CHAPTER 4: Traveling Bag

1836 Words
Hanna Rose Kaagad kong nailapat sa dibdib ni Sir Gabriel ang mga palad ko upang maging lakas ko na makabangon at makawala mula sa pagkakayakap niya sa akin. Ramdam ko ang katigasan ng mga masel niya sa dibdib at tibay ng mga braso niya ngunit kusa na rin namang kumalas ang mga ito sa akin. Mabilis akong tumayo at inayos ang bandana ko sa katawan ko. Isinaklob ko itong muli sa ulo ko at tinakpan ang mukha ko, gano'n din ang mga braso ko. "Anong nangyari dito? Rose."  Napasugod naman dito sa loob si tita Grace, gano'n na rin ang mga kasamahan namin. Gulat na gulat sila habang nakikita nilang tumatayo si Sir Gabriel mula sa pagkakatihaya nito sa sahig. "Nasaktan ka ba, iho? Ano bang nangyari?" Kaagad na lumapit si tita Grace sa kanya at sinuri ang katawan niya. "I'm okay, tita. Don't worry." "What happened?" Pumasok na rin dito sa loob si tita Geolina at bakas ang pag-aalala sa mukha at kilos niya. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ng anak niya. "It's alright, mom. Natabig ko kasi 'yong kaserola na may mainit na soup at muntik na ring mapaso itong si Rose," sagot ni Sir Gabriel na siyang ikinanganga ko. Bakit siya nagsinungaling? Ako naman talaga ang nakatabig at hindi siya.  Mula naman sa peripheral vision ko ay napansin ko ang pagtitig sa akin ni Rod habang nananatili siya sa kinatatayuan niya at nakapamaywang. Muli akong napayuko upang matakpan muli ang mukha ko. "Okay ka lang ba, Rose?" Lumapit naman sa akin si tita Grace at hinawakan ako sa braso. "O-Okay lang po, tita. Pasensiya na po," napakahina kong sagot upang hindi marinig ni Rod ang tinig ko.  "Magpahinga ka na muna. Alam kong napagod ka dahil namalengke ka pa kanina at tumulong sa pagluluto. Teka, kumain ka na ba?" "B-Busog na po ako." Kahit kumakalam naman na talaga ang sikmura ko, para lamang makaalis na ako sa harapan nilang lahat. "Oh, sige na. Magpahinga ka na muna sa silid niyo. Kami na ang bahala dito." "Salamat po, tita Grace."  Yumuko ako sa kanilang lahat bago ako tuluyang tumalikod at lumabas sa likurang bahagi ng kusina. Kahit may mas malapit naman sanang daan sa kabilang pinto ay hindi ko ginawa dahil naroroon si Rod at ayokong mapadikit sa kanya. Pagdating ko sa labas ay mabilis akong umikot sa buong gusali patungo sa harapan kung saan naroroon ang isa pang pinto. Natigilan naman ako nang matanaw ko ang ilan sa mga tao ni Rod na nakatambay sa isang itim na kotse dito sa loob ng bakuran. Nakaramdam ako ng kaba nang lumingon sila sa akin at tumitig. Kaya mabilis na akong pumasok sa pinto at kaagad na tinungo ang hagdan paakyat sa ikalawang palapag kung saan na roroon ang mga silid namin. Tahimik ngayon sa bawat silid na nadaraanan ko dahil ang iba sa mga batang naririto ay nasa klase, sa kabilang bahagi ng gusaling ito. May mga guro na nagtutungo dito at nagtuturo sa mga estudyante ng libre. Mayroon ding mga pastor na nagtuturo ng tungkol sa mga bibliya. Pumasok ako sa isang malawak na silid kung saan may nasa fifteen bilang ng single bed. Silid namin ito ng mga kasama ko kanina sa kusina at iba pang kasama namin dito na nakakatanda sa lahat. Ang mga batang kasama naman namin dito na nagsisimula sa edad dalawa paitaas ay umaabot sa twenty five bilang. Karamihan sa kanila ay napupulot lang sa kalsada o sa iba't ibang lugar. Ang iba ay nadadatnan na lamang sa labas ng gate ng Shelter. Hindi ko alam kung bakit naaatim ng ibang mga magulang na ipamigay na lang ng basta-basta ang kanilang mga anak at ipaalaga sa ibang tao. Ano nga ba ang mga rason nila na dapat ay katanggap-tanggap sa lipunan? Napahinga na lang ako ng malalim at nagtungo sa cabinet ko. Kumuha ako ng ilang piraso ng damit bago pumasok sa loob ng banyo. Maliligo na lang muna ako bago magpahinga dahil nanlalagkit na ang katawan ko. Pagpasok sa loob ay inumpisahan ko nang hubarin ang lahat ng saplot sa katawan ko. Nakikita ko naman sa isang malapad na salamin ang sarili ko. Ang bawat pilat sa mga braso ko, leeg at mukha dahil sa nangyaring pagkasunog ng balat ko gamit ang matapang na asido. Bumalik bigla sa alaala ko ang nakaraan matapos kong tumalon sa bintana ng silid ni Rod.  Bumagsak ako sa lupa at nagpagulong-gulong. Namilipit ako noon sa sakit at hindi kaagad nakahinga. Ngunit nang marinig ko ang tinig ni Rod mula sa 'di kalayuan sa madilim na mansion ay bigla akong sinapian ng lakas at kaagad nakabangon.  Marahil ay dahil sa tindi ng takot na nararamdaman ko noong mga oras na iyon. "Hanna! Find her, moron!"  Nararamdaman ko ang hindi lang iisang yabag kundi dalawa, tatlo, apat hanggang sa dumarami na sila. Nangapa ako sa madilim na paligid. Ilang beses natalisod ang mga paa ko sa mga nakausling ugat ng mga punong nadaraanan ko. Ilang ulit akong nadapa at ramdam ko ang bawat kirot sa mga tuhod ko sa tuwing bumabagsak ang mga ito sa mga matatalas na bagay.  "Hanna!!!"  Ngunit hindi ako nawalan ng lakas na muling bumangon at magpatuloy sa pagtakbo, lalo na sa tuwing naririnig ko ang tinig ng asawa ko sa 'di kalayuan. Hanggang sa nakarating ako sa isang bodega. Pumasok ako sa loob at naghanap ng matataguan hanggang sa natagpuan ko ang lugar kung saan naroroon ang mga asidong nakaimbak. Noong mga sandaling 'yon ay nawala na ako sa tamang pag-iisip, kundi ang tanging alam ko lang ay makawala na ako sa landas niya. Kahit ano ay gagawin ko makalayo lang sa kanya. Bitbit ang dalawang bote ng asido ay muli akong lumabas ng bodega at tumakbo patungo sa dulong bahagi kung saan may mataas na gate. Pinilit kong makaakyat sa rehas na gate kahit magkada-punit-punit pa ang damit ko.  "Ayon! Sir, 'ando'n si Ma'am Hanna!"  Kumabog ng husto ang dibdib ko nang matanaw nila ako at kaagad tinutukuan ng mga flashlight nilang dala. Dahil sa pagkataranta ko ay kaagad na akong tumalon sa lupa hanggang sa magpagulong-gulong na naman ako ngunit hindi ko binitawan ang mga bitbit kong asido. Nakarating ako sa masukal na kagubatan. Hindi ako tumigil sa pagtakbo hanggang sa makarating ako sa isang bangin kung saan may tubig sa ibaba. Sa 'di kalayuan ay naroroon ang falls.  "Hanna!!" Napatalon ako sa gulat nang makarinig ako ng nakabibinging putok ng baril. Dahil doon ay nawalan ako ng balanse at tuluyang nahulog sa bangin. Lumutang ako sa hangin at bumulusok paibaba. "Hindi...Nay...Taaaay!!!" naisigaw ko na lang kasabay nang pagpatak ng mga luha ko sa pisngi bago ako tuluyang bumagsak sa tubig. Nilamon ako ng ilog hanggang sa kailaliman. Pigil-pigil ko ang aking paghinga. Ipinagpapasalamat kong marunong akong lumangoy kaya kaagad din akong kumampay paahon sa ibabaw. Isang bote na lang ng asido ang hawak ko dahil hindi ko namalayang nabitawan ko na pala ang isa. Paglutang ko sa ibabaw ng tubig ay kaagad akong napahigop ng maraming hangin. Kaagad akong lumangoy patungo sa liblib na bahagi nang maulinigan ko ang mga boses sa itaas ng bangin.  "Hanapin niyo!!! Don't ever f*****g stop!" tinig ni Rod ang narinig kong nangingibabaw sa lahat. Nagpadala ako sa agos ng tubig sa gilid na bahagi kung saan hindi kaagad ako mapapansin.  Ilang oras ang lumipas hanggang sa tuluyan na akong makalayo sa kanila.  Hinang-hina akong sumampa sa isang liblib na pangpang. Napahiga ako sa buhanginan habang habol ang aking paghinga. Doon ko naramdaman ang lahat ng sakit sa katawan ko lalong-lalo na ang pagkawasak ng puso ko. Hindi ko akalaing mararanasan ko ito sa buhay ko. Hindi ko akalaing isa pa lang sumpa ang mahulog sa isang Rodrigue Jr. Lim.  Pinagsisisihan ko ang araw na nakilala ko siya. Ang unang araw na tumibok ang puso ko para sa kanya. Gusto kong makalimutan ang lahat ng iyon.  At upang tuluyan na akong maglaho sa bayan na ito. Binuksan ko ang bote ng asido at ibinuhos sa mukha ko. Simula ngayon ay wala ng Hanna Albarico ang mag-e-exist sa mundong ito. Hinding-hindi na ako makikilala pa ng lahat. Sumigaw ako nang pagkalakas-lakas dahil sa walang kapantay na sakit na naramdaman ko. Nabitawan ko ang bote at bumagsak sa lupa. Tumalbog iyon kaya naman tumilamsik pa rin sa mga braso ko ang laman niyon. Gumapang ako sa buhangin patungo sa tubig. Hindi ako nakahinga at halos mawalan ako ng ulirat. Pakiramdam ko ay katapusan na ng buhay ko.  Gusto ko nang wakasan ang buhay ko ngunit biglang sumagi sa isipan ko ang mga magulang ko, nakangiti at nakatitig sa akin. "Tatay, Nanay!!!" napahagulgol ako kasabay nang paglusong ko sa tubig at muling magpatangay sa agos nito paalis sa lugar. Tuluyan na akong nawalan noon ng malay at natagpuan ko na lang ang sarili ko sa hindi ko kilalang lugar. Napahinga ako ng malalim bago sinimulan ang paliligo, ngunit hindi ko pa rin mapigilan ang mapatulala at mapaisip ng malalim. Muli kaming nagharap ngayon dahil sa ilang bisitang dumating. Muling pinagtagpo ang tadhana naming dalawa at hindi ko alam kung saan ito mapupunta.  Bestfriend niya ang lalaking naka-ingkuwentro ko sa palengke at anak ng kaibigan ni tita Grace. Hindi ba ito coincidence lang? Nagkataon nga lang ba? At ngayon ay hindi ko alam ang ibig sabihin nang mga pagtitig niya sa akin at paglapit niya sa akin. Sana ay sandaling panahon lang ito. Sana nga ay hindi sila magtagal sa lugar na ito dahil natatakot ako sa mga susunod pang mangyayari. Kailangan ko silang iwasan. Matapos kong maligo ay kaagad na rin akong lumabas ng banyo at mabilis na nagbihis. Ngunit napalingon ako sa bintana nang makarinig ako mula sa labas ng busina ng sasakyan. Kaagad akong nagtungo doon at sumilip sa ibaba kung saan makikita ang malaking gate ng Shelter. Natanaw ko ang isang pulang kotse na pumapasok ngayon sa loob ng bakuran. Sino naman kaya ito? May bago bang bisita? Huminto ang pulang kotse sa tabi ng itim na kotse ng mga tao ni Rod at bumaba mula doon ang isang makisig na lalaking hindi nalalayo ang hitsura sa mga taong bisita namin ngayon. Nakasuot siya ng tinted sunglasses kaya hindi ko siya mamukhaan at talagang hindi ko rin naman siya kilala. Parang ngayon ko lang siya nakita sa lugar na ito. Umikot siya sa kabilang pinto ng kotse niya ngunit nauna na itong bumukas at lumabas naman mula doon ang isang napakagandang babae. Inalalayan niya ito bago isinara ang pinto. Mga bisita nga. Napansin ko ang isang traveling bag na inilabas ng lalaki mula sa likod ng kotse. Hindi nagtagal ay nakita kong sumalubong sa kanila si Sir Gabriel.  Hinubad na ng lalaki ang suot nitong sunglasses kaya naman ngayon ay natatanaw ko na ang napakaguwapo din nitong mukha at napakagandang mga mata. Malaki ang pagkakahawig nila ni Sir Gabriel at ng ama nila. So, kapatid niya rin ito? May bag pang dala. Sila din ba? So, ang ibig sabihin ay magtatagal talaga sila dito? Oh, hindi. Paano na?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD