KABANATA 4

2509 Words
HOMBRES ROMANTICOS SERIES 6 UNLAWFULLY YOURS Ishmael Ivor Innocénti Ikaapat na Kabanata “HIJA, KANINA PA ako tumatawag sa numero mo. Mabuti at nasagot mo.” Iyon kaagad ang bungad ni Manang Gloria nang sa wakas ay nagkaroon na ng tsansa si Sereia na i-check ang kanyang cellphone. Napakunot ang noo ni Sereia nang mahimigan ang tila panic sa tinig ni Manang Gloria. Atsaka bakit parang pabulong lamang itong magsalita sa cellphone? “Pasensiya na ho kayo, Manang Gloria. Naririto po kasi ako sa ospital.” Ang batang dinala niya sa ospital ay iniwan niya saglit sa emergency room nang malaman na kanina pa siya sinusubukan na contact-in ni Manang Gloria. Nagpatulong na rin si Sereia sa information desk ng ospital na subukang tawagan ang mga Aronzado. Hindi man niya kabisado ang angkan na iyon ngunit nag-iisang angkan lang sa bayan ng Las Palmas ang mga Aronzado kaya nakatitiyak siyang madaling mahahanap ang guardian ng bata na pinagmalasakitan niya. Aronzado is one of Las Palmas’ elite clan where her half-brother Ivor also belongs sapagkat Aronzado ang ina nito. At sinabi ni Sereia sa nurse na naroon sa information desk ang eksaktong sitwasyon ng batang natagpuan niya para ipagbigay-alam sa kamag-anak ng bata oras na malaman ng mga ito na dinala niya ito sa ospital. “Hesus ko! Bakit naririyan ka, Sereia? May—” At bago pa atakihin ng matinding pag-aalala si Manang Gloria ay inawat na niya ito. “Wala hong masamang nangyari sa akin, Manang Gloria. It's not me. Kung bakit ako naririto ay malalaman ninyo ‘pag uwi ko ho riyan.” Banayad niyang sabi. “Pero bakit ho pala ang dami ninyong missed call?” “Hija, pasensiya ka na talaga. Ngayon pa lamang ay nababagabag na ako sa ideyang kinagagalitan na ako ng mga magulang mo sa langit.” Gumaralgal ang boses ng matandang kawaksi na lalong ikinalito ni Sereia. “Bakit ho, Manang Gloria? Ano ho bang nangyari?” Kinakabahang tanong niya. Narinig niya ang pagsinghot ni Manang Gloria at sa patuloy na gumagaralgal na tinig ay sinabing, “Dumating ngayong araw si Señorito Ivor dito sa bahay at pakiwari ko’y matagal siyang mananatili rito kahit na hindi niya direktang ipinapaalam.” Naligalig ang saloobin ni Sereia sa narinig na impormasyon. Tila nagkaroon siya ng instant migraine. It was the last thing she expected to happen— ang tumira at habulin ni Ivor ang karapatan nito sa bahay at sa iba pang naiwan ni Isidore Innocénti. Ito naman kasi ang lehitimong anak ngunit alam ni Sereia na pantay naman na ipinahati ni Isidore Innocénti ang inheritance nito sa kanilang dalawa ni Ivor. At ang bahay na iyon ay isa sa ilang property na mapupunta sa pangalan niya. Iyon ang natatandaan niyang isinalaysay ni Attorney Villanova. Then she stopped overthinking and refused making any problem out of it. Hindi niya maaaring ipagkait ang bahay na iyon kay Ivor. That is his home, too at napakalaki niyon para ipagdamot niya. But what was bothering her is Ivor's presence inside the house. Paano ang magiging kapalaran niya ngayon na naroon ito? “G–ganoon ho ba?” Maagap na tinanggal ni Sereia ang bara sa kanyang lalamunan atsaka nagpatuloy. “Pakiasikaso na lamang si Ivor, Manang Gloria. That is his house, too kaya kung ano ang paninilbihan na ibinigay ninyo noon sa Papa at ngayon tinatamasa ko, sana ay ganoon din ang ibigay ninyo kay Ivor. We all know how grumpy he is kaya pag-aralan na lamang natin na masanay kung totoo ngang magtatagal siya sa bahay na iyan.” “Walang kaso sa bagay na iyan, hija. Ang totoong pakay ko ay ang ipaalam saiyo na...” Muling suminghot si Manang Gloria. Nahihinuha na niya ang anyo nitong naiiyak. “I am listening, Manang. What is it?” “Ang Señorito Ivor kasi ay mariing ipinag-utos na ilabas ang lahat ng gamit mo sa bahay.” “Oh, my...” “At, hija ang mga gamit mo ay... ngayon ay mga abo na lamang.” Tila binundol ng malakas ang sikmura ni Sereia sa narinig. Napatiim-labi na lamang siya at wala nang namutawing salita mula sa kanyang bibig. Pinanghinaan siya ng husto sa masamang balitang narinig. Why she has to suffer from her own brother's cruelty? Kapatid siya nito! Kung hindi lang sana siya natatakot na ipaalam iyon dito ngunit alam niyang mas manunungayaw ito oras na malaman nitong anak siya sa labas ni Isidore Innocénti. Na ang ina niya ang minsang sumira sa marriage ni Isidore at ni Marina Aronzado. At pahapyaw nang naikuwento sa kanya ni Manang Gloria kung gaano kamahal ni Ivor ang ina and seemed like he still doesn't want to leave that unpleasant past behind. “Ipinagawa sa amin ng Señorito Ivor na sunugin ang mga gamit mo at kung hindi namin susundin ay pinagtangkaan niyang mawawalan kami ng trabaho.” Pinilit ni Sereia na buhayin ang boses sa kabila nang panghihina ng kalooban. “Pauwi na ako ngayon, Manang. Uuwi na ako.” “Padalhan mo ako ng mensahe kapag narito ka na. Aabangan kita sa labas at ako ang makikiusap sa mga guwardiya na papasukin ka. Kahit iyon kasi ay idinekta ng Señorito Ivor na bawal ka nang papasukin.” Nahalinhinan ng kakatwang impulsiveness ang hapdi sa dibdib ni Sereia. Sumusobra naman yata ang lalaking iyon! Ano ang akala nito sa kanya? Isang insekto na kaya nitong tirisin? Nagkakamali ito. “Kakausapin ko ang walanghiyang lalaki na iyan, Manang. Damn him to hell and his rotting personality!” Sandali munang bumalik sa emergency room si Sereia upang magpaalam sa batang hindi pa niya naitatanong ang pangalan. Ngunit nang makitang nakatulog na ito ay hindi na lamang ito inistorbo ni Sereia. “Can I leave my contact number? Maaari mo ba akong i-text kapag narito na ang guardian ng bata?” Magalang na pakiusap ni Sereia sa isang fortyish na nurse na umaasikaso sa bata. Pumayag ito sa pabor niya. “Pero talaga bang wala kang ugnayan sa batang ito, Miss? Alam naman ng mga tagarito sa Las Palmas na wala pang isang buwan na pumanaw ang asawa ni Vice Gov—” “Please, just text me and keep me posted about the little girl's condition. Kailangan ko na ho kasing umalis.” Nagmamadali siyang lumabas sa emergency room. Patakbong binalikan ni Sereia ang old model na kotse na kanyang dala sa pinagparadahan niya nang halos masagi siya ng nag-aapurang sasakyan na sa kanyang pagmamadali ay hindi niya nakita. Napamura siya ngunit hindi na niya naisipang huminto at tuluy-tuloy nang pumasok sa dala niyang kotse bago iyon pinasibad. “KAKAUSAPIN KO HO SIYA ngayon din, Manang Gloria.” Determinadong wika ni Sereia nang makapasok siya sa bahay matapos ang halos kalahating oras na pagmamakaawa sa dalawang security guard na inilagay ni Ivor sa may tarangkahan. “Siguro ay ipagpabukas mo na lamang, hija. Kanina pa kasi umiinom si Señorito Ivor at baka nasa utak na niyon ang tama ng alak. Hindi magandang ideya—” “Hindi ho ninyo kailangan na samahan ako, Manang Gloria.” Sereia gave the old woman a reassuring, small smile. “Kailangan ko hong subukan na lagyan ng sentido kumon ang utak ng lalaking iyon. At wala kayong dapat ipag-alala sa akin. Kung magkakamali siyang pagtangkaan akong saktan physically ay makakaasa kayong kaya kong ipagtanggol ang aking sarili.” Isabella Innocénti— Sereia’s adoptive mother was a famous female martial arts instructor. Iyon ang primary job ng kanyang Mommy Isabella kaya naman ay naging bonding na nilang mag-ina noon ang pagtuturo ni Isabella ng martial arts kay Sereia. Bukod pa roon ay napag-aralan din ni Sereia ang tamang paggamit ng mga armas. And she was too confident too save herself in any danger coming. “Maghihintay ako saiyo rito sa baba, hija.” Naroon ang matinding pag-aalala sa mukha ni Manang Gloria. At kahit pinapasama ang kalooban ni Sereia sa sitwasyon niya ngayon ay hindi niya maiwasan na makaramdam ng pagkalugod at appreciation para sa sincere na concern sa kanya ni Manang Gloria. Katunayan niyan ang hindi naman niya gaanong kilala si Manang Gloria. Tatlong beses lang din niya itong nakita noon bago sila nanirahan sa States ng kanyang Mommy Isabella at wala siyang maalala na kinausap siya nito ng sarilinan kahit bata pa ang isip niya noon. Sereia was so thankful na nakahanap siya ng kakampi sa katauhan ni Manang Gloria. Ganoon din si Freda na tumulong sa kanila kanina para pumayag ang mga bodyguard na papasukin siya. Freda flirted the head security guard kaya naman ay nagkaroon siya ng passes. Dumerecho sa librerya si Sereia dahil ayon kay Freda ay naroon si Ivor. Hindi na siya gumawa ng warning knock at basta na lamang niyang itinulak ang pinto para lamang mamilog ang mga mata sa nadatnang eksena sa study table. May isang hubad na babae ang nakadapa roon at sa likod nito’y isang pawisan na lalaki. Hubad din, iyon ang natitiyak niya and the man pounding the woman senselessly from behind. Dumaan ang ilang segundo na nakatanga lamang doon si Sereia. Tutok na tutok ang kanyang mga mata sa dalawang taong nagniniig ngunit ang kanyang isip ay nablanko na. Hanggang sa gumitaw sa kanyang memorya ang isang tagpo sa kanyang klinika na naging hudyat sa pagkasira ng marriage nila ni Dalton Sanders. Wala sa loob na napakuyom si Sereia. “What the actual f**k do you want?” Ivor’s voice thundered na nagpabalik kay Sereia sa tamang huwisyo. Pati ang babaeng kaniig nito ay napakislot dahil sa pagbulyaw ni Ivor. Napakurap siya nang sinalubong niya ang mga mata nito. Ivor unmoved and was breathing heavily. His face flushed kung sa pagiging high sa ginagawang s*x o sa galit nang makita siya ay hindi matiyak ni Sereia. Tinapangan ni Sereia ang boses kahit na ang totoo’y nagsimula na siyang panlamigan. “I wish to have a word with you.” Ginawa niyang pormal ang tinig. Ivor was eyeing her venomously and her breath caught by the intensity of his gaze. Tila wala itong balak na palsipikahin ang tunay na nararamdaman ngayon kaharap na siya nito. His eyes were spitting disgusts and loathe. Ngunit ganoon pa man ay hindi maintindihan ni Sereia ang sarili kung bakit nakuha pa rin niyang itala sa isip ang mga katangian ng kapatid na ngayon lamang niya hustong napansin. Ivor is a man that exudes s*x appeal and overflowing charisma. Wala man siyang gaanong napapansin na similarity nito sa kanilang ama ay hindi pa rin matawaran ang angking kaguwapuhan nito. He was overly mascular ngunit hindi iyong tipong nakakasawang pagmasdan. And the hair all over his solid-looking chest... “Where did your manner go? As what you can see, I am f*****g someone here and you just stood up there like a stupid—” “Sumusobra ka na! You have no any right to insult me like that.” Ganting hiyaw ni Sereia na nakalimutan nang pakalmahin ang kalooban. “What the f**k is wrong with you, Miss? Puwede bang patapusin mo muna kami atsaka ka na mag-welga riyan.” The woman snapped at her annoyingly. Umatras na si Ivor bago pa man makakuha ng buwelong magsalita muli si Sereia. Ganoon kabilis nitong naisuot ang roba atsaka sa madilim na mukha ay inilang hakbang lamang ang distansiya nila ni Sereia. Hinatak siya nito palabas ng librerya sa maligasgas na paraan. Tila bakal ang kamay nitong nakapulupot sa kanyang braso at kung nagkataon na leeg niya ang pinilipit ng kamay na iyon ay tiyak nalagutan na siya ng hininga. “Ano ba? You are hurting me.” Pagalit na reklamo ni Sereia at nag-ipon nang lakas para maitulak si Ivor. Nagtagumpay siya ‘pagkat tumilapon ito sa pader na nasa gilid ng pasilyo. Gulat ito sa ginawa ni Sereia. “What the f**k!” “Bakit mo pinasunog ang mga gamit ko? Ano ang karapatan mo?” Puno ng galit na tinitigan ito ni Sereia. Yes, all her stuffs at nakapanlulumong isipin na wala nang natira sa kanya. All her identification cards were there pati na ang mga importanteng cards niya, her passport and higit sa lahat ang mga larawan nila ni Amber and Amber's gift to her. When her step-daughter survived and fought her life from cancer ay sa kanya nito ipinagpasalamat ang bagong-buhay ng bata. Nang sumibol ang bagong buhok ni Amber ay pinutol ng bata ang ilang hibla sa buhok nito at nilagay iyon ni Sereia sa isang pendant. Na sa kasamaang palad ay nadala sa nasunog na gamit. That pendant symbolized Amber's life at it matters to her kagaya ng kung gaano niya kamahal ang kanyang step-daughter. “Ano ang karapatan ko? Well, let me tell this. Kung sa inaakala mo ay mapupunta saiyo itong bahay na ito pati na ang ilang manang iniwan sa pangalan mo ng Papa’y nagkakamali ka, babae.” Dinuro pa siya nito. “B–but those are—” “Yours?” Ivor smirked mockingly. “In your dreams. Nunkang hahayaan kong magalaw mo ni isang kusing sa mga naiwan ng ama ko. Mangarap ka na lamang habambuhay. At kung paano ka man nakapasok gayong pinagbawalan ko nang umapak ang babaeng kasing-dumi mo rito ay mananagot ang may kagagawan.” He savagely declared like he owned the world. Nagbaba ng tingin si Sereia. Siya na rin ang nagpakumbaba. Sa isip niya ay malulungkot ang kanilang ama sa kabilang-buhay kung makita silang magkapatid na maanghang na nagtatalo. “N–ngunit wala akong ibang matutuluyan.” Halos hindi na lumabas ang mga salitang iyon mula sa bibig ni Sereia. She now avoiding his gaze. “Not my problem. Go away!” Pagtataboy sa kanya ni Ivor. “You heard me, wala akong ibang matutuluyan.” She had nothing already na kahit ang pang-upa sana ng bahay o kahit maliit na kuwarto ay wala siya. Mahina rin ang function ngayon ng isip ni Sereia at wala siyang maisip na mabisang solusyon sa kinakaharap na suliranin. “And you heard me, it's not my problem anymore. I want you out of this house. Now!” “No!” Pagmamatigas ni Sereia na lalong ikinadilim ng mukha ni Ivor. Tila nasagad na ang pasensiya nito. “You want to stay?” After a long silence, he asked firmly. “Oo dahil wala akong choice but to stay.” “You asked for this, don't you?” “Asked? Ano ang ibig mong sabihin?” Tila naasiwa si Sereia nang tingnan niya sa mata si Ivor and he was intently looking at her face, too. Tumagal iyon sa pangkaraniwan like there were a spell passed between them and they just mindlessly staring at each other's face. Nang bumaba ang mga ni Ivor sa mga labi ni Sereia ay siya na mismo ang pumukaw sa kanyang sarili at nag-iwas ng tingin. Dahil sa pag-iwas ng tingin ni Sereia kung kaya at hindi nito napansin ang nahihirapang paglunok ni Ivor at ang pagsimangot nito sa sarili. atsaka ito muling nagsalita, “You want to stay, then I have something to offer for you.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD