TILA BATERYANG naubos ang buong karga ng katawan ni Bea nang sumapit ang hapon. Nagising na kasi si Basty at kaninang nagtanong ito kung ano ang nangyari rito ay ang ina nito ang hinayaan niyang magpaliwanag. Tahimik lang siyang nagmamasid at nakikinig sa usapan ng mag-ina na alam niyang pangpribadong usapan lang. Kasalukuyan niyang inaayos ang mga gamot na iinumin ni Basty bago siya mag-out. Alam niyang pwede namang si Nurse Jo na lang ang mag-asikaso niyon pero aayusin na niya upang on time makainom ng gamot ang kaniyang pasyente. "Uy, pinabibigay sa iyo ni mama," wika ni Nurse Jo nang bigla itong sumulpot sa pinto ng nurse station. Nagulat siya at ilang sandalio pa ang dumaan bago nakabawi mula sa pagkakagulat. "B-bakit ka ba nanggugulat?" tanong niya saka kinuha ang inaabot nitong