Hanna Rose
"Ikinagagalak namin ang pagdating niyo, Sir Rodrigue. Please sit down," alok ni tita Grace sa kanya bago niya ito inalalayan na tuluyang makapasok dito sa loob ng hapagkainan.
Nanigas na ako ng tuluyan mula sa kinatatayuan ko at natatakot akong sa paggalaw ko ay maagaw kong bigla ang atensiyon niya at bigla siyang lumingon sa akin.
Malayong-malayo na ang hitsura ko ngayon kaysa noon dahil sa nasira kong mukha at maraming pilat sa katawan ngunit 'yong takot sa dibdib ko ay naririto pa rin at nananatiling nakatago.
"Thanks, tita but just call me Rod. Sir is too formal," nakangiti niyang sagot kay tita Grace na parang isang napakabait na tupa.
At kung kalilimutan ko lang ang mga bagay na natuklasan ko sa pagkatao niya, patuloy pa rin akong hahanga sa kanya hanggang sa ngayon. At patuloy pa rin akong umiibig at nababaliw sa kanya.
Litaw na litaw pa rin ang angkin niyang kakisigan at kaguwapuhan na tila hindi man lang nabawasan kahit isang taon na akong nawala sa buhay niya.
Alam kong pinakikilos pa rin niya hanggang sa ngayon ang mga tao niya upang mahanap ako. Kailan nga lang ay isa pa ako sa napagtanungan nila habang hawak nila ang isa sa mga larawan ko. Ang balita ko ay umabot na rin sila sa Maynila.
"It's good that you came here too, Iho. How are you and your father?" tanong ni Mister Fairford sa kanya, ang haligi ng pamilya. Lumapit din sa kanya si Rod at nakipag-shake hands. Saglit din silang nagyakap.
"He's okay, tito. They're really busy with politics right now since the election is coming up. Pero hayaan niyo, I'll let him know you're here. Hey!" bati din niya sa dalawang naggagandahang dalaga kasabay nang paglapit niya rin sa mga ito.
Saglit din silang nagyakapan at humalik sa pisngi ng isa't isa. Napayuko ako at napalunok nang biglang lumarawan sa isipan ko kung paano niya ako noon hagkan at yakapin.
Nagtataka lang ako dahil sa kabila ng mga nalaman ko tungkol sa kaniya, naalala kong ni minsan ay hindi niya ako pinilit na galawin noon at wala ring pananamantala ang ginawa siya sa akin habang fiance ko pa lang siya.
'Yong unang gabi ng honeymoon namin, doon ko pa lang sana unang mararanasan ang makipagtalik ngunit huli na. Doon ko rin natuklasan ang mga lihim niya, nila ng kanilang ama sa lahat, sa buong bayan ng Sta Clara.
"Hello, Kuya!"
"Mukhang pumayat ka?" puna sa kanya ng mga ito.
"Work out," nakangising sagot ni Rod sa kanila habang ipinagmamayabang ang isa niyang braso. Kitang-kita namin ang paglaki niyon at pag-firm.
"That's good, Iho. Huwag mo pa ring pababayaan ang sarili mo anuman ang pagsubok o problema ang dumating sa atin," magiliw na sabi naman sa kaniya ni Ma'am Geolina.
Napansin ko ang biglang paglungkot ng mukha ni Rod at pagbabagong bigla ng timpla niya. Para bang may pinagdadaanan siya ngayong mabigat na bagay.
Ayokong isipin na dahil sa akin iyon dahil hinding-hindi ako maniniwala sa kanya. Siguradong hindi na mabilang na mga babae ang natikman niya matapos kong lumayo sa kanya.
"Maupo ka na, Iho. Mga anak, maglabas pa kayo ng plato para sa anak ni Mayor at saka, 'yong masarap na dessert na ginawa niyo para sa kanila, ilabas niyo na rin," baling sa amin ni tita Grace at dahil doon ay lumingon sa amin ang ilan sa kanila, kasama na nga si Gabriel at Rodrigue na siyang mas ikinakabog ng husto ng dibdib ko.
"Opo, tita Grace," halos sabay-sabay na sagot ng mga kasama ko ngunit ako ay mabilis nang tumalikod bago pa man tumama sa akin ang mga mata ni Rod.
"Hey, wait!"
Ngunit muli akong napahinto habang ang mga kasama ko ay muling humarap sa kanila sa pagtawag na iyon ni Rod. Mas lalo pang dumagundong ang kaba sa dibdib ko at hindi ko malaman kung haharap din ba ako sa kanila o hindi.
"Ano 'yon, Iho? May kailangan ka pa ba?" dinig kong tanong ni tita Grace.
Kahit nangangatog na ang mga tuhod ko ay bahagya pa rin akong lumingon sa kanila. Hinila ko paitaas ang dambanang nasa leeg ko at isinaklob muli sa ulo ko upang mas matakpan ang mukha ko. Bahagya ko ring ikinubli ang sarili ko sa likod ni Sol, isa sa mga kaibigan ko.
"By the way, tita, Dad told me that you have a lot of beautiful women here in your Shelter. And from what I can see now, it seems to be true."
"Hmm. Mga alaga ko sila. Bakit kaya nasabi ni Mayor 'yon?"
"Magkakaroon kasi ng reynahan ngayong nalalapit na kapiyestahan sa bayan ng Sta. Clara. Dad is looking for beautiful ladies. Ang alam ko ay magbibigay siya ng malalaking halaga sa bawat Reyna."
Bigla akong napahinto sa sinabi niyang 'yon. Mga kababaihan? Hindi kaya naghahanap na naman sila ng mga bagong target nila at pagpaparausan? Masama ang kutob ko dito. Hindi maganda.
"Naku, kung gano'n, magandang balita 'yan! Hindi ko ipapahuli ang mga alaga kong ito pagdating sa pagandahan," bulalas ni tita Grace na mukhang natuwa at na-excite sa sinabing iyon ni Rod.
Huwag ka naman sanang pumayag, tita. Mapapahamak lang ang mga kaibigan ko! Best actors ang mag-amang 'yan!
"You're right, tita. They're really beautiful. P'wede ko ba silang makilala?"
"Sure!"
Mas lalo akong kinabahan at nanlamig nang mag-umpisa na silang lumapit sa amin. Dumako ang paningin kong bigla kay Gabriel at ngayon ko lang napansin ang mariin niyang pagtitig sa akin habang may nangungunot na noo.
Ramdam ko ang pamumuo ng malapot na pawis ko at pangangatal ng katawan ko habang nananatili ako sa likuran ni Sol.
"S-Sol, p-papasok na ako sa l-loob. N-Nasi-c.r na t-talaga ko, eh," bulong ko kay Sol. Namilipit ang dila ko sa sobrang kaba.
"Ha?" Bumaling naman siya sa akin at mukhang nagulat pa nang makita niya ako.
"Ang putla mo, Rose," gulat niyang bulong sa akin.
"L-Lalabas na kasi, eh. P-Pasensiya na." Kunyari na lang na nadudumi ako.
"Sige na. Sasabihin ko na lang kay tita Grace." Itinulak na niya ako papasok sa loob ng dirty kitchen na siyang ipinagpapasalamat ko ng sobra.
"S-Salamat, ha."
"Sige na. Ako na ang bahala." Kaagad na rin siyang bumalik sa labas.
Pagpasok ko sa loob ay nagmadali akong nagtungo sa banyo kahit pakiramdam ko ay mabubuwal ako dahil sa sobrang pangangatog ng mga tuhod ko. Sana lang ay hindi nila napansin ang pag-alis ko doon dahil nakakahiya. Baka masabing bastos ako dahil hindi ako nagpaalam sa kanila ng maayos.
Pumasok ako sa loob ng banyo at doon ko ibinuhos ang lahat ng nararamdaman ko. Paulit-ulit akong huminga ng malalim at nag-sign of a cross. Umihi ako at naghilamos ng mukha ng maraming beses bago humarap sa salamin.
Alam ko namang may posibilidad na magkita ulit kami ni Rod dahil nasa iisang probinsiya lamang kami pero hindi ko pa rin napaghandaan ang ganito.
Hindi pa rin ako nakakasiguro na hindi niya ako makikilala kahit pa ba puro peklat na ang mukha ko at ilang parte sa katawan ko! Paano ang paggalaw ko? Paano ang bawat pagkurap ng mga mata ko? Ang pagkibot ng mga labi ko? Paano ang bawat korte ng katawan ko? Hindi kaya niya iyon mapapansin?
Haayst! Kung p'wede lang umalis sa lugar na ito at magtungo na lang sa Manila. Pero wala akong pera. Nakikituloy nga lang kami sa lugar na ito para may matirahan at may makain. Nakakahiya naman kay tita Grace kung manghihingi pa ako sa kanya.
Muli akong huminga ng malalim bago pinunasan ang mukha ko gamit lang ang bandana ko. Naramdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko kaya naisipan ko nang lumabas ng c.r.
Ngunit muntik na akong mapasigaw sa gulat nang bigla kong madatnan sa labas ang anak ng tinapang hilaw.
"S-Sir Gab!" Napasapo ako sa dibdib dahil sa lakas ng kabog niyon. Humigop ako ng maraming hangin. Siya naman ay prenteng nakasandal sa pader at nakatitig sa akin.
"Are you okay? I noticed earlier outside that you're turning pale." Umikot ang paningin niya sa buo kong hitsura kaya't nakaramdam ako nang pagkailang.
"Ahm, o-okay lang naman po. S-Sumakit lang 'yong tiyan ko." Mabilis kong inayos ang pagkakasaklob ng dambana ko sa mukha ko at kaagad ko na rin siyang nilampasan.
Lumapit ako sa mahabang mesa kung saan maraming nakapatong na mga malalaking kaldero na naglalaman ng mga niluto naming mga putahe kanina lang. Ngunit napansin ko ang pagsunod pa rin sa akin ni Sir Gabriel sa likuran ko.
"M-May kailangan pa po ba kayo, Sir? T-Tapos na po ba kayong kumain?"
"Yeah. I just want to ... ask." Napalunok ako at napa-isang hakbang paatras nang mas lumapit pa siya sa akin habang gumagala ang paningin niya sa mga braso ko at mukha ko.
Muling lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa ginagawa niya. Inayos ko ang dambana ko at sinubukang tabunan ang mga braso ko.
"A-Ano po ba 'yon? Ahm, k-kasi m-marami pa po akong gagawin, eh. M-Maghuhugas--"
"What happened to your skin? Nasunog ba 'yan?" Tinangka niyang hawakan ang pisngi ko na siyang ikina-atras ko. Ngunit dahil do'n ay nasagi ko ang isang kaserolang nakapatong sa gilid ng mesa at naglalaman ng mainit na sabaw.
"Ah," napadaing ako nang maramdaman ko ang init niyon sa braso ko. Ngunit ang ikinahinto ko ay tuluyan itong tumagilid at nahulog paibaba ng mesa.
"Oh, s**t!"
Nagulat naman ako sa bilis ng kilos ni Sir Gabriel. Kaagad niya akong nabuhat at nailayo sa gilid ng mesa bago pa tuluyang bumagsak sa sahig ang kaserola.
Lumikha ng malakas na ingay sa buong paligid ang pagbagsak ng kaserola sa sahig at pagsabog ng mainit na sabaw niyon. Ramdam ko ang maiinit na likidong tumilamsik sa mga braso ko at likod ko. Ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang pagdulas ng mga paa niya sa madulas na sahig at pagtihaya niya habang ako ay nasa ibabaw niya.
Bumagsak kami at lumagabog ang likod niya sa sahig.
"Damn, my back!" daing niya at kita ko ang sakit sa mukha niya.
Ako naman ay natulala at hindi kaagad nakakilos.
"A-Ayos ka lang ba?" Kaagad akong nakaramdam nang pag-aalala. Siguradong masakit 'yon.
Aalis na sana ako mula sa ibabaw niya ngunit namalayan kong napakahigpit pala nang pagkakayakap ng mga braso niya sa akin at masyado ring malapit ang mga mukha namin sa isa't isa.
"S-Sir--"
"Hey. What the f**k is going on here?"
Napatingala naman akong bigla nang may pumasok na lalaki sa pinto ng kusina at nagtama ang aming mga mata.
Bigla akong nanigas at hindi nakagalaw sa ibabaw ni Sir Gabriel. Kita ko ang pagkunot ng noo niya at pagsasalubong ng mga kilay niya habang nakatitig sa akin.
Muling dumagundong ang kaba sa dibdib ko at nagsimula na namang mangatal ang katawan ko.
Parang gusto ko na lang ibaon ang sarili ko sa lupa, mailayo lang sa eksenang ito at upang hindi ko na makaharap pa ang dati kong asawang isinumpa ko na sa buhay ko.