Narinig namin ang pagbubukas-sara ng pinto sa labas. Doon pa lamang lumayo mula sa akin si Sir Gabriel at binuksan ang pinto ng banyo. Tuluyan na siyang lumabas at kaagad na rin akong sumunod nang masiguro kong nakalabas na rin ng silid si Rod. Nagtungo siya sa pinto at walang akong ginawa kundi ang sumunod lang muli sa likuran niya. Kailangan ko na talagang makalabas dito dahil siguradong hinahanap na nila ako! Hindi ko rin alam kung ano ang ipapaliwanag ko sa kanila kapag nagtanong sila! Patay talaga ako nito. Dapat ay makaisip ka nang napakagandang palusot, Rose! Binuksan na ni Sir Gabriel ang pinto ng silid at sumilip sa labas. "W-Wala na po bang tao? L-lalabas na ako," bulong ko sa likod niya. Kinakabahan ako ng bongga at hindi ako magiging okay hangga't hindi ako nakakaalis dito!