SA TUWING darating ang oras na kailangan na pumunta Bea sa kwarto ni Basty na ilang hingang malalim muna ang ginagawa niya sa labas ng pintuan. Baka kasi mapikon siya ng tuluyan nito at mapatulan na niya.
"Kaya mo iyan, Bea. Huwag ka magpaapekto sa lalaking iyon. Tandaan mo, he's your patient and you're his nurse." Muli niyang paalala sa sarili habang yakap-yakap ang chart. Nang humarap siya sa pinto ng silid, isang ngiti ang rumihistro sa kaniyang mga labi saka kumatok ng tatlong beses.
Nang makapasok siya roon ay wala pa ring kasama si Basty at sa tingin niya ay tulog ang isang iyon habang nakapikit. Nasa kama ito at nakatalukbong ng kumot. Huminga siya nang malalim.
'Ang bait naman ng pasyente ko... kapag tulog!'
Natawa siya sa naisip na iyon kaya tumuloy na lang siya upang tingnan ang vital signs nito. Nang makitang ayos naman lahat ay napansin niyang wala pa ring bawas ang pagkain nito. Umirap siya saka iyon kinuha. Sinilip niya ang laman at mabilis niyang naiiwas ang mukha sa pagkain nang maamoy na hindi na maayos iyon.
"Napanis na. Sayang naman," aniya saka lumingon kay Basty na tulog na tulog pa rin. "Ang dami-daming mga bata ang hindi kumakain tapos itong isa na ito, nagsasayang lang." Napailing na na lang siya.
Kaagad na gumapang ang pag-aalala niya para dito dahil parang hindi ito humihinga. Lumapit siya agad dito.
"Basty? Basty?" Inalog niya ito.
"Hmm? Bakit ba?" Napaatras pa siya sa gulat nang sumagot ito. Dumilat ito saka masama siyang tiningnan. "Ano bang problema mo? Natutulog iyong tao tapos gigisingin mo ako!?"
Sa gulat ay hindi siya kaagad nakapagsalita. Nakatingin lang siya sa mukha nitong bahagyang pinagpapawisan. Kumurap-kurap siya ng mga mata saka napalunok nang makitang gumalaw ang Adam's Apple nito.
"Tutulala lang ba diyan sa akin? Baka gusto mo sabihin kung ano ang kailangan mo this time, Nurse Bea?" Baritonong tanong nito.
"A-ahh... w-wala naman--"
"Wala? Ginising mo lang ako dahil wala? Ano? Trip mo lang na istorbohin iyonmg pahinga ko?" Halata na sa itsura nito ang galit at inis sa kaniya.
Napapahiya siyang nag-iwas ng tingin. "S-sorry naman. Kasi ano, e..." Tumingin siya sa mga mata nito. "A-akala ko m-may nangyari na sa iyo," aniya. Lihim siyang nananalangin na sana ay lamunin na siya ng lupa dahil sa sobrang pagkapahiya.
"Ano?" Pinaningkitan siya ng mga mata ni Basty. "Ano bang pinag-iisip mo, Nurse Bea? Alam mo kaunti na lang talaga, papapalitan na kita sa pinsan ko."
"H-hoy huwag naman. Nagtatrabaho lang naman ako, ah!"
"Trabaho mo rin bang pag-tripan ang pasyente mo?" Tila hindi ito makapaniwala sa sinabi niya. "You know what, whatever. Lumabas ka na lang siguro para naman matahimik muna ulit ang mundo ko," anito sa kaniya.
"Wala kang kasama rito. Nasaan ba si Mommy mo?" tanong niya. Tumalikod siya saka muling dinampot ang tupperwear na may laman na pagkaing nasira. "Hindi ka nakakain, oh. Napanis lang."
"As if naman na mapapakain mo ako ng pagkaing lutong ospital," anito habang nasa isa ang paningin.
"Anong sabi mo?" tanong niya kahit pa narinig naman na niya kung ano ang sinabi ng kaniyang pasyente. "Ikaw, napaka-ungrateful mong tao. Ang daming nagugutom sa labas taposa ikaw, nagsasayang ka lang ng pagkain."
"Ako pa talaga ang ungrateful dito, no? Baka nakakalimutan mong may sakit ako at sila wala." Masama ang tingin nito sa kaniya.
Dahil sa sinabi nito at nakaramdam siya ng hiya rito nang mapagtanto ang sitwasyon nito kumpara sa mga taong nasa labas ng ospital. Ang tanga lang niya sa parteng iyon dahil nakalimutan niya isa yata ito sa may pinaka-worst na sakit at hindi nito na-eenjoy ang buhay hindi gaya ng mga tao sa labas.
"B-basty, I'm sorry," aniya pero kagaya kanina, masama pa rin ang tingin nitong pinukol sa kaniya.
"Ayaw ko sa paraan ng pagtingin mo sa akin. Pwede bang iwanan mo na lang ako? Sa susunod na makita mo akong tulog at nakatalukbong ng kumot, please huwag na huwag mo akong gigisingin. Ayaw ko ng istorbo kapag ganoon." Siniringan siya nito ng tingin.
Tumango na lang siya saka lumabas ng silid. Pagkasara ng pinto ay isang malalim n paghinga ang ginawa niya. Hindi na talaga siya magtataka kung matanggal siya sa trabaho dahil sa pagiging taklesa ng bibig niya.
Bumalik na lang muna siya sa nurse station upang uminom ng tubig. Isa lang ang hawak niyang pasyente ngayon pero tila sampung bata ang katumbas.
'How I wish na sana ibalik na lang ako sa pedia ward.'
"Mukhang pagod na pagod ka na sa first day of work mo, ha?"
Nagulat pa si Bea nang marinig niya ang boses ni Mr. Santos. Nang lingunin niya ito ay nasa mahabang mesa ito ng station nila at may hawak na folder. Nandoon ang mga mata nito.
"D-Doc. Santos," nahihiya niyang bati rito. Bigla ay nag-alala siya para sa sarili lalo na kung nasabi ba niya nang malakas ang wish niya kani-kanina lang. "Hindi naman po sa ganoon. Medyo naninibago lang po siguro ako sa h-hawak kong pasyente."
Sinara nito ang chart na hawak at tinago ang ballpen na may pangalan nito sa bulsa ng white coat nito bago siya sulyapan. "Really?" seryosong tanong nito.
"O-opo," aniya saka napayuko na lang ng ulo. Lihim niyang pinananalangin na sana ay umalis na ito kaagad.
"Bakit pala ikaw ang assign ngayong umaga? Ang ini-expect ko ay sa gabi ka magpapa-assign at si Nurse Jo muna ngayon?"
"Ah... wala lang po."
Ilang sandali siya nitong tinitigan saka tumango maya-maya. "Okay." Tumalikod na ito pagkaraan.
Noon tila nakahinga nang maluwag si Bea nang sa wakas ay mawala ito sa paningin niya. Naisip niyang hindii nakapagtataka na magkamag-anak nga sina Doc. Santos at itong si Basty dahil parehong masungit ang awra. Nakakatakot. Pakiramdam niya ay matutuyot na siya kahit pa unang araw pa lang ng duty niya bilang personal nurse ni Basty.
Pero dapat ay huwag siyang magpadaig sa kasungitan nito. Alam niyang wala rin iyong pinagkaiba sa mga bata na nahawakan niya sa mga nagdaang taon na nasa pedia ward siya. Kailangan lang niya hulihin ang kiliti nito ngayon.
Kahit pa ang malaking tanong ay kung paano niya gagawin ang sanayin ang sarili.