"NAKAKAINIS NAMAN ang mga tao sa pinapasukan mo. Masyadong mahilig sa tsismis." Umikot pa ang mga mata ni Becka dahil sa inis na nararamdaman. Nasa harap siya ngayon ng laptop at ka-videocall ang bestfriend. Nakaupo siya sa ibabaw ng kama habang nakasandal ang likod sa headboard. Nakapatong ang laptop sa kaniyang hita habang kumakain ng popcorn. "Kaya nga. Nakakainis sila." "Kaya nga sabi ko sa iyo, umalis ka na riyan at tara na rito sa States. Hindi ganiyan ang mga tao sa iyo rito." Ngumiti ito nang matamis at pinikit-pikit pa ang mga mata na tila ba inaakit siya. Umismid naman si Bea. "Gaya ng inaasahan ko, sabi na, e. Gagawin mo pa itong excuse para mapapayag akong magtrabaho diyan." Inayos niya ang buhok na nakatali nang mataas. May mga ilang hibla kasi ng buhok ang siyang nalagla