HOMBRES ROMANTICOS SERIES 6
UNLAWFULLY YOURS
Ishmael Ivor Innocénti
Ikaanim na Kabanata
BANAYAD NA HINAHAGOD ni Sereia ang kanyang kanang balikat habang hinihintay niyang mag-treinta minutos ang pagma-marinate niya ng karneng gagawin niyang beef salpicao na ihahanda niyang ulam para kay Ivor.
She just saw it on the internet and she is tempted to give it a shot. Madali lang naman ang method ng pagluluto at kompleto rin ang ingredient para rito.
Dahil naiinip na siya ay wala pang thirty minutes ay inumpisahan na kaagad niyang lutuin ang beef salpicao atsaka muling bumalik sa upuan para ipahinga ulit ang patang-patang katawan. Lalo na ang kanyang kanang balikat na tila ikamamatay na yata niya ang chronological na pagkirot niyon.
Nasa ganoong anyo si Sereia nang napayuko siya sa kanyang ayos. Then she winced. She was getting more uncomfortable with her state. Gusto na niyang maligo at makapagbihis ngunit paano iyon magiging posible gayong nasimot na ng apoy ang lahat ng kanyang damit.
At napalingon siya sa direksyon kung saan naroon ang maids quarter. May pag-asang bumangon sa dibdib niya. Nasabi na sa kanya ni Ivor na nasa bakasyon si Manang Gloria at Freda. Nang itanong niya kung kailan ang balik ng dalawa ay matalim na tingin lang ang ipinukol ni Ivor sa kanya.
Sereia cautiously checked her surrounding upang masigurong wala sa paligid si Ivor and sighed her hope when she didn't see any signs of him. Magbabakasakali siyang makahanap ng kahit anong damit sa kuwarto nina Manang Gloria at Freda. Kahit anong mahahanap niya ay talagang ikakapasalamat niya ng husto.
Wala na siyang sinayang na segundo at kaagad na siyang tumayo para lamang mapamura nang malaman na pati ang maids quarter ay ini-lock din ni Ivor.
Yamot na tinitigan ng matagal ni Sereia ang doorknob ng pinto sa maids quarter. Hindi niya talaga maunawaan kung bakit pati iyon ay kailangan pang i-lock ng walang-pusong lalaking iyon. And all the rooms in that house were all locked. Ang librerya lang ang hindi at siyempre ang main guestroom kung saan natutulog si Ivor.
Ilang beses pang pinihit-pihit ni Sereia ang doorknob kahit alam niyang hindi niya mabubuksan iyon sa simpleng pihit lang. Naiinis siya ng husto. Gusto niyang isipin na leeg ni Ivor ang pinipihit niya at ayaw niyang bitawan. Hindi namamalayan ni Sereia na tumagal na siya sa harapan ng maids quarter hanggang sa may naamoy siyang nagpaalarma sa kanya.
Halos magkandadulas-dulas si Sereia sa pagtakbo pabalik ng kusina nang impit siyang napatili nang madatnan ang kumakapal na usok mula sa niluluto. Hindi na niya alam ang gagawin at sigaw na lamang ang nagagawa niya. Hindi niya malaman kung paano pakakalmahin ang sarili at mag-isip ng matalinong solusyon.
Ilang minuto lang ay humahangos na dumating si Ivor. He was only wearing a boxer briefs nang dumating ito sa kusina. Na kung hindi lang sa matinding panic ay pagtutuunan ng pansin ni Sereia ang almost naked na estado ni Ivor. Wala rin itong sapin sa paa.
"What the f**k!" Ingos nito at sa mabilis na kilos ay inasikaso ang problemang niyari ni Sereia sa kusina bago pa mauwi iyon sa sunog. Nang matiyak nitong malayo na peligro ang kusina'y hinarap nito si Sereia na may madilim na anyo.
Ivor's dark eyes savagely held hers for an infinite seconds and his breathtaking face remained impassive. Tila nagdulot ng isang katirbang stress kay Ivor ang insidente na iyon and like he turned ten years older.
"I am wondering kung mayroon bang matinong maidudulot sa pamamahay na ito ang isang..." he paused and his dark expression suddenly turned to disgust and high clouds. "...ang isang katulad mong babae."
Matagal bago makuhang magsalita ni Sereia upang ipag-adya ang sarili dahil tila wala pa mang explanation mula sa kanya ay hinahatulan na siya ni Ivor sa pamamagitan ng matatalim nitong tingin na nagdudulot ng kaba sa dibdib niya. Not only tension, he was also intimidating her.
"I-Ivor, I didn't mean that to happen. Hindi ko sinasadya at..." Sereia suddenly stopped herself from speaking nang maramdaman na tila nanakit ang kanyang lalamunan. Ilang minuto rin kasi siyang sumisigaw kanina. And until now she was still chasing her breath.
"And are you f*****g expecting me to believe that?" Pinanliitan siya nito ng mga mata. "I should have not given you a damn chance to stay in this house. Isang malaking pagkakamali! Why, I should have not believe that you can make good things inside this house gayong lumaki kang tila isang prinsesa."
Napakurap si Sereia. "W-what? That is not true."
"Bet me! I am sure Tita Isabella and especially my father have spoiled you with extravagance and all of the luxury of life at duda akong hinayaan ka nilang matuto ng ano mang gawaing-bahay. Ni ang magpunas nga lang ng mga alikabok ay tila isa nang dambuhalang pagsubok para saiyo." Patuloy na panunuya nito.
Dambuhalang pagsubok dahil hindi ko talaga magagawa iyon ng maayos dahil sa kondisyon ng aking balikat, ang nais ibulalas ni Sereia ngunit mas pinili na lamang niyang sarilinin ang katotohanan na iyon.
Sa anyo kasi ni Ivor ngayon ay nakatitiyak siyang wala itong pakikinggan na kahit na ano mula sa panig niya.
"Pasensiya ka na." Nakuha na lamang ni Sereia na humingi ng paumanhin. She had to admit na may dahilan naman si Ivor na sabunin siya dahil muntik na niyang ilagay sa panganib ang bahay na iyon. The house which had been her father's loving home.
"M-magluluto na lamang ako ulit." Nagbaba ng tingin si Sereia.
"Forget it!" Ivor sneered. "I will not allow you to roam around this kitchen again. Did you get me?"
"Ngunit-"
"Kung hindi ka pabor sa mga reglamento ko ay malaya kang makakaalis sa pamamahay na ito ano mang oras! You can f*****g leave for all I care. Tutal ay wala ka rin namang mapapalang mabuti sa pananatili rito 'cause as you can see, I am so persistent to make your life a living hell, de Avila. If I were you, I would make a smart choice and disappear now."
Tila nauupos na kandila na naupo si Sereia sa isang upuan sa dining area. Malungkot ang mga mata na nilingon niya si Ivor na palabas na ng kusina.
Ito na lamang ang alam niyang kamag-anak niya. A half-brother for that matter at hindi niya maitanggi na umaasa ang puso niya na darating ang araw na magiging maayos din ang pakikitungo ni Ivor sa kanya.
Ipinatong ni Sereia ang dalawang siko sa ibabaw ng lamesa atsaka tinakpan ang mukha ng kanyang dalawang palad. She felt weak and crying ngunit hindi niya magawa.
It was like she was only one nerve away from loosing herself completely ngunit ano ang saysay ng pagsuko? Kung nabubuhay lamang si Isabella ay tiyak matagal na sermon ang inabot niya mula rito ngayong sumasagi na sa isip niya na nawawalan na siya ng pag-asang magiging maayos ang takbo ng buhay niya.
Ngunit ano ang gagawin niya? She was all alone at ang nag-iisa pang dahilan ng paglaban niya sa hamon ng buhay ay hindi rin niya makita. Kahit sa picture man lamang ay hindi niya masilayan si Amber. She doesn't have any photo of her step-daughter dahil bago ang cellphone niya at lahat ng litrato ng bata ay ipinasunog pa ni Ivor.
BANDANG ALAS SIETE ng gabi ay mag-isang dumating si Ruth de Leon- ang nurse na nakilala ni Ivor kagabi.
"Totoo ngang napakarangya ng loob ng bahay ng dating Gobernador." Manghang komento ng babae nang naglakad-lakad sila sa malawak na lawn at nakatanaw ito sa exterior ng bahay.
Habang abala si Ruth sa pag-eeksamin sa karangyaan na isinisigaw ng bahay ay abala naman si Ivor sa pagpisil sa balakang nito and he would eventually slipped it down to her behind. He wanted to f**k the woman already.
“Oh, my...”
Lalo pang nagningning ang mga mata ng panauhin ni Ivor nang mapadaan sila sa malawak na garahe. Tatlong classic na sasakyan ang naroon at sa reaksiyon pa lamang ni Ruth ay masasabi na ni Ivor na may ideya ang babae sa halaga ng mga classic cars na naroon sa garahe. Those were belongs to his father at samantalang ang Nissan fairlady ay sa kanyang ina. All of those cars were taking care of very well.
