Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Maya't maya akong lumilingon sa likuran kahit halos kalahating oras na ang ibinibiyahe namin ni Manong driver. Malapit na rin kaming makarating sa bayan. May ilang tricycle akong natatanaw sa dulo na nakasunod sa amin at pakiramdam ko sa likuran nila ay may mga kotseng sumusunod sa akin. Ilang sandali pa ang lumipas ay nakarating na nga kami sa tapat ng palengke dito na mismo sa bayan. "K-Kuya, p-pwede bang sa terminal na lang ng bus mo 'ko ibaba?" pakiusap ko sa driver. "Baba na! Hanggang dito lang ang bayad mo! Malayo pa 'yong terminal!" bulyaw niya sa akin na halos ika-iyak ko na. "D-Dadagdagan--" Napahinto ako sa pagsasalita nang matanaw ko na nga sa likuran ang pamilyar na kotse ni Rod at isa pang sasakyan ng mga tao niya, na lumabas mula sa