Nagising ako sa iba ng silid ngunit pamilyar pa rin sa akin. Umikot ang paningin ko sa buong paligid hanggang sa mamilog ang mga mata ko sa taong nasa harapan ng kamang kinahihigaan ko. Bigla akong napabalikwas habang nakatitig kay Sir Gabriel na nasa isang malapad na couch. Prente siyang nakaupo at seryosong nakaharap sa laptop niyang nakapatong sa lap niya. Nakaharap iyon sa kama ko kung saan ako naroroon. Kaagad din namang lumipat sa akin ang paningin niya ngunit wala akong mabasang anumang emosyon sa mukha niya. Muling lumakas ang kabog ng dibdib ko lalo na nang maalala ko ang eksena namin bago ako nawalan ng malay. Kilala na niya ako. Paano nangyari 'yon? Alam din kaya iyon ni Rod? Nagpapanggap lang din ba siyang hindi ako kilala kagaya ni Sir Gabriel? Bakit? Paano? "Are you s