Pag-uwi namin sa Shelter ay tuwang-tuwa ang mga bata sa mga pasalubong namin. Disiplinado naman sila kaya't hindi naman sila nag-agawan sa mga ipinamili namin sa kanila. Nabigyan silang lahat ng mga laruan, mga damit, sapatos, tsinelas at mga school supplies habang sila ay nakapila sa aming harapan. P'wera na lang sa mga sasakyan na kailangan nilang maghiraman. At siyempre, hindi ko rin nakalimutang bilhan ng mga damit at sapatos ang mga kaibigan ko. Binilhan din ako ni Rod at nakigaya na rin si Sir Gabriel. Binantaan pa niya ako na huwag na huwag ko raw isusuot ang kahit anong bagay na galing kay Rod. Wala din naman akong planong isuot ang mga iyon kaya ipinamigay ko na lang din sa mga kaibigan ko, kasama ng mga ipinamili ko sa kanila. Hindi magkamayaw naman sa pasasalamat si tita G