NANG MAKARATING sina Basty at Bea sa rooftop ay magkahawak pa rin sila ng mga kamay. Dahan-dahan na humakbang si Basty habang nakatanaw sa sikat ng araw na malapit na lumubog. Mula sa kinatatayuan nila ya tanaw na tanaw nila ang magdang tanawin na iyon. Kaagad na bumutiw si Bea dito saka kumimlos. Kumuha siya ng isang silya na mukhang matagal nang hindi nagagamit at saka iyon pinwesto kung saan tingin niya ay magiging komportable si Basty. "Ayos ka na ba rito?" tanong niya. Nang sulyapan niya si Basty ay bahagya siyang natigilan dahil nasa kaniya ang atensyon nito. Nakamata sa ginagawa niya. Tumikhim siya saka umayos ng tayo. "Hoy!" aniya rito. Noon naman tila natauhan si Basty. Kaagad itong nag-iwas ng tingin saka nagsalita, "Oo. Pwede na ako riyan." Napangiti siya. "Maupo ka na at s