Chapter 1

1898 Words
WIN-WIN "So, what was your reason again for joining that lame contest?" natatawang tanong ng kaibigan kong si Stefano habang tinutulungan akong magbuhat nung dala-dalahan ko papunta dun sa mini-bus na maghahatid sa aming mga contestants kung saan man gaganapin yung search nitong Model From Hell na 'to. "Pagsikat. Yan ang dahilan ko. Sa panahon kasi ngayon, Steffi, puro galing sa reality shows yung sumisikat. Aba, ilang beses na akong nag-auditions sa kung saan-saan tapos puro extra-extra lang yung binabagsakan ko. Tapos makakakita ako ng mga galing sa reality shows na mga wala namang talent pero sila agad yung bida. Gaano ka-unfair yon diba?" sagot ko naman sa kanya. Well, reklamo pala. Pero totoo naman kasi yung sinasabi ko diba? Kami na may mga talento, pa-extra-extra lang, tapos silang parehong kaliwa yung paa, boses ipis, at parang kawayan kung makaarte, sila yung nabibiyayaan ng projects. "Alam mo, inggitera ka." natatawang sabi naman nya. "At bakit ako maiinggit sa kanila? Bukod sa mas maganda na ako, mas magaling pa ako sa kanila sa lahat ng bagay." hindi naman ako nagmamayabang, nagsasabi lang ng totoo. "Ang pait-pait ng boses mo, 'te." sabi pa nya matapos ilagay dun sa compartment nung bus yung mga gamit ko. "Tse! Basta ito yung tatandaan mo, pagbalik ko, sikat na sikat na ako at hindi na ako magpapakahirap pumila sa mga audi-auditions na yan." nakangiting sabi ko sa kanya. Siguro naman eto na yung panahon para makilala sa showbiz ang pangalang Winona Montelibano. "O sya, ano pa nga ba? Alam ko naman na gagawin mo lahat para manalo dyan. So kaming mga beki friends mo, susuportahan ka lang sa abot ng aming makakaya." sabi pa nya sabay yakap sa akin. "Pero sure ka bang yun lang yung dahilan mo kaya ka sumali dito? Hindi ba dahil mapapaligiran ka ng mga babaeng halos maghuhubad na sa harap mo?" pabirong bulong nya kaya naiiling akong kumalas sa kanya. Ayan na naman sya sa panunukso nila sa akin na dakilang lesbiana ako. Nakita lang nila ako na nakikipagmake-out sa babae, lesbian na agad? Hindi pa pwedeng dahil sa spin the bottle yon? "Steffi, kahit maghuhubad pa sila dyan sa harap ko, I don't care. Mas maganda at mas sexy ako sa kanila no! At hindi ko hahayaan na ma-distract ako ng kahit ano. Ang goal ko lang dito, manalo." sabi ko naman sa kanya. "Oh well, at least, hindi ka nagdeny na pwede ka ngang ma-distract sa mga katawan ng mga kababaihan dyan." sabay smirk pa nya sa akin kaya naiiling na itinaboy ko na lang sya. "Alam mo, umalis ka na lang at baka may makarinig pa sa'yo dito. Baka yan pa yung maging dahilan ng pagkakaudlot ng nalalapit kong pagsikat." sabay tulak ko sa kanya palayo. "Win-win darling, ang mga sumisikat ngayon, yung mga may drama sa buhay. Pwede mong gamitin yan. Wala pa halos ganyan na kasing ganda mo ang umaamin na hindi sila sa mga lalaking interesado, kundi sa mga magagandang babae din na tulad nila." pahabol pa nya bago tuluyang tumalikod sa akin. Naiiling na nangingiti naman akong pumasok sa loob ng mini-bus. Pagpasok ko, nandito na rin pala yung ibang mga contestants at lahat sila, nakatingin sa akin. Huh? Bakit parang bigla akong kinabahan? Parang feeling ko, may isang tao na pinagmamasdan yung mga galaw ko? Ako na lang ba yung hinihintay nila? Or baka may problema sa itsura at damit ko kaya sila nakatingin? "Excuse me. Kung wala kang planong umupo, wag kang magpaharang-harang dyan sa gitna." bigla naman akong napaupo dahil sa nakakatakot na boses na yon. Grabe, kinilabutan ako don ah. Ang cold-cold nung boses nya. Scary Af. "S-sorry." pero hindi nya ako pinansin at dere-derechong umupo sa may hulihan ng bus at walang ganang isinuot yung headphones nya sabay pikit. Napasimangot naman ako. Grabe, kung tulad nya lahat ng contestants dito, parang ayoko nang tumuloy. Nakakatakot yung boses nya at yung mga mata nya, hindi bagay sa amo ng mukha nya, parang may kung anong misteryong itinatago. "That's Ysabelle Gutierrez, pagpasensyahan mo na. Kanina pa sya ganyan, halos lahat nga kami nasungitan na nya kaya kilalang-kilala agad sya dito. Well, bukod sa--" napatigil naman sa pagsasalita yung katabi ko nang tumingin ako sa kanya. Ngumiti sya sa akin ng pagkatamis-tamis. Napangiti din naman ako dahil nakakahawa yung ngiti nya. Abot kasi hanggang sa mga mata nya. "Sorry, ang daldal ba? Eh kasi naman, ang tatahimik ng mga tao dito, nakaka-bore." hinging paumanhin pa nya. Umiling naman ako. "It's okay. Akala ko nga, halos lahat ng contestants dito, kasing cold ng babaeng yon." sabay nguso ko sa babaeng nagsungit sa akin kanina. Natawa naman sya. "Hayaan na lang natin. Wala na rin naman tayong magagawa kundi pakisamahan sya diba?" sabi pa nya kaya tumango na lang ako. "Sidney, btw. Sidney Lapuz." pagpapakilala naman nya. "Winona Montelibano pero you can call me, Win-win." nakangiting sabi ko naman. "So, hindi naman halatang gusto mo talagang manalo no?" natatawang komento pa nya kaya natawa na din ako. "Hindi ko nga masyadong pinapahalata eh. Baka kasi bigla nyo akong pagkaisahan para matanggal agad." ganting-biro ko din sa kanya kaya mas lalong lumakas yung tawa namin. "Well Win-win, may the best model/actress, win." playful na sabi pa nya kaya tumango ako sa kanya. At least diba, nagkaroon agad ako ng kaibigan dito at medyo nawala din yung kabang naramdaman ko pagpasok na pagpasok ko sa bus. Ewan ko ba, bigla na lang talaga akong kinilabutan kanina sa hindi ko alam na dahilan. *** "So, nandito na tayo ngayon sa pansamantala nyo munang magiging bahay habang kasali pa kayo sa competition. At dahil 15 kayo sa ngayon, hahatiin ko muna kayo sa three groups. And after that, kapag isa-isa na kayong na-eliminate, nasa sa inyo na kung gugustuhin nyong lumipat ng kwarto." nakangiting sabi sa amin nung isang staff nung show habang may hawak-hawak syang papel. Lihim ko naman na ipinagdasal na sana, kasama ko si Sidney sa kwarto. At please lang, wag kong makasama yung Ysabelle Gutierrez na yon. Nakakatakot kasi talaga sya, mga Bes. "So eto, room number 1: Andrea, Monica, Janice, Jessamine, at Nerissa." nagsama-sama naman at nagpakilala sa isa't-isa yung mga tinawag nya. Hala, may pag-asa pa rin talagang kasama ko si Ysabelle sa kwarto. Papa God, wag naman po, please? "Room number 2: Sidney, Winona," napangiti naman ako at humawak sa kamay ni Sidney. Yes! Thank you po. "Amy, Lia, and Ysabelle." oh no! at tulad kanina, ayan na naman yung cold nyang mga mata habang papalapit sa amin ni Sidney. Okay na po sana eh, Papa God. Pero sige na nga lang. Nakangiti namang binati ni Sidney yung mga makakasama namin. Ipinakilala nya din ako sa dalawa naming makakasama dahil si Ysabelle, ipinasak na naman yung headphones sa tenga nya at walang ganang tumayo sa may tabi namin. Well, ano pa nga bang ineexpect namin diba? At syempre, yung mga hindi natawag, automatic na sa 3rd room. After non ay sinabihan na kami na pumunta sa kanya-kanyang kwarto para ayusin na rin yung mga gamit naman. Magkahawak-kamay pa rin kami ni Sidney na naglakad papunta sa kwarto namin. Hindi ko alam pero ang gaan-gaan ng loob ko kay Sid. Parang feeling ko, lagi akong safe kapag nandyan sya. Tapos nakakadala pa yung mga tawa at mga ngiti nya. Pagtingin namin sa loob ng kwarto, may isang double deck, isang single bed, at isang queen-sized bed. Agad namang inilagay nila Amy at Lia yung mga gamit nila sa double deck. Pagtingin ko kay Ysabelle, nakatingin lang sya sa aming dalawa ni Sidney. At hindi ko rin alam kung bakit lagi akong kinakabahan sa mga tingin na yon ni Ysabelle. Kaya hindi rin ako nakapagsalita kahit gusto ko pang sabihin sa kanya na sya na lang dun sa single bed dahil mas gugustuhin kong si Sid yung katabi ko kesa sa kanya. At parang hulog ng langit naman na nagsalita si Sidney sa tabi ko. Napansin nya ata na parang hindi ko alam kung ano yung gagawin ko. "You can take that one, Ysabelle." noon nya lang inalis sa akin yung tingin nya dahil tumango sya kay Sidney at dere-derechong inilagay yung mga gamit nya sa kama nya. "Don't worry, hindi ko naman hahayaan na si Ysabelle yung maging katabi mo. Baka mamaya nyan, bigla ka na lang mag-quit at mawalan ako ng isang magandang kaibigan dito." ramdam ko na nagblush ako dahil sa sinabi nya pero grateful akong ngumiti sa kanya. "Thanks Sid. Akala ko, iiwanan mo ako sa ere eh." nakangiting bulong ko sa kanya. Ayan na naman yung ngiti nya na abot hanggang mata. "Never. I'll never do that, Win-win." sabi pa nya sabay halik sa cheek ko bago tumuloy dun sa kama namin. Naiwan naman ako na nakatulala lang sa kanya. Hoy Winona, akala ko ba, walang distractions? Umayos ka nga. Yan na nga ba yung sinasabi ni Steffi sa'yo eh. Siguro mga babae talaga yung dahilan mo kung bakit ka sumali dito. Tsk. Papa'no ka sisikat nyan? Ipiniling ko naman yung ulo ko. "So, saan ka, sa left or right?" tanong pa ni Sidney kaya napatingin ako sa kama. Sa bahay namin, mas gusto kong sa left side ng bed matulog. Mas sanay ako. Sasagot na sana ako pero napatingin ako sa left side ng kama. Bumilis na naman yung t***k ng puso ko nang makita ko yung kakaibang tingin na ibinibigay ni Ysabelle sa akin. Bakit ba parang lagi syang galit sa akin? Ano bang ginawa ko sa kanya? Pinilit ko namang alisin yung tingin sa kanya at nakangiting sumagot kay Sidney. "Sa right na lang. Kung okay lang sa'yo." tumango at ngumiti naman ulit sya sa akin. "Noted." nakangiting sabi pa nya sabay higa dun sa kama. Wala naman sa sariling sumunod na lang ako sa kanya. Hindi ko rin tinitingnan si Ysabelle dahil ramdam kong nakatingin pa rin sya sa akin. Ang creepy, promise. Sobrang creepy nya. Nakahinga lang ako ng maluwag nang ipatawag kami sa labas dahil kakain na daw ng lunch tapos, after daw non, pwede muna kaming mamasyal dito dahil bukas pa daw magsstart yung competition. Hay salamat, makakawala din ako kahit papa'no sa presensya ni Ysabelle Gutierrez. Please Lord, sana po, sya yung pinakaunang matanggal. Hindi ko po talaga alam kung bakit ako laging kinakabahan kapag malapit sa kanya. So para hindi po ako ma-distract, pakitanggal na po sya, please. Thank you. *** K'S POV: Hmmm, in all fairness, puro may itsura naman pala talaga sa personal 'tong mga babaeng 'to. Ang problema nga lang, isa-isa silang mawawala sa mundong ibabaw. Well, sino kaya yung uunahin ko sa kanila? Eeny meeny miny moe. Napangiti naman ako nang makita ko kung sino yung nabunot ko sa mga litratong hawak-hawak ko. Agad ko naman syang hinanap sa loob ng bahay. At kung may titingin lang sa akin ngayon, makikita nila kung papa'no ngumiti ang isang demonyong magdadala sa kanila sa impyerno. Napatingin naman ako sa isang babae na kanina pa nakikinig sa kwento ng katabi nya. Mas lalong umapoy yung mga mata ko nang makita kong nakangiti sya. Sige lang, sulitin mo yang babae ka. Pasasaan ba ako mismo yung papatay sa mga ngiting yan. Pero saka ka na muna, Joanna, masyado pang maaga para mamatay ka. Uubusin ko muna silang lahat para kapag ikaw na, ramdam na ramdam ko na yung takot mo. Let me send you to hell, bitches.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD