NGAYON ANG unang araw ni Bea sa pagiging private nurse. Hindi niya maintindihan kung ano ang mararamdaman. Excited siya at kinakabahan. Maraming mga 'what ifs' sa kaniyang isip at isa na roon ang tanong kung magugustuhan ba siya ng bagong pasyente na aalagaan niya.
Nakasuot siya ng kulay mint green na scrubs saka facemask. Naglalakad siya papunta sa nurset station upang ilagay ang bag niya roon ngunit napatigil din siya sa paglalakad nang matapat siya sa isang silid.
Nung nakaraan ay walang umuukupa roon ngunit ngayon, mayroon na. Gusto niya sumilip ngunit pinangunahan siya ng hiya. Lumapit na lang siya sa pinto upang tingnan kung sino ang bagong pasyente na uukupa roon.
"Sebastian Gregorio," aniya.
So ito pala ang magiging kwarto ng pasyenteng hawak nila ni Nurse Jo. Naiintriga siya kung ano ang itsura nito pero mamaya na lang niya titingnan. Dumiretso sya sa nurse station saka nilapag ang bag. Nakatingin siya sa chart na may pangalang Sebastian Gregorio sa tapat ng kaniyang table. Binasa ang mga do's and don't tungkol sa pasyente pati na rin ang history nito.
"Hello, Nurse, Bea!"
Napalingon siya sa labas at nang makita si Claui ay agad na napangiti si Bea. Lumabas siya upang lapitan ito. "Hi!"
"Nurse Bea, totoo po ba ang sinabi ni Nurse Frances na lilipat na po kayo ng ward?" tanong ng bata.
"Parang ganoon na nga pero ang kaibahan, isa lang ang ia-assist kong pasyente," aniya saka ginulo ang buhok nito. Katabi ni Claui si Mommy Sarah na nakikinig lang sa usapan nila.
"Ano po bang ibig sabihin no'n?"
"Claui, huwag ka na masyado matanong kay Nurse Bea. Halika na at ibabalik na kita sa higaan mo," ani Mommy Sarah na binigyan siya ng humihingi ng pasensyang tingin.
"Ayos lang po, Mommy Sarah," aniya saka hinarap ang bata. "Private nurse na ako ng isang pasyente. Nakikita mo ba iyang pinto na iyan?" Tinuro pa niya rito ang kwartong nakasara ang pinto. Tumango naman si Claui. "Nandiyan ang bagong pasyente na aalagaan ko."
"Ay iyong lalaki po ba?"
"Yes..."
"Ay gwapo po iyon, Nurse Bea."
Kumunot ang noo niya. "Ha? Bakit? Paano mo naman nalaman?"
"Kanina po, nakasakay yung isang gwapong lalaki sa upuang may gulong. Tapos pumasok po siya diyan." Tinuro pa nito ang kwarto.
Tumango-tango siya. "Ganoon ba? Hindi ko pa kasi siya nami-meet."
"Panigurado po magagwapuhan din kayo sa kaniya, Nurse Bea."
"Claui, tama na iyan. Tinutukso mo na si Nurse Bea, e!" Hinarap siya nito. "Mauna na nga kami, Nurse Bea. Pasensya ka na talaga. Alam mo naman ang batang ito. Masyadong madaldal."
Natawa na lang siya bago nagpaalam sa batang pasyente. Sinundan niya ng tingin ang mag-inang palayo sa kaniya. Naging malapit din sa kaniya si Claui dahil na rin sa bibo ito kausap at totoong napakadaldal talaga nito.
May tumikhim sa likod niya at nang lingunin niya iyon ay napaatras siya agad at bahagyang naiyuko ang ulo.
"G-good morning, Doctor Santos." Kaharap na niya ang Direktor ng ospital na nakilala niya noong isang araw.
"Hmm. Nakita mo na ba ang bago mong pasyente?" tanong nito habang magkakrus ang mga braso.
Umiling siya. "H-hindi pa po."
Tiningnan siya nito habang nakataas ang isang kilay. Sumulyap ito sa relong suot saka siya tiningnan. "Alas nueve na nang umaga pero hindi mo pa nakikita ang aalagaan mo?"
Naiikom niya ang bibig. Yari siya. Baka nakita pa nito kanina na nakikipag-usap siya sa batang pasyente kanina.
"Follow me," anito gamit ang husky na na boses dahilan upang kabahan siya. Lumapit silang dalawa sa pinto na nakasara saka kumatok doon ang direktor.
May narinig silang boses ng babae na nagsabing tumuloy sila papasok.
Bumungad sa kaniyang ang malawak na silid. Kulay asul at berde ang lahat ng mga nakikita sa loob niyon. Ang ginang na nagsalita kanina ay lumapit kay Doctor Santos.
"Mabuti na pinuntahan mo na itong si Basty."
Lumipad ang tingin niya sa pasyenteng tinawag na 'Basty' ng ginang. Sa itsura pa lang nito, mukha itong mayaman dahil maputi at makinis ang balat nitong taglay.
"I'm sorry, Tita. Marami lang akong inasikaso sa office ko kanina. By the way, this is Nurse Bea. Siya ang nurse na magbabantay at mag-aalaga kay Basty every now and then para makasiguro tayong ayos lang siya. May kapalitan siyang nurse, iyon si Nurse Jo."
"Thank you much, Hijo for your hardwork. Sobrang nagpapasalamat kami iyo."
"Wala po iyon." Hinarap siya nito. "Nurse Bea, ikaw na ang bahala." Tumingin ito sa pasyente na tahimik lang na nasa labas ng bintana ang mga mata. "Basty, aalis na ako. Magpakabait ka kay Nurse Bea and Nurse Jo."
Hindi ito kumibo o kahit tingin ay hindi nito ginawa sa direktor.
Hindi naman na hinintay ng doctor ang sagot nito. Tumalikod ito rito saka siya tiningnan. "Alis na ako."
Tumango lang siya. Nagpaalam din ito sa ginang. Naiwan silang tatlo sa loob ng silid. Saglit niyang ginala ang mga tingin sa buong kwarto at ginapangan naman siya ng hiya nang magkatinginan sila ng ginang na may ngiti sa kaniya.
"H-hello po," bati niya rito.
"Nurse Bea, right?"
"Opo."
"Ako si Vicky. Ang mommy ni Basty. Sana ay maasahan ka namin sa pag-aalaga sa anak ko. Ngayon pa lang ay humihingi na ako ng pasensya."
Kumunot ang noo niya. "Para saan po?"
Lumapit ito sa kaniya at mahinang nagsalita, "may pagkamasungit kasi itong anak ko kaya sana ay habaan mo ang pasensya mo sa kaniya."
Lumingon siya sa lalaking nakatanaw pa rin sa labas ng bintana. Payat ito at bahagyang humpak ang pisngi. Ginapangan siya ng awa pa rin dito.
Tumingin siya sa ginang. "Don't worry po. Kami na po ang bahala sa anak ninyo." Pagbibigay niya ng assurance dito. Lumapit siya rito upang magpakilala. "Hello! Ikaw si Basty, 'di ba?" tanong niya rito.
Ang tingnan siya ay hindi man lang nito ginawa kaya medyo napahiya siya.
'Isnabero'
"Ako nga pala si Beatrix Anne. Bea for short. Ako ang na-assign bilang personal nurse mo. Kapag may masakit sa iyo, magsabi ka lang, ha?" aniya.
Lumingon ito sa kaniya. Ngayon, masasabi niyang tama si Claui. Gwapo nga ang lalaking ito. Kulang ang salitang iyon upang ma-discribe ang itsura nito.
"Ang ingay mo. Leave."
Napanganga siya nang marinig ang sinabing iyon ng bago niyang pasyente.