CHAPTER 2

1065 Words
KASAMA NI Bea si Nurse Joy nang magtungo sila sa office no Direktor Santos. Halos lahat na nagtatrabaho sa ospital ay takot dito. Hindi pa niya ito kailanman nakausap pero nakita na niya ito nang maraming beses. At kahit nakita lang niya ito, ramdam niya ang pagka-intimmidating ng dating nito. Ang lakas ng kabog ng kaniyang dibdib. Gwapo ito, matangos ang ilong, mapungay ang mga mata. Makapal ang mga kilay nito na parang ang sarap bunutin at ang labi, makapal at isa iyon sa nakapagpapa-attract sa mga kababaihan. At aaminin niya na kasama siya sa mga babaeng nagkakagusto rito. Sino ba ang hindi magkakagusto sa lalaking sa edad bente siyete anyos ay isa nang ganap na doktor. May sariling bahay, lupa, mga kotse at kung ano-ano pang ari-arian. Ang isa pang bagay na nagustuhan niya rito, ang ngiti ngiti nitong ang lakas ng dating. Pantay-pantay ang mga ngipin na mapuputi ay ang dimples nito, grabe. Perfect. Kulang ang salitang ito para sa direktor nila. Kaso, wala yatang perpekto talaga sa mundo. Marami siyang naririnig patungkol sa ugali nito. Ayon sa mga kasama niya sa ospital na nakausap na ito, hindi raw maganda ang tabas ng dila nito. Kung mukha raw itong anghel sa labas, ang panloob naman nito ay kabaligtaran. Lalo siyang kinabahan nang nasa tapat na sila ng pinto ng opisina nito. Lumingon muna siya kay Nurse Jo at nakita niyang nag-sign of the cross pa muna ito bago siya nilingon. Huminga ito nang malalim. "Ready ka na?" "Nurse Jo naman. Para naman papatayin tayo sa loob!" aniya kahit na alam niyang parang ganoon talaga ang feeling. Inirapan siya nito. "Bakit? Hindi ba at ganoon naman din ang nararamdaman mo? Sige na. Mag-sign of the cross ka na!" Mabilis siyang ginawa iyon. "Lord, kayo na ang bahala sa amin," umusal pa talaga siya ng panalangin dahil doon. Natawa si Nurse Jo dahil sa sinabi at ginawa niya. "Mas malala ka pa pala sa akin." "Hawakan mo itong mga kamay ko. Nanlalamig, di ba? Ganyan ako kakaba ngayon!" aniya. Totoo naman at walang halong biro. Huminga silang dalawa nang malalim bago kumatok sa pinto. Nagkatinginan pa sila bago pinihit ni Nurse Jo ang seradura. Lamig ng aircon ang humalik sa kanilang mga balat nang makapasok sa loob. Ang lakas niyon ay nagdulot ng kakaibang kilabot at nagpadagdag upang mas kabahan sila. Nakaupo ang direktor ng ospital habang abala sa pagbabasa at pagpirma ng ilang mga papeles na nasa mesa. Tumango muna si Nurse Jo sa kaniya bilang sinyales na lumapit silang dalawa roon. Napatigil siya sa paghakbang nang makita niyang tumigil ang ballpen nito sa pagpirma. Dahan-dahan nitong inangat ang paningin at tiningnan silang dalawa gamit ang walang emosyon nitong mukha. "Yes?" Husky ang boses nito kaya lalong gumwapo ang dating. "G-good morning, Doc. Santos. I'm Nurse Jo and this is Nurse Bea. Pinatawag daw po ninyo kami?" Bakas sa mukha ni Nurse Jo ang kabang nararamdaman. Siya naman ay panay ang hinga nang malalim lalo na nang magsalubong ang kanilang mga tingin ng direktor. Napalunok siya nang tingnan siya nito mula ulo hanggang sa paa. "You may seat down first. Tatapusin ko lang ito." Muling binalik nito ang pagbabasa sa ginagawa. Gamit ang mga mata ay nagkaintindihan sila ni Nurse Jo. Umupo sila sa sofa na kulay itim. Leather ang tabas niyon. Pasimple niyang nilibot ang mga mata sa loob ng opisina. Maraming mga trophies at certificates ang naka-display. May mga nakapangalan sa ospital at mayroon ding napapangalan kay Doctor Segundo Santos. Panlalaki ang dating ng opisinang iyon at mabango. Hindi siya sigurado kung dahil ba iyon sa mamahaling pabango ng doctor or air freshener lang. "Ang lakas ng kaba ko," bulong ni Nurse Jo sa kaniya. Sumenyas siyang huwag maingay ay baka mapagalitan silang dalawa. Ilang sandali pa ay tumayo na ang direktor nila ay humakbang patungo sa kanilang pwesto. Puno ng etiquette itong naupo sa bakanteng sofa, sa harap nila mismo kaya mas lalo yata siyang napahanga. "Good morning. May ideya na ba kayo kung bakit ko kayo pinatawag?" tanong nito habang nakadekwatro ng upo. Ang mga palad nito ay magkahawak habang nakapatong sa tuhod. "Ah, w-wala pong nabanggit yung head namin, d-doc," ani Nurse Jo. "Wala?" tanong nito. Hindi alam ni Bea pero tila kinabahan siya. Parang hindi nito nagustuhan ang sinabi ng katabi. "Bakit wala?" "H-hindi po namin naitanong—" "Okay." Putol nito sa sasabihin sana ni Nurse Jo. Napalunok silang dalawa. May folder na nakapatong sa lamesa nito. Tumayo ito at kinuha iyon. Ilang sandali pa ay pinatong nito iyon sa kanilang harapan. "I want you to read this files. Both of you." "T-tungkol po saan ito?" "Read it yourself para malaman mo, Nurse Joy." "It's Nurse J-jo." "What ever," anito saka muling naupo. Kinuha na lang ni Bea ang kopya na para sa kaniya saka iyon binuklat. Kaagad niyang binasa ang laman niyon. Napanganga siya. "D-doc, gagawin kaming personal nurse?" tanong niya pero gusto niya magsisi nang tingnan siya nito gamit ang malamig nitong tingin. "Iyon ba ang nakalagay?" "O-opo." "Then you're right. Yes, magiging personal nurse nga kayo ng isang pasyente na malapit sa akin. I want you, both of you to do your best para maalagaan ang pasyenteng ito." Kaagad niyang binasa at pinag-aralan ang kaso ng bagong pasyente na aalagaan nila. Name: Sebastian Gregorio Age: 27 years old Birthday: October 4, 1994 Diagnoses: Cardiomyopathy "Sobrang sensitive ng lagay ng patient kaya kailangan na dalawa kayo. Salitan kayo ng shift para maayos ang maging trabaho ninyo," anito. Nagtaas siya ng kamay. Nahiya naman siya nang tingnan siya nito. "Yes?" Nakataas ang kilay nito. "D-doc, tanong ko lang po. Bakit kami? I mean, sa pedia ward po kasi kami naka-assign ni Nurse Jo." Tumaas ang kilay nito sa kaniya. "Kapag pedia ward nurse lang, bawal na ba malipat?" Naitikom niya ang bibig. May point naman ito pero naiinis siya sa paraan nito ng pagsagot. Kinalma niya ang sarili pero ramdam niyang nanlalamig na ang katawan niya. "Sa Tuesday kayo mag-start. Mag-usap na lang kayo kung sino ang panggabi at umaga sa inyo. Kung may tanong kayo, sa head ninyo kayo magtanong. Aasahan ko na gagawin ninyo ang trabaho ninyo. Thank you for your hardwork in advance, Nurse Jo... Nurse Bea. That's all." Nilahad nito ang kamay paturo sa pinto hudyat na pinalalabas na sila nito. Dali-dali naman siyang hinila ni Nurse Jo palabas ng opisinang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD