NAKATITIG ako sa tahimik kong cellphone. Mula kaninang umaga ay text pa lang ni Danna ang pumapasok doon. Hindi kami nagkausap nang maigi bago ako umalis ng mansion para pumasok. Kaya bago sumapit ang tanghali ay kinumusta niya ako. Tinanong niya pa kung anong oras ako nakauwi kagabi. Sinagot ko naman iyon at nagpasalamat akong hindi na nadugtungan ang text ni Danna. Kinakabahan ako minsan sa kaniya. Hindi ko maiaalis sa sarili ko dahil si Manay Odette nga ay nahalata na may kakaiba sa amin ni Sir Ali, si Danna pa kaya. Kaibigan ang turing ko kay Danna at ayokong paglihiman siya pero, hindi ko na gustong madagdagan ang taong may alam sa nangyari sa amin ni Sir Ali. Nangyari. Dahil nakaraan na iyon at tapos na. Natapos iyon kagabi mismo. Lumipas na nga ang takot ko pero, pakiramdam k