HOMBRES ROMANTICOS SERIES 6
UNLAWFULLY YOURS
Ishmael Ivor Innocénti
Ikalimang Kabanata
“AT SAAN SA TINGIN MO dadalhin ang mga pagkain na iyan, Freda?” Ivor's hoarsely pestered voice made the housemaid almost jumped in shock.
Paakyat na sa ikalawang palapag si Freda nang saktong pumasok sa kabahayan si Ivor. Alas siete pa lamang iyon ng umaga at kagabi ay hindi siya nakauwi dahil nga napasugod siya sa bahay ng kanyang mga grandparents nang makarating sa kanya ang balita na nawawala ang kanyang pamangkin na nag-iisang anak ng Bise Gobernador sa probinsya na iyon. And Vice Governor Drake Aronzado is his only first cousin.
May kalakihan naman ang angkan ng Aronzado sa bayan ng Las Palmas subalit dalawa lamang silang apo ni Mariano Aronzado— Ivor's mother's father.
And Drake Aronzado has an adorable and clever six years old daughter named Cathleen. At wala pang isang taon na nabiyudo ang kanyang pinsan.
Lampas isang taon din na nakipaglaban ang yumaong asawa ng pinsan niyang si Drake sa sakit na colorectal cancer. Sa Maynila ito nagpapagamot at sa mga panahon na iyon ay madalas na nasa pangangalaga ni Ivor ang pamangkin na si Cathleen dahil nga’y halos sa Maynila na tumira ng mga panahon na iyon ang mag-anak.
And Ivor was shaken up with too much worries when Cathleen was lost. Ayon sa babysitter nito ay tanghali pa kahapon ito nawawala ngunit nang sumapit ang gabi’y nakatanggap daw ng tawag mula sa ospital ang sekretarya ni Drake Aronzado. Noon nila nalaman na naroon sa ospital ang bata. Doon na rin napasugod kagabi si Ivor upang tingnan ang lagay ng pamangkin.
Napahinto sa ikatlong baitang ng hagdan si Freda at nakapikit na binulungan ang sarili ng, “Patay! Lagot na.”
“Hindi ba malinaw ang sinabi ko sa inyo kagabi na wala muna akong pinapayagan na umakyat sa ikalawang palapag? Didn't I make myself clear?”
Dahan-dahan na humarap ang katulong kay Ivor. Hindi nito maidiretso ang tingin sa kanya. “Ah, Señorito Ivor, kasi ano... Ano... Ito po? P–para po sana sa ano, sa tuta. Papakainin ko—”
“Tuta!” Ivor drawled. “Walang tuta rito. Tangina! Niloloko mo ba ako, Freda?”
“H–hindi ho, Señorito.” Utal na sagot ni Freda. “Hindi kita niloloko, Señorito. Siniseryoso ho kita.”
“Shut up and get out of my sight!” Singhal dito ni Ivor. Hindi na niya kailangan na hulaan pa kung para kanino ang pagkain na iyon na dadalhin sana nito sa itaas.
It's for the cunning b***h! Iba talaga ang babaeng iyon. Kung paano nito nakukuha ang loob ng kahit na sino ay hindi niya maintindihan. For him, that kind of a dirty homewrecker woman and a chronic golddigger deserves nothing in this world but pessimism and ill treatment.
“I said get out of my sight!” Napatalon si Freda nang binulyawan itong muli ni Ivor nang hindi pa rin ito tumitinag.
Nakangiwi itong bumaba sa hagdan at nagmamadaling tinungo ang kusina. Kaagad na binalikan ni Freda sa pinagkukublihan nito si Manang Gloria na siyang nag-utos kay Freda na akyatan ng pagkain si Sereia bago pa dumating ang kanilang Señorito Ivor ngunit hindi pumanig sa kanila ang pagkakataon sapagkat naabutan sila ng malupit nilang amo.
“Paano na ngayon ‘to, Manang G? Kawawa naman si Ma'am Sereia. Hindi iyon makakainom ng kanyang gamot kapag hindi malalagyan ng pagkain ang sikmura niya.” Malungkot na tumungo si Freda sa dala-dalang tray na may mga pagkain para sana kay Sereia.
“Panginoon kong mahabagin! Ano nang gagawin natin?” Mangiyak-ngiyak na usal ni Manang G, nanghihina sa labis na pag-alala para kay Sereia.
Matapos nitong kausapin kagabi sa librerya si Ivor ay hindi na ito nakababa. Si Ivor na nagmamadaling unalis ay mahigpit na ibinilin na walang ni isa kayla Manang Gloria at Freda ang papahintulutang umakyat.
Kung effective ang malantod na taktika ni Freda sa guwardiya sa unang pagkakataon ngunit sa ikalawa’y wala na. Pinagbantaan kasi ni Ivor ang isang guwardiya na magdamag na nakabantay sa tuktok ng hagdan upang matiyak na hindi makakalapit si Manang Gloria at Freda kay Sereia.
“Alam ko na, Manang G.” Mahinang bulalas ni Freda nang tila may bombilyang umilaw sa ibabaw ng ulo nito.
“Ano, Freda?”
“Bakit hindi natin lagyan ng lason iyong pagkain ni Señorito Diablo para wala nang problema si Ma'am Sereia.”
“Magtigil ka! Kilabutan ka nga riyan sa naiisip mo, Freda.” Agap na suway ni Manang Gloria kay Freda, patuloy na nag-iisip kung paano nila malalapitan si Sereia at tingnan kung ano ang lagay nito. Wala silang ideya kung ano ang kinalabasan ng pag-uusap nito at ni Ivor kagabi. At kung bakit hindi na ito nakababa pa. Labis silang nag-aalala.
“Makinig kayo,”
“Ay pulang talong!”
“Ay bayawak!”
Pagkapanabay na bulalas ni Manang Gloria at Freda nang biglang lumitaw na naman si Ivor. Wala sa kanilang dalawa ang nakapansin na naroroon na pala ito.
Nagkatinginan ang dalawang kasambahay, kapwa napalunok nang sabay na naisip ang iisang bagay.
“S—señorito Ivor, kanina ka pa po ba riyan?” Halos takasan na ng kulay ang mukha ni Freda.
Pinaningkitan ito ng mata ni Ivor. “Hindi naman.”
“Hallelu—”
“Sakto lang na naabutan ko ang parte na sinabi mong lalasunin ninyo ako.” May inip na sabi ni Ivor. Atsaka nagitla nang biglang napaluhod si Freda at nagsimulang sumamba na tila ba isa siyang anitong magkakaloob dito ng himala.
“Señorito, joke lang naman po iyon. Hindi ba, Manang G? Joke-joke lang natin—”
“Freda! Hesus ko kang babae ka!” Sita rito ni Manang Gloria.
“Itigil mo na iyan. Tumayo ka at makinig kayong dalawa sa sasabihin ko.”
Ganoon nga ginawa ng dalawang kasambahay like they are the most obedient servant on Earth.
“Ipapadala ko kayong dalawa sa resort.” Walang emosyon na anunsyo ni Ivor na nagpalito sa dalawang kasambahay.
“Magbabakasyon ho kami sa pag-aari ninyong resort, Señorito?”
“Loka! Ano’ng bakasyon?” Ivor annoyingly said. Tila may mapuputol na ugat sa kanyang utak dahil sa pakikipag-usap sa mga kasambahay na ito.
“Peak season ngayon at maraming guest ang inaasahang dumating sa resort ngayong Linggo at tiyak sa susunod na Linggo ay ganoon din. Tutal wala naman kayong pagsisilbihan sa bahay na ito ay mas mainam na doon ninyo ibuhos ang serbisyo ninyo sa resort. I will assign the two of you in the kitchen.”
May hotel and resort na pag-aari si Ivor na nasa prime area ng Las Palmas. At wala pang dalawang taon na nabubuksan niya iyon sa publiko. Noon ay isang trusted relative niya ang pinapa-manage niya sa resort dahil ayaw nga niyang umapak sa Las Palmas kung hindi lang sa mga kamag-anak niyang naroon from his mother's side. At siyempre sa matalik niyang kaibigan na si Junger Jozzwick na tinatangay siya kapag nakakauwi ito sa bayan ng Las Palmas. But he never tried visiting his father kahit na once or twice in a month siyang naroroon.
And now, that gave him a heavy feeling at ayaw man niyang aminin sa kanyang sarili ay alam niyang may nararamdaman siyang regret sa napakarami sanang pagkakataon na silipin niya ang ama ngunit hindi niya ginawa dahil sa matayog na pride at sama ng loob. And now he couldn't see his father anymore. Pumait ang pakiramdam ni Ivor sa kaisipan na iyon.
“K–kung iyon ho ang gusto ninyo ay wala hong problema, Señorito.” Ani Manang Gloria at ganoon din ang naging sagot ni Freda.
“At mag-impake na kayong dalawa. Stay in kayo roon hanggang sa araw na aking itatakda. Ihahatid kayo ni Gido sa resort.” Dagdag ni Ivor atsaka tumalikod at humikab.
He was f*****g lacked of sleep last night dahil sinamahan niya ang babysitter ni Cathleen na bantayan ito sa ospital. Ngunit ang siste ay siya pa itong hindi nakaidlip dahil ang kinalabasan ay naging dalawa tuloy ang pasiyenteng binantayan niya dahil bago pa siya nakarating sa ospital ay mahimbing na ang tulog ng bantay ni Cathleen.
Umakyat si Ivor sa ikalawang palapag, ramdam na ramdam ang pagod at antok. Sumasakit din ang kanyang likod dahil ilang oras din siyang nakaupo sa ospital. Pribilehiyo na lamang para sa kanya na maganda ang nagmo-monitor na nurse sa pamangkin niya kaya nabawasan ang kanyang boredom doon dahil nilalandi niya ang nurse. Katunayan ay pumayag kaagad ito sa imbitasyon niya.
He is planning to take that nurse in his resort for one night. Iyon ay kung hindi siya tatablan ng katamaran bukas. But he really wanted to f**k that boyish nurse.
Papasok na si Ivor sa kanyang silid nang may enerhiyang tila pumigil sa kanyang mga paa. He sighed in inconvenience nang maalalang may naiwan nga pala siya sa librerya.
At sa mabibigat na hakbang ay nilapitan niya ang pinto ng library and took the key from his pocket. He locked it last night matapos nagtapang-tapangan na kinagat ni Sereia ang hamon niya.
Tingnan natin kung ano ka ngayon, babae, he uttered devilishly to himself as he pushed the giant double door of the library. And his brows knotted when he doesn't saw her.
Sinipa niya pasara ang pinto upang ipaalam na naroon siya but the room stayed silence.
His searching only lasted for two minutes dahil kaagad din niyang nahanap ang pakay.
And Ivor unknowingly stopped on his track when he saw Sereia’s unlovely position while sleeping. Nakaupo lamang ito sa sahig at ang ulo ay nakahilig sa katabi nitong bookshelf. Kalahati ng laman ng bookshelf ay naibalik nang malinis ngunit ang kalahati ay nakakalat pa rin sa sahig, kapiling ni Sereia. Tila nakatulugan nito ang paglilinis.
At imbes na masiyahan ay tila may karayom na bumaon sa dibdib ni Ivor habang pinapanood ang hindi kaaya-kaayang kalagayan ng babae. He hates her to the core but he is not the cruelest person sapagkat naa-acknowledge pa niya ang salitang awa. Awa para sa babaeng isinusumpa niya. How ironic, motherfucker!
NAGISING SI SEREIA nang parang may naramdaman siyang nakatitig sa kanya. At tama nga siya pagkat sa pagmulat ng kanyang mga mata ay bulto ni Ivor ang kanyang nabungaran.
Kinusot niya kaagad ang mga mata. Nang dumako kasi ang tingin niya sa mukha nito ay may napansin siyang kakaibang emosyon doon, like something close to softness. She wasn't sure of dahil nga’y inaantok pa siya.
“N–nariyan ka na pala.” She spoke, voice was sexily hoarse na nagpakislot sa ugat ni Ivor.
Fuck! What the f**k was that?
“Malinaw na hindi mo nagampanan ang usapan natin.” Itiniim ni Ivor ang kanyang bagang at sinikap na buwagin ang pagiging kalmante ni Sereia sa pamamagitan ng valiant na tinig. He hated her more when she still appeared unbothered who has a watertight throne in a kingdom.
“Tatapusin ko naman ngayong umaga. Huwag kang mag-aalala.” Malumanay na wika ni Sereia and regally made a stretching move. Nang igalaw nito ang kanang balikat ay hindi nito naitago ang pagngiwi. Her shoulder pain was getting worse and it bothered her.
May pinsala si Serea sa kanyang kanang balikat na nakuha niya noong nahuli niya sa aktong nagniniig si Dalton at ang kanyang sekretarya na si Emily. Nandilim kasi ang paningin niya nang mga oras na iyon and she had all the reason to be mad.
Sinugod niya si Emily noon, pinagsisigawan, iniskandalo. Ngunit ang hindi inasahan ni Sereia ay ang gagawin na pagtatanggol ni Dalton sa kalaguyo nito then out of his horrible madness ay basta na lamang nitong itinulak ng malakas si Sereia at ang kanang balikat nga niya ang napuruhan ng insidenteng iyon.
At isama pang kinarga niya kahapon ang batang natagpuan niya sa sementeryo kaya lalong sumama ang kondisyon ng balikat niya.
“Why don't you just give up and stop acting like brave woman? Kung makikita mo lamang ang mukha mo ngayon ay maaawa ka sa sarili mo. It's obvious you cannot do it.” Ivor taunted.
Tumayo si Sereia at nagkaroon ng determinasyon ang mukha. “Tatapusin ko ngayong umaga. Before 11 o'clock.”
Hinamon kasi siya kagabi ni Ivor na kung magagawa niyang linisin ang buong librerya sa loob ng magdamag ay papayag si Ivor na manatili siya sa bahay na iyon habang wala pa siyang malilipatan. Kailangan na talaga niyang maibenta ang klinika as soon as possible.
“Do it. At kapag natapos ka’y saka ka lang bababa, naiintindihan mo?”
Walang emosyon na tumango si Sereia na nagsimulang punasan isa-isa ang mabibigat na libro na kailangan niyang ibalik ng maayos sa shelf.
“At ipagluto mo ako ng tanghalian. Ano ang mga uri ng ulam ang kaya mong lutuin?”
“Marami.” Mabilis na sagot ni Sereia nang hindi tinatapunan ng tingin si Ivor. “I can cook sumptuous meal like Bistec encobollado, beef and broccoli, Brunswick stew with a very special ingredient and many to mention.”
“Special ingredient? Ano lason? Saiyo yata natuto ang lintik na Freda na iyon.” Sikmat ni Ivor na unti-unti nang nahihiwagaan sa ginagawang pagkausap sa babaeng iyon. And it was scaring him why he could talk to her without drawling at her.
And before he could smack his head in front of Sereia ay iniwan na niya ito. “Basta magluto ka.”
“Uh ‘kay.” Sereia replied using her very thick American accent na lalong nagpainis kay Ivor.
Lalagpasan na sana ni Ivor ang study desk ng kanyang ama sa librerya na iyon nang may tumawag sa pansin niya. A photo frame.
Sa mabagal na hakbang ay nilapitan niya iyon upang maklaro at halos mahigit niya ang hininga nang makita ang litratong naroon. Tila sumulak ang kanyang dugo at basta na lamang niyang dinampot ang picture frame at ibinalibag sa kung saan na siyang nagpatalon kay Sereia.