WIN-WIN
"At saan kayo galing na apat kahapon? Aba, ang sabi natin, saglit lang tayo maghihiwa-hiwalay para magpicture-picture, eh kamusta naman na ang tagal ko nang naghihintay eh ni wala man lang bumalik sa inyo!" reklamo sa amin ni Amy habang naglalakad kami papunta sa dining room.
Oo nga pala, after namin makita si Ysabelle, nagkayayaan na kaming mamasyal. At dahil iba-iba yung gusto naming background ng pictures namin, naghiwa-hiwalay kami para hindi kami matagalan. Hindi na ako nakabalik dahil nakasalubong ko sila Sidney at Ysabelle and nagyaya na silang bumalik dito sa bahay.
Medyo awkward nga yung sitwasyon namin non dahil hindi ko talaga alam kung papa'no ako makikipag-usap kay Ysabelle. Ang nangyari tuloy, kaming dalawa lang ni Sid yung nag-uusap dahil ipinasak na naman nung isa yung headphones nya sa tenga nya.
"Sorry. Akala ko kasi nakabalik na kayo. So, nung nakita ko sila Ysabelle at Win-win, niyaya ko na sila pauwi. Hindi na talaga mauulit, promise." hinging-paumanhin naman ni Sidney.
"Whatever. Wala na rin naman akong magagawa. Pero subukan nyong ulitin yon, EOF na talaga tayo." sabi pa ni Amy.
Pagpasok na pagpasok namin sa dining room, nakakumpol sa isang pwesto yung iba naming kasama kaya nagkatinginan kaming lima--okay, apat lang pala dahil nakatingin lang ng derecho si Ysabelle sa isa naming kasama. Ay ano yon, kenekshen? Ugh! Nevermind. As if naman may care ako diba?
"O, bakit di pa kayo kumakain? Anong nangyari? Anong tsismis yan?" tanong agad ni Lia sa mga kasama namin.
"Hindi nyo ba narinig yung balita? Disqualified na daw si Bernice dahil sa eksenang ginawa nya kahapon. Kaya naman pala gabing-gabi na, di pa rin sya bumabalik sa kwarto. Akala nga namin, may nangyari na sa kanya. Sabi pa nila, isusunod na lang daw yung mga gamit nya." napaawang naman yung bibig ko dahil sa narinig. Hala, pwede ka pala talagang ma-disqualify nang ganun-ganun lang? Nako, mukhang kailangang dobleng ingat yung gawin ko ah.
"Hindi man lang daw ba sya binigyan ng chance na magpaliwanag?" tanong naman ni Sidney. Halata yung lungkot sa mga mata nya dahil sya yung naging kaibigan na yata ng lahat ng tao dito.
"Sabi nila, hindi na daw. Napanood daw kasi nung organizer yung nangyari. Bruhang yon, hindi man lang nagpaalam sa amin." sabi pa nung isang kasama nya sa kwarto.
"Sid, wag ka na ngang malungkot dyan. At least diba, nabawasan tayo ng isang 'kalaban' at isa pa, bagay lang yon sa ginawa nya kay Lia at kay Ysabelle no!" tumango naman ako. Tama naman kasi si Amy eh. Bernice really deserved what happened to her. Dapat hindi sya nagsasalita ng ganon sa ibang tao.
"Tara na. Kumain na lang tayo. At Ysabelle, tigilan mo nga yang pakikipag-eye-s*x mo dun sa Jessamine na yon. Kanina ka pa nakahubad sa mga tingin nya." mahinang sabi pa ni Amy na kami lang yung nakakarinig.
Sabay-sabay naman kaming napatingin dun sa tinutukoy ni Amy at halos matawa kami dahil totoo nga yung sinasabi nya.
"Shut up. I'm not eye-sexing her. Ni hindi ko pinangarap." sabi naman ni Ysabelle na itinuon na lang yung atensyon nya sa pagkain.
"Whatever. She's pretty, though. At bali-balita pa na may ilang naka-s*x na daw yang babaeng yan dito sa mga contestants dito. Imagine ha, iisang araw pa lang tayo, nakarami na sya. Iba din eh no." tsismis pa ni Amy.
"At papa'no mo naman nalaman, aber? Dahil ba isa ka sa mga babaeng yon?" biro naman sa kanya ni Lia kaya ayun, hinampas tuloy sya ni Amy.
"I don't do girls, Beybe. If ever din naman na magkakagusto ako sa babae, hindi tulad nya. Ayoko ng 'slut'." mahinang sabi pa ni Amy na halatang ayaw din nyang may ibang makarinig sa kanya. "Baka yang si Ysabelle." sabay tawa pa nya.
"I told you. She's not my type." sabi pa ni Ysabelle na sa akin nakatingin kaya napakunot yung noo ko. Problema naman nito? Hindi naman ako yung nagsabi non ah.
"So sinong type mo, si Win-win?" nakangiting tanong ni Sidney at naghintay na ako ng pagtanggi at hindi magandang salita pero hindi sumagot si Ysabelle at pinagpatuloy na lang yung pagkain.
"KJ." bulong pa ni Sidney pero narinig sya ni Ysabelle kaya inirapan lang sya nito.
"Ako, ako, crush ko si Win-win. Ang cute kasi ng mata nya kapag ngumingiti sya." so, ngumiti ako kay Lia. Alam ko naman kasing walang ibig sabihin yung sinabi nyang yon.
"Eh kaso hindi ikaw yung crush nya kundi si---" at bago pa nya naituloy yung sasabihin nya, pinandilatan ko na sya ng mata.
"Kumain ka na lang kasi, 'te." natatawang sabi ko pa sa kanya sabay subo nung isang ubas. Ang dami pa kasing sinasabi eh. Mamaya nyan, ma-awkwardan pa sa akin si Ysabelle lalo. Eto nga't kinakabahan ako lagi kapag tumitingin sya sa akin eh.
"Isa ka pang KJ." sabi pa nya sa akin.
"Wala pa kasi sa isip ko yung mga ganyan. Mas importante sa'kin 'tong contest na 'to at hindi ko kailangan ng distractions." nakangiting sabi ko naman sa kanya.
"Hey." sabay-sabay naman kaming napatingin sa nagsalita, pwera sa babaeng suplada. At bakit nga ba hindi ako nagtaka na bigla syang lalapit dito? Mukhang tama sila Amy, interesado nga talaga ata 'tong si Jessamine kay Ysabelle. Ibang makatingin eh. Sayang lang at hindi sya tinitingnan nung isa. Asus, if I know, pa hard-to-get lang yang babaeng yan. Parang di ko naman nakita kanina kung papa'no nya tiningnan 'tong si Jessamine no! Seryoso kaya yung pagkakatingin nya.
"Uy Ysabelle, ikaw yata yung kailangan nya." sabay siko ni Amy sa katabi nya.
Bored naman na tumingin sa kanya si Ysabelle. Kitang-kita namin yung pagsmirk ni Jessamine nung makita nyang tumingin sa kanya yung isa.
"What do you want?" balewalang tanong ni Ysabelle.
"Alam kong alam mo kung ano yung gusto ko. Tatahimik ako sa ngayon, Ysabelle, pero mamaya, kailangan kitang makausap." napansin naman namin na parang nag-iba yung yung tingin ni Ysabelle sa babaeng kausap nya. Pero tumawa lang ng mahina yung isa. "Yan, ganyan nga. Gusto kong nasa akin yung atensyon mo. Hindi ko papayag na may iba kang tinitingnan." sabay tingin ng masama sa akin. Luh, bakit ako nadamay?
"Sige. Mamaya. Matigil ka lang. At pwede ba, umalis ka sa harap ko dahil ayokong makita yang pagmumukha mo!" napansin kong nag-tiim-bagang muna si Ysabelle bago ibalik yung atensyon sa pagkain nya.
Tatawa-tawa namang lumayo sa mesa namin si Jessamine.
Kaming apat, eto, nakatingin lang lahat kay Ysabelle dahil hindi namin maintindihan kung ano yung pinag-uusapan nila kanina.
"What was that?" syempre, may makakapigil ba sa pagiging tsismosa ni Amy?
"Wala." Kibit-balikat ni Ysabelle. "Wag nyo na lang pansinin yon. Wala rin naman kwenta yung babaeng yon." balewala pa nyang sagot kaya nagkatinginan kaming apat.
No, alam kong hindi 'wala lang' yon. Hindi magagalit ng ganon si Ysabelle kung wala lang yung sinabi ni Jessamine sa kanya na 'alam nya'.
"Seriously, Montelibano, wag ka nang mag-isip dyan. Halata dyan sa mukha mo na masyado mong pinagtutuunan ng atensyon yung sinabi nung babaeng yon. Wag nyo na lang pansinin. Hindi talaga importante yon, seryoso." at bago pa ako makapagsalita, nakita kong ngumiti sa akin si Ysabelle kaya bigla akong natigilan. Totoo ba yon, may kakayahan palang ngumiti ang isang Ysabelle Gutierrez? Hala, eh bakit parang natuwa ako bigla?
Malamang, kasi at least ngayon, nagiging magsimula na kayong maging magkaibigan. Yun lang yon no!
Oo, tama, yun lang yon.
Paglingon ko kay Sidney, nakangiti sya sa akin kaya mas lalo akong napangiti.
See? Kahit si Sidney, masaya na ngumiti sa akin si Ysabelle. Hihi.
***
"So, ano yung ngitian na yon kanina sa table? Iba ka din eh no? Pangalawang beses ko pa lang ata nakikitang ngumiti yang Ysabelle mo ah. In fairness, kinikilig ako sa inyong dalawa." agad ko namang hinampas sa braso si Sidney dahil sa sinabi nya yon at pagkatapos ay tumingin-tingin ako sa paligid namin. Aba, mahirap na. Mamaya nyan, may makarinig sa amin, ma-issue pa ako, or baka may makarinig sa staff at gamitin yung tuksuhan na 'to para sa 'drama' nitong reality show na 'to.
Speaking of this show--
"Bakit hindi pa rin tayo nagsisimula na mag-tape ng bawat episode na ipapalabas nila? Akala ko ba ngayon na yon?" tanong ko na lang kay Sidney. Papa'no naman, excited na akong malaman yung challenges, tapos ganito, hindi pa rin tayo sinasabihan ngayon.
Ngumiti naman sa akin ng nakakaloko si Sidney.
"Ikaw talaga, binabago mo yung topic. Pero sige, pagbibigyan kita at baka mapikon ka or baka biglang mainlove ka nga kay Ysabelle kapag pinagpatuloy ko pa yung panunukso." tatawa-tawang sabi pa nya kaya pabirong inismiran ko na lang sya. "Dun sa tanong mo naman, well, ngayon ko lang naisip na oo nga no, bakit hindi pa nila tayo pinapatawag para mai-tape na yung pilot episode? Hmmm, teka, dyan ka lang, nakita ko kanina yung si Ate Staff sa may likod nung bahay, puntahan ko lang sya." at bago pa ako makapagprotesta, ayun, iniwan na nga ako dito ng babaeng yon. Tsk. Grabe, sana man lang, isinama na lang nya ako diba?
Hindi ko alam kung mga ilang minuto yung nakalipas na wala pa rin si Sidney kaya naisip ko na lang sundan kung saan sya papunta. Baka napatsismis na yung babaeng yon ah. Nakalimutan na may iniwan syang kaibigan dito.
Tumayo na lang ako at pumunta sa likod bahay. Napangiti ako nang makita ko si Sidney na naglalaro doon. Tsk, parang bata.
Lalapitan ko na sana sya nang matigilan ako dahil nakita kong naglalakad din papunta sa may kabilang parte ng kakahuyan si Ysabelle. Ah, baka makikipagkita sa babae nya. Sa dinami-dami naman ng pwedeng tagpuan, sa tagong lugar pa talaga eh. Alam na this!
Naiiling na napasimangot na lang ako. In fairness dito sa babaeng 'to kasi, sasabi-sabihin na hindi nya type si Jessamine pero halata naman na excited sya sa kung ano yung gagawin nila. Ew.
Bigla naman akong napalingon ulit kay Sidney. Gusto ko lang malaman kung nakita nya rin si Ysabelle pero mukhang hindi nya napansin dahil patuloy lang sya sa paglalaro nya. Tsk, eh di sana, pwede naming pagtsimisan kung ano man yung gagawin nung dalawa diba?
Pero pakialam ko naman sa kanila? Sus. Kalaban ko pa rin sila dito at hindi ako dapat ma-distract sa kahit anong ginagawa nila. So bahala na sila sa buhay nila. Basta ako, nandito ako, para manalo.
***
K
Pangalawang araw, pangalawang swerte. Napangiti ako nang makita ko na nag-iisa lang yung susunod kong biktima. Pero sa sobrang excitement, nakaapak pa ako ng tuyong sanga ng puno kaya sigurado akong narinig ng babaeng 'to yung pagdating ko.
Magtatago pa sana ako sa may puno nang bigla syang nagsalita.
"Masyado ka naman yatang pakipot, Ysabelle, halos isang oras na ako naghihintay sa'yo dito ah. Akala ko, hihintayin mo pang sabihin ko sa kanilang lahat kung papa'no mo tingnan at manmanan si Winona kahapon." at kahit nakatalikod ang bruhang maharot, rinig pa rin sa boses nya yung pinaghalong inis at inip.
Mas lalo naman akong napangiti.
Masyado naman atang excited 'tong Jessamine na 'to sa pagkamatay nya. Aba, na-delay na nga ako ng ilang minuto para pahabain pa ng bahagya yung buhay nya. Pero waley, sya na talaga yung sumalubong sa kamatayan nya.
"Uh---" lumingon naman sya sa akin at napakunot yung noo ko nang makita ko syang nakangiti.
"Oh. Hi." nakangiting bati pa nya sa akin pero agad ding nawala yung mga ngiting 'yon nang makita nya yung itsura ko habang nakatingin sa kanya.
"B-bakit ganyan ka makatingin?" parang kinakabahang tanong pa nya.
Ngumisi naman ako sa kanya.
"O, bakit biglang nagbago yung tono ng boses mo? Nasaan na yung kalandian mo?" nakangisi pa ring tanong ko sa kanya.
At mukhang naalerto naman yung bruha dahil bigla syang naglakad papalayo sa akin pero asa naman sya na makakatakas sya diba? Nagmamadali ko syang hinabol bago pa sya tuluyang matakas.
Ha! Runner yata 'to! Kaya kahit anong bilis pa ng lakad or takbo nya, maaabutan ko sya no!
"Ops, at saan ka pupunta?" sabay harang ko sa dadaanan nya.
"Padaanin mo ako." pagmamatapang pa nya.
"Eh kung ayoko, may magagawa ka ba?"
Sinamaan nya naman ako ng tingin kaya mas lalo akong napangiti.
Ganito yung gusto ko, palaban.
"Dadaan ako, sa ayaw at sa gusto----" at bago pa nya maituloy yung sasabihin nya, bigla syang natigilan dahil malamang, naramdaman nya yung pagpalo ko sa ulo nya.
Natatawa ko syang pinanood habang unti-unti syang nawawalan ng malay.
Dami kasing satsat. Sinasabing hindi sya makakawala sa akin eh. Tsk.
Kaya eto, naiiling na natatawa ko syang hinila papasok sa kung saan ko din pinatay noon yung babaeng kinalantari nya.
Sa ngayon, matulog ka muna, dahil paggising mo, iisipin mo na lang na natulog ka na lang habang buhay at hindi na lang nagising pa dahil sa sakit na ipaparanas ko sa'yo mamaya.