KABANATA 4

2675 Words
NAKINIG ako ng sermon ni Manay Odette habang naghahapunan kaming tatlo sa kusina. Tapos nang kumain si Sir Ali at hindi ko na namalayan kung saan siya pumunta. Ang sabi ni Danna ay sa home office daw kaya naisip kong sadyain siya roon mamaya. “Mag-iingat ka na sa mga kilos mo sa susunod, naiintindihan mo ba, Solde?” “Opo, Manay. Sorry po ulit!” Kinuha ko ang baso ng tubig at uminom na. “O, tapos ka na, Solde?” tanong ni Danna. “Oo, busog na’ko.” “Kaya ang payat mo, e! Tapos puro gulay na naman ang kinain mo. Hindi ka naman sisingilin sa pagkain dito, Solde.” “Alam ko. E, hindi kasi talaga ‘ko kumakain ng karne kaya puro gulay lang ako.” “Totoo? Pa’no ka naman nabubuhay n’yan? Bakit, may sakit ka ba at bawal ang karne? O bawal sa relihiyon mo?” Natawa na ako sa dami ng tanong ni Danna. “Hindi sa gano’n, Danna. Mas nakasanayan ko kasi ang gulay simula pagkabata. Siguro dahil ‘yan ang kinalakhan kong mga pagkain sa bahay. Mga rootcrops at gulay kasi ang mayroon parati. Madalang ang karne at kapag meron naman, hindi ko rin gustong kumain.” “Kaloka! E, isda, hindi ka rin kumakain?” “Bihira lang.” Napapailing na lang si Danna sa akin, hindi makapaniwala sa mga sinabi ko. Pagkatapos kumain ay ginawa ko na ang duty ko sa kusina. Magkatulong kami roon ni Manay Odette habang si Danna ay naglabas ng mga basura. Dala ni Danna papasok ang mga pinagkainan ng driver at dalawang nakatalagang gwardiya sa gate. Tumunog ang intercom sa kusina at may nagsalita mula roon:   Manay, padalhan mo nga ako ng kape rito sa office.   Napatingin sa akin si Danna. Sumenyas na ako na ang magdala ng kape ni Sir Ali. Kinabahan agad ako. Nilingon din ako ni Manay Odette. “O, Solde, ikaw na ang magtimpla ng kape ni Senyorito. Dalhin mo agad sa kaniya at mag-iingat ka. Baka hindi nga siya nabasa ng tubig kanina ay matapunan mo naman ng kape.” “Opo, Manay. Mag-iingat po ako.” Dinala ko ang platito na may tasa ng mainit na kape para kay Sir Alistaire. Isang katok sa pinto ng home office niya ang ginawa ko bago ko pinihit ang doorknob at itinulak ang pinto. Buong-ingat akong humakbang papasok sa opisina niya. Napansin ko agad na wala siya sa kaniyang mesa. Nilingon ko ang buong silid. Natagpuan ng mga mata ko si Sir Ali na nakatayo sa likod ng isa pang malapad na mesa sa isang sulok. Pumasok na akong tuluyan at saka isinara ang pinto. “Sir, eto na po ang kape n’yo.” Hindi siya kumibo. Nakita ko ang pagsasalubong ng mga kilay niya habang nakatunghay sa drafting paper na nakalatag sa drawing table niya. Naalala ko ang sinabi ni Manay Odette na isang engineer/architect si Sir Ali by profession. Yes. Engineer na, Architect pa! At may firm daw na itinayo ito sa Maynila ka-partner ang isa ring kilalang architect. Nanatili akong nakatayo roon, hinihintay na magsalita si Sir Ali. Tahimik ko siyang pinanood. Kahit nakayuko ay halatang-halata ang katangusan ng ilong niya. Makinis ang mukha niya, mas makinis pa yata sa mukha ko. Naka-man bun ang may kahabaan na buhok ni Sir Ali kaya mas maaliwalas tingnan ngayon ang mukha niya. Lumipas ang halos isang minuto na nakatayo lang ako roon kaya medyo nag-alangan na ako. Magsasalita na nga sana ulit ako, pero bigla namang nag-angat ng tingin si Sir Ali at agad nagtama ang mga tingin namin. Nakita ko na medyo nagulat siya. Medyo nagpanic tuloy ako nang magsalita. “S-Sir, a-ang kape n’yo po!” Nakangisi ako habang inilalapit sa kaniya ang tasa ng kape. Nadinig ko ang pagbuga ni Sir Ali ng hangin. Disappointed ang reaksiyon niya habang nakatingin sa akin. “Next time, kapag dadalhan mo ‘ko ng kape, iwan mo na lang doon sa table ko.” Itinuro niya ang office desk niya. “Naintindihan mo ba, Solde?” Natilihan ako sandali bago tumango. “A-a, o-opo, Sir!” Dali-dali naman akong bumalik sa isa pang mesa at ipinatong doon ang tasa ng kape. Paglingon ko ay nakitang kong kasunod ko na pala si Sir Ali. Mabilis akong umatras para mabigyan siya ng daan. Dinampot niya ang kape niya at saka maingat na tinikman. Dapat ay umalis na talaga ako. Pero hindi ko napigilang tingalain siya habang umiinom ng kape. Iniisip ko kasi kung paano ko sisimulan ang pagpapaalam. “Kumusta ang enrolment mo?” biglang tanong niya dahilan para mabawasan nang bahagya ang kaba ko. “O-okay na okay po, Sir Ali! Kukuha na lang po ako ng schedule para sa pasukan next week.” “May kailangan ka ba?” kunot-noong tanong niya bago ibinalik ang tasa ng kape sa platito. Tiningnan niya ako pagkatapos, nakaarko ang makakapal na mga kilay niya. Hindi agad ako nakasagot. Si Sir Ali na ang nagbukas ng daan para masabi ko ang tungkol sa debut na dadaluhan ay hindi naman ako makapagsalita. ‘Yong tingin kasi ni Sir Ali. Hindi ko alam kung bakit para akong natatakot. Siguro ay dahil ngayon lang ako nakaharap ng taong may ganoong mata kagaya kay Sir Ali. Malalim na itim na itim ang bilog sa gitna at malalago ang mga pilik-mata. “Solde, don’t waste my time. Sabihin mo kung anong kailangan mo.” Napatango ako bigla sa kaniya. Mahinahon man ay nahimigan ko pa rin ang pagkainip sa boses ni Sir Ali. “Eh, Sir... magpapaalam lang po sana ako sa darating na Sabado.” “Anong meron sa Sabado?” “Debut po kasi ng kakambal ng kaibigan ko.” Tumaas ang mga kilay niya. “Debut ng kakambal ng kaibigan mo? Kakambal ng kaibigan mo, pero magkaiba sila ng birthday gano’n?” Natigilan ako sandali. Nang maunawaan ko ang tanong ni Sir Ali ay napatawa ako. “Hindi, Sir, ganito po kasi ‘yon. Babae po ‘yong kaibigan ko at lalake po ang kakambal niya. Magkapareho sila ng birthday pero magkahiwalay na taon po ang kanilang debut.” Hindi sumagot si Sir Ali. Mataman niya akong pinagmasdan. Napayuko ako dahil hindi ko talaga matagalan ang tingin niya. Para bang kayang lumusaw ng bato ang titig lang ni Sir Ali. Nakita kong dinampot niya ang tasa ng kape. Napatingala ulit ako sa kaniya. Akala ko ay sasagot na siya pero, tinalikuran niya ako at naglakad siya pabalik sa drawing table niya. Sumunod ako. Kailangan ko ang sagot ni Sir Ali. Hindi naman ako umaasa na papayagan niya, pero... sana ay payagan na rin niya ako. Inilapag ni Sir Ali ang tasa ng kape niya. Pagkatapos noon ay sinamsam na niya ang drafting paper at saka inirolyo. Wala ba itong balak na sagutin ako? “S-Sir..?” Naupo si Sir Ali sa silya sa likod ng drawing table niya. Pagkatapos ay pinagmasdan niya ako. “Magkakaproblema ka ba kung sakaling hindi kita payagan na dumalo sa debut party na ‘yan?” Natigilan ako sandali. “H-hindi naman po.” “’Yon naman pala. Pwede ka na sigurong hindi pumunta.” “E, Sir Ali, nahihiya po kasi ako sa kaibigan ko. Ang bait-bait po kasi noon sa akin at sa ganitong paraan lang ako bumabawi sa kaniya.” Sandali niya akong pinagmasdan bago siya nagtaas ng dalawang kilay. “Nahihiya ka sa kaibigan mo, pero sa benefactor mo, hindi?” Natahimik ako. Hindi naman gano’n ang ibig kong sabihin. Kaya nga ako nagpapaalam ay dahil nahihiya kong umalis na lang basta. “Kailan ang day-off mo, Solde?” tanong muli ni Sir Ali. Nakita kong ipinapasok niya ang inirolyong papel sa asul na storage tube. “Linggo po, Sir.” Ngumuso siya. Ang pula talaga ng mga labi ni Sir Ali. At halatang malambot. Parang labi ng sanggol. Nang matakpan na niya ang storage tube ay tumingin ulit siya sa akin. “I suggest gawin mong Sabado ang day-off mo at bumalik ka na lang rito sa Linggo.” “Po?” Nagusot ang noo ko. Hindi ko kasi siya naintindihan. “Ayokong payagan ka, Solde, pero kung ipipilit mo ‘yan, mabuti kung nasa inyo ka para sa magulang mo ikaw magpaalam. Kung narito ka sa poder ko at pinayagan kita tapos ay may mangyaring hindi maganda sa’yo sa party na ‘yan, magiging sagutin pa kita. Ayoko ng karagdagang sakit ng ulo.” Natahimik ako. Gano’n? Ibang klase mag-isip si Sir Ali. Wala pa man, pero ‘yung problema agad ang inaalala niya. Ang talino! Kunsabagay dalawang kurso nga ang walang hirap na tinapos niya. At hindi ko naman siya masisisi. Sino bang tao ang gusto ng sakit sa ulo? “May mga masisirang plano ka ba kung naririto ka sa mansion sa Linggo?” Umiling ako. Wala naman talaga. Kung may kailangan man akong gawin ay pwede kong gawin ng Sabado bago ako pumunta sa debut ni Charlie. “Wala naman palang kaso. I think my suggestion is fine. Pero kung ayaw mo pa rin, then I’m telling you, you can forget about the party dahil hindi talaga kita papayagan. Obligasyon lang kita kapag narito ka sa mansion at kapag naro’n ka sa university n’yo.” Tumango ako. “Hindi po, Sir. Okay po ako sa suggestion n’yo. Mag-day-off na lang po ako sa Sabado at babalik ako rito sa Linggo.” “Good. May sasabihin ka pa bang iba?” Naupo siya at tumunghay sa akin. Umiling ako. “Maiwan ko na po kayo, Sir. Salamat po.”       PUMAYAG nga si Sir Ali at nagkasundo kami. Wala na akong problema sa pagpunta, pero problema ko naman ngayon ang isusuot ko. “Ayaw mo nito, Solde? Bagay na bagay sa’yo ito, ah!” giit ni Danna sabay lapit sa akin ng hawak niyang dress. Maganda nga iyon sa silk na tela at kulay pula. Kaya lang ay ang iksi naman. Hanggang kalahati lang ng hita ko ang inabot ng laylayan at ang lalim pa ng neckline. “Sayang naman! Ang sexy-sexy mo sigurado rito! Hinanap ko pa ito sa ukay sa centro.” “Salamat na lang, Danna, pero hindi ko talaga masusuot ang isang ‘yan.” Ngumuso si Danna. “O, siya, ano bang magagawa ko? Isosoli ko na lang doon sa binilhan ko at sinabi ko naman na kapag hindi nagkasya sa magsusuot ay ibabalik ko.” “Pasensiya ka na talaga, Danna. Salamat sa effort.” “Ihahanap na lang ulit kita. Dadamihan ko para may pagpilian ka.” “Naku, h’wag na lang Danna at baka mamaya ay wala pa rin akong mapili, sayang naman ang pagod mo. Susubukan ko na lang manghiram sa girlfriend ng pinsan ko. Sigurado akong meron ‘yon. Balak ko ngang dumaan sa shop nila pagkakuha ko ng schedule ng klase ko.” “Sigurado ka riyan?” “Oo, Danna. Sige, aalis na ako para makabalik na rin ako agad.” “Okey. Ingat ka na lang.” “Salamat. Babalik din po ako agad.” Kumaway pa ako sa kaniya bago umalis. Hinanap ko naman si Manay Odette para magpaalam na aalis na ako. Binanggit ko na rin na dadaan lang ako sa pinsan ko para manghiram ng dress. Pumayag naman ito. Mahigit isang oras lang ang itinagal ko sa university. Sa paradahan ng tricycle ay nagkita kami ni Gandara. “O, Ydel, galing ka sa school mo? Makakapasok ka ba ulit ngayong sem?” “Oo, Gandara, may bago na ulit akong benefactor.” “Mabuti naman kung gano’n. Magsipag ka lalo, mahirap ang buhay, Ydel. At maging matalino ka dahil naglipana ang mapagsamantala sa paligid.” Naalala ko ang ipinabenta ni Fred na video. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong laman noon, pero parang gusto kong alamin iyon ngayon kay Gandara. Hindi ko lang ipapahalata na hindi ko talaga iyon alam. “Kumusta pala... ‘yong transaksiyon natin no’ng nakaraan? Okay naman ba?” Ngumiwi si Gandara. Gumuhit ang matinding inis niya sa mukha. “Kung ang tinutukoy mo ang ‘yong video na binenta mo, wala na sa akin ang kopya, Ydel.” “Talaga? Bakit, ibinenta mo rin ba agad? Tumubo ka siguro nang mas malaki!” nakangising tanong ko. Ano ba kasing video ‘yon at parang mabenta talaga? “Hindi ko ibinenta, Ydel. May nanloob sa shop ko kinagabihan ng araw ding ‘yon at hayun ang mga animal! Tinangay ang laptop at pera ko! Kasama na doon ‘yong flashdrive na galing sa’yo kaya walang nangyari! Imbes na tumubo ako sa ibinayad ko sa’yo ay lugi pa!” “G-gano’n..?” “Oo, gano’n! Kaya wala akong napala! Pero matanong kita ha? Saan mo nakuha ‘yon? Baka naman may kopya ka pang naitago?” Kumunot ang noo ko sabay iling. “W-wala na, e. N-nag-iisa ‘yon, Ganda…” “Sayang talaga! Kung itinira man lang ba ng mga hinayupak na ‘yon ang flashdrive, di sana’y may kita pa rin ako. Malaman ko lang kung sino ang mga animal na ‘yon!” “Eh… ‘di ba may CCTV ka naman sa shop mo?” “Meron, pero walang silbi. Alam ng magnanakaw at ginawan ng paraan na hindi siya makita sa footage!” Napailing na lang ako. Wala na akong nasabi dahil unang-una, hindi naman ako ang nakinabang sa ibinayad ni Gandara sa flashdrive. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Gandara ay dumirecho na ako sa shop ni Fred. Hindi ko pa rin nalaman kung ano ba talaga ang nasa video. Tanungin ko na siguro si Fred tutal ay sa kaniya ako papunta. Ikukwento ko na rin ang nangyari kay Gandara. Napangiwi agad ako nang makita kong sarado ang shop niya, pero napansin ko ring bahagyang nakabuka ang pinto sa gilid. Lumakad ako patungo roon at saka sumilip. Studio type itong bahay ni Fred na kanugnog lang ng shop niya. Mukhang walang tao, pero naiwang bukas ang pinto. “Fred, nandito ka ba? Bukas itong pinto mo, papasok ako. Bakit pala sarado itong shop mo?” Pumasok na ako kahit walang sumasagot. Baka hindi lang ako narinig ni Fred. O baka naman natutulog siya. O baka naman… naliligo. Huwag lang sanang may ginagawa sila ni Janice at siguradong magagalit ‘yon sa akin kapag naistorbo ko sila. Kailangan ko pa man ding makausap ang girlfriend niya para makahiram ng damit. Alam kong maraming magagandang dress si Janice dahil mahilig itong magparty. “Fred, kasama mo ba si Janice? May sasabihin sana ako…” Mukhang wala talagang tao. Maliban na lang kung nasa CR si Fred. Naisip kong umalis na lang at ayoko namang katukin pa siya sa banyo. Itetext ko na lang si Fred na dadaan ako rito sa Sabado ng umaga bago ako umuwi sa bahay. Hindi ko naisip na magtext sa kaniya kanina e, ‘di sana ay alam niyang pupunta ako. Saktong pagtalikod ko ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng banyo. Paglingon ko ulit ay agad na nanlaki ang mga mata ko. Nakita ko kasing palabas ng banyo at gumugulong sa dingding sina Janice at ang Amerikang kaibigan nila ni Fred. Nakapikit ang dalawa at abala sa paghahalikan kaya hindi nila napansin na naroon ako. Walang damit pang-itaas si Janice samantalang naka-bra at panty lang ang Amerikana. Nasaan kaya ang pinsan ko? Alam kaya niya kung anong ginagawa ng girlfriend niya at ng Amerikanang kaibigan nila? Pagkatapos maghalikan ay bumaba naman ang ulo ng Amerikana sa katawan ni Janice at kitang-kita ko nang isinubo niya ang n****e ng girlfriend ni Fred! Nawindang talaga ko nang husto. Hanggang sa hindi ko na natagalan ang nakikita ko kaya tumalikod na ako at dali-daling lumabas ng bahay ni Fred.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD