KABANATA 7

1902 Words
HOMBRES ROMANTICOS SERIES 6 UNLAWFULLY YOURS Ishmael Ivor Innocénti Ikapitong Kabanata MAGHAHATING-GABI NA AY naghihintay pa rin si Sereia sa pag-uwi ni Ivor. Tila hindi mapanatag ang kanyang loob habang hindi niya ito nakikitang nakauwi. Ang weird kasi nito nang umalis kanina na parang wala sa sarili. Mas maayos pa sana kung binulyawan siya nito kanina bago ito umalis dahil iyon naman ang nakakasanayan niyang ugali nito. But awhile ago, he acted so silent and that was weird. And those unnamed emotions she noticed in his dark eyes made her confused. Ayaw maalis niyon sa isipan ni Sereia. And all the while, Sereia didn't realize na si Ivor na lamang ang nasa isip niya sa loob ng maraming oras. “I want to see him!” Isang pamilyar na babae ang dumating pasado alas onse ng gabi. Kung hindi nagkakamali si Sereia ay ito ang babaeng kaniig ni Ivor sa librerya nang nagdaang gabi. Sa pangmadaliang panunuri ay nailarawan ni Sereia ang pisikal na anyo nito. Sa kulay blue-gray pa lamang na mga mata nito ay hindi mo na maiisip na puro itong Pilipino. Perhaps half-blooded with slim body type and the woman knows how to dress herself para makakuha ng atensiyon mula sa opposite gender. Maaaring nobya ito ni Ivor at kilala na ng mga guwardiya kaya malaya itong nakakapasok. Kung ganoon sino ang babaeng bisita kanina ni Ivor? Mapait siyang ngumiti sa likod ng kanyang isip. Hindi na nga pala niya kailangan na ipagtaka ang tungkol doon. Why, her brother is a famous womanizer according to those multifold article spreading online. Ishmael Ivor Innocénti is a famous personality in the country dahil nakakabit ang pangalan nito sa prominenteng brotherhood na kinabibilangan ng dalawampung lima pang mga wealthiest bachelor hindi lang sa loob ng bansa. And as a matter of factly ay pamilyar kay Sereia ang ilang mukha ng mga fratmates ni Ivor. And what could she say aside from the fact that they are all incredibly handsome and living in the lap of luxury. Those men are all crackerjack in the corporate world at sa iba pang uri na industriya. Kung may mga mukha man na mahirap lumabas sa internet ay iyon ang mga mailap siguro sa publiko. “I am sorry but he went out almost four hours ago.” Pormal na imporma ni Sereia sa babae. Kagyat na napaigkas ang isang kilay ni Sereia nang inirapan siya ng babae and eyed her unconvincingly. “I won't buy that crap, okay?” The woman sighed her annoyance and rolled her eyes again. “Nasa kuwarto niya ba siya? Or in that creepy library again? Oh, well nevermind. I will just check it myself.” Suwabeng nagkibit na lamang ng balikat si Sereia at hindi pinigilan ang babae sa gusto nitong gawin. Lampas sampung minuto rin ang dumaan bago narinig ni Sereia ang ingay ng mga lagitik ng takong nito. Tila ito hinahabol ng asong ulol habang lumalapit kay Sereia. “Kanino ito?” The woman's teeth gnashing in fury as she waved a black thong in the air. “Sabihin mo, may ibang babae bang dinala rito si Ivor? Please, tell me the truth.” May kumurot sa dibdib ni Sereia nang makita ang lungkot sa mga mata ng babae. The woman was hurting at halata iyon. Kahit na hindi niya gaanong nagugustuhan ang ugali nito ay marunong naman siyang isaalang-alang ang nararamdaman nito. Babae rin siya at for that matter ay pinagtaksilan din. “W–wala.” Iyon ang lumabas sa bibig ni Sereia. Sympathy in her eyes while she was looking at the woman's face. “Walang ibang babaeng dinala rito si Ivor.” She lied smoothly ngunit dahan-dahan nang sinusundot ang kanyang konsensiya. Ngunit sa isip ni Sereia ay mas mabuti nang magsinungaling siya kaysa maranasan ng babaeng ito ang naranasan niya sa kamay ni Dalton Sanders nang pagtaksilan siya nito. Tumalim ang mga mata ng babae at pinakatitigan siya as if she would like to sentence her an awful death. “Kung ganoon ay saiyo ‘to?” Sandaling napatda si Sereia sa walang kamukat-mukat na pagbibintang nito. “What? That's not—” “w***e!” At bago pa niya madepensahan ang sarili ay mabilis nang lumipad ang palad ng babae patungo sa kanyang pisngi. At may kalakasan iyon bukod pa sa hindi niya iyon napaghandaan kaya halos mabuwal siya. “What a cruddy woman you are! Unang kita ko palang saiyo kahapon ay hindi na ako naniwala kay Ivor na pinsan ka niya. Or maybe you the two of you are really cousins but f*****g each others. i****t sa madaling sabi and knowing Ivor, hindi na iyon nakapagtataka pa. Magsama kayo and you two go to hell!” At bago pa makakuha ng lakas si Sereia ay itinapon na sa kanya ng babae ang hawak nitong itim na thong kanina atsaka ito nagmartsa palabas ng bahay. HINIHIGIT NA SI Sereia ng antok nang tumunog ang telepono. Nasa sala grande lamang siya at doon na lamang niya balak matulog. “Sino ang kailangan nila?” Kaswal ngunit may bahid ng pagtatakang bungad ni Sereia sa kabilang linya. Mag-a-ala una na ng madaling araw at bakit may tumatawag pa sa ganoong oras? And it wasn't Ivor's voice, natitiyak niya. Mabilis na sinita ni Sereia ang sarili kung bakit ba tila nag-aasam siyang si Ivor ang tumatawag. She couldn't understand herself. “Residence ho ba ito ni Sir Ivor Innocénti?” Lalaki ang nasa kabilang linya. “Yes. May nangyari ho ba?” Kaagad ang pag-ahon ng kaba sa dibdib ni Sereia. Of course, Ivor is her brother at ang isiping may hindi magandang nangyari rito ay matinding pag-aalala ang dulot sa kanya. “Barista ho ako rito sa isang pub at narito ho si Sir Ivor.” At sinabi nito ang eksaktong address ng local pub na iyon. “Siya na lamang ho kasi ang natitirang customer dito at hindi na niya kaya ang kanyang sarili dahil sa labis na kalasingan kaya napilitan ho kaming tawagan ang numero sa bahay na iyan.” Napatayo si Sereia. “Sige, darating ako para sunduin ang kapa— si Ivor.” Aniya atsaka umusal ng pasasalamat. Nagkatinginan lang ang dalawang guwardiya nang makita ng mga ito ang lumang Toyota A80 Supra na papalabas ng gate. Hindi na umimik ang mga ito at basta na lamang binuksan ang gate at hinayaan si Sereia. Bumalik ulit sa pag-idlip ang dalawang bantay. NANGALIGKIG SA LAMIG si Sereia nang bumaba siya sa kotse at dumiretso sa loob ng pub. Wala siyang suot na panangga sa lamig at ang suot niyang damit at mga pang-loob ay ang suot pa niya kahapon. Mainam na lamang at hindi umulan sa araw na iyon kaya napatuyo niya iyon. At nadatnan nga niya si Ivor na nakalugmok sa mesang nasa sulok ng pub. Manghang-mangha pa ang mga empleyado nang dumating siya at nagpakilalang magsusundo kay Ivor Innocénti. Parang gusto na niyang maniwala sa palaging sinasabi sa kanya ni Manang Gloria at Freda na talaga mag-i-standout ang mukha niya sa buong Las Palmas. Sereia has an angelic beauty, facially symmetrical with expressive and sombre medium brown eyes, small nose, prominent cheekbones and a very soft smile. She also possessed an amazing figure like an hourglass and a fair skin tila yaong mga puting plumahe sa pakpak ng mga arkanghel. And what made her attracted to men and people is her mysterious personality yet intelligent. “Nobya ho ba kayo ni Sir Ivor, ma'am?” Hindi mapigilan ng isang empleyado na mag-usisa. Tinulungan si Sereia ng mga lalaking empleyado na dalhin sa kanyang dalang sasakyan ang walang malay na si Ivor. “Hindi. Hindi niya ako nobya.” Sagot ni Sereia sa banayad na tinig. May naramdaman siyang pumilipit sa sikmura niya sa maling pag-aakala ng empleyado na nobya siya ni Ivor. For goodness’ sake! Ivor is her brother at sa loob lamang ng ilang oras ay dalawang beses na siyang napagkamalang babae nito. But she doesn't have a choice but to shut her mouth. Mas mahihirapan siyang harapin ang araw na malalaman ni Ivor na kapatid siya nito at itataboy. Mas okay nang alam nito na adopted daughter lang siya ng Tita Isabella nito. “Ngunit bakit naman ho naroon kayo sa bahay nina Sir Ivor, ma'am? Atsaka huwag na kayong mahiya, ma'am kung kayo nga ang nobya ni Sir Ivor. Ang suwerte-suwerte nga po ninyo kung tutuusin. Ang bait-bait kaya ni Sir Ivor kaya nga ilang taon na iyang nililigawan ng mga mamamayan dito sa Las Palmas na tumakbong Alkalde o Kongresista.” Patuloy ng waitress, hindi maawat ang kilig kahit halatang inaantok na. Nakasunod pa rin ito kay Sereia hanggang sa labas ng pub. Mabait? Si Ivor? Ibig matawa ng pagak ni Sereia ngunit mas piniling ngitian na lamang ang waitress. “Ay, ma'am teka.” Pigil sa kanya ng waitress nang papasok na sana siya sa driver's seat. “Hindi pa ho pala bayad si Sir Ivor.” Napangiwi si Sereia. Paano iyan, e wala ngang kalaman-laman ang kanyang bulsa? “Uhm, sure. Wait.” Sereia slid half of her body inside the car's backseat kung saan nakadeposito si Ivor and left the car's door open. Isang malalim na hininga ang kinuha niya atsaka kagat-labing kinapa ang bulsa ng pantalon ni Ivor. Sereia didn't notice that she was terribly holding her breath while trying to find Ivor's wallet. Tila nasa puso ang lalamunan niya at halos pagpawisan siya nang makuha sa mahanap ang pakay. Wala ito sa alin mang bulsa ng pantalon nito kundi nasa siksik sa tagilirang bewang nito. Sereia crawled out from the backseat, heart beating so fast. Wala siyang choice kundi ang pakialaman ang wallet ni Ivor tutal ito naman ang may kailangan bayaran sa pub na iyon. Dinagdagan pa ni Sereia ng isang libo ang ibinigay niya sa waitress na labis na ikinagalak nito. Sinabi niyang maghati-hati na lamang ang mga ito sa halagang iyon. Then she maneuvered away from that pub hanggang sa kinse minutos na ang itinatakbo niya nang biglang tumirik ang sasakyan sa madilim at walang kabahayang bahagi ng kalsada pauwi sana sa bahay nila. “Oh damn!” Malakas niyang anas. Ilang beses niyang sinubukang paandarin ngunit pumapangit lamang ang tunog ng makina patagal nang patagal. And she was sweating already. Matagal siyang nakatitig lamang sa kalsadang nasa harapan, walang balak na bumaba dahil wala naman siyang alam sa makina ng sasakyan. “Hmmm... ba’t ang init...” Marahas na napalingon si Sereia sa backseat nang magsimulang maging uncomfortable si Ivor doon. Her eyes turned wide when Ivor started to unbuttoned his shirts while mumbling complains she couldn't fathom. “H–hey, no! Stop that.” Sereia agitatedly snapped na tila ba maririnig ni Ivor ang panunuway niya. Nang mapagtantong walang bisa ang panunubok niyang pigilan ito sa paghuhubad ay itinuon na lamang ni Sereia ang mga mata sa kalsada at kung saan mang puwede siyang tumingin maliban lang sa backseat. Napapalunok si Sereia dahil patuloy na naglulumikot si Ivor sa kanyang likuran. “H–hubad... I... I want... naked...” And when Sereia lifted her eyes to the rearview mirror ay napamulagat siya nang makitang hinuhubad na rin ni Ivor ang kanyang pantalon. Parang aatakihin siya sa puso. Yes, she might have studied human anatomy back in medical university and seen her husband's naked state twice ngunit bakit ganoon ang nagiging reaksiyon niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD