PAGKALABAS NG silid ay naabutan pa niya ang mama ni Basty pati na ang bisita nitong si Sydney na umiiyak habang inaalo ng ginang. Wala naman siyang balak na makinig sa usapan ng mga ito ngunit hindi sinasadyang narinig niya. Naupo siya sa kaniyang swivel chair sa loob ng nurse station kung saan nakatayo ang mga ito at dinig na dinig niya ang usapan ng dalawa. "Galit pa rin po siya sa akin hanggang ngayon, Tita." Sa bawat pagtulo ng mga luha ni Sydney ay siyang bilis din ng pagpunas ngunit hindi naging dahilan ang pag-iyak nito upang mabawasan man lang ang ganda ng dalaga. "Hija, sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay galit pa rin sa iyo si Basty. Siguro ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang nangyari." "Pero, tita, mahal ko pa rin po si Basty," anito saka muling lu