Wala pang tatlong minuto nang matapos ako sa paliligo at pagbibihis ng mga damit na sumakto lang sa katawan ko. Isang simpleng jeans at black t-shirt. P'wera na lang sa panty at bra dahil wala namang kasamang gano'n ang mga damit na ibinigay sa akin ng mabait at magandang babae. Pero hindi na 'yon mahalaga ngayon, ang importante ay maayos ang suot ko at malinis na ako. Ang mga pinaghubaran ko ay inilagay ko na lamang lahat sa trash can. Hindi ko na 'yan dadalhin pa sa kung saan man kami pupunta dahil hindi naging maganda ang naging karanasan ko sa mga 'yan. Malaking bagay na mayroong sabon at shampoo sa airplane na ito, na mukhang nakahanda palagi in case of emergency. Mukhang hindi rin naman ito pampasahero dahil maliit lang naman ito. Mukhang private plane nga yata ito. Eksaktong tat