PAGKAGISING NI Bea kinabukasan ay isang mabangong amoy ng ulam ang siyang nagpakalam sa kaniyang sikmura. Alam na niya agad na galing iyon sa kabilang bahay at mukhang nagluluto ang kaniyang lola o ang kaniyang tita. Amoy adobo. Natakam siya sa amoy na iyon kaya naman kaagad siyang bumangon at dumiretso sa banyo. Kailangan niyang gumayak nang mabilis upang makakain pa muna siya nang agahan. Gusto niyang matikman ang mabangong ulam na iyon. Nakabihis na siya ng puting uniporme at bitbit ang sariling bag na may lamang mga personal gamit at suklay, lumabas siya ng bahay at habang patawid sa bahay ng kaniyang lola ay sinusuklay ni Bea ang sariling buhok. "Good morning, tita!" bati niya sa tiyahin nang mabungaran niya itong nasa sala at sinusuklayan ang pinsan niyang papasok sa trabaho. "O