MALAPAD ANG ngiti sa mga labi ni Bea habang inilalagay niya ang dalawang pahina ng drawing ni Basty sa isang clear folder. Doon niya nilalagay ang mga bagay na importante sa kaniya at sakto naman ang size ng niyon doon. Hinaplos-haplos pa niya ang mga iyo nang mailagay nang maayos doon ang mga iyon. "Ganda ng ngiti natin, ah!" wika ni Becka habang nasa kabilang linya. Nag-vivideocall sila ngayon dahil nakaugalian na nilang gawin ang bagya na iyon kapag hindi pa naman sila pagod pagkatapos ng duty nila sa ospital. Lumingon siya rito nang hindi pa rin nawawala ang ngiti. "Ha? Ano bang sinasabi mo diyan?" Muli niyang tinuon ang atensyon sa hawak. "Ang gand ang ngiti mo. Parang nangangamoy in-love, ah!" tukso nito sa kaniya pero inirapan lang niya ito saka muling tinuon ang atensyon sa hawa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books