WIN-WIN
"O Lia, saan ka galing? Kanina pa kami nagchichikahan dito ah." napatigil naman ako sa pagkukwento kay Sidney nang marinig ko yung tanong ni Amy.
Oo nga no. After naming maglunch, biglang nawala 'tong si Lia. Napag-usapan kasi namin kanina na sama-sama na lang kaming lima, yes, unfortunately for me, pumayag si Ysabelle na sumama sa amin sa pamamasyal which is odd dahil halatang wala naman syang gana na kilalanin kaming lahat.
Pero syempre, baka sabihin naman nila na ang sama ko kapag sinabihan ko sila Sidney na wag na lang naming isama si Ysabelle dahil hindi nga ako komportable sa kanya. So, nanahimik na lang ako. Hindi ko na lang sya papansinin mamaya. Pwede naman yon diba?
"Sa restroom. Sumakit yung tyan ko. May nakain ata ako na sumira sa tyan ko." reklamo nya sabay upo sa gitna naming dalawa ni Amy.
"Ayan. Ang takaw mo kasi. Pero makakasama ka pa ba sa amin?" tanong ulit ni Amy.
Tumango naman ng sunud-sunod si Lia.
"Of course. Uminom na ako ng gamot no! At isa pa, ayokong maiwan mag-isa sa kwarto, malay ko ba kung bigla na lang may kumuha sa akin at bigla akong ialay sa punong aswang." sagot naman nito kaya bigla naman kaming natawa. Aswang talaga? Oo nga at mukhang liblib 'tong lugar na 'to pero I doubt kung may aswang nga. Hindi na uso yon. Ang dapat katakutan ngayon, yung tao mismo.
"As if naman gagawin kang alay eh pang birhen lang yon. Ang mga tulad mong sexy starlet, hinding-hindi bagay umarte na virgin no!." natigil naman yung tawanan namin nang biglang magsalita yung isa sa mga contestants. I forgot her name pero kasama sya dun sa 3rd room.
"Respeto naman dyan, Bernice." oh, so that's her name. Ang pangit. Kasing pangit ng ugali nya.
"Hindi karespe-respeto yung nga katulad nyang babaeng yan. Pwede ba? And ano bang ginagawa mo dito? Diba sikat ka na? Dun sa scandal nyo nung matandang lalaking nilandi mo?" worried na tumingin naman ako kay Lia. Nakakuyom lang yung palad nya habang nakatungo. She doesn't deserve this kind of treatment.
Muntik na rin akong matawa kay Ate nung lumingon ako sa kanya. Makasabi kasi sya ng ganon kay Lia eh kung tutuusin, sa itsura nya, parang sya nga yung hindi karespe-respeto. Sa damit pa lang nya na halos kita na lahat ng itinatago nya, at yung make-up nyang sing kapal ng mukha nya, wala syang karapatang magsalitan non.
Magsasalita sana ako pero hinawakan ako ni Sidney sa kamay at umiling sya sa akin na para bang sinasabi na wag na lang akong makialam. At kahit labag sa kagustuhan ko, tumahimik na lang din ako tulad ng gusto ng kaibigan ko dahil baka pati sila, madamay din.
"Why don't you shut your freaking mouth? Kung wala kang magandang sasabihin, manahimik ka na lang or baka mas gusto mong ako pa yung magpatahimik sa'yo." biglang bumilis na naman yung t***k ng puso ko nang marinig ko kung boses nya at kung papa'no nya sinabi yung mga katagang yon kay Bernice. At mukhang tulad ko, natakot din sya dahil natigilan sya matapos din iyong marinig.
Pero nakabawi naman din sya agad dahil ngumisi sya kay Ysabelle.
"Wow. Ano yan, tinatakot mo ba ako? Gagayahin mo ba yung ginawa ng nanay mo kaya nakakulong sya ngayon sa---" at bago pa kami makareact agad, sakal-sakal na ni Ysabelle si Bernice na nanlalaki yung mata.
"Wag na wag mong idadamay dito yung nanay ko lalo na kung wala kang alam." napansin ko na mas dumidiin yung pagkakasakal nya kay Bernice dahil halos namumula na yung buong mukha nung isa. "Nagkakaintindihan ba tayo?!" malamig na tanong nya pa rin. Naiiyak naman na tumango si Bernice sa kanya kaya binitawan sya ni Ysabelle.
At bago pa tumalikod sa amin si Ysabelle, tumingin muna sya ng seryoso sa akin bago nagpatuloy sa pagwawalk-out.
Uubo-ubo naman na inalalayan ng mga kaibigan nya si Bernice.
"Serves her right." bulong ni Amy bago kami yayain palabas para sundan si Ysabelle.
Tulad kanina, hinawakan ulit ni Sid yung kamay ko dahil naramdaman nya ata yung kaba ko dahil sa boses at sa ginawa ni Ysabelle. At bakit kailangan nyang tumingin sa akin bago lumabas? May problema ba talaga sya sa akin?
"You okay?" concerned na tanong pa sa akin ni Sid habang naglalakad kami.
Pilit naman akong ngumiti sa kanya at tumango.
"Yeah. Nagulat lang." sagot ko naman sa kanya.
"Start pa lang yan ng drama." natatawang sabi naman nya kaya napangiti din ako. Ewan ko ba, kapag tumatawa si Sid, hindi pwedeng hindi ka din mapapangiti eh.
"Lia, are you okay?" sabay naman kaming napatingin ni Sid kay Amy at kay Lia.
Malungkot ang mga matang tumango naman si Lia.
"Sanay na rin naman ako." malungkot na sagot pa nya.
Bumitaw naman muna si Sidney sa kamay ko at napangiti ako nang yakapin nya si Lia.
"Inggit lang yon sa'yo, mas maganda ka kasi sa kanya. Wag mo na lang pansinin yon dahil masyadong mababa yung level nya. Eto tayo o," sabay senyas ni Sid sa taas, "tapos, eto sya." senyas naman nya sa may paa nya. "Ang baba diba? So hayaan mo, bukas na bukas din, sya unang maeeliminate." sabay kindat pa ni Sidney habang nakaabay pa rin kay Lia.
At tulad ko, mukhang nahawa na din si Lia sa ngiti ni Sidney dahil nawala na yung lungkot sa mga mata nya at ngumiti na rin ng bongga sa amin.
"O sya, oo na po. Tara na at hanapin na natin si Wonderwoman at nang mapasalamatan ko sya sa ginawa nyang pagtatanggol sa akin." sabi pa nya kaya biglang nawala yung ngiti ko. Mabuti na lang at di nila napansin yon dahil nakatalikod na sila sa akin.
Naramdaman ko namang may humawak na naman sa kamay ko kaya ngumiti ako kay Sidney.
"You sure na okay ka lang?" gusto kong itanong sa kanya kung may alam sya tungkol sa sinabi kanina ni Bernice kay Ysabelle pero tumango na lang ako. Baka isipin pa nila na interesado ako sa babaeng yon kahit hindi naman.
"Good." nakangiting sabi pa nya bago ako hinila papalapit kay Lia at Amy na busy sa paghahanap kay Ysabelle.
Wala na rin akong nagawa kundi sumama sa kanila.
Hay, ganito ba talaga kadrama sa mga reality shows?
***
K'S POV:
I smirked when I saw my target na papalapit sa lugar kung nasaan ako. Kapag nga naman sinuswerte ka o, hindi ko na pala kailangang pahirapan yung sarili ko sa paghahanap eh. At least, mas mapapadali yung gagawin ko.
Napansin ko na lingon sya ng lingon sa likod nya habang naglalakad papunta sa kung saan. Hmmm, masyado bang malakas yung pakiramdam nya para maisip na sinusundan ko sya? Mukhang kailangan ko ng konting ingat dito ah.
Napakunot yung noo ko nang biglang may humablot na kamay sa kanya at napasigaw naman ng mahina ang bruha.
Aba teka, mukhang mauunahan ata ako ah. Mukhang meron kaming kasama na gustong magpakitang gilas sa akin. Pero at least, hindi mababahiran ng dugo yung mga kamay ko ngayon. Sa susunod na lang siguro. Mukhang madami kasing galit sa babaeng 'to kaya malamang, maraming gustong tumarget sa kanya.
"Oh God!" maya-maya ay narinig kong sigaw ni Bernice. Napakunot yung noo ko. Bakit parang hindi yun sigaw ng nasasaktan?
Dahan-dahan kong inurong yung dahon na nakatabing sa kung saan hinila si Bernice. Napangisi ako nang makita ko kung ano yung nangyayari.
Siraulong babae 'to. Sinasabi ko na nga ba eh, mga kauri ko dito sa competition na 'to. At mukhang sarap na sarap sya sa ginagawa sa kanya ni Jessamine nga ba yung pangalan ng isang 'to?
Kung tutuusin, pwede ko na silang pagsabaying patayin na dalawa sa mga oras na 'to. Hindi ba sila nasabihan na sa bawat horror movie, kung sino man yung nagsesex, sila yung unang namamatay? Tsk. Halos kakakilala pa lang naming lahat dito tapos eto na yung inaatupag nila. O sige, hihintayin ko na lang na matapos sila sa ginagawa nila, bago ko gawin yung plano ko.
At least, nakarating muna si Bernice sa langit bago ko sya dalhin sa impyerno. Pero sana bilisan nila dahil kanina pa sya hinihintay ng mga tauhan ko sa impyerno.
Tinakpan ko muna ng earphones yung tenga ko dahil mas kinikilabutan ako sa halinghing nitong si Bernice. Masyado syang maingay. Kailangan talagang patahimikin.
Makaraan ang ilang minuto, naramdaman ko na natapos na sila sa kung ano mang kababuyang ginagawa nila kaya sinilip ko kung tama nga ba yung hinala ko.
Napangisi na naman ako nang iwan agad ni Jessamine si Bernice na mukhang ninamnam
pa kung ano yung ginawa nila kanina.
Agad kong isinuot yung maskara ko at pasipol-sipol na lumapit sa maharot na babae.
"Sino----" girl scout ako, laging handa. So bago pa sya nakapagsalita, tinakpan ko na agad yung ilong nya ng panyo na may pampatulog. Cliché, yes, pero gumagana pa rin.
At dahil mabigat sya at wala naman akong balak na pasanin nya, hinawakan ko sya sa paa at hinala papasok sa impyerno.
Wala akong pakialam kung magkagasgas-gasgas or magkauntug-untog sya dyan, mamamatay na rin naman sya, bakit ko pa ibe-baby diba?
***
"Ugh! f**k!" napangiti naman ako.
"Uy, gising na prinsesa, and nope, hindi ko gagawin sa'yo yung pangalawang salita mo pagkat hindi kita type. At isa pa, kakatapos mo lang diba?" nanlaki naman nya at akmang lalapitan nya ako pero malamang, hindi sya makakagalaw dahil nakatali yung dalawang kamay nya.
"S-sino ka and what the hell do you think you're doing?" ay wow, inglisera. As if naman bagay sa pagmumukha nya.
"Sino ako? Well, ako lang naman yung huling taong makikita mo." sabay smirk ko sa kanya. Well, hindi naman nya makikita dahil nakamaskara ako. Parang engot din ako minsan eh, no?
"Tulong! Tulong! Tulungan nyo koooooo!" sigaw pa nya habang pilit kumakawala sa pagkakatali ko sa kanya.
Tumawa naman ako na nauwi sa halakhak. Nakakatawa kasi yung itsura nya. Akala nya ata makakaya nyang makawala don.
"Hala sige, sigaw pa. Tingnan natin kung may makarinig sa'yo." tumatawang sabi ko pa sa kanya.
"Ano bang kailangan mo? Bakit mo ako itinali dito?!" sigaw pa nya sa akin. Naks naman, fierce, nice!
"Masyado kang maingay. Naririndi ako sa'yo. Kanina ka pa. Pati halinghing mo, masakit sa tenga." naiiritang sabi ko sa kanya habang dahan-dahan akong lumalapit.
"Wag kang lalapit. Please, wag."
"Tingin mo naman, mauutusan mo ako?"
"Please, pakawalan mo na ako. Hindi ako magsusumbong. Please?" pagmamakaawa pa nya kaya mas lalo akong natawa.
"Yan. Ganyan nga. Makiusap ka. Hindi yung masyado kang matapang at maingay. Tinatanong mo pala kung bakit kita dinala dito?" tanong ko sa kanya sabay kuha nung kailangan ko sa sewing kit ko. "Alam mo kung ano 'to?" nakasmirk ulit na tanong ko sa kanya.
Napatiimbagang ako nang makita ko yung takot sa mga mata nya habang pinapasukan ko ng sinulid yung hawak-hawak kong karayom. Ganyan nga, matakot kang babae ka. Mas kinikilig ako kapag nakikita kong takot kayo.
"A-anong g-gagawin mo?"
"Ano bang ginagawa sa bibig ng taong walang preno kung magsalita?" sabay tsk tsk ko sa kanya.
"Lia? Ikaw ba yan? Ysabelle?" mas lalo naman akong napasmirk. At least alam naman pala nya kung ano yung tinutukoy kong kadaldalan nya? "So isa ka nga sa dalawa? Duwag ka ba kaya kailangan mo pang gawin 'to? Masyado ka bang nasaktan sa sinabi ko dahil totoo?" proud na tanong pa nya.
Napabuntong-hininga ako. Papa'no ka naman maaawa sa mga taong ganito diba?
Nag-aapoy ang mga matang tumingin ulit ako sa kanya.
"Diba ang sabi ko manahimik ka?" galit na sabi ko sa kanya sabay tusok ko ng karayom sa pang-ibabang labi nya.
"Ahhhhhh! Please stop. Please stop!!!!" sigaw naman nya. Mas lalo naman akong kinilig. Ganyan nga, sumigaw ka pa.
"Bakit ako titigil kung ikaw mismo, hindi marunong itigil yang pagiging taklesa mo?" sabi ko pa habang tinatahi yung bibig nya.
Iginalaw-galaw naman nya yung ulo nya kaya mas lalo akong nabwisit. Inis na iniuntog ko yung ulo nya sa pader.
"Ugh!" mahilo-hilong sabi nya.
"Masyado kang malikot. Hindi na ako natutuwa sa'yo. Pinapatagal mo pa 'tong ginagawa ko." umiiling na sabi ko pa habang pinagpapatuloy yung ginagawa ko.
Iba talaga yung datingan sa akin kapag nakakakita ako ng dugo. Mas lalo akong ginaganahan sa ginagawa ko.
Pagtingin ko sa mukha nya, pinaghalu-halong luha, sipon, at dugo yung nasa mukha nya. Ew, ang pangit nya talaga kahit kelan.
"Mmmmmm mmmm" umiiyak na sabi pa nya kaya napahalakhak ako.
"Sorry, hindi kita maintindihan. At isa pa, kailangan ko na ding umalis dahil baka hanapin na ako don." sabi ko pa sa kanya.
"Mmmmmm mmmmmm mmmmm" pagpipilit pa rin nyang kumawala habang hinang-hina na sya.
Napa-tsk tsk na naman ako.
"Sige na nga. Bago ka mamatay, siguro, mas maganda na rin kung makikita mo kung sino yung gumawa sa'yo nito." sabi ko pa bago dahan-dahang tinanggal yung maskara ko.
Nanlaki naman yung mga mata nya nang makilala kung sino ako.
"Surprised? Oh well, time's up. Bye bye, b***h. See you in hell!" sabay ngisi ko sa kanya bago ko sya iniuntog ng ilang ulit sa pader hanggang halos sumabog yung bungo nya.
Umiwas pa nga ako dahil baka matalsikan pa
ako ng dugo nya. Baka mahirapan pa akong maglaba ng damit.
Okay, one down. At maraming-marami pa yung susunod.