"KANINA ka pa?" tanong ni Sir Ali habang palapit ito sa kinalulugaran ko. “Medyo kanina pa po,” sagot ko. Naalala ko ang tungkol sa desktop. “Sir Ali, salamat po pala sa computer set. Malaking bagay po para sa pag-aaral ko. Kung sino man po ang bagong scholar na ibibigay sa inyo sa susunod na semester, siguradong matutuwa siya,” nakangiti kong sabi. Hindi iyon dinugtungan ni Sir Ali. Patingkayad siyang naupo sa may gilid ko. “Nagtatanim ka ba lagi ? Balak mo bang palitan si Mang Fermin na hardinero?” “Hindi naman po, Sir. Wala na po kasing trabaho sa loob kaya tumutulong na lang ako rito.” “Mahusay ka ba talagang bumuhay ng halaman?” Nagkibit ako ng balikat. “Ang masasabi ko lang, Sir, lahat po ng itinanim kong halaman sa amin, nabuhay at lumago.” Tumango-tango si Sir Ali. “Kunsab