MAAGA pa ay bihis na ako para pumasok sa school. Dumaan ako sa kusina para kainin ang inihanda kong aalmusalin. Nagulat ako nang pagpasok ay makita ko si Sir Ali sa counter bar, doon kumakain. Naalala ko na naman ang mga nangyari kagabi. Hindi katulad ng suot niya kapag papasok sa opisina, naka-cotton shirt lang si Sir Ali na puti. Nakita ako ni Sir Ali. Ikiniling niya ang kaniyang ulo at nagtaas ng mga kilay. “Good morning.” Alanganin akong ngumiti sa kaniya. “G-good morning, Sir…” Dumikit sa akin si Danna at bumulong. “Nagulat ka ano? Gutom na raw kasi si Senyorito kaya hindi na nahintay na ihanda namin ang breakfast niya sa dining table.” Tumango lang ako. Hindi kasi naghapunan kagabi kaya tuloy maagang nagutom. “Kumain ka muna bago pumasok.” “Danna, kukunin ko na lang ‘yong