“Can we try one, darling?”
Maliksing hinapit ni Ivor patungo sa kanyang katawan ang babae and the woman's eyes turned wide when he pressed his semi-erect p***s against her abdomen.
“Ride me first before we try riding one of those cars. How appealing is that, baby?” Ivor said without even trying to make his voice seductive. Sa pagkislap pa lamang ng mga mata ng babae ay walang dudang bibigay na kaagad ito.
“S–saan tayo?” Luminga ang babae sa paligid. Her eyes were suggestive and provoking.
“Inside.” Hahatakin na sana ni Ivor ang bisita sa loob ng kabahayan nang mamataan niya si Sereia sa hindi kalayuan.
Nakaupo ito sa isang portable outdoor chair sa ilalim ng isang puno, unmindful with her surroundings at nakatuon lamang sa binabasang magazine ang atensiyon.
And the woman was stretching her legs at ang ikinahinto ng paghinga ni Ivor ay ang ayos nito. Sereia was only covered with a damn towel and her current state was showing off some spot of her paradise body more than the usual. Hindi naisip ni Ivor na ganoon kaganda ang katawan nito. And her legs, long and velvety-looking na tila hahabulin ng tingin ninuman kahit saan man ito mapadpad. And her skin, her bare shoulders, her neck, everything he was seeing from the woman were all incredibly beautiful.
“Yes, inside. Shall we?”
May umahon na displeasure sa kaibuturan ng dibdib ni Ivor nang hatakin siya ng babae para magtungo silang dalawa sa loob ng bahay. Hindi niya maunawaan kung bakit may parte sa kanya na tumutol na mawala sa paningin niya ang babaeng naroon sa ilalim ng puno.
Ivor clenched his firm jaw as he took one last glance at Sereia de Avila nang mapalingon din ito sa kanya. And he swore, something stirred inside his body when their eyes locked for a fleeting second.
NAGTAGPO SA TUKTOK ng hagdan si Sereia at Ivor. Si Sereia ay paakyat upang alukin na maghapunan si Ivor at ang kasama nitong babae—if it is his girlfriend or what ay hindi niya alam— at si Ivor naman ay mukhang paalis. Mag-isa.
Ivor only gave her a bored glance at nilagpasan siya. Parang badtrip na badtrip nito o tila nalugi ng ilang milyones sa sugal.
“N–nagluto ako.” Hinabol niya ito kahit na pakiramdam niya ay sisinghalan na naman siya nito.
He neglected her.
“And I am sorry kung nakialam ako ulit sa kitchen. Gusto ko lang bumawi sa kapalpakan ko kanina. And I cook a delicious dinner.” Wala na talagang choice si Sereia kundi ang kapalan ang kanyang mukha. She just wanted to try anything else at magbakasakali na maibsan ang tension sa pagitan nilang dalawa ni Ivor kahit na suntok sa buwan ang iniisip niya. Still, there is no harm in trying.
Patuloy pa rin ito sa paglabas and still in persistent manner ay sinundan ito ni Sereia.
“Where is your girlfriend?”
“Girlfriend? What?” Marahas na napaharap si Ivor at iyon ang hindi hustong inasahan ni Sereia. Kaya ang nangyari ay napasubsob siya sa dibdib ni Ivor. Bigla kasi itong pumreno.
Kabado siyang umatras, puno ng pag-iingat. Atsaka tumingala sa mukha ni Ivor na ngayon ay hindi niya magawang basahin ang naroong emosyon. And Sereia noticed him tensing na ikinalito niya. Dahil ba sa pagkasubsob niya sa dibdib nito?
“I... I'm sorry...” She tried to apologize smoothly when Ivor harshly turned his back on her at dumerecho sa sasakyan nitong nasa garahe.
Nakangiwi na lamang na hinatid-tanaw ni Sereia ang sasakyan nito hanggang sa mawala ito sa kanyang paningin.
WHILE IVOR WAS madly driving his sports car away from that house. Nang maisipan niyang lumabas sa gabing iyon ay naisip niyang pumunta sa kanyang pag-aaring resort but it turned out na ibang daan ang binabaybay niya ngayon.
Fuck! His mind wasn't properly functioning mula pa kaninang makita niya sa ilalim ng puno si Sereia with only a bath towel around her incredibly gorgeous body at kani-kanina lang ang pagkakalapat ng katawan nito sa katawan niya.
What the actual f**k was she doing with him at hindi niya nagugustuhan ang nagiging epekto nito sa kanya. He should really get rid of her bago pa siya malason ng kamandag ng babaeng iyon. Exactly like what she did to his father!