Unlawfully Yours
Unang Kabanata
HINDI NAPUNA ni Sereia ang pagtigas ng mukha ni Attorney Isidore Innocénti matapos niyang sabihin dito ang dahilan ng wala sa plano niyang pag-uwi sa Pilipinas. Nakatungo siya at nakatuon lang ang kanyang nanlalabong mga mata sa magkasalikop niyang mga kamay na nakapatong sa kanyang hita.
Tears kept falling on her face. Tila lumalaganap sa bawat himaymay ng pagkatao niya ang hapding nararamdaman na baun-baon niya mula pa sa Amerika.
Laking pasasalamat na lamang ni Sereia na nagawa pa niyang makauwi sa bayang pinagmulan ng ligtas. But her heart and soul were not. She was shattered and unstable.
Ang labis na bilang ng mga araw na pinagdusahan niya sa kamay ng asawa ay lumalarawan sa kapansin-pansin na pagbabago sa katawan niya. Napabayaan na niya ang sarili.
“I could have kill that good-for-nothing son of a b***h!” Mababa ngunit puno ng galit ang pagkakasambit niyon ni Isidore.
Hikbi ang tanging naisagot niya kay Isidore Innocénti.
“I don't understand why you... Sereia, why? Bakit hindi mo ipinaalam sa akin na nagpakasal ka sa Amerika? Sa lalaking ni minsan ay hindi mo nabanggit ang pangalan sa tuwing ika’y tumatawag sa akin.” Simpatya at tila pinagtaksilan ang namayani sa himig ng matanda imbes na galit.
Lalong bumigat ang sakit sa dibdib ni Sereia sa kaalamang pati ang kaisa-isang taong nagmamalasakit sa kanya simula’t sapol ay nasasaktan na rin niya dahil sa kanyang maling desisyon sa buhay.
“I... It just happened as quick as a flash, Isidore. His daughter was once my patient and I adore the kid so much hanggang sa dumalas ang pagdalaw niya sa akin sa clinic at mabilis na sumunod ang kanyang marriage proposal.” Hirap niyang paliwanag.
Halos hindi na niya mabalikan sa kanyang alaala ang mga araw kung paano nag-umpisa ang relasyon nila ni Dalton Sanders at nauwi sa pribadong kasalan seven months ago. Kagaya nga ng terminong ginamit niya, everything happened between Dalton Sanders and her occured as quick as a flash.
Ngunit kung gaano kabilis nabuo ang relasyon nila ay ganoon din kabilis iyong mabubuwag.
Sereia balled her hands into fists nang dumaan na naman sa isipan niya ang isang tagpong nadatnan niya sa loob ng sarili niyang clinic two weeks ago bago siya nagdesisyong bumalik ng Pilipinas. The explicit and nasty image of her husband f*****g her trusted secretary na halos kapatid na ang turing niya. At sa mismong working desk pa niya habang ginawang costume ng walanghiya niyang sekretarya ang kanyang laboratory coat.
Mahigit isang taon na mula nang ma-established ang sarili niyang pediatric clinic sa New Hampshire sa tulong na rin ng pera ni Isidore Innocénti. Mula nang buksan niya ang kanyang klinika ay si Emily Richardson na ang sekretarya niya. Step-sister ito ng matalik niyang kaibigan na naging kaklase niya sa medical school.
Kapatid na ang turingan nila kaya labis-labis ang idinulot na sakit at komplikasyon kay Sereia nang malamang may affair pala ang lalaking pinakasalan niya at si Emily Richardson.
Mapapalampas pa sana ni Sereia ang pagtataksil sa kanya ni Dalton kung ibang babae ang kalaguyo nito. But the plot twist of her marriage life was unpredictable and devastating. Ang higit na ikinadurog ni Sereia ay ang pagtatapat ni Dalton na wala itong balak na tapusin ang ano mang namamagitan dito at ni Emily.
“Now tell me whatever plan you have in mind, Sereia? Dahil kung ako ang iyong tatanungin kung ano ang nararamdaman ko ay wala akong ibang isusuhestiyon kundi ang makipag-diborsiyo ka sa taong iyan and file divorce as soon as possible. He doesn't deserve you, Sereia.” May authority sa tinig ni Isidore.
Maagap ang naging pag-iling ni Sereia. Pleadingly, she looked at the old man. “I... I can't, Isidore. My life would never be the same again if Dalton will take away my daughter from me. Amber's my life now, Isidore. Please, understand me.” Napahagulhol si Sereia sa kanyang mga palad.
“Ngunit hindi mo dugo’t laman ang batang iyon, Sereia! Ano ang gusto mo? Magtiis sa lalaking iyon at hayaan siyang saktan ka ng paulit-ulit?”
Napapikit si Sereia at yinakap ang sarili. Paano pa kaya kung malalaman ni Isidore na may mga marka at latay siya sa katawan gawa ng mapang-abuso niyang asawa?
“But, Isidore...” Her lips were still trembling.
“File a divorce, Sereia! Ako ang susundin mo sa pagkakataong ito. I will do what I think is best for you. Magpapadala ako ng abogado sa Amerika para mag-asikaso niyon sa korte.” Tila nakabuo kaagad ng konkretong plano si Isidore Innocénti.
At ibig man niyang kontrahin pa iyon ay hindi na niya tinangka pa. Bukod sa nanghihina na rin siyang makipag-diskusyon ay iniiwasan din niyang pasamain pa lalo ang loob ng matanda. Hindi kayang dalhin ng kanyang konsensiya kung may mangyari mang masama kay Isidore gawa ng problemang iniakyat niya sa pamamahay nito.
Bago pa dumating ang pagsubok sa kanilang mag-asawa ay nakarating na sa kaalaman ni Sereia ang totoong kalagayan ni Isidore Innocénti. Ang tungkol sa malalang karamdaman nitong tinanggihan nitong mapagaling ng siyensiya.
Alam niyang lahat iyon at ang totoo niyan ay nagbabalak na siyang umuwi sa Pilipinas kasama si Dalton at Amber– ang kanyang step-daughter. Ngunit dahil nga sa sinubok ang matrimonio nila ni Dalton kaya naantala ang kanyang pag-uwi.
At si Isidore Innocénti lang ang nag-iisang tao sa mundo na totoong nagmamalasakit at nagmamahal sa kanya kaya hindi rin niya magawang ilihim dito ang pagkasawi niya sa Amerika. Ito lang ang taong handa siyang damayan sa oras ng kanyang kabiguan.
Tumayo na si Sereia at patakbong pumunta sa likod ni Isidore bago yumapos sa likod ng matanda. She cried apologetically in his shoulder. “I am so sorry, Isidore. Sorry for my shortcomings and for being an irresponsible daughter kasi naging makasarili ako. Ginusto kong mangibang-bayan instead of staying here beside you and take care of you. Kasalanan ko, napabayaan kita.”
Hindi nakita ni Sereia ang pagpalis ni Isidore ng isang butil ng luha na kumawala sa mata nito. Instead, he appeared calm and unworried. “Lahat naman tayo ay doon ang huling destinasyon. Sa kaso ko’y sadyang napaaga lang, hija and we can do nothing but to prepare ourselves for that time.”
“Oh, Papa.” Humigpit pang lalo ang pagkakayakap ni Sereia sa ama. Naroon ang matinding takot sa kanyang dibdib. Ni sa isip ay ayaw niyang tanggapin ang kapalaran na iyon ni Isidore.
“Kaya ibig kong sundin mo itong payo ko saiyo. Nadapa ka nang minsan kaya sana kung mag-aasawa ka mang muli ay tiyakin mong isang mabuting tao ang pag-aalayan mo ng sarili mo. Don't give your all, Sereia. Kung maaari ay magtira ka para sa sarili mo. ‘Cause I won't be able to mend my beloved daughter if you let someone broke you again. Maiiwan kang mag-isa mong buuuin ang sarili mo kaya kailangan mong matuto at maging matatag.”
“It’s hard, Papa. You're so unfair.” Hinahalik-halikan niya ang ulo ng ama. Nagsusumikip ng husto ang dibdib sa tuwing may nababanggit itong tila mga huling habilin.
“Narito na ako Papa. Ano pa’t pinagtapos mo ako ng medisina kung ayaw mong tulungan kita. Sa Amerika, they have—”
“Don’t be fragile, my daughter. Just be strong for yourself. Parati mong tingnan ang buhay sa positibong paraan. Harsh reality of life will probably hit us hard, sa magkakaibang sirkumstansiya but always think that those were just God's way to strengthen us.”
“S–sinabi mo na ba kay Ivor, Papa?”
Mabagal ang naging pag-iling ni Isidore. Napangiti ng walang kabuhay-buhay at nakatutok sa nakapinid nang pinto ng librerya, umaasam na baka maisipan ni Ivor na bumalik habang naroon pa siya at humihinga.
“Your brother hate me to the core, hija. Tatanggapin ko na lamang ang katotohanan na hindi niya ako magagawang harapin ng maayos hanggang sa huli. His heart is full of hatred because of lies. Marahil ay lubhang nalason ni Marina ang isip nito.”
“Do you want me to talk to him, Papa? I will let him know about your—”
Isidore patted her hand na nakayakap dito para awatin siya sa kanyang mungkahi. “Heal yourself first, hija. Iyon ang gusto kong gawin mo para sa iyong ikabubuti. Huwag mo nang intindihin ang gap sa pagitan namin ng kapatid mo. Time will unraveled the truth eventually.”
Sa mahabang sandali ay mga hikbi na lamang ni Sereia ang maririnig sa loob ng librerya habang yakap-yakap ang ama.