Kabanata 20

2548 Words
HINDI na bumalik sa palaruan ang babaeng bisita ni Aristhon. Hinatid na lamang nila ito sa likuran ng pangunahing gusali ng piitan kung saan naghihintay ang sinakyan nitong itim na kotse. Doon niya lamang naintindihan na ginawa lang nitong magpalaro sa mga preso ara makapasok nang malaya sa piitan. Hindi niya lang malaman kung kasintahan ba ito ni Aristhon. Pero sa nakikita niya sa mga ito nang sandaling iyon mulkha ngang mayroong namamagitan sa dalawa. Naghalikan ang dalawa habang nakasandig ang babae sa itim na sasakyan. Walang ibang tao roon kundi sila lamang kasama si Ismael at ang guwardiyang nagbabantay sa kanilang selda. Kahit marahil mayroong pang ibang taong makakita sa mga ito itutuloy pa rin ng mga ito ang paghahalikan. Dahil nga binabalewala lang din naman sila ng mga ito pagtaas ng libido ng mga ito. Napapabuntonghininga na lamang siya nang malalim para sa dalawa. Iba kung humigop ang bibig ni Aristhon na naranasan niya sa tulugan ng warden, napapaungol sa ligaya ang babae habang nakakapikit ang mga mata. Napapahawak pa siya sa kaniyang labi kaya pinagmasdan siya ni Ismale. Sinamaan niya ito ng tingin sabay pinahid niya ang kaniyang labi na para bang kinapitan iyon ng dumi. Hindi niya nga rin malaman kung bakit niya ginustong halikan si Aristhon, basta ang alam niya lang gusto niya lang ipamukha rito ang tunay niyang kalagayan, wala siyang pakialam sa kung ano ang ibang dulot ng naging paghahalikan nilang dalawa. Itinaas ng babae ang kaliwa nitong hita kaya hinawakan iyon ni Aristhon. Lalo pang idiniin ni Aristhon ang katawan sa babae kaya naiipit na ang malusog nitong dibdib, tumatama ang harapan ng pantalon nito sa pangibaba ng babae na ikinauungol nito kahit hindi naman hubad ang mga ito. Sa sobrnag dikit wala nang paglulusotan pa ang hangin. pinasok pa ng babae ang malay nitong kamay sa pantalon ni Aristhon. Doon na natigil si Aristhon nang mapagtanto nito ang isang bagay. Kumalas ito sa paghahalikan na habol ang hininga. Nagtataka na lamang na tumingin dito ang babae na tumayo naman nang tuwid habang inaayos ang nagulong pulanag blusang suot. "Bakit? Ano ang nangyayari?" ang naitanong ng babae nang humawak ito sa polo ni Aristhon. "Wala ka ba sa mood ngayon? Hindi ka man lang tinigasan na madalas mangyari kapag hinahawakan ko na," dugtong nito. Bago pa sumagot si Aristhon sa babae tumingin pa ito sa kaniya kaya binigyan niya ito nang masamang tingin. Ibinalik din naman nito ang atensiyon sa babae nang halikan siya nito sa pisngi. "Parang ganoon na nga." Tinulak nito ang babae nang matigil na ito na ikinaungot nito. "Magkita na lang tayo sa sunod ng buwan." "Sayang naman. Uuwi akong sabik sa iyo," ang walang pakundangan na sabi ng babae. Tinulak ito ni Aristhon sa likod kaya binuksan na nito ang sasakyan. "Tandaan mong hindi ka puwedeng makipagkita sa ibang lalaki. Dahil kung ginawa mo iyon hindi na tayo puwedeng magkita pang dalawa," paalala ni Aristhon sa babae. Humalika pa ulit ang babae dito na tumagal nang ilang minuto't sumakay na ito ng sasakyan. Hindi niya matiis ang nakikita niya kaya