HOMBRES ROMANTICOS SERIES 6
UNLAWFULLY YOURS
Ishmael Ivor Innocénti
Ikatlong Kabanata
WALANG PALYA ANG pagdalaw ni Sereia sa puntod ng amang si Isidore Innocénti. Wala siyang kaibigan na maituturing sa Las Palmas maliban kay Manang Gloria kaya ang pinakamatalino na lamang na ideya na gagawin niya ay ibuhos ang oras sa pagdalaw sa puntod ng ama kaysa ang manatili sa bahay kung saan hindi ligtas ang pakiramdam niya sa kaalaman na ano mang oras ay darating si Ivor Innocénti at babatuhin na naman siya ng masasakit na salita.
Bukod kasi sa labis na pangungulila niya sa ama ay iniiwasan din talaga ni Sereia ang magtagpo sila ni Ivor Innocénti sa bahay. But so far, mula nang mailibing si Isidore Innocénti ay hindi pa naman ito dumadalaw sa bahay na iyon.
Noong internment naman ng kanilang ama ay dumating lamang ito nang naglaho na ang mga tao sa sementeryo. Patakip-silim na iyon at walang malay si Ivor na pinapanood lamang ito ng lihim ni Sereia na nakakubli lamang sa isang puno ng Katmon. Paalis na siya ng sementeryo nang mamataan niya ang isang magarang sports car na paparating. Hindi pa man nakikita noon ni Sereia ang nasa loob ng sports car ay alam kaagad niya na si Ivor Innocénti iyon.
And luxury sports cars were very rare sa bayan ng Las Palmas. Bilang lang sa kamay ang indibidwal o angkan na nagmamay-ari ng ganoong kamahal na sasakyan. Kung hindi kay Junger Jozzwick ay tiyak kay Ivor Innocénti. Sila lang ang tanyag sa Las Palmas na mayroon ganoong uri ng lifestyle.
“I am selling the clinic, Papa.” Malungkot na ngiti ang umukit sa mga labi ni Sereia nang ipaalam niya ang plano niya sa ama. Hinahaplos ni Sereia ang makintab na lapida ng ama. Her heart was aching.
“Naaawa ako sa mga empleyado mong nawalan ng hanapbuhay dahil sa pagkamatay mo. I personally visited them lalo na sina Mang Danilo at Mang Edgar na siyang pinakamatagal mong naging tauhan.” Kuwento niya sa ama.
Noong nagdaang Linggo ay nakarating sa kaalaman ni Sereia na nagkaroon ng stroke si Mang Danilo. Walang trabaho ang maybahay nito dahil may edad na rin. May isa itong anak na nagtatrabaho sa Maynila ngunit may sarili na ring pamilya. Samantalang si Mang Edgar na isang matandang binata ay nalaman niyang naghihikahos na rin sa buhay. May ipon naman si Mang Edgar ayon sa isang pamangkin nito ngunit na-estapa ang pobre nang nakaraang buwan.
Ang tinatabing pera ni Sereia ay hinati niya sa pamilya ni Mang Danilo at Mang Edgar. At maliit na halaga lamang iyon dahil ang pera niya ay nasa banko niya. And she couldn't touch all her bank accounts dahil na–freeze ang mga iyon. Kung sino ang may kinalaman doon ay hindi na niya kailangan na hulaan pa.
“And the house, Papa...” Sereia sighed in weariness. “Alam kong ikagagalit mo iyon ngunit hindi ko muna mababawi ang bahay na binili mo para sa akin sa States dahil naroon si Amber. She needs a home, Papa at sana maintindihan mo iyon.”
Nang ikasal sila ni Dalton Sanders ay kaagad niyang pinalipat ang mag-ama sa bahay niya sa New Hampshire. Binili iyon ni Isidore Innocénti noong nag-migrate sa States ang kapatid nitong si Isabella Innocénti na siyang adoptive mother ni Sereia.
Hindi naman pinag-iisipan ni Sereia sa ngayon na ibenta rin ang bahay na iyon. Wala pa siyang konkretong plano sa ngayon. Her head was still a big mess mula pa sa masalimoot na karanasan niya sa kamay ni Dalton Sanders hanggang sa pagkamatay ng kanyang ama na si Isidore Innocénti.
Ngunit alam ng puso niya ang iisang bagay na nais niyang makuha at makapiling— her step daughter, Amber. Ito na lang kasi ang alam niyang dahilan para magpatuloy sa buhay.
Napatingala si Sereia sa kalangitan at nagpakawala ng malalim na hininga. Kanina pa kasi nagbabadya ng ulan ang kalangitan at ngayon ay tila hindi na nga ito mapipigilan.
She bid a sweet and lonely goodbye to his father's tomb at lumabas sa mausoleum nang marinig niya ang mahinang iyak ng isang bata.
Nang mahanap niya ang pinanggalingan ng mumunting iyak na iyon ay napasinghap si Sereia.
Nakayupyop sa likuran ng halaman sa katabing mausoleum ang isang batang babae. Nakatalungko ito kaya hindi niya makita kaagad ang mukha ngunit ang kaagad na tumawag ng pansin niya ay ang suot nitong pajamas. May print kasi iyong Stitch and Lilo na siya ring paboritong cartoon characters ni Amber. May sayang bumangon sa dibdib ni Sereia nang makita ang batang iyon.
“Hey, sweetheart.” Malambing na tawag niya sa bata. Akma niya itong aabutin nang mag-angat ito ng tingin at siya ay napaatras. “What the...”
Muntik nang magmura si Sereia dahil sa hitsura ng batang babae. Oo, isa itong batang babae na may maikli at magulo na buhok. Nagulat siya sa itim na mga mantsa sa mukha nito.
“What is on your face, sweetie?” Dinaluhan na nga ito ni Sereia. Sa una ay tila natakot sa kanya ang bata but it was an essential part of her study before kung paano kunin ang loob ng isang bata. She is a Pediatrician kaya maalam siya sa pagpapaamo ng bata. She told the kids every sweet words to tamed her. At unti-unti nga ay kumalmante ito.
“Tsokolate po. Marami kasi akong baon pero ubos ko na rin lahat kaya wala na akong baon.” Tuluy-tuloy na sabi ng bata tapos ay sumimangot.
“At nag-iisa ka rito? Oh, God, sweetheart.” She patted the child's shoulder gently atsaka iginala ni Sereia ang mga mata sa paligid. Wala naman siyang ibang makita maliban sa dalawang maintenance personnel sa memorial park na iyon.
“Hindi naman ako iisa lang, e.” The little girl pouted.
“Sino ang kasama mo kung ganoon?”
“Mommy ko.” Mabilis naman na sagot ng paslit na kakakitaan na ngayon ng pananabik ang mga mata kay gandang kulay-kastanyo. Sobrang puti at kinis ng balat nito yaong masasabi mong hustong inaalagaan. Kaya hindi na magugulat si Sereia kung malalaman niyang galing sa mayamang angkan ang batang ito.
“Mommy mo? Nasaan siya? Iniwan ka ba niya saglit dito?”
“Hindi naman ganoon.” Balewalang sagot nito. “Atsaka bakit naman po, Ale ang dami ninyong question?”
Gusto niyang matawa sa inaasal ng bata. She was loving their conversation at nami-miss niyang lalo si Amber dahil dito.
“Dahil nag-iisa ka lamang at nag-aalala ako. So, nasaan ang Mommy mo pala, sweetheart?”
“Diyan, sa loob.” Napakurap si Sereia nang ituro ng bata ang bakal na pinto ng mausoleum. “Diyan na siya nakatira, e. Ewan ko ba bakit like niya tumira diyan, e parang ang boring at ang init naman diyan sa loob.”
“Y–your Mom is...” agad na nagpreno si Sereia. Hindi kaya ay hindi pa alam ng batang ito na wala na ang Mommy nito? Which is a usual case.
“Hindi kasi ako makapasok. Wala akong susi, e pero gusto ko talagang pumasok. Gusto ko mag-sleep kasama si Mommy ko. Umalis kasi ako sa house kasi hindi naman nauwi doon ang Daddy. Kaya dito na lang ako sa Mommy ko.”
“Oh, sweetheart...” Nang hagurin ni Sereia ang mukha ng bata ay ganoon na lamang ang pamimilog ng kanyang mga mata. Kaya pala kakaiba ang pamumula ng mukha nito dahil mayroon itong lagnat.
“Come on, sweetie. Alam mo ba ang address ng house ninyo? Ihahatid kita ngayon din.” Kinarga ni Sereia ang bata at napadaing nang kumirot ang kanyang balikat. May kabigatan kasi ang timbang ng bata.
“Ano po, parang hindi ko po alam paano umuwi sa house, e.”
“And what's your name? Your father's name?”
“Ang Daddy ko po? Drake po ang name niya tapos iyong apelido po ng Daddy ko ay...” Inawat siya ng bata at nakiusap itong sumilip sila sa loob ng mausoleum.
Napasinghap si Sereia nang mabasa ang naroong apelido ng mga nakalibing roon.
Aronzado.
“Sa Mommy ko po iyong iyan sa gilid.” Mary Coleen L. Aronzado ang nakaukit na pangalan sa lapidang nakadikit sa nitso. “Mommy ko iyan po, name niya atsaka wish ko nandiyan din name ng Daddy ko para sama sila always. Para happy ako.”
“Oh, God, sweetheart.” At imbes na alamin ang bahay ng paslit ay naisipan na lamang ni Sereia na dalhin sa ospital ang bata nang sa ganoon ay matiyak ang kaligtasan nito.