Muli kong natagpuan ang sarili ko sa loob ng silid niya. Nakaupo ako sa gilid ng kama niya habang siya ay nakaupo sa harapan ko at abala sa paggagamot ng mga sugat ko sa tuhod at mga paa. "You already had a wound on your foot, you made it even worse," muli niyang panenermon habang patuloy siya sa ginagawa niya at hindi man lang ako tinitingala. "Why so stubborn, woman?" Hindi ko napigilang mapasimangot ngunit hindi ko na rin siya sinagot pa. Kung 'di siya dumating kanina, malamang ay nakatay na ako ng asong 'yon. Kanino naman kaya ang asong ulol na 'yon? Pagkalaki-laki. Hindi kaya aswang 'yon? Ngayon ko lang siya nakita sa lugar na ito. Hindi mawala-wala sa isip ko ang hitsura niya kanina. Galit na galit siya, umuungol at tumutulo pa ang laway niyang bumubula-bula sa bibig niya. Mukha