lumakad na siya para makabalik na kanilang selda. Natigil siya't hindi nakatuloy nang hakbang sa pagsasalita ng guwardiya. "Saan ka naman pupunta?" ang naitanong ng guwardiya. Huminga siya nang malalim sa paglingon niya rito na siya ring pag-alis ng sasakyang itin na minamaneho ng babae. Hinatid pa ito ni Arithon hanggang sa makaliko na ito patungo sa tarangkahan ng piitan. "Uuwi na," sagot niya naman dito na ilang besea na niyang nasabi nito. "Ilang ulit ko bang sasabihin na hindi puwede. Kailangang magkasama kayo nang tatlo. Ano ang akala mo sa akin tatlo ang katawan kaya puwede ko kayong mabantayan kahit na magkahiwalay?" ang naisatinig ng guwardiya dahil sa inis na nahaluan ng pagod. Kumukulang nga rin namn ang panahon nito sa pagtulog, mahahalata nga ang pangingitim ng ibaba ng mga mata nito. Hindi na lamang siya nagsalita para rito baka hindi siya makapagpigil masuntok niya ito sa mukha. Tumahimik na rin naman ang guwardiya sa paglapit ni Aristhon sa kanilang kinatatayuan. "Ano bang nangyayari?" ang naitanong ni Aristhon pagkatayo nito sa kanilang harapan. "Wala naman," sagot niya naman dito na iniiwas ang tingin dito. Sa lumabas sa kaniyang bibig pinagmasdan siya nito nang tuwid. Iba naman ang naging sagot ni Ismael. "Gusto na niyang bumalik sa selda." Hindi na inalis ni Aristhon ang tingin sa kaniya. Sa malayo pa rin siya nakatingin. "Paano ba iyan? Gusto ko pang manood ng mga palaro," pagbibigay alam nito sa gustong gawin nang mga sandaling iyon. "Walang problema," aniya naman nang magpatiuna siya sa paglalakad. "Akala ko naman magrereklamo ka pa." Sumabay ito sa kaniyang paglalakad na mayroong kasamang paghakbang. Sumunod na rin sa kanila ang dalawa sa kanilang likuran. Nakuha pa siya nitong akbayan na inalis niya ang kamay nito. "Kung puwede huwag mo akong hahawakan," sabi niya rito na walang buhay. "Bakit ba?" "Ang init kaya huwag masyadong dumikit sa akin," pagdadahilan niya rito na pinaniwalaan din naman nito. Hindi sila umikot ng buong gusali para makabalik sa palaruan. Dumaan lamang sila ng pasilyo na nahaharangan ng tarangkahang bakal. Binuksan iyon ng guwardiya gamit ng ID nito kaya nakadaan sila roon. "Akala ko naman mayroon pang ibang dahilan," ang naisatinig nito sa paglalakad nila sa pasilyo. Umaalingawngaw ang kanilang paghakbang sa kahabaan niyon. "Ano naman kung mayroon nga?" "Naiinis ka dahil sa inggit sa amin ng bisita kong babae. Huwag kang mag-alala dadalhan kita ng iba pang mga babae para mahanap mo ang magpapagising sa katawan mo." Kumunot ang noo niya sa narinig mula rito. "Hindi ko kailangan. Huwag mo nga akong igaya sa iyo na hayok. Ilang buwan na bang nagpupunta rito ang babae?" "Mga anim na buwan na," sagot naman nito sa naging tanong. "Iba rin talaga ang hatak mo sa piitan na ito," komento niya naman dito. "Kasintahan mo ba iyong babae?" "Hindi. Parausan lang." Humawak ito sa batok nang masahiim iyon. Hindi na rin naman niya pinagtakhan ang lumabas sa bibig nito. Madalas naman talagang ganoon ang tingin ng katulad nito sa mga babae, isang laruan lamang ang mga babae para rito na kapag pinagsawaan na itatapon na lang. Hindi marunong itong magpahalaga kaya kahit ang salitang pagmamahal hindi nito al kung ano ang kahulugan. Pinagsisihan niyang nagtanong pa siya rito kahit alam na rin niya naman ang magiging sagot nito sa kaniya. Sa kanilang paglalakad natigil na lamang siy nang mapadaan sila palikuran. Nahinto siya nang matanaw niya mula sa labas ang warden na nakatayo sa harapan ng lababo. Samantalang ang mga kasama niya ay nagtuloy lang sa paglalakad na walang pakialam sa nangyayari sa paligid. Sa ilalim ng lababo nakaluhod ang lalaking kumakausap sa kaniya sa piitan na iyon. Sinasamba nito ang naninigas na paglalaki ng warden, ipinasok lahat nito sa bibig kaya halos mabilaukan na ito. Sa init ng panahon pinagpapawisan na ito lalo na't hindi naman ito naghubad ng suot na uniporme. Nang maramdaman ng warde na mayroong nakatingin lumingon ito sa labas. Nagsalubong ang kanilang tingin na dalawa. Imbis na tumigil lalo pa nitong binayo ang bibig ng lalaking nakaluhod na mayroong ngisi sa labi. Nagsalubong na lamang ang kaniyang dalawang kilay sa nasaksihan. "Tumuloy ka na kung ayaw mong pumalit sa kaniya," ang nasabi ng warden sa kaniya. Hindi naman tumigil sa ang lalaking nakaluhod sa pagsamba rito. Sumama ang mukha niya sa sinabi nito't naalis niya lang ang tingin nang tawagin ni Aristhon ang kaniyang pansin. Tumigil ito sa paglalalad kasabay si Ismael ang guwardiya. "Ano pa bang ginagawa mo riyan?" ang nasabi ni Aristhon sa paglalakad nito palapit sa kaniya. Hinawakan siya nito sa balikat. "Huwag mo silang pansinin kung ayaw mong mapagtripan ng warden." Inalis niya ang kamay nito sa kaniyang balikat sa muli niyang paglalakad. "Sumasabay pa talaga ang mga tao ngayon sa kainitan ng araw," ang naisatinig niya nang marinig din ni Aristhon. "Ganoon talaga. Wala naman kasing babae rito." Sumabay ito sa kaniyang paglalakad. Sa pagkakataong iyon nauna naman ang dalawa sa kanila nang magpatuloy na rin ang mga ito. "Alam ko. Hindi naman kita tinatanong tungkol sa bagay na iyon." Sa inis nito sa kaniyang nasabi sinakala siya nito mula sa likuran na muling kanilang ikinatigil na dalawa. Tiniis niya lang ang higpit niyon na hindi pilit kumakawala rito. Kahit na nauubusan siya ng hangin nanahimik pa rin siya. Sa huli kusa siya nitong pinakawalan na siya rin naman niyang pag-ubo habol ang kaniyang hininga. Sinamaan niya ito nang tingin nang pagmasdan siya nito. Huminga ito nang malalim nang hawakan nito ang kaniyang ulo nang mariin. "Siraulo ka talaga," sabi pa nito sa kanilang pagbalik sa paghakbang. "Mas siraulo ka," banata niya naman dito. Inalis niya ang kamay nito kasabay ng pagtawa nito na ikinalingon ng dalawa sa kanila, nakaguhit sa mukha ng mga ito ang pagtataka kung bakit tumatawa si Aristhon. "Alam mo ngayon lang ako natuwa nang ganito," ang makatotohanan nitong sabi. "Akala ko ay wala nang isasaya pa ang pananatili ko rito sa piitan. Pero mula nang dumating ka napapatawa na lang ako kahit wala namang dahilan." "Hindi ako payaso," maktol niya rito. "Tigilan mo ako." Binilisan na lamang niya ang paglalakad na nilalampasan ang dalawa sa unahan. Hinatid siya ng tingin ng mga ito. Bumagal lamang siya nang makarating siya sa katapusan ng pasilyo't tumayo siya kalapit ng fence kung saan matatanaw ang naglalaro ng volleyball. Sa lakas ng paghampas ang isa sa bola umabot pa iyon sa fence na kaniyang harapan. Gumawa iyon ng ingay bago tumalbog pabalik. Inalis niya ang tingin sa mga naglalaro nang tawagin ni Aristhon ang kaniyang pansin. "Halika ka na. Ano pang ginagawa mo riyan," sabi nito. Pinagmasdan niya nga ito dahil doon sabay lapit sa mga ito. "Bakit kailangan mo pa kasing manood ng mga laro? Puwede namang hindi," sabi niya rito sa pagsabay niya rito sa paglalakad. Binaybay nila ang daan na naliliman ng dulo ng mataas na bubongan ng gusali. "Kailangang naroon ako para makita ko kung sino talaga ang nanalo," paliwanag nito sa kaniya. "Pumusta ko sa bawat laro." "Ano bang pinusta mo?" pag-usisa niya rito. Gumuhit ang manipis na ngisi sa labi nang sumagot ito sa kaniya. "Ikaw ang ipinusta ko," saad nito na hindi niya nagustuhan. Binigyan niya ito nang matalim na tingin. "Magsisilbi ka sa mananalo." "Huwag mo akong pinagloloko!" ang malakas niyang sabi na ikinalingon ng dalawa sa kanilang unahan. Sa pagsigaw niyang iyon tumakas na naman ang malakas na tawa sa bibig nito. "Sabi ko pa ganiyan ang magiging reaksiyon mo." Hindi pa rin ito natigil sa pagtawa kahit na nagsasalita. Ikinumyos niya ang kaniyang kamao sa galit niya rito. "Hindi ka naman ang pusta. Biniro lang kita. Kapag ikaw ang pusta pihadong laspag ka na pagbalik sa selda natin." Nakahinga siya nang maluwag nang marinig ang mga salitang iyon. "Mabuti naman kung ganoon." Lumingon siya sa palaruan sa patuloy nilang paglalakad. "Sigarilyo lang ang pinusta ko." Hindi na nasunda pa ang kanilang pag-uusap nang makarating sila sa tarangkahan. Binuksan iyon ng nagbabantay na guwardiya. Lumabas sila roon patungo sa tolda kaya nagsialis ang dalawang presong naupo roon sa likuran ng mahabang mesa pagkakita kya Aristhon. Dalawa lang ang upuan kaya nag-agawan pa sila ni Ismael. Sinamaan niya ito nang tingin nang hawakan nito ang upuan. Paglingon nito sa kaniya bumitiw na lamang ito kaya siya na lamang ang nakaupo kalapit ni Aristhon. "Akala ko ay ipagpipilitan mong ikaw ang mauupo," sabi pa niya rito nang sumandig siya sq upuan. Wala rin namang nasabi si Ismael sa pagtayo nito sa kanilang likuran ni Aristhon katabiba ang guwardiyang nakatalaga sa kanilang selda. Itinutok ni Aristhon ang tingin sa mga naglalaro kaya ganoon na rin naman ang ginawa niya. Hindi pa man siya nakatatagal sa panood tumalbog patungo sa tolda ang bola matapos magkamali ang presong nasa kanang team sa paghampas rito. Sa bilis ng bola nakarating iyon kaagad sa kanilang kinauupuan. Papatama pa iyon sa kaniya mukha. Mabuti na lamang nagawa iyong mapigilan ni Aristhon bago pa man siya masaktan. Inihampas nito palayo ang bola kaya tumama iyon sa likod sa ulonl ng presong nakatayo sa tabi ng mesa. Sumigaw pa ang preso dahil sa galit. Lumingon pa nga ito't muling tumalikod nang mapagtanto kung sino ang naroon sa mesa hawak ang nasaktang ulo. Gumulong naman patungo poste ng net ang bola kaya hindi na kailangang habulin pa. Napalingon na lamang siya kay Aristhon nang iwasiwas nito ang kamay na pinasangga. Sinalubong din naman niyo ang kaniyang tingin. "Huwag ka nang magpasalamat. Hindi na kailangan," wika nito nang ibaba na nito ang kanang kamay. Pinatong nito iyon sa mesa't pinaglaro ang daliri na kaniya rin namang nakahiligang gawin kapag nababagot. "Hindi naman talaga," hirit niya rito. "Kahit sabihin mong magpasalamay ako hindi kita susundin." Ngumisi ito sa kaniya kaya ginantihan niya naman iyon ng kunot ang noo. Nailayo na lamang niya ang kaniyang mukha nang iangat nito ang kamay patungo sa kaniya. Hinabol pa rin naman nito ang kaniyang mukha kaya nagawa nga nitong pisilin ang kaniyang pisngi. Kinurot nito iyon na wala pa rin siyang nagiging reaksiyon. Mayroon tuloy sumasagi sa kaniyang alaala nang limang taong gulang pa lamang siya. Sa alala niyang iyon mayroong isang tao rin na kumukurot sa kaniyang pisngi katulad ng ginawa ni Aristhon. Hindi niya lang ang matandaan ang mukha ng lalaki, ang alam niya lang higit na nakatatanda ang lalaki sa kaniyang alaala. Sa kakaisip niya natulala na naman siya. Hindi na niya namalayan na bumitiw sa kaniyang pinsgi si Aristhon. Inilagay pa nito ang kamay sa harapan niya para pukawin ang kaniyang diwa. "Ayos ka lang ba? Ano bang problema mo?" ang naitanong pa nito na hindi niya naman nasagot. Bumalik lamang siya sa huwisyo sa pagsigawan ng mga presong nanonood. Nang mapagtanto niya kung ano ang nangyayari umayos na siya kaniyang kinauupuan. Ibinalik niya ang tingin sa mga naglalaro kaya nasaksihan niya ang mainit na labanan ng magkalabang team. Matagal na nanatili sa ere ang bola nang pagpasapasahan iyon ng mga naglalaro. Napansin siya sa gilid ng kaniyang mga na nakatititg sa kaniya si Aristhon. Sinulyapan niya ito dahil doon. Inalis niya ang atensiyon sa mga naglalaro. Ang mga mata nito nang sandaling iyon ay nangungusap. "Bakita ganiyan ka kung makatingin?" puna niya rito. Nanatili itong nakatitig sa kaniya. Hindi nag-aalalang magagalit siya. "Itatanong ko lang kung kailan ka pa naging inutil," walang pakundangan nitong sabi. "Dito mo pa talaga gustong pag-usapan kung saan maraming tao," mariin niyang sabi. "Gusto mo ba pumasok tayo sa isang kuwarto na tayo lang para mapag-usapan?" "Hindi. Ano ang pinagsasabi mo?" sabi niya naman nito na mayroong inis. "Hindi ko sasagutin ang tanong mo." "Bakit hindi?" Inilapit nito ang upuan sa kaniya kaya bumangga ang tuhod nito sa kaniyang tuhod. "Iyan ibulong mo na lang sa akin nang ako lang ang makakaririnig," dugtong pa nito. Inilayo niya ang tingin dito ngunit hindi naman ito nagpapigil. Hinwakan nito ang kaniyang mukha nang muli niya itong makaharap. "Ano ba?!" matigas niyang sabi. Hindi naman nito binigyang pansin ang galit niya. "Ano bang nangyari sa iyo nang bata ka?" pag-usisa nito. Nabinbin lang sa hangin ang naging katanungan nitong iyon sa hindi niya pagsagot dito. Inalis niya ang kamay nito sa kaniyang mukha't nanonood na lamang sa mga naglalaro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD