Chapter Seven

2010 Words
Sunod na hihiranging Reyna ng Filipos? That Minister must be kidding her. Ano namang alam ng isang Audrey Angeles sa pagiging isang Reyna? Ni hindi nga niya alam kung iyong mga pinagkikilos niya kanina sa harap ng Inang Reyna ay kaaya-aya. Naiiling nalang siya habang naglalakad pabalik sa gusali kung saan tumutuloy ang lahat ng mga babaing kalahok. Tahimik at maingat siyang naglalakad nang biglang may tumakbo palapit sa kaniya saka siya patakbong hinila sa kung saan. Huli na nang mapagtanto niya kung nasaan sila at kung sino ang humila sa kaniya. Ngali-ngali niyang hinampas si Jonas. "Tinakot mo ako!" inis niyang sambit dito. Tumawa ito. "Sorry!" Nasa isang tila hardin sila. Naroon din ang apat na nakilala niyang iskolar. Jonas, Manex, Ace at..... Art. Okay, he was there sitting and watching them intently. "Hi!" bati niya sa mga ito. Manex raised his hand as a sign of greeting back. Ace nodded. Art, and his intern look. "How are you enjoying the game so far?" Art asked. Hindi niya maintindihan kung ano ang nais nitong iparating. Sa pagiging distant nito sa kaniya nitong mga huling araw, parang insulto ang nagiging dating ng mga sinasabi nito sa kaniya. "I am not enjoying the game so far." Matapat at deretso niyang sagot. "Then, why don't you quit?" Ilang sandali silang nagsukatan ng tingin ni Art matapos ang tanong na iyon. "May problema ka ba sa 'kin?" tanong niya. Naramdaman naman ng tatlo ang tensiyon sa pagitan nilang dalawa ni Art. Hindi niya naman kasi mawari kung ano ba talaga ang problema nitong si Art sa kaniya. Naalala niya noong una silang magkita nito sa Mortown. He was cool, kind and easy-go-lucky-cute of a man. An'yare ngayon? Art skimmed the page of the book he was holding and said, "kung napipilitan ka lang naman at kung talagang ayaw mo sa paligsahan, bakit ka nandirito?" "Sinubukan kong kausapin ang Hari na huwag na ako, dahil nandito lang naman ako dahil sa lintik na propesiyang hindi ko naman naiintidihan at nalalaman. I've tried hundred times to refuse the offer. Pero, sino ba naman ako para tanggihan ang sealed ng Hari at Prinsipe? Sabihin mo nga sa 'kin, Art!" "Kung nandirito ka dahil sa selyo ng Hari at Prinsipe, ngayon palang dapat ka nang tumigil. Hindi ka nararapat sa posisyon, Audrey," deretso nitong saad. At para siyang sinabugan ng iba't-ibang klase ng bomba ng mga sandaling iyon. Well, hindi man niya alam ang totoong posisyon ni Art sa Palasyo, subalit, nasaktan siya sa tinuran nito. "Err, Art, huwag mo namang pagsabihan si Audrey nang ganiyan," ani Jonas. "Art---" sambit naman ni Manex. Ace, as usual, remained silent. "Siguro nga ay tama ka," sa wakas ay sambit niya. "Hindi nga ako nararapat sa paligsahang ito. I think you should help me meet the Prince so that I can personally apoligize for quitting." "Okay," ani Art. "Let's meet at the Library by eight. Dadalhin kita sa Prinsipe." "Sure. Para matapos na rin ang mga kalokohang ito." *** "Ang tahimik mo," bati sa kaniya ni Lora. Kasalukuyan silang nasa kanilang silid. Katatapos lamang nilang kumain ng hapunan, pero hindi na nila kasabay ang Inang Reyna at ang Reyna. Sa hapag, lumabas ang dapat na lumabas. Hindi kasi halos nakakain ng maayos ang lahat kanina sa tanghalian kaya binawi ng iba ang pagkain. Nagpakawala siya ng buntong-hininga. "Kilala mo si Art?" wala sa sarili niyang tanong. "Si Art? Iyong iskolar na kasama nina Manex?" tanong ni Lora sa kaniya. Kunot noo niya itong nilingon. "I can feel the excitement in your voice." Tumawa ito. "Wala lang. Ano'ng mayroon kay Art?" Muli siyang napabuntong-hininga. "Ano'ng oras ang curfew?" tanong niya. "Hmn? Nine o'clock. Don't tell me, lalabas ka pa." "May kailangan lang akong kausapin. Babalik din agad ako bago ang curfew." Tiningnan ni Audrey ang orasan. Quarter to eight. Bumangon siya sa pagkakahiga saka kinuha ang itim na hoodie jacket niya. Inayos niya ang sarili bago nagpaalam kay Lora. Nakasalubong niya pa sa pintuan sina April at Max na pinasadahan pa siya ng tingin. Ngumiti siya sa dalawa. Iyon na rin naman ang huling sandali na maaasar niya ang mga ito. Dumeretso na siya sa Library kung saan sila magkikita ni Art. Kataka-takang walang tagabantay na naroon. Nagpalinga-linga muna siya sa paligid bago ipinasyang pumasok. Hindi maiwasang mamangha ni Audrey nang makita ang loob ng silid-aklatan. Maraming iba-t-ibang shelves depende sa uri ng librong nakasalansan dito. Gaya sa ordinaryong library na napupuntahan niya, mayroon din itong mga mesa at upuan para marahil sa mga mag-aaral na pumapasok dito. And there, sa dulong bahagi ng silid, nakaupo si Art habang nagbabasa na naman ng libro. Wala yatang sandaling nakita niya itong walang hawak na libro. Well, except on their first meeting. Lumapit siya rito na mukha naman inasahan na ang pagdating niya. Isinara nito ang librong binabasa. "Tara," aya niya rito. "Saan?" taka namang tanong nito. "Hindi ba't sasamahan mo ako sa Prinsipe ngayon? Tara na para makabalik din ako agad sa quarters. Mahirap na baka maabutan pa ako ng curfew." "Sa tingin mo, ganoon kadaling makipagkita sa Prinsipe?" tanong muli nito. "Ginagago mo ba ako?" Naiinis niya nang tanong. "Watch your mouth, Audrey. Hindi porke lumaki ka sa squatter, dadalhin mo rin dito ang ganiyang asal." "Wow! Surely, laking squatter ako. E, ikaw? Sino ka ba? Kung umasta ka daig mo pa ang Hari! Oo, iskolar ka. Malaki siguro ang magiging pakinabang ng bayan na ito sa 'yo balang-araw. Mula ka sa prominenteng pamilya, pero sana makitungo ka rin nang maayos!" "Lower your voice. Baka may makarinig sa 'yo." "Huwag mo akong utusan!" "Calm down and sit." Malumanay na sabi nito. "Kung hindi mo naman ako dadalhin sa Prinsipe, no thanks. Babalik na ako sa quarters." Akma siyang tatalikod nang pigilan siya nito sa braso. Papakli sana siya nang marinig nila ang marahas na pagbukas ng pinto. Nagkatinginan sila ni Art. "Follow me," bulong nito saka siya nito hinila sa isang sulok ng silid-aklatan upang magtago. "Nasaan si Rhys?" dinig niyang tanong ng isang babae. "Ano'ng ginagawa niya rito?" tanong naman ni Art sa sarili. "Sino siya?" tanong naman niya kay Art. "Wala ka talagang alam. Tsk. Siya si Prinsesa Rheyn." "Weh?" Hindi makapaniwala niyang saad. Naitutop ni Art ang palad nito sa bibig niya sa gulat din marahil na ikinagulat din naman niya. Kapwa hindi maintindihan ang mabilis na pagtibok ng kanilang mga dibdib. "Huwag kang maingay," ani nito saka naiilang na inalis ang kamay nito sa kaniyang bibig. Bahagyang sumilip si Art sa siwang ng mga libro habang si Audrey naman ay pinakakalma ang kaniyang sarili. Kinukumbinsi ang sarili na marahil dala lamang iyon ng takot na baka mahuli sila. "Nasaan si Rhys?" tanong muli ni Prinsesa Rheyn. "Hindi namin alam, kamahalan." Si Jonas ang nabosesan niya. "Bakit ba tayo nagtatago?" tanong niya. "Bawal kasi rito ng ganitong oras na." Nilingon siya nito. "Hindi ka rin nila puwedeng makita rito." "Sabihin ninyo kay Rhys na hinahanap ko siya. Lagot siya kapag hindi ko siya nakita ngayon." Narinig nila ang mga yabag palabas ng silid-aklatan. Saka lamang sila nakahinga ng maluwag nang marinig nila ang pagsara ng pinto. Tumayo si Art saka inabot nito ang kamay upang tulungan siyang makatayo. "Bakit kaya bigla siyang umuwi?" It was more of Art questioning himself. "Bakit dito niya hinahanap ang Prinsipe?" tanong naman niya. "Dito siya pumupuslit kapag gusto niyang mapag-isa," sagot naman ni Art. "Kaya ba dito mo nais makipagkita ay dahil pupunta siya rito?" "When will you learn to stop asking obvious things?" At bumalik na naman siya sa pagiging masungit. Naupo si Art sa puwesto nito kanina na ipinagtaka naman niya. "Akala ko ba bawal dito? Wala ka pa bang balak umalis?" "I'm still reading. Besides, hindi naman na babalik si Prinsesa Rheyn dito," sagot naman nito na para bang sinasabing, obvious ba? "So bakit pinapunta mo pa ako rito? Wala naman pala ang Prinsipe dahil hindi naman pala siya basta-basta maaaring makita?" Naiinis na tanong niya rito. Nakakasura na talaga ang ugali nitong si Art. "Sit and we'll talk about it," walang tinging sagot nito.  Napabuga siya nang hangin habang nakatingin sa kaharap. Ayaw niyang inuutusan siya nito pero para lang matapos na, sumunod siya. "I'm sure Minister Dan already told you about the game and about Francine," sabi nito pagkaraang siya ay makaupo. "Ano'ng mayroon naman kay Francine? Aside sa pagiging anak siya ng Ikalawang Ministro." Hindi maitago ang iritasyon sa boses niya. Hindi niya alam kung may inis ba siya sa tuwing nababanggit ang pangalan ni Francine o sumabay lang din iton sa inis niya kay Art.  "Her father, Second Minister Isagani is an ambitious man who wants to take the first rank of the council. Isinali niya si Francine upang makuha iyon. Kapag nga naman nanalo si Francine, mas marami ang papanig sa kaniya. Lalo na ngayon at sinusuportahan siya ng Reyna."  "I understand that this is all about politics." Wala namang iba sa mga sinabi nito sa mga naririnig na niya noon pa sa Palasyo. Ganoon naman kasi madalas. Yung mga nasa babang pwesto o wala talaga sa pwesto ang lubos na naghahangad ng kapanyarihan. Gagawin ang lahat para lang lumakas ang kapangyarihan. At siyempre, iyon namang nasa puwesto na, gagawin din ang lahat para hindi maalis sa kinauupuan. Kesehoda bang magpatayan silang lahat.  "Francine knew about the propecy. I'm just not sure if she knows you," saad na nito na hindi inintindi ang sagot niya. "Lora said she does," sagot nalang niya. Tumango ito. "I should thank that girl." "Who? Lora? You know her?" tanong niya. "I know my friends' girlfriends," sagot naman nito. "Sino'ng boyfriend niya sa inyo?" Nakuha naman niyon ang kaniyang atensyon. Iba talaga ang tsismis. Nagtataka lang siya at hindi iyon sinasabi ni Lora sa kaniya. "I said, my friends' girlfriends. Paano ako nasali sa choices?" Iritable ring tanong nito sa kaniya. Nice. At least they have mutual feelings. Mukhang pareho silang inis sa isa't-isa. "I'm just asking." Umirap siya rito. "It's Manex," sagot nito nang hindi nag-aangat nang tingin sa kaniya. "Oh? Kaya pala naexcite siya kanina." Napapatangong saad niya. "Anyway, just play the game fairly and truthfully. There will be a lot of ---" "Akala ko ba, undeserving ako?" Putol niya sa sinasabi nito. Naloloka siya sa attitude nitong si Art. Paiba-iba ang mood. Noon ang cool lang, kahapon ang sungit na para bang may nagawa siyang kasumpa-sumpa rito, ngayon naman biglang ang concern. Ugh. "Yea, you are already quitting, right?" He sounded sarcastic. "Ano ba talagang drama mo? Kanina lang, napakaano mo. Ngayon naman nagpapayo ka." "It is not only a battle of winning, Audrey. Hindi pwede ang masyadong balat-sibuyas dito." "Yea right. I should have killed you right after what you had said earlier!" "We are on your side, Audrey." Saan nito na ikinatahimik niya. Tiningnan niya si Art pagkatapos nitong sabihin iyon. Ayan na naman ang abnormal na t***k ng puso niya. Bakit? May darating bang mga guwardiya para hulihin sila roon? "W-why? B-bakit ako?" "Because of the propecy." "Shutang naman!"  Ngumiti ito. Bakit ba bigla-bigla nalang tumatahip ang dibdib niya? Hindi kaya may sakit na siya sa puso? "You should stop cussing, Audrey." "Nakakasura ka naman kasi. Parehas kayo ni Manong Dan. Ang daming kwento!" inis niyang saad. Ngumiti itong muli. "People may don't like you, judge you, or curse at you, but you should always remember that you can't please them to like you. Kailangan mo lang maging totoo sa sarili mo at sa iba. At nandito lang kami, ako, sina Ace, si Minitro Dan kahit ang prinsipe. Susuportahan ka namin." "What's with the sudden change of mood?" Nagkibit-balikat ito. "I'm not that moody, gaya ng sinasabi nila Jonas. But, I can assure you that since the day you enter the Palace, sa 'yo ako." What? Nabingi ba siya? Parang may sinabi ito. Bakit parang nag-iiba ang mga naririnig niya?   "I am with you since the beginning of the game. Even before the propecy has made. I am with you until this battle will lead to its happy ending. Sa 'yo ako, Audrey.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD