bc

NEAR YET SO FAR

book_age16+
610
FOLLOW
1.9K
READ
family
fated
drama
tragedy
bxg
city
high-tech world
slice of life
nurse
friends
like
intro-logo
Blurb

Si Beatrix Anne ay nurse sa pribadong ospital. Nakatalaga siya sa pedia ward kung saan na-eenjoy niya ang kaniyang trabaho. Malapit ang kaniyang loob sa mga batang nandoon dahil naaalala niya ang kaniyang bunsong kapatid na maagang pumanaw sa sakit na Lupus.

Ngunit nang minsan na ma-assign siya sa isang pasyente na iba sa kaniyang nakaugaliang alagaan sa ospital, doon nasubukan ang kaniyang pasensya.

Si Sebastian Gregorio. Sa edad na bente siyete anyos ay matuturing na nitong tahanan ang ospital. Pabalik-balik kasi ang binata roon dahil may sakit ito sa puso. Kaunting kilos lang ay hinihingal na ito. Kinailangan ni Bea na malipat sa pagiging private nurse ni Basty dahil kinulang ang ospital ng mga nurse at siya lang ang pwede.

Anong mangyayari sa dalawa kung sa una pa lang, ubod na nang pasaway sk Basty?

Hanggang saan kaya aabot ang pasensya ni Bea?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"VERY GOOD, Claui. Ang galing mo na talaga magbilang." Hinaplos ni Bea ang ulo ng bata saka inayos ang buhok nito. Dinampot niya ang chart upang tingnan ang nakasulat doon saka sinulyapan ang dextrose na nakasabit sa bakal sa gilid ng kama ng bata. "Bukas makalawa, pwede ka na mag-solve ng mga math problems," aniya pa bago may sinulat sa chart. "Opo, Nurse Bea. Mag-aaral pa po ako nang mas mabuti." Ngumiti siya saka pinisil nang bahagya ang pisngi nito. "Very good." Umayos siya ng tayo bago nilibot ang mga mata sa kabuuan ng pedia ward kung saan siya naka-assign bilang ward sister or in-charge nurse. "Where's your mommy, Claui?" Kahit ang bata ay nilibot ang mga mata upang hanapin ang ina. Napakamot pa ito sa ulo nang hindi makita ang hinahanap. "Kanina po ay nandiyan lang sa may pinto." Lumingon siya sa gawing pinto ngunit tingnan kung matatanaw pa niya ang ang ina nito ngunit nabigo siya. Humarap siya sa paslit saka ngumiti nang matamis. "Hanapin ko lang si Mommy mo, ha?" Tumango ang bata sa kaniya. Nilagay niya ang ballpen sa bulsa ng suot na kulay baby pink na scrubs. Dala niya ang chart pati ang stethoscope ay lumabas siya ng pedia ward. Nakangiti siyang binati ng mga pasyente at ang iba pa kumaway pa. Gumanti siya ng kaway sa mga ito habang may pa-heart finger pa sa iba. "Hi, Ate Bea!" bati sa kaniya ng isang batang lalaki na nakaupo sa wheelchair. Tulak-tulak ito ng ina nitong nakangiti rin sa kaniya. "Hi, Baby Grey!" Bahagya pa siyang yumukod upang magpantay sila ng tingin ng bata. "Nagpaaraw ka ba sa labas?" Tumango ito saka ngumiti dahilan upang lumabas ang isa ngunit malalim na dimple nito sa pisngi. "Opo, ate. Di ba, bilin ninyo iyon sa akin?" "Very good, Grey." Ginulo niya ang buhok nito saka tumayo nang maayos. Nagkatinginan sila ng ina nito. "Mommy, check ko po yung dextrose ni Grey mamaya ha? Kausapin ko lang po si Mommy Sarah." "Sige, Nurse Bea." Naglakad na siya at sinimulang maghanap. Wala siyang makitang Mommy Sarah kaya naman naisip babalik muna sa nurse station upang kumuha ng maiinom. Pagkapasok niya roon ay dumiretso sya kung saan nakalagay ang water dispenser. Nandoon sa gilid noon ang kaniyang paboritong tumbler na kulay asul. "Nurse Bea, busy ka ba?" tanong ni Nurse Jo—isa sa mga kaibigan niya rito sa pribadong ospital na pinapasukan. "Hindi naman. Kailangan ko lang makausap si Mommy Sarah dahil may bagong binigay na riseta si Doc Samuel." Tinungga niya ang tumbler nang malagyan niya iyon ng laman. "Bakit?" tanong niya pagkaraan. "Ah okay. Sige, huwag na lang. Nga pala, sasama ka ba kumain sa amin bago umuwi?" tanong nito. Nakaupo ito sa swivel chair at bahagyang inikot iyon upang maharap sa kaniya. Sinulyapan niya ang relong suot. Dalawang oras na lang pala ay matatapos na ang shift niya. Apat na araw na siyang night shift at 10PM to 10AM ang schedule ng kaniyang pasok. Dose oras ang pasok niya dahil mas gusto niyang mag-stay sa ospital. "Saan ba kayo kakain?" tanong niya nang maupo muna sandali sa sarili niyang swivel chair. Sinandal niyang ulo sa head rest saka pinikit ang mga mata. "Baka mag-fast food na lang ulit kami. Ano? Join ka?" Dinilat niya ang mga mata saka ito tiningnan. "Hindi ko kasi alam kung magluluto ba si mama sa bahay o hindi." Dinampot niya ang cellphone saka hinanap ang numero ng ina. "Tawagan ko lang para sure." "Okay. Dalhin ko lang ito sa admin office." Tumayo ito saka lumabas ng nurse station. Nakakadalawang ring pa lang ay sinagot na ng kaniyang ina-inahan ang tawag. "Ma, nagluto ka ba ng almusal ko?" "Hindi, anak. Nandito ako sa bahay ng amo ko. Bakit? Pauwi ka na ba?" "Hindi pa po pero huwag na kayo magluto ha? Sa labas ako kakain kasama yung mga ka-workmates ko." "Ganoon ba? O, sige." "Thanks, Ma." Pinatay na niya ang tawag. Alam niya kasing abala rin sa trabaho ang kaniyang Mama Cristy bilang assitant ng isang elementary school principal. Edad labin-tatlo pa lamang siya nang mapunta sila ng kapatid niyang si Pierre, edad limang taon sa poder ng kaniyang Mama Cristy. Ito ang bestfriend at nagsilbing guardian nila nang kapwa mamatay sa isang car accident ang kanilang mga magulang. Ito ang nagbihis, nagpakain, at nagpa-aral sa kaniya hanggang sa makatapos siya ng pag-aaral bilang nurse. Mabuti na lang at kahit naulila sila ng kaniyang kapatid ay hindi naman napariwara ang kaniyang buhay. Iyon nga lang, mag-isa na lang siya talaga. May gumapang na kirot sa kaniyang puso nang maalala ang kapatid na maagang binawian ng buhay dahil sa sakit na Lupus. Huminga siya nang malalim bago pinigilan ang sariling maluha. Natigil siya pagsesenti nang makita niya ang ina ni Claui. Tumayo siya saka hinabol ito. Dala niya ang chart na pinaglalagyan ng bagong reseta ng bata. "Mommy Sarah!" tawag niya rito. Nakatatlong ulit pa siya bago nito siya lingunin. Tumigil ito at hinintay siyang makalapit nito. Ngumiti siya rito kahit hingal na hingal siya. "Good morning po, Mommy. Pinabibigay po ito ni Doctor. Bagong reseta po ni Claui ang mga ito." Tiningnan siya ng babaeng sa tingin niya ay nasa edad late 30's. Bakas sa mukha nito ang labis na pagod at hirap dahil sa dinadalang problema tungkol sa anak. Napansin niyang tila nangilid ang luha nito kaya bumangon ang pag-aalala niya. "S-salamat, Nurse Bea." Tumalikod na ito sa kaniya. Naiwan si Bea habang nakasunod ang tingin niya sa ginang. Kahit hindi ito magsaliya ay alam niyang bigat na bigat na ito sa mga problemang dinadala. Tiningnan niya ang reseta ni Claui ay malaking pera na naman ang kailangan ng mga ito. Parang kinurot ang puso niya para sa mag-ina. Mula nang dalhin dito si Claui ay siya ang palaging nurse na umaasikaso rito. Isang malalim na hininga ang kaniyang pinakawalan bago nagpasiyang babalik sa nurse station. "Nurse Bea!" tawag sa kaniya ni Nurse Lady. "Yes?" "Pinapatawag ka ni Direktor Santos. Kayo ni Nurse Jo." "Bakit daw?" Nagkibit ito ng balikat. "Hindi ko alam, e. Sana sandali lang kayo para makakain pa tayo bago umuwi."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
184.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.4K
bc

His Obsession

read
92.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook