Kabanata 5

1552 Words
NAKALABAS naman siya kahit na sinusundan siya ng tingin ng mga guwardiya. Nagkatipon ang mga preso sa kalaparan ng lupa na nahahati sa dalawa ng bakod na metal kahit na napapaikutan ang piitan ng mataas na pader. Mayroong nag-i-ehersisyo gamit ang mga kagamitan sa pagpapalaki ng katawan sa isang tabi. Sa pinakagitna naman may naglalaro ng baseball. Ang iba ay naglilinis. Ang karamihan ay nakaupo lamang nang grupo-grupo habang nag-uusap lalo na iyong nasa kabila ng bakod. Dahil wala rin naman siyang kilala sa mga taong naroon naupo na lang siya sa mahabang upuan habang pinagmamasdan ang naglalaro ng basesball. Hindi niya na matandaam kung kailan ang huli niyang laro. Lumingon lang siya sa likuran sa biglaang pagsulpot ng isang lalaking mayroong hawak na Bibliya sa dibdib. "Kumusta ang agahan mo?" ang naisipang itanong nito. "Nabusog din naman kahit papaano. Ano bang kailangan mo? Hindi naman kita kilala pagkatapos kung makapagtanong ka parang magkakilala tayong dalawa," aniya sa lalaki. "Alam ko lang na bago ka lang rito." Ngumiti pa ito sa kaniya kaya kumunot ang noo niya rito. "Sasabihin ko lang sa iyo ang mga taong dapat mong iwasan habang narito ka sa piitan. Gusto kitang tulungan," wika nito sa kaniya. "Dapat pa ba akong maniwala sa iyo?" hirit niya rito. "Oo, siyempren naman." "Sige. Mahalaga ba iyang sinasabi mo?" Idinipa niya ang kaniyang mga kamay sa sandigan ng upuan. Pinakinggan niya na lamang ito dahil kailangan niya rin naman talagang malaman kung sinu-sino ang mga preso roon na makakatulong sa kaniya at hindi. "Oo naman. Kailangan mong malaman para tumagal ka rito," ang mahinang sabi nito sa kaniya na para namang maririnig ito ng ibang mga preso. "Dalawang tao lang ang dapat mong iwasan habang narito ka sa piitan. Kung gusto mong buhay na makalabas rito pakinggan mo ako." "Sino naman iyang mga sinasabi mo?" ang walang gana niyang tanong. "Una ay si Gustavo," panimula nito sa pagpapakilala sa mahalagang preso roon. "Iyong taong nakaupo sa kabila na napapaikutan ng mga lalaking malabato ang katawan." Nilingon niya nga ang itinuturo nito. Tumama ang mata niya sa matandang lalaki na nagtulak sa kaniya kaninang kumukuha siya ng pagkain. Tumatawa ito na pinapanood ang dalawang kampon nito na nagbubuno ng braso sa maliit na mesa. Sumisigaw pa ang iba upang galingan ng dalawang naglalaban. "Nagkasabay kami iyan kanina sa pagpila sa pagkain," pagbibigay-alam niya rito nang umayos siya ng upo. "Nakausap ko pa nga. Tinulak ba naman ako." "Dapat umiwas ka na lang. Hindi maganda kung pahg-iinitan ka niyan ni Gustavo. Mapapahamak ka talaga kahit na pumapangalawa lamang sya." Ginantihan niya ng kibit-balikat ang sinabi nito kaya napabuntong hininga lang ito nang malalim. Hindi ito umalis sa likuran ng kinauupuan niya. "Marami rin siyang taga-sunod. Siya ang lider sa east wing. Halos lahat ng mga matatagal na preso rito nasa ilalim niya. Pero si Aristhon ang pinakadapat mong iwasan dahil pumapatay iyon kahit dito sa loob. Pinatay nga niyon ang dating naghariharian sa mga preso rito. Pinalabas lang ng piitan na tumaas ang alta-presyon na ikinamatay nito." "Sino naman iyong si Aristhon?" taka niyang tanong. "Sa dami ng sinabi ko iyon lang ang tanong mo?" reklamo pa ng lalaki. "Wala naman kasi akong pakialam sa pinaggagawa ng mga preso rito." "Alis na ako," sabi na lamang nito nang mapalingon ito sa pintuan ng kusina palabas. "Iyang sa unahan na paparating," dugtong nito kapagkuwan ay mabilis na naglakad papalayo. Naiiling siya ng ulo na hinahatid niya ito ng tingin. Nang makipag-usap ito sa guwardiya na kinagat niya ang hinlalaki lumingon na siya sa direksiyon ng kusina. Naglalakad nga galing sa loob ng kusina ang grupo ng mga preso. Sa unahan ng mga ito ay si Aristhon nga, ang taong kasama niya sa selda. Sa kaliwa nito ay kasabay nito ang kalbong alagad nito. Napapakamot na lang siya ng batok habang hinihintay ang mga ito na makalampas sa mga inuupuan niya. Nagkasalubong pa ang mga mata nila ni Aristhon sa paglapit ng mga ito. Imbis na lumampas ito sa kinauupuan niya tumigil ito sa harapan kasabay ng pag-ikot sa kaniya ng mga alagad nang hindi gaanong mapapansin ng mga guwardiya ang balak nitong gawin. "Nakahanda ka ba ngayon?" ang tanong nito sa kaniya. Itinapak pa nito ang paa sa upuan sa pagitan ng kaniyang dalawang hita. Kaunting galaw lang matatapakan nito ang harapan niya. Sinalubong niya ang tingin nito. "Sa?" simple niyang sagot na patanong din. "Makipagbuno rito kay Roberto," sabi nito kasabay ng pagpapatunog ng kalbo sa mga daliri nito. "Kapag nanalo ka pag-iisipan ko kung ano ang dapat gawin sa iyo." "Kung hindi ako manalo dapat ba akong matakot?" "Tingnan na lang natin. Nasa iyo kung magpapatalo ka," ang nakakalokong sabi ni Aristhon sa kaniya na para ba siyang bata na kinakausap. "Huwag kang mag-alala walang mangingialam sa iyo. Wala kang mapagpipilian kundi ang harapin siya." Ngumisi ang binata sa kaniya sabay tingin sa alagad nitong pinatunog pa rin ang mga daliri para paghahanda sa pakikipag-suntukan. "Ikaw na ang mauna," aniya sa alagad na kalbo na hindi umaalis sa kinauupuan. Si Aristhon naman ay nakuhang naupo sa kanan niya sabay sindi ng sigarilyo. Tumingin ito sa kalangitan habang naghihintay ng mangyayari. "Pagsisihan mong ginalit mo ako!" mariing sabi sa kaniya ng alagad na kalbo. Hinawakan siya nito sa suot upang maitayo na sinundan kaagad nito ng suntok. Sa pagtama ng kamao nito sa mukha niya nailingon niya ang kaniyang ulo sa kanan. Nakaramdam man ng sakit natiis niya naman iyon dahil manhid na siya pagdating sa tama ng suntok. "Iyon na ba?" pag-uudyok niya pa sa lalaking kalbo. Napapasigaw na lang sa kanila ang nakapaikot na mga preso. "Tarantado ka!" bulyaw ng lalaking kalbo sa kaniya. Sinuntok siya ulit nito na hindi binibitiwan ang kaniyang suot na uniporme. Ganoon pa rin ang resulta wala pa ring epekto sa kaniya. Sa muli nitong pagsuntok sinalo na niya ang kamao nito sabay sipa rito na ikinatumba nito sa lupa. Hindi niya binigyan ng pagkakataon ang kalbo na makatayo, dinaganan niya ito kaagad sabay pinagsusuntok sa mukha ng ubod ng lakas. "Ganito ang sumuntok! Gago ka!" mariin niyang sabi habang sinudsunod ng suntok ang pagmumukha ng lalaking kalbo. "Ganito! Ano?! Alam mo na!" Hindi niya tinigilan ang pagsuntok kahit na nagdurugo na ang ilong ng lalaking kalbo. Sa ginawa niya napatingin na lang si Aristhon na kanina ay nakatingala lang sa kalangitan. Mas natuwa pa siyang pagmasdan ang nababasag ng mukha ng lalaking kalbo kaya dinamihan niya pa ng suntok na ikinawala ng malay-tao nito. Naibuhos niya sa lalaking kalbo ang galit niyang naramdaman para sa kasamahan niya sa labas na nagsumbong sa pulis na noon isang gabi niya pa kinokontrol. Tumatalsik ang dugo nito sa mukha niya sa bawat pagsuntok niya. Sa nangyari lumapit sa kaniya si Aristhon. Hinawakan pa nga siya nito sa balikat para pigilan siya. "Tama na iyan," ang sabi nito. Imbis sundin ito nilingon niya ito na inaalis ang kamay nito. Nakuha niya pa nga itong suntukin sa mukha na ikinasigaw ng mga presong nakapaligid sa kanila. "Lumayo ka sa akin! Huwag mo akong hahawakang taratando ka!" ang mariin niyang sabi sa binata. Hinawakan ni Aristhon ang nasuntok na labi na may masamang tingin sa kaniya. Kapagkuwan ay walang sabi-sabi itong sinipa siya sa dibdib kaya napaatras siya. Bumangga siya sa mga presong nanonood na tinulak siya pabalik dito. Hindi pa ito nakuntento dahil sinunggaban pa siya nito ng suntok na nailagan niya naman sa pamamagitan ng pagyuko kaya ang natamaan ay ang presong nasa likod niya. Nang hindi ito makasuntok ulit sinipa niya rin ito sa dibdib na ikinaatras nito ng dalawang beses. Pagkatapos ay nilapitan niya ang tumulak sa kaniya sabay sinuntok niya rin ito. Bumawi rin naman ang preso kaso iba naman ang nasuntok nito sa pag-ilag niya sa kaliwa. Sa ginawa niya naging hudyat iyon para magsuntukan ang lahat ng mga nanonood. Nakuha niya pang tingnan si Aristhon na nakatayo lang. Nabawasan lang ang kaguluhan dahil sa ingay ng mga pito ng mga lumapit na mga guwardiya. Pinagpapalo ng mga ito ang bawat presong nakikipagsuntukan. Kahit siya ay pingpapalo rin ng batuta ng dalawang preso kaya napaluhod na naman siya. Ang hindi lang nasasaktan ay si Aristhon na nakuha pang maupo ulit sa upuan. Hindi lang natapos sa palo ang pagpapahirap sa kaniya dahil may kasama na naman iyong sipa kaya napapabaluktot na lang siya sa lupa sa harapan ni Aristhon. Walang naging reaksiyon ito sa upuan at nagsindi na lamang ito ng sigarilyo. Tinigilan lang siya nang mga guwardiya nang hindi na niya maigalaw ang kaniyang katawan. Sa hingal ng dalawang presong nagpahirap sa kaniya tumigil ang mga ito. Hinawakan siya ng mga ito sa kaniyang mga kamay kapagkuwan ay hinila palayo sa kaguluhan. Dinala siya ng mga ito sa sulok ng piitan kung saan naroon ang mga bartolina kasabay ng iba pang preso. Pinasok siya sa isa mga ito na walang sinasabi. Pagkasara ng bartolina imbis na manlumo siya pinagpasalamat pa niyang nilagay siya roon. Sapagkat hindi na niya makakasama ang sino mang preso roon. Naupo na lamang siya na nakasandig sabay ipinikit ang kaniyang mga mata. Naisip niya pa ngang mukhang doon na nga talaga siya mamatay sa piitan na iyon na ipagpapasalamat pa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD