BINASAG ng isang tikhim ni Vince ang sandaling katahimikan. Nakita kong nagtaas ng mga kilay si Sir Ali sabay bawi ng tingin niya sa amin ni Charlie. Sinenyasan niya si Vince nang tumayo siya sa sofa. “Let’s go to my office. I’ll show you the blueprint,” kalmadong wika niya at hindi na ulit kami tinapunan ng tingin ni Charlie. Naglakad na siya papunta sa opisina niya. “Oh, what about me? Maiiwan ako rito?” reklamo ni Chelsey na tumayo rin. “You can come with us, princess,” natatawang sagot naman ni Vince at napahagikhik si Chelsey. Kinawayan pa niya kami at bumuntot na ang magtiyuhin kay Sir Ali. Waring tinutusok ng mga karayom ang puso ko habang sinusundan sila ng tingin. Sumunod sa akin si Charlie pagbalik ko sa kusina. Medyo masama na ang timpla ko pero, kailangang pakiharapan ko s