindi mo magagawang gumanti sa akin dahil mabubulok ka sa kulungan. Sisiguraduhin ko ang bagay na iyon." Tumayo siya mula sa pagkaupo sa sahig kapagkuwan ay lumapit siya sa harang na bakal ng selda. Sinalubong niya ang masamang tingin nito sa kaniya. Bago pa man ito makahakbang paatras hinawakan niya ito sa suot mula sa loob. Ibinangga niya ito nang makailang ulit sa harang na hindi nito nagawang mapigilan. Hindi siya tumigil kahit na nagdurugo na ang ilong nito. Hinila niya pa ito sa batok nang maisuksok niya ang ulo nito sa pagitan ng mga bakal na lalo nitong ikinasigaw. Sa nangyayari lumapit sa kanila ang pulis na nakatalaga sa kaniyang kaso. "Bitiwan mo siya," mariing utos ng pulis na hindi niya naman pinakinggan. Sinubukan pa nitong alisin ang kamay niya sa batok ni Daniel na hindi naman nito nagawa. Sumama na lamang ang mukha nito nang bumalik ito ng mesa't inilabas nito ang taser mula sa debuhista ng mesa. Hawak nito iyon sa kamay nang bumalik ito sa kanila. Pagkapindot na pagkapindot nito roon tinusok nito kaagad sa kamay na kaniyang ikinanginig pati na rin si Daniel. Dahil doon nabitiwan na niya si Daniel na mahahalatang hilong-hilo hindi lang dahil sa paghila niya rito kasama na rin ang boltahe ng kuryentenng umabot sa ulo nito. Samantalang siya naman ay nanatiling walang reaksiyon sa nangyari. Binalak pa siyang abutin ni Daniel mula sa labas ngunit nang mapagtanto nitong hindi magandang gawin iyon umatras na lamang ito ulit. "Pagsisihan mo itong ginawa mo sa akin," sabi ni Daniel sa kaniya na pinalusot niya lang sa dalawa niyang tainga. Naglabas ito ng panyo mula sa bulsa ng suot nitong pantalon na siyang pinangpunas nito sa nagdurugong ilong. Naalis nito ang tingin sa kaniya sa pagsasalita ng pulis. "Sinabi ko na nga sa iyong huwag kang lumapit sa kaniya. Ginawa mo pa rin," anang pulis kay Daniel. "Masyadong delikado ang mga katulad niya." Naidiin ni Daniel ang panyo sa ilong kaya napangiwi ito sa sakit. "Hindi ko naman akalain na maaabot kaagad ako ng kamay niya," ang nasabi nito. "Bakit ba kasi nakipagkilala ka pa sa kaniya?" ang naitanong pulis. Sa pag-uusap ng dalawa nalalaman niyang magkakilala ang mga ito. Magiging madali nga rin namang makatakas sa batas si Daniel kung mayroong kausap na pulis na tiwali. "Siya ang lumapit sa akin," pagtatanggol naman ni Daniel sa sarili. "Nakatulong din naman siya sa akin kahit papaano kaya nabawasan ako ng problema ngayon." "Sa susunod huwag ka nang sumali sa ano mang gulo dahil hindi na kita matutulungan," sabi ng pulis sa paglalakad nito pabalik sa mesa. "Huwag kang mag-aalala. Isa akong abogado. Magagawa ko nang paraan ang lahat," ang sabi ni Daniel na puno ng kompiyansa sa sarili. Inalis niya na lamang ang atensiyon dito sa muli niyang pag-upo sa sahig sa sulok. Nakita niya na lamang sa gilid ng kaniyang mga mata ang pag-alis ni Daniel. Nakuha pa nitong tapikin sa balikat ang pulis. Hindi rin bago sa kaniyang mayroong mga tiwaling pulis kaya hindi na siya nagtataka sa naririnig at nakikita niya. Natabunan lamang ang kaniyang tingin sa mga ito nang tumayo ang matandang lalaki sa harapan ng selda. Humawak ito nang mahigpit sa bakal habang pinagmamasdan siya nang mariin. Sa ginawa nito napatayo na lamang ang mas nakababatang pulis. Humakbang ito patungo sa selda na kunot ang mga noo. "Ano na naman ba ang gusto mong mangyari?" ang nasabi ng nakababatang pulis. Hindi nilingon ng nakatatanda ang kasamahan nito, nanatili ang mga mata nito sa kaniya. "Kakausapin ko lang siya. Gusto ko lang maintindihann kung bakit nagagawa niyang pumatay," sabi ng opisyal. Napabuntonghininga na lamang nang malalim ang nakababatang pulis. Tiningan na rin siya nito mula sa labas. "Walang saysay kung makikipag-usap ka pa nga sa kaniya," sabi ng nito sa matanda. "Alam mo namang iba ang takbo ng isip ng mga katulad niya." "Hayaan mo na ako," ang sabi ng matandang lalaki. Wala na ngang nagawa ang nakababatang pulis kundi tingnan ang matanda. "Sige na. Basta huwag ka lang magwala." Tinapik nito ang matanda sa balikat bago ito muling bumalik sa mesa't humarap sa kompyuter. Sa pag-alis nga ng nakababatang pulis nabaling ng matanda ang buong atensiyon nito sa kaniya. "Sabihin mo anong nakukuha mo kapag pumapatay ka ng tao?" ang naitanong nito sa kaniya. Sinalubong niya ang naging katanungan nito sa kaniya. "Wala," simple niyang sabi na totoo rin naman talaga. Hindi talaga siya nakararamdam ng kung ano mang emosyon kapag kumikitil ng buhay. "Hindi mo ako maiintindihan kahit sabihin ko pa sa iyo kung bakit. Hindi mo rin maiintindihan kung bakit namatay ang anak mo. Sadyang mayroong mga taong kayang pumatay ng tao." Lalong humigpit ang kapit ng matanda sa bakal. "Pero inosente ang anak ko. Wala pa siyang kamuwang-muwang. Pinatay na siya ng mga katulad mong sira ang ulo," ang nanggagalaiting sabi nito sa kaniya. "Hindi ka makakaganti sa taong pumatay sa anak mo sa pakikipag-usap mo sa akin," ang naisipan niyang sabihin. "Sino ba ang pumatay sa anak mo?" Sumalubong ang dalawa nitong kilay sa sinabi niyang iyon. "Kung sasabihin ko sa iyo ano bang gagawin mo?" ang tanong nito pabalik. "Puwede ko siyang patayin para sa iyo." Napaisip nang bahagya ang matandang lalaki sa nasabi niya. "Si Gustavo ang pumatay sa anak ko. Wala akong magawa sa kaniya dahil nakakulong siya ngayon habang naghihintay ng paglilitis," pagbibigay alam nito sa kaniya. Narinig niya na kung sino ito dahil naging laman ito ng balita bago ito makulong. "Ngayon nakikita kita. Ikaw nga ang iyon ang ama ng batang babaeng natagpuan sa ilalim ng tulay," sabi niya rito. "Paano mo naman nasabi na siya nga?" "Dahil sinabi niya sa akin mismo. Galit sa akin ang taong iyon," sabi naman nito sa kaniya. Hindi na nito naituloy ang iba pang sasabihin nang mayroong tumawag dito mula sa pintuan ng istasyon. Pinukulan siya nito ng huling tingin bago ito nagmadaling lumakad patungo sa pintuan para sa pag-iikot ng mga ito sa kalye. Sa pag-alis nga ng matandang pulis napansin niya ang kaagad ang kakaibang tingin ng nakababatang pulis sa kaniya mula sa kinauupuan nito. Hiindi niya iyon binigyang pansin sa pagtitig niyang muli sa dingding ng selda. Ngunit hindi naman nakuntento ang pulis sa basta sa tingin lang kaya nilapitan siya nito sa selda. "Kung mayroon kang matatawagang abogado papuntahin mo na rin dito," sabi nito sa kaniya. "Pero kung wala naman mabubulok ka sa kulunga." Sa puntong iyon dumating na ang dalawang guwardiya sa asul na uniporme na magdadala sa kaniya sa detention center kung saan siya mananatili sa pag-usad ng kaniyang kaso. Mabilis ang naging paghakbang ng mga ito patungo sa seldang kaniyang kinalalagyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD