"A-Anong--" Napahinto ako sa nais kong itanong nang bigla kaming nakarinig ng ilang katok sa pinto. Kaagad naman akong kinabahan dahil sa maaaring alam na ng lahat na dito na naman ako natulog sa silid ni Sir Gabriel! At anong iisipin nila sa akin? Na sinasamantala kong sa kanya ako nagtatrabaho ngayon? My God, Rose! Bakit kasi dito ka na naman nakatulog? Sana ay lumabas ka na lang kaagad kagabi. Pero paano ko naman gagawin 'yon, eh nagpamasahe pa nga siya sa akin. Tapos hinalikan--h-hinalikan niya ako. Kaagad akong napasunod nang tingin sa kanya nang magtungo siya sa pinto. Ako naman ay biglang nataranta kaya't mabilis na lamang akong pumasok sa loob ng banyo dahil mas lalo pa yatang sasabog ang ihi ko ngayon! Bago niya tuluyang nabuksan ang pinto ay sakto ko namang naisara ang pint