KABANATA 5

2941 Words
TULALA ako habang pauwi sa mansion. Iniisip ko pa rin kung anong ibig sabihin ng nakita ko.  Ayokong husgahan ang trip ng dalawang ‘yon, pero sana naman ay hindi nila ginagago si Fred. Lalo na ni Janice. Kahit may pagkasira-ulo si Fred ay alam kong mahal siya ng pinsan ko. Napansin siguro ako ng isa sa mga guards na si Kuya Lando nang pagbuksan niya ako ng gate kaya napatanong ito. “Solde, okay ka lang? Ang lalim yata ng iniisip mo?” Tumingin ako sa kaniya. “Wala naman, Kuya. Okay lang po.” Pagpasok ko ay dumirecho muna ako sa kwarto ko. Gusto kong sabihin kay Fred ang nakita ko at nang malaman ko kung ano ang totoo. Baka nga lesbian talaga si Janice. O baka naman gano’n talaga ang set-up nila. Baka nga girlfriend din ni Fred ‘yong Amerikana.  Ewan, hindi ko talaga alam! Pero dapat kong pag-isipan kung sasabihin ko kay Fred ang nakita ko. Dahil kahit hindi kami tunay na magkadugo ay pinsan pa rin ang turing ko sa kaniya. Iniwan ko ang pag-iisip at nagpalit na ng damit-pambahay. Pagpasok ko sa kusina ay napansin ko agad na abalang-abala sina Manay Odette at Danna. Tanghalian na din naman halos, pero normal na hindi sila ganoon kaabala kapag naghahanda ng lunch dahil kami-kami lang ang nasa mansion sa ganitong oras kapag weekdays. Ang alam ko ay alas otso ng umaga umaalis si Sir Ali. Maghapon siya sa kompaniya nila at gabi na umuuwi. “Ano pong meron, Manay?” “Solde, mabuti at narito ka na! Bumalik kasi si Senyorito Ali at may kasamang bisita. Sa palagay ko ay nobya niya na taga-Maynila.” Napaawang ang bibig ko. “M-may girlfriend po si Sir Ali?” Natawa si Danna sa tanong ko. “Bakit, Solde? Nakakapagtaka ba ‘yon? Ang hula ko nga ay maraming girlfriends ‘yan si Senyorito. Baka hindi lang si Miss Geneva ang nobya ng amo natin.” “Hoy, ikaw, Danna! Marinig ka ni Senyorito," saway rito ni Manay. Napangisi ako. Bakit nga ba gano’n ang tanong ko, e hindi naman imposible na may kasintahan na si Sir Ali? “Manay, ano po bang gagawin ko? Ihahanda ko na po kaya ang dining table para ilalabas na lang po mamaya ang mga pagkain?” “Naku, Solde, mabuti pa nga! Salamat!” Wala akong maipintas sa nobya ni Sir Ali. Kung prinsipe ang tingin ko sa aming amo, parang sa isang reyna naman si Ma’am Geneva sa hitsura at sa kilos. Ang babae nga ang topic namin ni Danna habang naglilinis na kami sa kusina. Kanina pa nakatapos sa pagkain sina Sir Ali at ang girlfriend niya. “Ang ganda-ganda niya, Danna! Maswerte si Sir Ali!” “Mas maswerte si Ma’am Geneva! Napakagwapo kaya ng amo natin! Matalino, mayaman, at ang ganda pa ng katawan? Nakita mo na bang naka-topless si Senyorito, ha, Solde?” Nag-init bigla ang mukha ko sa tanong ni Danna. Naalala ko ang una naming pagtatagpo ni Sir Ali sa kakahuyan. Wala siya noong pang-itaas. Sa sitwasyon ko noon, napagtuunan ko pa ng pansin ang katawan ni Sir Ali. At oo, maganda talaga ang katawan niya.  “Maganda talaga si Ma’am Geneva kaya lang ay parang maarte.” “Danna, ang boses mo! Hindi naman, ah. At kung gano'n man, natural lang sa ibang babae ang pagiging maarte. Ang bait nga niya at saka… mukhang malambing kay Sir…”  “Hi, girls!” Sabay kaming napaligon ni Danna sa nagsalita sa likuran. Napanganga ako nang makita ko ang girlfriend ni Sir Ali, nakatayo at malawak ang ngiti sa amin ni Danna. Kumikislap ang mga mata niya na tila nakikipagpaligsahan sa makinang na hikaw na nakalawit sa kaniyang mga tainga. “Ay, Ma’am, nandiyan pala kayo! Kanina pa kayo riyan?” sambit ni Danna sabay ngiti. “Hindi naman. I just want to ask for a cup of green tea kung hindi ako nakakaabala…” “Siyempre hindi po, Ma’am! Girlfriend po kayo ni Senyorito Ali at bisita po kayo. Igagawa ko po kayo agad!” masiglang sagot ni Danna at saka mabilis na kumuha ng tasa sa cupboard. Tumingin sa akin si Ma’am Geneva dahilan para hindi ko agad naituloy ang aking ginagawa. Nahihiyang ngiti ang iginawad ko sa kaniya. “Ikaw ang scholar ni Ali, tama ba ako? What’s your name again?” Tumango ako. “Ako nga po, Ma’am. Ysolde po ang pangalan ko.” “Where do you study? Anong course ang kinukuha mo?” “Sa Mountain View College po ako naka-enrol, Ma’am. Education po ang kinukuha ko.” “So pangarap mong maging teacher? That’s a good profession, Ysolde. Pagbutihin mo.” “Thank you po.” “Ma’am Geneva, heto na po ang green tea n’yo!” ani Danna sabay lapag ng tasa ng tsaa sa ibabaw ng bar. “Oh, thank you!” ani Ma’am Geneva sabay dampot sa tasa at saka maingat na sumimsim ng tsaa. “Hmm, this is perfect!” “Mahilig din po pala kayong uminom ng tea, Ma’am? Pareho kayo nitong si Ysolde. Kaya pala ang ganda-ganda rin ng kutis n’yo!” Nilingon ako ni Ma’am Geneva. “Tea lover ka rin, Ysolde? No wonder your skin is glowing. Anong paborito mong variant ng tea?” Nahihiyang tumingin ako rito. Ang daldal lang talaga nitong si Danna! “Sari-sari po, Ma’am. Mga herbal tea. Ginagawa ko lang po.” “Really? That’s wonderful! Pwede mo ‘kong igawa one of these days?” “Wala pong problema, Ma’am. Sabihan n’yo lang po ‘ko.” Agad akong napahinto sa pagsasalita nang makita ko si Sir Ali na palapit sa amin. Awtomatikong dinampot ko ang puting basahan at nagpunas ng mesa. Naramdaman din marahil ni Ma’am Geneva ang presence nito kaya nilingon niya si Sir Ali. “Hi, hon’! Nanghingi lang ako ng green tea sa kanila, hinahanap mo ba’ko?” Hindi sinagot ni Sir Ali ang tanong ng girlfriend nito. “I have to go back to the office. Uuwi rin ako agad pagkatapos.” Siniko ako ni Danna. Napatingin ako sa kaniya. Nakataas ang mga kilay niya sa akin. Anong problema nito? “All right. I’m gonna take a rest after this. I’ll just wait for you in the guest room.” Nasulyapan ko ang makahulugang ngiti ni Ma’am Geneva kay Sir Ali habang hinahaplos nito ang braso ng aking amo. At bago pa nila ako mahuli na nanonood ay tumalikod na ako upang ituloy ang ginagawa ko kanina. Maya-maya pa ay magkasunod na umalis ang dalawa. Naghiwalay kami ni Danna pagkatapos ng gawain namin sa kusina. Tumulong ako sa hardinero sa pag-aayos ng mga halaman sa hardin sa pool area habang inutusan naman ni Manay Odette si Danna na pumalit sa ginagawa nito sa right wing ng mansion. Nang matapos na ako sa hardin ay pumasok na ulit ako. Kararating lang ni Manay Odette galing sa pamimili nito ng ilang supplies. Nagkusa na akong maglagay ng mga iyon sa mga estante sa kusina. Nagpasalamat sa akin si Manay Odette. Nagpaalam siyang maliligo muna bago simulan ang paghahanda ng mga iluluto. “Sige po, Manay, tutulungan ko kayo.” Itinuloy ko na ang pag-aayos sa cabinet. “Ysolde!” tawag sa akin ni Danna na bahagya kong ikinagulat. Mabuti na lang at hindi ko nabitiwan ang hawak kong mga garapon ng ingredients. “Solved na ang problema mo!” “Aling problema?” Sa dami kasi ng problema ko sa buhay ay hindi ko alam kung anong tinutukoy ni Danna. “Halika ka na muna sa guest room! Pinapatawag ka ni Ma’am Geneva. Bilis!” Ang tungkol sa damit na susuotin ko sa party ni Charlie ang sinasabi ni Danna na problema kong na-solved na. Pagdating namin sa guest room ng girlfriend ng aming amo ay naabutan naming nagpipili ito sa mga damit sa maleta niya. Limang klase at istilo sa iba’t ibang kulay na formal dresses ang isa-isang inilatag ni Ma’am Geneva sa kama. Sa disenyo at tela pa lang ay sigurado na akong mamahaling uri ang mga iyon. “Come here, Ysolde!” nakangiti si Ma’am Geneva nang senyasan akong lumapit. “Here. Magsukat ka para makita natin kung alin ang pinakabagay sa’yo. I know mas malaki ang size ko compare sa’yo kaya ‘yang mga damit na fit na fit sa katawan ko ang inilabas ko. Sa tingin ko naman ay hindi na ‘yan alangan kung isusuot mo. Try this one.” Inabot niya sa akin ang kulay light green na dress. “’Yan, Solde, mukhang bagay ‘yan sa’yo. Isukat mo na!” susog ni Danna. Nahihiya talaga ako. Pero mas nakakahiya kung tanggihan ko si Ma’am Geneva na naghalungkat pa sa maleta niya para lang makapili ng damit na ipapahiram daw sa akin. “O-ok lang po ba talaga, Ma’am?” “Yes, of course! Doon ka sa comfort room magpalit. Hihintayin kita rito.” Atubili kong kinuha ang damit kay Ma’am Geneva at saka pumasok ng banyo para maisukat iyon. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa harap ng salamin sa banyo matapos kong maisuot ang dress. Ang itim ko sa kulay na ito. Medyo maluwag din ang damit sa may kilikili at baywang ko. Lumabas ako para maipakita iyon kina Ma’am Geneva at Danna. Nakangiti sa una si Danna nang makita ko, pero unti-unti rin siyang napangiwi sabay iling at tingin sa girlfriend ng aming amo. Nakataas ang magagandang kilay ni Ma’am Geneva habang binibistahan ang ayos ko. “Hmm… halatang hindi sa’yo ang damit, Ysolde. Anyway, meron pa naman iba rito. Magsukat ka lang.” Nakadalawang damit pa ako na isinukat, pero ganun din halos ang kinalabasan. Kung hindi maluwag sa may kilikili ay sa bandang dibdib ko naman. Sabi ni Ma’am Geneva ay ayos lang iyon, pero alam ko sa sarili kong hindi. Hindi pati ako komportableng kumilos kung iyon ang susuotin ko. Konting yumuko ako ay lalaylay ang tela at luluwa ang ibabaw ng dibdib ko. Nasa mukha rin ni Danna na hindi pasado sa ang bihis ko. “Oh, this one!” sambit ni Ma’am Geneva, pero agad siyang natigilan nang mailadlad niya at mapagmasdan ang puting dress. Makintab ang tela noon at unang kita ko pa lang ay alam kong mas maliit ang size noon kumpara sa mga naisukat ko. Siguradong kakasya na iyon sa akin. “’Yan, Ma’am! Bagay ‘yan kay Solde!” Sesegundahan ko sana ang sinabi ni Danna, pero parang hindi naman iyon narinig ni Ma’am Geneva. Inilapat niya ang puting dress sa katawan niya pagkatapos ay ngumiti sa amin. “This is perfect! I’m gonna try this one.” Tinalikuran niya kami. Akmang papasok na siya sa comfort room nang bigla siyang lumingon sa amin ni Danna. “Oh, I almost forgot! You can also borrow my shoes, Ysolde. Hindi basta sapatos ang dapat kapares ng damit na suot mo.” Bumalik siya at hinawi ang ilang kahon ng mga sapatos na nasa paanan ng kaniyang kama. Mula sa mga iyon ay dinampot niya ang isang kahon at iniabot sa akin. “I think we have the same size pagdating sa sapatos, pero, isukat mo pa rin. I’ll just go and change into this dress, okay?” Nasa loob na ng banyo si Ma’am Geneva nang marinig ko ang pag-ismid ni Danna. “Sa’yo bagay ang damit na ‘yon, e! Pustahan, hindi iyon kasya sa kaniya. Lalawit ang mga nakatagong bilbil ni Ma’am Geneva.” “Sshh, Danna, ang bibig mo! Nagmamagandang-loob na nga ang tao, ikaw talaga!” “Hay, naku, basta, hindi ko bet ‘yang suot mo. Mas gusto ko pa ‘yong pulang dress na nasa akin. ‘Yon na lang ang isuot mo, Solde!” “Mas lalong ayoko no’n! Dito, dibdib ko lang ang babantayan ko, doon, buong kaluluwa ko. Teka nga, isusukat ko na muna itong sapatos!” Naupo ako sa paanan ng kama. “Iwan muna kita rito, Solde. Titingnan ko lang ‘yong iniwan kong labahin. Babalik din ako.” “O, sige! Pero bilisan mo, ha? Naiilang kasi ako kay Ma’am Geneva.” Binuksan ko ang kahon ng sapatos paglabas ni Danna. Una kong napansin ang haba at kitid ng mga takong nito. Kakulay iyon ng balat ko. Kinuha ko ang isa sa mga pares at isinuot. Kumasya. Kinuha ko rin ang kabila at isinuot.  Dahan-dahan akong tumayo. Sobrang taas ng takong at parang ang hirap ilakad. Isang hakbang ko pa nga lang ay muntik akong madapa. Bumalik ako sa pagkakaupo. Kumasya nga sa akin ang sapatos pero idadapa naman ako. Gusto kong maiyak sa inis. Ang hirap ng pobre. Hindi ako makabili ng sarili kong damit at sapatos para sa gayon ay akmang-akma sa sukat at panlasa ko. Nakita ko ang paglabas ni Ma’am Geneva sa banyo suot ang puting dress. Muntik akong mapatawa dahil tama ang sabi ni Danna. “Gosh, I can’t believe na nag-gain agad ako ng weight! What do you think, Ysolde?” Hindi ako nakasagot. Napatingin lang ako kay Ma’am Geneva. “Oh, I know! All right, huhubarin ko na. You can borrow this dress kung gusto mo.” Halos mapa-Yes ako nang pumasok na ulit sa banyo si Ma’am Geneva. Gusto ko kasi talaga ‘yong suot niya. Hindi kasi ako mahilig sa matitingkad na kulay gaya nitong blue dress na suot ko. Hinubad ko ang sapatos ni Ma’am Geneva. Hindi ko kayang magsuot ng ganito kataas na takong. Ibinalik ko na lang sa kahon ang mga sapatos. Hinahawi ko ang buhok kong sumabog sa harapan ng mukha ko nang may mainit na katawang dumikit sa likuran ko. Natigilan ako. Kasunod noon ang matigas na mga brasong pumulupot sa akin.  Lilingon sana ako nang may mainit na hininga naman ang humihip sa bandang batok ko na agad nagpatayo ng aking mga balahibo. “Hmm, you smell so good…” aniya sa nakakaantok na boses. Nanlaki ang mga mata ko. Subalit bago pa ako makakilos ay bumaba ang isang kamay niya at pumasok sa ilalim ng suot kong dress direcho sa nasa pagitan ng aking hita. Hinaplos at pinisil niya ang p********e ko dahilan para manginig nang husto ang katawan ko. “H-h’wag po!” sambit ko kasabay nang marahas pagtaboy sa mga brasong nakapalibot sa akin. Mabilis akong lumayo. Paglingon ko ay nagulat ako nang matagpuan ko roon si Sir Ali. Napaawang ang mga labi ko. “Solde?” Halos magtagpo ang mga kilay niya sa gitna. Katulad ko ay gulat na gulat din siya. Hindi ko lang alam kung kagaya ko siya na nanginginig ang buong katawan. Napakabilis ng mga pangyayari. Parang hindi totoo. Pero ramdam ko pa rin ang malaking kamay ni Sir Ali na pumisil kanina sa aking p********e na para bang naroon pa rin iyon. “Anong ginagawa mo rito?” Bahagyang tumaas ang boses ni Sir Ali dahilan para matakot ako. Hindi maputol ang titigan naming dalawa. Nasisindak ako at nanginginig pa rin sa pinagsamang takot at shock. Nag-isang linya ang mga labi ni Sir Ali. Nag-init naman ang paligid ng mga mata ko dahil sa nagbabadyang luha. “H’wag mo akong tingnan nang ganiyan, Solde! I have nothing to explain here! Malinaw na napagkamalan lang kita! You can’t accuse me of anything!” Namumula ang mukha ni Sir Ali. Napayuko ako. Alam ko naman ‘yon. Alam ko naman na hindi niya sinasadya, pero normal naman sigurong makaramdam ako nang ganito. Nalapastangan ako. Wala pang nakahawak sa akin nang gano’n. “And what are you doing inside this room? Pinakikialaman mo ba ang mga gamit ng bisita ko?” Mabilis akong nagtaas ang tingin at saka umiling. “H-hindi po, Sir…” “Then what?” Hindi na ako nakasagot sa tindi ng pinagsama-samang emosyon - takot, kaba, hiya, gulat at kung anu-ano pa. Isang manipis na patak ng luha ang agad kong pinahid. Naagaw ang pansin ko sa paglabas ni Ma’am Geneva sa banyo. “What’s wrong, honey? Bakit pinagagalitan mo si Solde?” “Why did you let her in? At damit mo ba ‘yang suot niya?” Natigilan sandali si Ma’am Geneva marahil dahil sa galit na boses ni Sir Ali. “Yes. Ipinahiram ko sa kaniya para may maisuot siya sa party na pupuntahan niya.” “Is it your concern, huh, Geneva? Lakad niya ‘yon, ‘di siya ang maghanap ng isusuot niya!” “My goodness, Ali, kasambahay mo nga si Solde kaya dapat ay may pakialam ka sa kaniya. Besides, damit lang itong ikinagagalit mo. What’s the big deal?” Hindi na sumagot si Sir Ali. Madilim na madilim ang mukha niya nang balingan ulit ako. “Hubarin mo ang damit na ‘yan, Solde! Hindi bagay sa’yo!” Pagkasabi noon ay tinalikuran na niya kami at lumabas siya ng guest room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD