PROLOGUE
Hanna
"Hanna, nasaan ka na ba?"
Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla akong makarinig nang malakas na pagkabasag sa kanang bahagi ng madilim na silid na ito.
Tinakpan ko ng mahigpit ang bibig ko at pilit nilabanan ang takot na nararamdaman ko. Halos yumayanig na rin ang dibdib ko sa lakas ng kabog nito.
"Hindi ko alam na hide and seek pala ang gusto mo sa first night ng honeymoon nating ito. Hmmm ... it's challenging, baby. You keep me even more excited."
Kung noon ay kinikilig ako sa mga paglalambing niyang iyan, ngayon ay halos masuka na ako. Gumegewang din ang tinig niya dahil sa dami na rin nang alak na nainom niya kanina. At alam kong mas lalong maka-hayop siya ngayon dahil langong-lango na siya.
"Huwag mo naman akong pahirapan masyado, Wife. Baka mapagod ako sa kahahanap sa iyo at hindi na tumayo itong manoy ko na galit na galit na sa iyo."
Muli akong napapitlag nang marinig ko ang pamilyar na tunog ng latigo niya na inihataw niya sa hangin. Mas lalo akong nangatog sa takot at isa-isa nang pumatak ang mga luha ko sa pisngi.
Hindi ko alam na ganito pala ang sasapitin ko sa mga kamay niya matapos naming ikasal. Huli na ang lahat bago ko natuklasan ang maitim niyang mga lihim.
Si Rodrigue Jr. Lim ay anak ng isang tinitingalang Alcalde Mayor sa bayan na ito. Isang makisig, maginoo at napakabait na binata noong siya ay makilala ko, matapos niyang umuwi dito mula sa ibang bansa.
Kaagad nahulog ang loob ko sa kaniya kahit pa ba lapitin siya ng mga kababaihan sa bayan naming ito. Sino nga ba ang hindi? Halos lahat na yata nang hinahanap ng mga babae sa isang lalaki ay nasa kanya na. Perpekto.
Ngunit 'yon lang pala ang akala ng lahat.
Matapos naming ikasal sa kanyang ama na isang Mayor ay nadinig ko naman mula sa mga kasambahay ng mansion na ito ang lahat ng lihim niya. Ilang kababaihan ang natuklasan kong nakakulong sa bodega, sa ilalim ng mansion na ito at pinagpapasa-pasahan nilang mag-ama. Maging ang lahat ng mga kasambahay nila ay hindi nakakaligtas sa kanila.
Kung hindi man madaan sa pera ay hindi na sila nag-aatubili pa na tapusin ang mga buhay ng mga taong hindi marunong sumunod sa kanila. Ayon din sa kanila ay ang mag-ama ang siyang tunay na dahilan ng ilang mga kababaihang bigla na lamang nawawala sa lugar na ito.
Pinapatay at lihim na inililibing sa malawak nilang lupa sa likurang bahagi ng mansion na ito.
"Hanna!"
Muntik na akong mapasigaw sa gulat nang marinig ko na ang tinig niya sa malapitan. Mas lalo kong isiniksik ang katawan ko sa loob ng madilim na closet.
Oh, Diyos ko. Tulungan niyo po ako. Iligtas niyo po ako sa lugar na ito. Parang awa niyo na po.
"Baby naman. Saan ka ba kasi nagtatago? Naiinip na akong makita ka." Muling lumambing ang tinig niya habang nararamdaman ko ang bawat paghakbang ng kanyang mga paa sa sahig at bawat pagtama ng hawak niyang latigo sa kung saan-saang mga bagay.
Pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng hangin at mawawalan na ako ng ulirat sa mga sandaling ito. Nahiling ko na kung panaginip lang ito, pakiusap! Pakigising na po ako! Parang awa niyo na!
"I'll count to three, baby. I know you can hear me. Mahahanap din kita at alam mo na ang kapalit nito."
Pinagpawisan na ako ng malapot nang maaninag ko na ang anino niya mula sa mga siwang ng pinto ng closet.
"One..."
Mas lalo akong sumiksik sa sulok at mas hinigpitan pa ang pagkakatakip ng palad ko sa bibig ko. Napahinto naman ako nang may masagi ang isa kong kamay sa gilid ko na tila mga babasaging bote.
Maingat ko itong kinapa at tuluyang hinawakan. Hindi ko naman makita kung anong klaseng mga bote ito dahil sa kadiliman.
"Two. You can't hide from me anymore, my wife. Get ready in return."
Tuluyan na akong nanigas nang tumapat na ang katawan niya sa closet na pinagkukublihan ko.
"Two and a half. Are you here? I can hear your breathing, baby." Mas lalo pang lumambing ang tinig niya.
Humigpit naman ang pagkakahawak ko sa mabigat na boteng nadampot ko.
"Hindi mo alam kung gaano kasarap ang gagawin natin kaya't lumabas ka na d'yan!"
"Aaaahh!!!" napasigaw na ako sa gulat at takot nang bigla niyang binuksan ang pinto ng closet at bumulaga siya sa harapan ko.
"Come here, baby." Kaagad niyang nahagip ang braso ko at malakas akong hinatak palabas ng closet.
"Bitawan mo ako! Tulong!" Tinangka kong manlaban at inihampas sa kanya ang boteng hawak ko ngunit nakatanggap lamang ako ng malakas na sampal mula sa kanya kasabay nang pagbitaw niya sa braso ko kaya naman napasalampak ako sa sahig.
Halos mabingi ako at nagmanhid ang pisngi ko sa lakas nang pagkakasampal niya. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa at muli niyang paghakbang palapit sa akin.
"Huwag! Parang awa mo na, huwag mo akong sasaktan!" napasigaw ako nang bigla niyang ihataw sa sahig ang hawak niyang latigo.
Ngunit mas lalo lamang lumakas ang pagtawa niya, na animo'y isang demonyo ang taong nasa harapan ko ngayon. Hindi ko na siya kilala. Hindi na siya ang lalaking minahal ko!
"Ganito kasi ang gusto ko sa mga babae. Palaban. Mas lalo kasi akong nacha-challenge."
Sa takot ay dahan-dahan akong gumapang paatras mula sa kanya hanggang sa may mahawakan akong matigas na kahoy sa likuran ko.
"Hinding-hindi ka na magtatagumpay pa na makuha ako! Idadagdag mo lang pala ako sa mga collection mo!" sigaw ko sa kanya bago ko mabilis na inihataw sa binti niya ang kahoy na nahawakan ko.
"Aaah!!! f**k!" Namilipit naman siyang bigla sa sakit.
Sinamantala ko ang pagkakataong 'yon at mabilis akong tumayo. Tumakbo ako palayo sa kaniya sa madilim na silid na ito.
"Bumalik ka dito, babae! Mananagot ka sa akin!"
Ngunit muli akong binalot ng matinding takot nang maramdaman ko rin ang mabibilis niyang mga yabag palapit sa akin.
"Tulong!" Hindi ko na napigilan pa ang sumigaw habang patuloy ako sa pagtakbo hanggang sa makarating ako sa pinto.
Ngunit halos huminto ang mundo ko nang hindi ko ito mabuksan.
"Halika dito!"
"Hindi!" Muntik na niya akong mahawakan nang mabilis akong nakatakbo patungo sa isang nakabukas na bintana.
Dahil sa matinding takot ay nawala na ako sa sarili ko. Walang pag-aatubili akong umakyat sa bintana at tumalon sa labas nito.
"Hanna!!!"
Saglit akong lumutang sa hangin at bago pa ako bumagsak sa kung saan ay napabalikwas na ako ng bangon mula sa kinahihigaan ko habang habol ko ang aking paghinga.
Nanginginig ang buo kong katawan sa takot at sakit kahit ibang silid na ang bumungad sa akin.
Isang Shelter ang nagkupkop sa akin matapos kong makalayo sa impiernong lugar na iyon.
Ngunit dala-dala ko pa rin magpahanggang sa ngayon ang madilim kong kahapon dahil sa nasira kong mukha, upang hindi lang nila ako mahanap pa kailanman.