CHAPTER 4

1053 Words
HUMULAGPOS ANG pinipigilang tawa ni Nurse Jo nang makabalik sila sa station ni habang si Bea, tulala pa rin dahil sa narinig mula sa kaniyang pasyente. "Grabe! Ang sungit!" Hawak pa ni Nurse Jo ang tiyan nito na tipong sumasakit dahil sa katatawa. Tiningnan niya ito nang masama. "E, bakit parang masaya ka pa? Ang sungit na nga ng aalagaan natin, e!" aniya rito. "Ay, sorry sorry. Oo nga pala. Well, ang gwapo niya kasi. Alam mo kung pan git iyon tapos gumanoon, naku baka tinurukan ko ng pampatulog." Natawa itong mulia. Siya naman ay tila nanghihina na naupo sa kaniyang silya saka hinilot ang batok. "Alam mo, ngayon lang ako nakatagpo ng ganoong pasyente. LKahit mga toyoin iyong mga pasyente kong mga bata, hindi naman nila ako ginanon." Tumingin siya sa kaibigan. "Sumobra sa kasungitan ang isang iyon." Ngayon naman tila kumalma si Nurse Jo saka tumango nang marahan. "Parehas lang naman tayo kaso intindihin na lang natin. Kahit sino naman ang nasa lugar niya, magiging masungit din kapag palaging nakikipaglaban sa buhay niya." Hindi siya kumibo. Gusto niyang mahiya dahil sa naiisip dahil tama ito at isa sa sinumpaan niya na hindi niya kailanman kukwestyunin ang anumang ugali ng pasyente niya. May pinagdaraanan ito kaya dapat niyang intindihin iyon. Huminga siya nang malalim. "Okay. I'm sorry dahil hindi ko naiwasan na mainis sa bago nating pasyente." Tila nag-meditate siya dahil ilang beses siyang nag-inhale at exhale. "Okay. So, anong gusto mong oras duty-han si Basty?" "Sa gabi na lang ako, girl." Tumango siya. "Okay, ako na sa umaga." Nagkasundo silang dalawa na ganoon ang schedule kay Basty kaya naman umuwi na muna si Nurse Jo upang makapagpahinga pa muna. Habang siya ay nag-ipon ng maraming lakas ng loob sa pagbabalik sa silid ni Basty upang i-check ang vital signs nito. "HELLO PO," masiglang bati niya sa mommy ni Basty na siyang naabutan niyang nagbabasa ng magazine habang nakaupo sa sofa. Nang tingnan siya nito ay may malapad na ngiti ito agad sa kaniya. "Hi, Nurse Bea. Pasok ka." "Iche-check ko lang po ang vital signs ni Basty. Gising po ba?" magalang na tanong niya rito. "Katutulog lang niya, hija pero go on. Gawin mo lang iyong gagawin mo sa kaniya." Muli nitong tinuon ang atensyon sa binabasang magazine. Si Bea naman ay kaagad na lumapit kay Basty. Payapang natutulog ang gwapong pasyente niya at tila anghel ito sa sobrang perpekto ng mukha. Bahagyang nakakunot ang noo nito. Lihim siyang natawa dahil kahit sa panaginip ay nagsusungit ang isang ito. Kaagad niyang ginawa ang dapat na gawin tulad ng pacheck ng blood pressure at pulse rate nito. Hinanda na rin niya ang mga dapat na gamot na ipapainom kay Basty sa oras na magising ito. "Kumusta ang vital signs niya?" tanong ng mommy ni Basty. "Everything is normal po, Ma'am. Once na magising po siya, tawagin po ninyo ako dahil paiinumin po natin siya ng gamot, ha?" "Pwede ba siyang kumain muna?" "Yes, opo, pwedeng-pwede po. Lalabas muna po ako tapos babalik po maya-maya." Tumango ito. "Sige, Nurse Bea. Thank you." Lumabas siya ng pribadong silid na iyon na magaan ang pakiramdam. Mabait naman ang ina ni Basty at ito lang ang pinoproblema niya. NANG MAKAKAIN ng tanghalian si Bea ay muli siyang bumalik sa silid ni Basty. Kumatok muna siya ng tatlong beses bago pinihit ang seradura. Pagkapasok doon ay kaagad na gumapang sa kaniyang balat ang lamig ng aircon. Luminga siya sa paligid upang hanapin ang mommy ni Basty pero wala ito. Ang tanging nandoon lang ay si Basty na siyang nakaupo ngayon sa kama habang nakatanaw ang paningin sa labas ng bintana. Huminga muna siya nang malalim bago lumapit dito. "Hi!" Masiglang bati niya rito. Hawak niya ngayon ang chart kung saan nandoon ang record nito. Hindi siya nito pinansin. "Nasaan ang mommy mo? Bakit wala kang kasama rito ngayon?" Kagaya kanina ay wala pa rin siyang tugon na natanggap mula rito. Napakamot na lang siya sa ulo saka isang ngiti ulit ang binigay rito. "Kumain ka na ba?" tanong niya. Ang mga mata ay lumipad sa mesa kung saan nakalagay ang pagkain nito. Wala pa iyong bawas. "Bakit walang bawas ang pagkain mo?" Lumapit siya roon at tama nga siya. Intact pa rin ang takip ng rasyon na pagkain nito. Kumunot lalo ang noo niya nang makitang pati ang mga gamot ni Basty ay nandoon pa rin. Lumapit siya agad dito. "Basty, bakit hindi ka pa kumakain? Itong mga gamot mo, bakit hindi mo pa iniinom?" Biglang tumingin sa kaniya si Basty gamit ang walang emosyong mga mata nito. Tumingin ito sa hawak niyang maliit na pill organizer. Nagsalubong ang mga kilay nito. "Bakit ba ang ingay mo?" Namaywang siya sa harap nito. "Hindi mo ba ako iniintindi, Basty? Ito kakong mga gamot mo—" Umiwas ito ng tingin sa kaniya. "Ang ingay." "A-anong sabi mo?" Hindi siya makapaniwalang nagtanong dito. Muli itong tumingin sa kaniya. "Hindi ba at ikaw ang personal nurse ko? Bakit parang kasalanan ko kung hindi ko mainom ang mga iyan sa tamang oras?" "A-ano?" Kaagad itong tumayo sa harapan niya dahilan upang mapaatras nang isang beses si Bea. Matangkad si Basty. Masasabi niya na perpekto ang taas nito kahit pa hindi ito malaman dahil siguro sa sakit nitong taglay. Natigil sa pag-dadaydream si Bea nang biglang kuhanin ni Basty sa kamay niya ang pill organizer. Masama ang tingin nito sa kaniya saka ito tumalikod at kumuha ng tubig. Humarap ito sa kaniya saka tila pinakitang sadya ang pag-inom ng mga gamot. Naikurap-kurap ni Bea ang mga mata habang nakakatitig sa gwapong mukha ni Basty habang lumalagok ng tubig. Tila nagising naman siya mula sa hipnotismo nito nang kuhanin nito ang isang kamay niya at ipahawak sa kaniya ang bote ng mineral at ang pill organizer na wala ng laman. "Happy? Siguro naman ay mananahimik ka na ngayon? Ayaw ko kasi sa lahat ay iyong maingay. Sa susunod na talakan mo ako nang ganoon, ipapatanggal kita sa ospital na ito. Ngayon, iwanan mo na ako at gusto ko matulog." Tumalikod ito saka dumiretso sa kama saka nahiga patalikod sa kaniya. Bumangon na naman ang inis na nararamdaman niya para dito ngunit hindi siya kumibo. Masama niya itong tiningnan saka siya bumulong-bulong. Dinampot niya ang chart nito saka padabog na lumabas ng silid nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD