bc

UNLAWFULLY YOURS

book_age16+
4.2K
FOLLOW
14.9K
READ
billionaire
revenge
forbidden
possessive
dominant
scandal
powerful
boss
twisted
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Lumaki si Ishmael Ivor Innocénti na may inaalagaang indignasyon sa kanyang ama lalo na kay Sereia de Avila na pinaniwalaan niyang kept woman ng kanyang ama.

Lumipas ang napakaraming taon at nang muli niya itong makaharap ay hindi niya ito makilala. He was a nutter kung aaminin niyang may hatid na kilabot sa sistema niya ang presensiya nito.

Walang ibang iniisip si Ivor maliban sa makatakas sa anino ng kanyang ama at nagdesisyong huwag nang makialam sa last will and testament nito. Pinabayaan niya kung nais mang ipamana sa pangalan ni Sereia de Avila ang maiiwan nitong yaman ngunit magbabago ang kanyang isip nang malaman niya na ang higit na interesado sa yamang iyon ay ang lalaking ‘di umano ay pinakasalan ni Sereia de Avila sa Amerika.

Ang layunin lamang ni Ivor ay ingatan na huwag mapunta sa iba ang pinaghirapang mga ari-arian na iyon ng kanyang ama at wala sa plano niya ang protektahan si Sereia sa mapang-abuso nitong asawa. But he was already crossing the boundary and he knew he was already at the point of no return when he let Sereia de Avila laid beneath him while whispering she'd love to be unlawfully his.

chap-preview
Free preview
SIMULA
Unlawfully Yours Ishmael Ivor Innocénti Ang Simula ISANG WARNING KNOCK ang ginawa ni Ivor sa malaking pinto na nasa harapan niya bago iyon itinulak. He let out an exasperated sigh as he strode towards the man who was silently sitting sa likod ng nag-iisang study table na naroon sa librerya. Hindi ito nag-abalang tapunan siya ng tingin like he was glued on that chair for hours na siyang hindi niya makukuhang ipagtaka pa. The honorable sixty-two years old Attorney Isidore Innocénti was a compulsive worker sa sarili man nitong negosyo maging sa pulitika. Kaya nga hinahangaan at minamahal ito sa bayan nila. Handang maglingkod sa mga mamamayan at mag-alaga ng hindi nito anak samantalang siya na nag-iisang anak nito’y napabayaan, he thought bitterly and with scorn. Naroon sa binabasa nitong mga papeles ang buong atensiyon nito na hindi niya matukoy kung ano ang mga iyon. Dalawang segundo pa lamang ang nakalipas nang makaupo siya sa isa sa magkaharap na upuan sa harapan ng study table nang sipatin niya ang relong pambisig. At sa naiinip na tinig ay binasag niya ang nakakauliling na katahimikan sa lumang silid. “I don't have all the time in the world to just sit here and wait ‘till you're decided to talk.” The old man in front of him made a frail sigh atsaka ito tumingin sa kanya. Sa pagkakatanda niya ay lampas isang taon na mula no’ng huli niya itong nakita sa kasal ng isang malapit na kamag-anak at para bang limang taon ang naidagdag sa edad nito. “Kumusta ka na, hijo?” The old man smiled a little. Inayos nito ang salamin at pinakatitigan siya sa paraang nagpapailang sa kanya. May dumaan sa mga mata nito, kung pangungulila o regret ay hindi matukoy ng binata. Hindi niya mapigilan ang mapait na pag-ngisi. At may lakas ng loob pa itong kumustahin siya! He was turning thirty within the few months at bilang lang sa daliri ang pagkakataong kinumusta siya nito ng personal. Ang huli nga’y nabura na sa alaala niya. Ngunit ang mga sumbat na iyon ay hindi pa rin niya kayang isampal sa harapan ng iresponsable niyang ama. He'd rather live away from the old man's shadow. At hindi niya maintindihan na all of a sudden ay ipinasundo siya nito sa mga tauhan nito. May mahalaga raw itong tatalakayin. “I am living so well, thank you very much.” Hindi niya maiwasang hindi haluan ng sarkasmo ang tono. “I never doubted your caliber, Ishmael. You were always the proficient one mula pa no’ng ika’y elementarya hanggang—” “Let’s not beat around the bush, Isidore Innocénti.” Tumiim ang kanyang mukha. “Ano ang totoo mong pakay bakit ipinatawag mo ako?” Hindi siya bumiyahe ng ilang oras patungo sa bayan na iyon at palampasin ang oportunidad na makasama ang palagay niyang magiging flavor of the month niya para lang makinig sa papuri mula kay Isidore Innocénti. Nasanay siyang walang naririnig na ano mang magandang compliment mula rito. Kung may mga achievement man siyang naaabot sa paglaki niya ay pinadadalhan lamang siya nito ng kung anu-anong materyal na bagay na para sa kanya ay wala namang silbi at halaga kahit na libong dolyares pa ang presyo ng mga iyon. Walang halaga! “Naipaayos ko na ang last will and testament ko sa aking abogado, Ishmael.” Imporma nito sa mababang tinig. “Wala akong balak maghabol sa yamang maiiwan mo kung iyan ang iniisip mo!” Hindi niya mapigilan ang umaktong magaspang. “Kung gayon ay pumapayag kang mapunta lahat ng ari-arian ko sa isa ko pang legatee, gano’n ba, hijo?” Naihampas ni Ivor ang nakakuyom na palad sa ibabaw ng wooden study table. “You mean your ever beloved niece s***h your secret lover?” “Ishmael Ivor!” In horrid face ay sinambit ni Attorney Isidore Innocénti ang kanyang pangalan sa matigas na paraan. Tila may nais itong isambulat na hindi nito malaman kung paano sasabihin. “For years ay iyon pala ang iniisip mo sa akin? Lalo na kay Sereia? Hijo, you're unbelievable!” Nagtagis ang bagang ng matanda, hindi lubos makapaniwala na matagal nang iniisip ni Ivor na may relasyon sila ni Sereia. His son's thoughts were rusty and ugly. “Hindi ba siya ang dahilan kung bakit mo hiniwalayan ang Mama noon? Because you fall in love with that slut! You're a dirty old man para pumatol sa isang babaeng mas bata pa kaysa sa anak mo.” Atsaka marahas na tumayo si Ivor. Sapat na marahil ang tagpong iyon at titiyakin niyang iyon na ang huli nilang pagkikita ng kanyang good-for-nothing na ama. Tatalikuran na sana niya si Isidore nang tawagin nito ang pangalan niya. Tila ito nahihirapan. “H–hijo, mali ang iniisip mo. Nag-alaga ka ng galit sa dibdib mo sa napakahabang panahon dahil lang sa maling pag-aakala. Sereia is not a promiscuous girl, hijo. Not even close to what you called her. Sereia is my...” Noon naantala ang sana’y rebelasiyon ni Isidore Innocénti nang walang babalang bumukas ang pinto sa pabalyang paraan at isang babae ang umiiyak na akmang tatakbo papasok ng librerya. Paos at humahangos na sinasambit ang pangalan ni Isidore at tila wala sa sarili. Una niyang napansin dito ay ang mahaba nitong buhok na bagama’t kinulang sa suklay sa araw na iyon ay alam niyang malambot at alagang-alaga ng mga mamahaling produkto. Ang tangkad, ang tindig at ang hugis ng katawan nito ay yaong titilian ng mga kalalakihan sa catwalk at hahangaan ng mga kababaihan na naghahangad na maging katulad nito. Hindi niya mapigilan na titigan at suriin ang kabuuan nito. Astray hairs were covering some portion of her face kaya hindi iyon maklaro ni Ivor but her presence alone ay nagbibigay ng kakatwang kilabot sa sistema ni Ivor. Ngunit bumuka ang bibig ni Ivor nang magkaroon ng ideya kung sino ang babaeng basta na lamang lumusob sa librerya. It was his father's niece na pinaniniwalaan niyang secret lover ng kanyang ama, si Sereia de Avila! “I... I am sorry. Nanay Gloria didn't tell me that your son's here.” Napahinto ito dalawang metro ang layo kung saan nakatayo si Ivor at tila naligalig. Parang hindi alam ang gagawin. Sa huli ay lalo itong nagbaba ng tingin. He heard her stifling a sob. Ang lamig ng tinig nito. Mabini ngunit namamalat na para bang galing sa ilang oras na pag-iyak. Tila ano mang oras ay may magsusulputan na yelo mula sa sahig ng librerya at babalutin ang kabuuan ng silid. Nang mapagtanto kung sino nga ito ay nagsalimbayan ang hinagpis na naipon sa dibdib ni Ivor para sa dalawa. Anger suddenly controlled his mind. Sandali niyang nilingon ang ama na ngayon ay puno ng pag-aalala ang mukha. “I guess your dirty mistress’ arrival is unannounced. Sana’y nakapaghanda ka ng en grandeng salu-salo.” He couldn't help but get sarcastic. Isang malakas na singhap ang nakarating sa pandinig ni Ivor. Natitiyak niyang galing iyon sa babae. Humakbang siyang muli, sa pagkakataong iyon ay tila mas bumigat ang katawan niya. He made heavy steps towards the open door at sa huling pagkakataon ay tinapunan ng matalim at puno ng pandidiri na tingin si Sereia de Avila bago tuluyang lumabas. Sa pasilyo hindi kalayuan sa nilabasang pinto ng librerya ay may nakatumbang maleta. Sa kaisipang pagmamay-ari iyon ng babae na naroon sa loob ay puno ng pagkasuklam na tinadyakan iyon ni Ivor. “Slut!”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
14.6K
bc

The Sex Web

read
151.4K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
95.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
142.3K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
48.6K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
69.8K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
38.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook