"My chest too." "Ha?" Bigla akong napabalik sa huwisyo nang marinig ko ang sinabi niya. "A-Ano 'yon?" "I'll turn around." Nailayo ko ang mga kamay ko mula sa kanya nang bigla siyang kumilos. Tumihaya siya at muling nahiga ng maayos. Kaya naman ngayon ay lumantad na sa harapan ko ang malapad niyang dibdib at mamasel niyang mga braso. Gano'n din ang bato-bato niyang tiyan kahit pa ba medyo may kadiliman ang paligid. Ilang ulit akong napakurap habang nakatitig sa katawan niyang tila hinulma ng isang napakagaling na sculptor. Pakiramdam ko ay biglang uminit ang paligid at hindi ko malaman kung paano ko siya uumpisahang masahehin. Saang parte ko sisimulan? "What are you waiting for? Start with my arm, up." Biglang napaakyat ang paningin ko sa mukha niya nang magsalita siya. At hayan n