KABANATA 13 - SPG

3461 Words

UMUWI ako kinabukasan sa amin para sa aking day-off. At dahil maaga ang pasok ko sa araw ng Lunes, bumalik din ako sa mansion kinahapunan. Sa bahay ay tumulong ako kay Tatay sa pagbibilad ng mga balat ng puno na ginagawa naming tsaa. Naglinis din ako ng mga nakolekta niyang bote na paglalagyan naman ng herbal oils. Ipinagluto ko si Lola Pacing ng paborito niyang maruyang saging. Pagkatapos ay naghalungkat ulit ako sa mga gamit ng nanay ko para makakuha ng karagdagang damit-pambahay. Sa buong maghapon na iyon, at kahit ang dami ko nang ginawa ay hindi minsan nawaglit sa isip ko ang nangyari sa opisina ni Sir Ali. Sa tuwing pipikit nga ako ay nararamdaman ko pa rin ang halik niya. Nagbihis ako pagdating sa aking kwarto. Pagkatapos ay hinila ko na ang sarili ko palabas. Panay ang tingin k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD