CHAPTER 7: Rose

1949 Words
"Excited na ako para sa reynahan!" Gerlyn. "Ako rin! Sana mapili tayo!" Eden. "Siguradong mapipili tayo niyan! Sinabi na nga ni Rod my labs ko kanina, eh." Eloisa. Lihim akong napangiwi sa mga nakikita kong kilig at excitement mula sa mga kasama kong kababaihan. Kasalukuyan na kami ngayong naririto sa silid namin upang maghanda na para sa pagtulog. "Saan naman kaya tayo kukuha ng mga gown niyan?" tanong din ni Sol na kalalabas lang ng banyo. "Siguro naman, libre na nila 'yon, no? Alam naman nilang dito lang tayo sa Shelter nakatira," sagot ni Mila. "At saka, sila naman ang nag-invite sa atin kaya malamang, sagot na nilang lahat 'yon." Karen. "Sino kaya ang magiging kapareha natin? Sana nag-invite din sila ng mga pogi!" Cora. "Malay mo, isa sa atin ang mapili ni fafa Rod!" Gerlyn. "Oh, baka sumali din si Papa Gabriel ko!" Eloisa. "OMG! Excited na talaga ako!" sigaw ni Eden na may kasama pang paglukso sa ibabaw ng kama niya. Lihim na lang akong napailing at itinutok na lang muli ang sarili ko sa pagbabasa ng libro. Isang story na isinulat ni Miss Jhunababy at pinamagatang Mister Arrogant.  Naging interesado ako sa story na ito dahil sa ang female lead sa story na ito ay katulad kong nagbalat-kayo o nagpalit ng anyo upang hindi makilala ng mga taong pinagtataguan niya. Pinagtaguan niya ang lalaking dapat ay ipapakasal sa kanya dahil sa may iba siyang iniibig na makisig na binata. Parehong manyakis ang mga lalaking pinagtataguan namin. Ang kaibahan nga lang, kasal na ako samantalang siya ay ikakasal pa lang. Malaya pa siyang umibig sa iba at gawin ang mga gusto niya. Eh, ako? Ano pa ang magagawa ko? Isang taon na akong nakatali sa lalaking minahal ko ng totoo ngunit niloko lang ako. Wala na akong tiwala pa sa mga katulad nila... mga mapagpanggap. "Ikaw, Rose? Handa ka na rin ba?"  Bigla akong napalingon kay Eloisa dahil sa sinabi niyang 'yon. Bigla ring natahimik ang lahat at hindi inasahan ang tanong niyang 'yon. "Ahm..." Hindi ako nakasagot dahil hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin. Napansin naman ni Eloisa ang pagtitinginan sa isa't isa ng aming mga kasama. "B-Bakit? M-May mali ba sa tanong ko? P-P'wede naman siyang sumali, 'di ba? Wala naman 'yan sa panlabas na kaanyuan," ani Eloisa sa kanila. Ngunit mas lalo pa silang natahimik sa sinabi niyang 'yon. "Oy, wala akong ibang intensiyon, ha. Gusto ko lang sana, lahat tayo makasali. Friend naman natin si Rose. Mas nakaka-ano naman kung iiwan natin siya, 'di ba?" Napansin kong parang iiyak na si Eloisa. Kaagad ko siyang nginitian. Ramdam ko naman ang sinseridad sa kanya. Lumapit kaagad siya sa akin at yumakap mula sa likuran ko. "Sorry, Rose. Wala akong ibang ibig sabihin do'n, ha." "Ano ka ba? Wala naman 'yon sa akin. Alam ko naman 'yon. Okay lang, wala naman sa plano ko talaga ang sumali. Alam mo naman 'yong mga tao sa labas. Baka ma-bush-bush pa at ma-pash-pash 'yong Mayor natin nang dahil sa akin." Binigyan ko siya ng malawak na ngiti. Natawa din naman siya at gano'n din ang iba pa bago lumapit sa akin at yumakap din. At dito sa eksenang ito ako naiyak.  Talagang nakahanap ako ng mga totoong kaibigan dahil tanggap nila ako sa kabila ng hitsura ko. Kahit may pagkakerengkeng din sila at maaarte kung minsan, ni minsan naman ay hindi ko naramdaman na pinandirihan nila ako. "P'wede ka namang sumali. Magsuot ka ng masquerade mask!" ani Sol na ikinamilog ng mga mata ng mga kasama ko. "Bongga!" sigaw ni Eden na may kasama pang pagpalakpak ng malakas. "Ang galing ng idea mo, Sol!" sang-ayon din ni Cora. "Tama! Then ang isuot mong gown, 'yong matatakpan ang lahat ng parte ng katawan mo. Meron naman no'n, 'di ba?" ani Eloisa na tila mas na-excite pa. "Whoaa! Siguradong magiging center of attraction ka, no'n!" bulalas naman ni Karen. "Hindi ba center of attention 'yon?" pagtatama naman ni Mila. "Gano'n na rin 'yon!" Natawa na lang ako sa sinabi nila pero, hindi pa rin siguro. Tama si Mila, magiging center of attention lang ako do'n. Baka mas lalo ko pang makuha ang interest ng mag-amang demonyo at kilalanin lang ako. Baka maungkat ding bigla kung saan talaga ako nagmula.  Walang nakakaalam kung sino talaga ako dahil ang pagkakaalam nila ay wala akong maalala na kahit ano. Sa tabing-dagat lang din ako nakita ni tita Grace at napagkamalang walang malay ngunit ang totoo ay nagpapahinga lang ako doon dahil wala na akong iba pang mapuntahan. Sinakyan ko na lang ang lahat kaya ngayon ay malaki ang kasalanan ko sa kanila. Itinago ko ang buong pagkatao ko sa kanila at kung minsan ay hindi ko mapigilang makunsensiya lalo na sa tuwing pinapakitahan nila ako ng kabutihan. "Sige na, Rose, pumayag ka na! Kami na ang bahala sa iyo!" pagkumbinse sa akin ni Eloisa habang ginagapos niya ang mahaba kong buhok sa kamay niya.  "Kayo na lang. Ako na lang ang kukuha ng mga larawan niyo. Dadamihan ko pa. Hihiram tayo kay tita Grace ng camera," nakangiti ko namang sagot sa kanila.  Ngunit sabay-sabay namang lumungkot ang kanilang mga hitsura. "Malay mo, Rose ikaw pa pala ang maging Queen of the night," ani Gerlyn. "Naku, malabong mangyari 'yon. Sa inyo na, ibinibigay ko na sa inyo. Siguradong magkaka-interes lang ang madlang people na makilala ako. Nakakahiya lang." "Naku, ha. Huwag mong pansinin 'yang mga mapanghusgang mga tao na 'yan. Ke-iitim naman ng mga singit nila! Walang-wala 'yon sa singit mo!" Natawa naman ang lahat sa sinabing iyon ni Sol. "Patingin nga ulit ng kili-kili mo." Bigla namang itinaas ni Eloisa ang kaliwa kong braso. "Wala!" Ngunit kaagad ko iyon inipit. Maputi naman ang kili-kili ko pero nahihiya ako sa kanila. "Sige na, patingin!" Dinumog na rin ako ng mga kasama ko at pilit itinaas ang mga braso ko. Hanggang sa kilitiin na nila ako. "Tama na!" Napuno ng halakhakan at harutan ang buong silid namin. Sumakit ang tiyan ko sa katatawa at gano'n din sila. Isa pa rin ang mga gabing ito na hinding-hindi ko makakalimutan kasama sila. Napakababait nila. Sana ay makasama ko pa sila ng matagal.  Sa pagkakaalam ko kasi ay hindi na mabilang ang mga tumira na sa lugar na ito. Ngunit umaalis din dahil karamihan sa kanila ay may umaampon, nakakapangasawa at ang iba ay nagtutungo ng Manilo siyudad upang magsarili na sa buhay nila.  Naalala kong bigla si ate Honey, ang asawa ni Sir Geoffrey. Nasabi niyang dito rin siya dati nakatira ngunit ngayon ay may asawa na siyang napakaguwapong half-British and half-filipino. Nakilala ko kanina si Sir Geoffrey at napakabait din niya. Palagi siyang nakangiti at nasa tabi ni ate Honey. Siguro nga, mababait naman silang lahat. Hindi naman siguro mag-iiba ang ugali ni Sir Gabriel sa kanilang pamilya pero...bestfriend pa rin niya ang demonyo kong asawa kaya hindi pa rin ako p'wede pakampante. KINABUKASAN ay naalimpungatan ako dahil sa pakiramdam na para bang may humahalik na naman sa labi ko. May nalalanghap akong mabangong amoy ng cologne ng lalaki at presensiya niyang napakalapit lang sa akin.  Nagsimulang lumakas ang kabog ng dibdib ko at natatakot na akong idilat ang aking mga mata. Pakiramdam ko ay hindi ito panaginip, parang totoo na 'to. Gumagalaw ang labi niya at nararamdaman ko ang marahan niyang pagsipsip sa ibabang labi ko. Kaagad din itong huminto at pinakawalan ang labi ko. Naramdaman ko ang mahinang hangin na dumampi sa mukha ko na kaagad ding naglaho. "Hey, Rose! Good morning! Gising na po, maligo ka na!" Naidilat kong bigla ang mga mata ko nang marinig ko ang sigaw ni Sol. Nakita kong nakatapis siya ng tuwalya at may saklob ding tuwalya ang ulo niya. Basa pa ang leeg at mga braso niya na halatang katatapos lang maligo.  Kaagad akong napabangon at hinawakan ang labi ko. Bumaba rin ang paningin ko sa katawan ko. Iyon pa rin naman ang suot ko. Pero ramdam na ramdam ko talaga, eh. May humahalik sa akin, ang bango-bango pa niya. "Ahm, S-Sol, m-may pumasok ba dito? K-Kanina ka pa ba d'yan?" "Ha? Bakit? Bumangon ka na. Nasa labas na silang lahat. Nananaginip ka pa yata, eh." Nagtungo na siya sa drawer niya at humalungkat ng mga damit doon. Tinanaw ko ang pinto at nakita kong naka-lock naman iyon.  Tsk. Panaginip na naman ba? Haayst! Bakit ba ako nag-iisip na may hahalik sa akin? Ang pangit-pangit kong ito! Hindi naman siguro multo 'yon, no? Kainis! Kaagad na lang akong bumaba ng kama ko at mabilis itong inayos. Binitbit ko ang dalawang tuwalya ko at pumasok sa banyo. Mabilis akong naghubad ng mga suot kong damit at inumpisahang maligo. "Mauuna na ako sa baba, ha?" dinig kong sigaw ni Sol mula sa labas. "Oo! Mauna ka na! Malapit na akong matapos!"  "Sige!" Nadinig ko ang pagbubukas-sara ng pinto. Siguradong nakalabas na siya.  Mabilis ko nang tinapos ang paliligo ko.  Matapos ay kinuha ko ang mga tuwalya ko at itinapis sa katawan ko ang isa. Ang isa naman ay para sa buhok kong napaka-kapal at ang haba ay umabot na sa mga hita ko. Matagal na akong hindi nagpapagupit dahil ginagawa ko itong pangtabon sa mukha ko. Ngunit nasa kalagitnaan ako nang pagtatapis ko nang may maramdaman akong mahinang kaluskos mula sa labas ng banyo. Bigla akong napahinto at pinakiramdaman ang nangyayari sa labas.  Bumalik ba si Sol? May mga kasama ba akong pumasok sa silid namin? Hindi ko naman narinig na bumukas ang pinto. Umiingit kasi iyon ng malakas sa tuwing bumubukas-sara. Muli akong nakarinig ng kaluskos na siyang ikina-kaba ko na. Nakaramdam na ako ng kakaibang takot sa dibdib ko at nagsisimula nang manayo ang mga balahibo ko sa katawan.  Hindi kaya multo nga iyon? Siya kaya ang humahalik sa akin? Baka kapre o tikbalang! Oh, hindi! "M-May tao b-ba d'yan?!" sigaw ko kahit nagkakandautal na ako sa sobrang kaba. At kahit nangangatal ang katawan ko ay dinampot ko pa rin ang pangbomba ng inidoro.  Isinundot ko muna ito sa butas ng inidoro bago ko muling binitbit. Mahiwagang sandata ko ito kapag nagkataon. Hindi sasantuhin ng pangbomba kong ito ang mukha niya! Kahit sino pa siya! Muli akong nakiramdam sa labas ngunit hindi ko na marinig pa ang kaluskos. Hinawakan ko na ang seradura ng pinto. Pakiramdam ko ay ang lamig-lamig niyon at mas lalo pa akong pinanlalamigan. Dahan-dahan ko na itong pinihit habang nakahanda sa harapan ko ang pangbomba ng inidoro.  "K-Kung sino ka man, m-may bomba akong dala!" sigaw kong muli at naghintay ng sagot niya. Ngunit lumipas na ang ilang sandali ay wala akong narinig.  Tuluyan ko nang binuksan nang napakaliit na siwang ang pinto habang nakahanda sa harapan ko ang mahiwaga kong sandata. Unti-unti akong sumilip sa labas ngunit wala akong makitang tao doon. Naka-lock din naman ang pinto sa kaliwang bahagi. Oh, Diyos ko! Multo nga yata 'yon! Kaagad akong napa-sign of a cross sa dibdib ko bago ko tuluyang nilakihan ang pagkakabukas ng pinto. Inilitaw ko na nang tuluyan ang mukha ko sa labas at sinuri ang lahat ng sulok ng silid namin. Wala namang tao! Eh, sino 'yon?! Tuluyan na akong lumabas ngunit bigla akong napahinto nang may madaanan ang mga mata ko sa ibabaw ng kama ko. Ano 'yon? Nakita ko doon ang librong binabasa ko ngunit napansin ko ang isang rose na nakalagay doon. Kaagad ko iyong nilapitan. Nakita kong nakasiksik ang sanga ng isang rose sa loob ng libro. Binuksan ko ito at kinuha. Napansin kong doon ito nakasiksik sa chapter kung saan nasa parlor ang leading lady at nagpapalit na ng anyo. Nalampasan ko na ang chapter na ito. Sino naman kaya ang naglagay nito dito?  Si Sol ba? Haayst! Mababaliw yata ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD