HUMINGA NANG malalim si Doctor Santiago habang binabasa ang resulta ng labaratory test ni Basty. Kaharap nito sina Bea at ang ina ni Basty. Kinabahan siya nananatili pa rin na positibo ang isip niya. Nandito ito ngayon sa loob ng silid ni Basty habang wala itong malay at nagpapahinga. "Normal naman ang mga labaratory results ni Basty. Ngunit ang heart pulse niya, bumilis nga kagabi." Binaba nito ang kulay puting papel saka hinarap ang ginang. "Masyadong natuwa ang anak ninyo kaya naging ganoon ang puso niya." Lumingon pa ito kay Basty na payapang natutulog. "Pero, doc, dati naman siyang natutuwa o nakakaramdam ng excitement kagaya kagabi pero bakit nawalan siya ng malay ngayon? Dati namang hindi." Bakas ang pag-alala sa mukha ni Ma'am Vicky. Lumingon din ito sa anak. Huminga ulit nang