KABANATA 2

1156 Words
Unlawfully Yours Ikalawang Kabanata Fifty-six days later... “GLORIA! FREDA!” Ivor’s imperious voice erupted tremendously sa buong kabahayan. Ang dalawang may-ari ng pangalan na tinawag nito ay hingal na nakarating sa ikalawang palapag ng bahay na maituturing na rin isang mansion sa laki niyon. Ang dalawang kawaksi ay nakasuot ng itim na bestida na ang desinyo at burda ay tila napag-iwanan ng panahon. “May problema ba, Señorito Ivor?” Mahinahong tanong dito ni Gloria na siyang tumatayong mayordoma sa bahay na iyon. Puno ng disgusto na itinuro ni Ivor ang loob ng isang silid na nakabukas. “Dammit, Gloria! Alam mong ayaw kong may gumamit na iba sa silid na ito ni Mama!” Nahintakutan ang isang katulong na kasama ni Gloria sa bagsik ng boses ni Ivor. “Paumanhin, Señorito ngunit may permiso naman ng yumao mong ama na maaaring okupahan ni Ma'am Sereia—” Napatalon ang dalawang kawaksi nang dambahin ni Ivor ang pinto ng naturang silid. “Remove all those f*****g garbages from this room! Burn those craps! Now! At nais kong i–disinfect ninyong maigi ang bawat sulok nitong silid dahil ayokong may kumakalat na mikrobyo sa pamamahay na ito galing sa babaeng iyon!” Bumakas ang pagtutol at matinding lungkot sa mga mata ng mga kasambahay sa ibig mangyari ni Favru. Bago pa man nanatili at nakasama ng mga taong nakatira sa bahay na iyon ni Attorney Isidore ng ilang Linggo si Sereia de Avila ay dati na itong kilala ni Manang Gloria. Kababata at matalik na kaibigan ni Gloria ang biological mother ni Sereia at ito rin ang naging babysitter ni Sereia mula nang mamatay ang ina nito at napunta si Sereia sa pangangalaga ng deborsiyadang kapatid na babae ni Isidore Innocénti. Ang kapatid ni Isidore ang tumayong magulang ni Sereia dahil ayaw ilabas ng prominenteng angkan ng mga Innocénti na si Sereia ay anak sa labas ni Isidore Innocénti. Nasa pulitika na noon at isang Alkalde sa bayan na iyon ang ama ni Isidore Innocénti kaya para mapanatiling malinis ang pangalan nito ay mariin nitong ipinag-utos na hindi lumabas sa publiko ang totoong pagkatao ni Sereia. At sa mga panahon na iyon ay ilang taon na ring kasal si Isidore Innocénti sa unica hija ng mag-asawang Aronzado na siyang ina ni Ivor. Ang mga Aronzado ay isa rin sa aktibo at buena familia na numero unong supporter ng ama ni Isidore Innocénti sa pulitika noon. “Narinig n’yo ba ako? Inuutusan ko kayo na alisin sa silid na ito ang mga gamit ng babaeng iyon, Gloria!” His eyes were flaring in so much anger. Nagsisilabasan at bumakat sa balat ni Ivor ang linya ng mga ugat nito sinyales ng labis na galit. Sa tuwing naiisip ni Ivor na nanatili sa silid na iyon ng kanyang ina ang kalaguyo ng kanyang ama ay nagpupuyos sa galit ang kanyang dibdib. Nais sumabog niyon sa sobrang galit. Ang kapal ng babaeng iyon para umaktong reyna sa pamamahay na iyon ngayong patay na ang kanyang ama. Kung sa tingin nito’y malaya na nitong magagawa ang mga nais nito ay iyon ang malaki nitong pagkakamali. Ngayong wala na ang kanyang ama ay wala na ring dahilan para tumuntong sa pamamahay na iyon ang Sereia de Avila na iyon. At kung siya ang masusunod ay palalayasin niya sa bayan na iyon ang babaeng iyon. Kinamumuhian ng mga Aronzado si Sereia dahil maging ang mga ito ay naniwala sa mga kumalat na usap-usapan noon na si Sereia ay querida ni Isidore Innocénti. At dahil doon ay nahulog sa depression ang kalagayan ng kanyang ina at hindi na nga nito nakayanan. Tanda pa ni Ivor ang isang tagpong nasaksihan niya isang hatinggabi kung kailan hiniwalayan ni Isidore ang kanyang ina na si Marina. He was nineteen that time. Ilang buwan matapos niyon ay nakarating sa kaalaman niya na nanirahan si Isidore sa New Hampshire sa Amerika kasama ang pamangkin nitong si Sereia de Avila na siyang itinatago nitong mistress. Their family was full of dirt kaya nararapat lamang na sa pagkakataon na iyon ay kailangan na niyang linisin ang duming iniwan ng pamilya nila. Lalo na ng kanyang ama. He needs to get rid of his father's w***e! “Señorito, maaari bang hintayin na muna natin na makauwi si Ma'am Sereia bago natin galawin ang mga gamit niyang nariyan sa loob?” Pakiusap ni Gloria. “I guess you didn't still get me.” His jaw clenched, impatience grew bigger in his chest. “Ngayong wala na ang Papa ay ako na ang masusunod sa pamamahay na ito, Gloria. Naintindihan mo? Susunugi mong lahat ng basurang inakyat ng babaeng iyon sa pamamahay na ito kung ayaw ninyong ako ang gumawa niyon at isasama ko ang mga gamit ninyo!” “P–pero, Señorito...” “Move! Do as I say, dammit!” Labag man sa loob ng mga kawaksi ay sinunod na lamang nila ang pinag-uutos ni Ivor. Wala pang plano si Ivor kung ano ang maaari niyang gawin sa mga naiwang ari-arian ng kanyang ama. Bago siya dumerecho sa bahay na iyon kanina ay sumadya siyang daanan ang opisina ng abogado ng kanyang ama. 50/50. Ang lahat ng kayaman ni Isidore Innocénti kasama na ang inheritance na nakuha nito mula sa mga magulang nito ay nahati sa kanila ni Sereia de Avila. Mas lumamang pa ang naiwang mana kay Sereia de Avila dahil ayon kay Attorney Villanova ay kay Sereia rin naiwan ang mga naiwang yaman ni Isabella Innocénti na adoptive mother nitong kapatid ni Isidore Innocénti. That w***e really know how to play her cruddy game, huh? He thought bitterly. Tulad ng sinabi ni Ivor noong huling nag-usap sila ng kanyang ama ay hindi siya interesado sa yamang maiiwan nito. But he would rather donate those bulk of money to numerous orphanage kaysa mapunta kay Sereia. He will see to it na wala itong mapapakinabangan ni isang sentimo mula sa naiwan ng kanyang ama. Kung kinakailangan na manipulahin ang batas ay walang pag-aalinlangan niyang gagawin. Dala ang isang bote ng vintage rhum na nakuha sa cellar ay naisipan ni Ivor na sa hardin uminom at pagpahangin. Ngunit nang nasa portiko na siya’y may isang bagay ang tumawag sa atensiyon niya. Naapakan niya iyon. Isang litrato. At dumako ang kanyang tingin kay Freda na may bitbit na kahon na alam niyang gamit ni Sereia na ipinapasunog niya. Marahil ay nalaglag iyon mula sa mga gamit ng babae. Lalamukusin na sana iyon ni Ivor nang masilip kung sino ang nasa larawan. It was Sereia kasama ang isang batang babae at kuha iyon sa isang hospital room. O marahil ay ICU. May nakakabit na mga apparatus sa bata na tantiya niya ay anim na taong gulang, ang maliliit nitong kamay ay nakahawak sa magkabilang mukha ni Sereia. Her daughter? May anak ang babaeng iyon? At ang ama ng bata ay... Wala sa loob na nabitawan ni Ivor ang bitbit na mamahaling alak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD