Chapter 4

2095 Words
WIN-WIN "Sabi nila, tumawag daw sa kanila yung producer na magkakaroon ng delay sa taping dahil conflict daw dun sa sched nung director. So yon, may one week pa daw tayo para mag-enjoy dito." kwento sa amin ni Sidney habang nandito kami sa garden. Kanina, habang naglalaro sya, hinila ko sya papunta dito dahil baka may makakita pa sa kanya at baka isipin na nababaliw na sya. Sino ba namang matinong tao yung nagpapasayaw-sayaw pa sa may damuhan habang may bulaklak sa may bandang tenga. Ano sya, Disney Princess? Kaya yon, kanina pa sya nakasimangot dahil sa pagiging KJ ko na naman at halos ngayon lang sya nagsalita simula kanina. Pero teka, one week? Ang tagal naman. Eh di sana, pinauwi na lang muna nila kami diba? Next week na lang kami pabalikin dito. Ang creepy-creepy kasi ng lugar na 'to and nung iba naming mga kasama. Tulad kanina, pagpunta namin ni Sid dito sa garden, si Lia, halos kakarating rin lang at halos pawisan pa. Nung tinanong namin sya, ayun, nag-jogging daw sya dun sa may likod pero hello, andun kaya kami kanina ni Sid at wala naman akong ibang nakita kundi yung Ysabelle Gutierrez na malamang, kinakalantari pa rin hanggang ngayon yung Jessamine na yon. Tapos si Andrea, kung makatingin sa amin dito, akala mo lalamunin kami ng buo. At ilang beses na rin nya kaming sinabihan na wag na kaming umasa dahil sya daw yung mananalo dito. Si Ate, hindi pa nagsisimula yung show, competitive na. Sus. Baka lang wala syang binatbat sa akin no! And speaking of weird, ayan na pala yung babaeng patagong nakipagharutan kanina. In fairness, ang tagal nila ha. Naka-ilang rounds kaya sila? Bago pa sya nakalapit sa amin, may babaeng humarang sa kanya. Ay wow, in-demand si Ate. Kakatapos lang ng isa, may panibago na naman o. Eh di sa kanya na yung korona. "Alam mo ba kung nasaan si Jessamine? Kanina pa kasi sya wala. Ang sabi nya sa amin, kakausapin ka lang nya, tapos hanggang ngayon, hindi pa sya bumabalik." tanong nung babaeng humarang sa kanya. Napangiti naman ako sa isip ko. Malamang, pagod pa yon dahil baka pinagod ng bongga nyang si Ysabelle. Nagkibit-balikat naman yung isa. "Hindi ko alam at wala akong pakialam. Hindi ko naman sya nakita or nakausap after nung eksena sa may dining room." pabalewalang sabi pa ni Ysabelle kaya napakunot yung noo ko. Ha? Eh anong ginagawa nya sa may likod kanina? At saka bakit sya lilinga-linga? Kung nakita lang kasi ni Sid kanina 'tong si Ysabelle, eh di sana, dalawa kaming makakapagsabi na pumunta talaga sya don. Ayoko din kasing magsalita na nakita ko sya dahil baka sabihin pa nyang nag-iimbento lang ako. Mas sikat pa mandin sya sa mga tao dito kesa sa akin. "Sure ka?" tanong pa ulit nung babae. Seryosong tumango naman si Ysabelle, kaya yon, tinigilan na sya nung babae. Pero kasi, nakita ko talaga sya eh. Sya yon. Damit nya and yung cap nya yung suot-suot non eh. Dapat kasi, lumingon si Sidney non eh. UGH! Natigil lang ako sa pagmumuni-muni nang may humawak sa kamay ko. "Hey, what's wrong? Bakit nakakunot yung noo mo habang nakatingin kay Ysabelle?" nag-aalalang tanong sa akin ni Sidney. Tumingin naman muna ako sa kung nasaan si Ysabelle bago sumagot ng pabulong kay Sidney. "Remember kanina, nung naglalaro ka dun sa may likod?" panimula ko sa kanya kaya napasimangot na naman sya. Aw, ang cute-cute talaga ni Sid kapag nagpa-pout sya. "Papa'no ko naman makakalimutan, eh istorbo ka? KJ ka. Parang nagsasaya lang yung tao dahil sinabi nga nung staff na mag-enjoy lang muna tayo, tapos bigla mo akong hihilahin para lang makitsimis dyan kila Lia at Amy." pabulong din naman nyang sagot pero halata yung inis sa boses nya. "Mamaya ka na ulit mainis dyan. Ganito kasi, nung time na yon, actually, bago ako lumapit sa'yo, nakita ko si Ysabelle na papunta din sa may kakahuyan." bulong ko pa sa kanya kaya nanlaki yung mga mata nya. "Hala, anong ginawa nya don? At saka bakit ngayon mo lang sinabi sa akin? Dapat kanina, nung nakita mo sya, sinabi mo na agad sa akin." mas hininaan nya naman yung boses nya. "Eh hello, kung sinabi ko sa'yo or tinawag kita, eh baka lumingon pa yan sa kung nasaan tayo. Baka isipin pa nya na sinusundan natin sya no!" depensa ko naman. Tumango-tango naman sya pero nandun pa rin yung kunot sa noo nya. "Eh bakit sabi nya, di naman sila nagkita ni Jessamine. Ano namang gagawin nya don diba?" nakakunot-noo pa rin nyang tanong. Nagkibit-balikat naman ako. "Hindi ko din alam. Hindi ko naman sya sinundan eh. Maligaw pa ako---" "Hoy naman, mga bubuyog! Baka gusto nyong i-share sa amin kung ano yung kanina nyo pa pinagbubulungan dyan. Ang lagay eh, kayo lang yung may alam sa tsismis?" napatigil naman kami pareho ni Sidney nung marinig yung boses ni Amy. Oo nga pala, may mga kasama nga pala kami dito, hehe. Magsasalita sana ako pero kinindatan ako ni Sidney kaya tumango na lang ako. Nandito rin kasi si Ysabelle sa malapit sa amin kaya nakakatakot na baka bigla akong madulas diba? "Eto kasing si Win-win, may crush daw sa isa sa mga kasama natin dito. Aba, bi din pala yang babaeng yan. Kaso ayun, ayaw pang sabihin kung sino. Ang damot-damot." napaawang naman yung bibig ko dahil sa sinabi nya. What the hell?! Sa dinami-dami talaga ng sasabihin, yun pa talaga? Naku naman, issue na naman 'to. Ngumiti naman ng nakakaloko si Amy. "Ayan, malihim si Ate. Kafederasyon pala. Nako ha, baka naman chinukchak mo rin yong si Jessamine ha." tukso pa nito sa akin. Ew, no! "Tse! Maniwala naman kayo dyan kay Sidney. Tinitrip lang ako nyan no! Wag nyo na nga lang pansinin yan." naiiling na sabi ko na lang bago ibinaling ulit sa mga kasama ko yung tingin ko at hindi ko na lang pinansin yung iba pang sinasabi nilang dalawa ni Sidney. Bahala silang magtsimisan na dalawa dyan. Nakakunot-noo lang ako habang nakatingin kila Lia at Ysabelle. Nakakaloka kasi yung dalawa, parehong parang wala sa sarili. Yung alam mong may itinatago? Si Lia kasi, nakatulala lang habang nilalaro yung mga daliri nya, at si Ysabelle, nakatingin lang sa kawalan habang umiiling-iling. Weird. Ang wiweird talaga ng mga kasama namin dito. "Girls, kung hindi naman kayo busy, pwede bang patulong na lang sa paghahanap kay Jessamine? Kung okay lang naman sa inyo." sabay-sabay naman kaming tumingin sa nagsalita. Nagtinginan muna kaming lahat. Well, ako, si Amy, at Sidney at pagkatapos ay sabay-sabay na tumango. Hinila naman patayo ni Amy yung dalawang nakatulala pa rin hanggang ngayon. Hmm, ano kayang problema nitong dalawang 'to? Hay, mahaba-habang hanapan na naman 'to. Jusme, ganito yung mga napapanood ko sa mga pelikula eh. Yung nasa secluded area kami, tapos magkakandawalaan, tapos biglang may killer pala,at iisa-isahin nya kami. Hala sige, Winona, takutin mo yung sarili mo. Ugh! *** K "Ano bang problema mo? At saka bakit ba kailangan mo pa akong ikulong dito? Kasali ba 'to sa show?" inayos-ayos ko naman muna yung buhok ko bago ako lumapit sa maingay na babae. Kanina pa sya daldal ng daldal. Pagpasok na pagpasok ko pa lang. Kapag ako talaga narindi, mas lalong iikli yung buhay nitong babaeng 'to. "Ano ba, magsalita ka nga. Kung gusto mo pala ng 'rough' eh di sana, sinabi mo sa akin. Hindi yung ganito yung gagawin mo. Mas gusto mo ba na ikaw yung dominant? Okay lang naman sa akin eh. May pa-posas-posas ka pang nalalaman." agad naman akong napangiwi sa sinabi nya. Eto nga't nasa peligro na yung buhay nya pero yung ka-L-an pa rin nya yung iniisip nya. "Eww. Masyado kang feelingera. Hindi kita type." nakangiwing sabi ko sa kanya. "At sino yung type mo, yung babaeng pa-virgin?! Eh hello, halata naman na----" inis na binusalan ko yung bibig nya. "Wag mong idamay yung wala dito at wala kang karapatan na sabihan sya ng kung anu-ano dahil baka hindi mo magustuhan kung ano yung gagawin ko sa'yo!" nanggigigil na sabi ko pa sa bwisit na babaeng 'to. Kilala ko kasi kung sino yung tinutukoy nya. Tsk. Kung alam lang nya yung totoo. "At isa pa, hinding-hindi kita magugustuhan dahil hindi ako kumakain ng tira-tira lang ng babaeng patay na, na pinatay ko." at tulad ng inaasahan ko, takot na nanlaki yung mga mata nya. "Ay, hindi ko ba nasabi sa'yo? Oo. Hindi totoong pinauwi si Bernice." nakangising sabi ko sa kanya. "Pagkatapos nyong mag-s*x kahapon dyan sa damuhan, pinatay ko na ang loka. Masyado syang madaldal eh. Hindi ako natutuwa sa lumalabas sa bunganga nya." pag-amin ko pa kaya bigla syang nagpumiglas sa pagkakaposas sa kanya pero agad ding sumigaw dahil malamang, masakit yon. Gaga pala talaga 'to eh! "Sige, magpumiglas ka pa. Gawin mo yan para mas lalo kang masaktan. Mas gusto ko yan. Gustung-gusto kong nakakakita ng mga ganyan." sabi ko pa sa kanya. "Gusto mong magsalita?" umiiyak na tumango naman sya. Umiling naman ako sa kanya habang humahalakhak. "Asa! Baka mas lalo mo pa akong maipahamak. Alam mo ba na hinahanap ka na nila ngayong lahat? Mantakin mo, importante ka pala sa kanila no? Siguro mga babae mo yung nagpipilit na mahanap ka no?" tatawa-tawang sabi ko pa. "Hmmmm mmmmm mmmmm" "O, wala akong ginagawa sa'yo. Ayokong marinig yang halinghing mo. Ang pangit sa pandinig. Pareho kayo ni Bernice, nakakarindi lang." inis na sabi ko pa sa kanya. Tiningnan ko muna sya at pagkatapos ay naalala ko kung papa'no ko nga pala sya papatayin, kaya nakangisi akong tumalikod sa kanya at kinuha yung bagay na kakailanganin ko. "Alam mo ba, dapat, kanina pa kita papatayin, eh kaso, ang tagal mong gumising kaya eto, kinailangan kong tumakas sa mga kasama ko para lang mabalikan ka dito. Pero mabuti na lang pala at nangyari yon dahil at least, mas nakapag-isip ako ng way para patayin ka." sabi ko pa sa kanya habang naghahanap sa tool box sa harap ko. Napangiti ako nang makita ko yung gagamitin ko sa kanya. Yay, this is so exciting. "Mmmmmmm mmmmmmm" umiiyak na sabi nya habang nagpupumiglas nung makita kung ano yung hawak-hawak ko. "Alam mo, masyadong malikot yang mga daliri mo kasi kaya ang dapat dyan, pinuputol." sabi ko pa habang papalapit sa kanya na hawak-hawak yung plais na gagamitin ko sa kanya. Umiiling-iling na umiiyak na sya lalo na nung makalapit ako sa kanya. "O, game na ha. Sorry kung medyo masakit yung gagawin ko dahil nakalimutan kong turukan ka ng anesthesia. Let's do this." sabi ko pa at kinuha ko yung isang kamay nya. O eto muna ha." at dahan-dahan ko munang tinanggal yung mga kuko nya dahil mas magandang tingnan pag ganon. "Mmmmmmmmmmmmm!!!!!" nanaghoy na saad nya. Nakakaawa sana kaso, wala akong awa eh. Hihi. "Shh, wag kang maingay. Hayaan mo, bibilisan ko 'tong isang 'to dahil baka magtaka yung mga kasama ko don kapag masyado akong natagalan sa 'paghahanap' sa'yo." at nang masigurado kong tanggal na yung lahat ng kuko nya, isa-isa ko nang pinutol yung mga daliri nya gamit pa rin yung plais na hawak-hawak ko. Mas lalo namang lumakas yung sigaw nya at mas lalo akong ginanahan dahil sa nagkalat na dugo dito. Buti na lang at naka-gloves ako at nakasuot din yung suit ko para if ever na tumalsik yang dugo nya, hindi ko na kailangan na magpalit pa ng damit. "O at least, hindi mo na mapapakinabangan yung malilikot na daliri na yan." sabi ko pa habang nakatingin sa mga nagkalat na daliri sa sahig. "O, yung kabila naman." at tulad kanina, inisa-isa ko ulit na tinanggal yung mga kuko nya para mas ramdam nya yung sakit bago ko pinutol yung mga daliri nya. Halos manginig ako lalo na nung makita ko yung buto ng mga daliri nya na halos nakalabas na. Habang sya, sigaw na ng sigaw dahil sa sakit na nararanasan nya. "O sya, okay na yan. Maganda na yung mga kamay mo." sabi ko sabay tanggal ng pagkakaposas nya. Nanghihinang bumagsak naman sya sa akin pero agad ding nanlaki yung mga mata nang maramdaman nya yung kutsilyong isinaksak ko sa kanya. At napangiwi yung itsura nya nung idiniin ko pa yung pagkakasaksak bago ko ito tuluyang hugutin. "Goodbye, b***h. See you in hell." bulong ko pa sa kanya. Unti-unti namang pumikit yung mga mata nya at nakangisi kong itinulak sa sahig yung bangkay nya katabi nung kay Bernice. At tulad kagabi, dere-derecho lang akong lumabas sa lugar na yon matapos kong tanggalin yung gloves at suit ko. "Two down. Sino naman kaya yung isusunod ko?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD