Chapter Four

2067 Words
May magbabago kaya bukas? Iyon ang huling tanong sa isip ni Audrey bago siya hilahin ng antok kagabi. Huling tanong at sana'y matupad na hiling. At mukha nga namang natupad iyon dahil walang tawag mula sa opisina na kailangan niyang pumasok ngayon. Thank Buddha, Allah, Jesus, Zeus and all of the Gods out there! It was actually a nice day for Audrey. Walang istorbong trabaho. It was all about books, coffee, television series, music and sweets. It was perfect for her because she's not used going out on her day off. She's contented spending it inside her room. But, forever still doesn't exist. Ang akala niyang masayang maghapon ay matatapos lang sa pagdating ng mga hindi nila inasahang bisita. "Narito kami dala ang napakahalagang kautusan mula sa Palasyo," ani ng isang lalaking nakasuot ng itim na Americana suit na may kapareho ring itim na sumbrero. "Danny, akala ko ba nag-usap na tayo?" Audrey's father, Delfin, sounded so disappointed upon seeing the Royal guards inside their house. Masamang tingin ang ipinukol ni Audrey sa lalaking lumitaw mula sa likuran ng mga nakahanay na Royal guards. Hindi rin nakaligtas sa mga usyusero at usyusera ng lugar nila ang kaganapan ngayon sa bahay nila. "Napag-utusan lamang ako, Delfin. Alam mong hindi ko maaaring suwayin ang Hari," sagot ni Danny. "Sinamahan ko lang ang Kalihim ng Hari rito." "Nais makilala ng Hari ang nakatakda," ani ng lalaking nakaitim na suit. Nagkatinginan silang magpamilya. Bakas sa mukha ng kaniyang ina ang pag-aalala habang blangko naman ang ekpresyon ng ama. "Okay, sandali at magbibihis lang ako," aniya na agad namang tinutulan ng ina. "Audrey, hindi ka maaaring magpunta roon," awat ng ina sa kaniya. "Ma, kailangan ko itong harapin. Para maipaliwanag ko rin sa kanila ang saloobin ko tungkol sa kalokohang ito." Matiyagang naghintay ang mga tao mula sa Palasyo. Pati mga kapitbahay nila, matiyaga ring nakikiusyoso. Hindi rin pinalagpas ng tiyahin niya at ni April ang ganap. Naiiling nalang siya habang nakasilip sa kaniyang bintana. Umalis na siya roon at dumeretso sa kaniyang damitan. Naghanap ng mga posibleng maisuot. Palasyo ang pupuntahan niya, kailangan ba nakabestida siya? Hindi pa siya nakapasok sa Palasyo ni minsan kaya wala siyang ideya sa etiketa sa loob niyon. Kahit kasi sa Palasyo nagtatrabaho ang ama, hindi naman sila bumibisita roon dahil bawal. Dapat pala minsan naging curious siya sa loob niyon para ngayon ay hindi siya namumroblema kung ano ang isusuot. Ngunit, sandali siyang napaisip. Bakit siya namumroblema? E ano kung magsuot siya ng pantalon at lumang t-shirt? Kailangan ba siya ang mag-adjust? Bumaba siya ng hagdan suot ang t-shirt niyang may galit na emoticon sa harap, isang fitted ripped jeans at high-cutted black converse shoes. Kunot noo siyang sinalubong ng tingin ng magulang at ng mga nagpakilalang Ministro at Kalihim ng Palasyo. "Bakit ganyan kayo makatingin? May mali ba sa suot ko?" takang tanong niya. Ngumiti sa kaniya ang Ministro at Kalihim. "Tayo na po sa Palasyo," magalang na saad ng Kalihim. Ipinagtaka naman niya ito. Isang itim na limousine ang naghihintay kay Audrey sa labas ng kanilang bahay. Nagsimula na ring magbulungan ang mga tao sa paligid nila. Bakit daw siya sinundo ng mga Royal guards? Ano raw ba ang kasalanang ginawa niya? Naiiling nalang siyang pumasok sa likurang parte ng sasakyan. Mga tao talaga! Makakita lang ng kakaibang kaganapan, huhusgahan ka kaagad ng negatibo. Sound proof ang sasakyan kaya hindi niya na narinig ang pinag-usapan ni Danny at ng kaniyang ama na nakasunod lamang ang tingin sa kaniya kanina. Pati na rin ang mga sinabi ng tiyahin sa kaniyang ina nang lumapit ito. Ilang sandali pa ay pumasok na ang Ministro at Kalihim sa gitnang parte ng sasakyan. Mag-isa lang siya sa likurang parte na mukha pang dinner set ang itsura. May mesa sa gitna at ang upuan ay nakapaikot dito. May mga nakasalansang prutas sa gitna ng mesa. "Kailangan mo lang maging natural sa harap ng Hari, Audrey. Hindi mo kailangang magpanggap para magustuhan ka nila." Tiningnan niya ng masama ang Ministro. "Sino may sabing pipilitin kong magustuhan ako ng Hari?" "Ipokrita ka kung hindi mo gugustuhing maging bahagi ng Royal Family, Audrey." "Ipokrito ka rin kung ni minsan hindi mo naisip na maging bahagi ng Royal Family, Mang Danny. Hindi mo ba kinumbinsi ang anak mong akitin ang Prinsipe?" Tumawa ito. "Sa tingin ko, magugustuhan ka ng Hari. Hindi ko lang alam kung magugustuhan ka rin ng Prinsipe." Speaking of. "Ano ang itsura ng Prinsipe?" Hindi niya napigilang itanong. Wala kasing naibalita tungkol sa itsura niya. Siguro para protektahan din ito. "Bakit? Papayag ka bang maging asawa niya kapag gwapo ito?" Natatawang balik tanong naman ng Ministro. Inirapan niya ito. Nakakaabnormal talaga kausap ang isang ito. Kaya pinili nalang niyang manahimik hanggang makapasok ang sasakyan sa boundary ng Mortown at Royal Palace. Hindi niya mapigilang kabahan. Hindi lahat ng nilalang mula sa prominenteng pamilya ay nabibigyan ng pagkakataong masilayan ang Palasyo lalo na ang Hari. Samantalang siya na mula lang sa hindi kilalang pamilya ay heto at paparoon sa Hari. May isang malaking gate na naghahati bilang boundary ng Mortown at Royal Palace. At may halos limang kilometro ang tinahak nilang daan bago sila makarating sa malaking arko kung saan may nakalagay sa itaas nitong Frost Family. Maraming gwardiya na nakabantay sa labas nito. Mga gwardiyang nakauniporme at may kulay itim na vest. Sumaludo ang mga ito nang dumaan ang kanilang sinasakyan. Tila nawala ang kabang sumalakay sa kaniyang dibdib nang tuluyang makapasok ang sasakyan sa loob. Hindi niya mapigilang mamangha nang makita ang malawak na sementadong bakuran ng palasyo. Bumaba siya nang bumaba rin ang kasama niyang dalawang matandang lalaki. Saka lamang niya napagtanto na sobrang laki nga ng lupang nasasakupan ng palasyo. May isang palapag na gusali sa kaliwa at kanan pagkapasok mo mula sa labas. Sa harap naman ay may hagdan patungo sa mas mataas na gusali. Iyon na ba ang tirahan ng Hari? "Hindi pa. Yan ang security post kung saan nag-oopisina ang Papa mo, Audrey. Itong sa kanan ay Police Office habang sa kaliwa naman ay sa mga kawal o sundalo." "Seryoso?" 'di makapaniwala niyang tanong. Ganoon ka OA ang security? "Maliit na bansa ang Filipos. Mainit ito sa mata ng mga mananakop na bansa kaya kailangan ng mahigpit na seguridad para sa nagpapatakbo ng bansa," saad pa ng Ministro. "Hindi ba dapat pati nasasakupan din ito ay binabantayan din? Buo pa nga at ligtas ang Royal Family, paano naman ang mga maliliit na mamamayan sa labas nito?" Ngumiti sa kaniya ang Ministro. "May mga naiisip ka, Audrey. Bakit hindi natin ituloy ang kwentuhan sa tanggapan ng Hari?" Sumunod siya sa dalawa nang bagtasin nito ang mahabang pasilyo paakyat sa security post na sinasabi ng Ministro. Hindi naman sila masyadong binusisi gaya sa mga malls. Marahil ay dahil kasama niya ang Kalihim at Ministro. Binuksan ng isang bantay ang malaking pinto at bumungad sa kaniya ay isang nakalawak na bakuran ulit. Ngunit mas maganda ang mga gusali sa loob ng bakurang iyon. Mas magara. Mas malalaki. Klasiko kung maituturing. Pakiwari ni Audrey ay nasa loob siya ng isang piksyong may tema ng pantasya. Hindi maikakaila ang karangyaan sa kapaligiran. Ito na nga ang tirahan ng Royal Family ng Filipos. Isang malaki at engrandeng hagdan ang makikita sa malaking gusali. Sinundan niya ang dalawang lalaki nang tahakin nila ito. "Hindi mo ba nanaising tumira sa marangyang palasyong ito, Audrey?" tanong ng Ministro. Napansin lamang niya na mas madaldal nang 'di hamak ang Ministro kaysa sa Kalihim. "Ano naman ang gagawin ko rito?" balik tanong niya. Sa opisina nga naiinip siya e, rito pa kaya? Nagkibit-balikat lang ang Ministro. Sa taas niyon ay may dalawang nagbabantay ulit sa pinto. Iniisip ni Audrey na baka sa likod ng pintong iyon bubungad muli ay isa na namang malaking hardin. Ayawan na talaga 'pag nagkataon. Ngunit, nagkamali siya. Isang malawak at magarang salas ang nabungaran niya. Sa kanan nakalatag nang maayos ang magagara at halatang mamahaling mga upuang kutson habang ang salaming mesa naman sa gitna ay may nakalapag na mukhang bagong pitas na mga bulaklak. Sa kaliwa naman ay isang magarang hagdan parang nakikita lamang niya sa mga klasikong pelikula. Iniisip nga niya na baka ang isinusuot ng Hari at Reyna ay gaya ng suot ng mga magulang ni Juliet sa pelikula. Mabuti nalang minsan niya nang nakita sa telebisyon at mga pahayagan ang Hari. Sa harap naman ay may malaking pasilyo na hindi niya alam kung anu-ano ang mga naroroon. "Maligayang pagbabalik, Ministro Dan at Kalihim Ed." Isang nakaunipormeng babae ang patakbong lumapit sa kanila at buong galang na binati ang dalawang matandang kasama niya na bahagya pang yumukod. Yumukod na rin siya bilang tanda ng paggalang. "Ang Hari? Ipaalam mong kasama na namin ang kaniyang ipinahahanap," ang sabi ng Kalihim na tinawag ng babae na Ed. "Sasabihin ko kay Pilo," sagot naman ng babae na agad ding tumalima. "Siya si Manang Cora, ang mayordoma ng Palasyo. Ang sinasabi naman niyang Pilo ang punong yunuko ng Hari," paliwanag ni Ministro Dan. "Hindi mo na sila kailangan pang ipakilala sa akin. Ito na rin naman ang una at huli kong punta rito," sagot naman niya. Narito siya upang ipaalam sa Hari na wala siyang balak sumali sa kalokohan nila. Muli ay nagkibit-balikat lang ang Ministro. Hindi naman sila naghintay ng matagal dahil maya-maya lang ay dumating iyong sinasabi n'ong mayordoma na Pilo. Nakaunipormeng lalaki na sa tantiya ni Audrey ay hindi nalalayo ang edad sa kaniyang amang si Delfin. Magalang itong yumukod sa kanilang bilang pagbati saka sila nito sinabihang sumunod sa kaniya. Umakyat sila sa magarang hagdan paakyat sa ikalawang palapag. Ilang pinto ang nilagpasan nila bago sila nakarating sa kwarto kung nasaan ang Hari. Nakakaligaw sa bahay na iyon. Kumatok si Mang Pilo ng tatlong beses. Kinakabahan naman siya. Kanina lang sobrang lakas ng loob niya, ngayon hinahanap na niya ang mga iyon. Pumasok si Mang Pilo sandali at lumabas din, saka sila sinabihan nitong pumasok. Nauna si Kalihim Ed. Pumwesto naman si Ministro Danny sa likod niya kaya kunot-noo niya itong nilingon. "Mauna ka, Binibini." Hindi niya malaman kung nang-aasar ba ito o ano. Nang hindi siya kumilos ay itinulak naman siya nito ng bahagya. "Siya po si Audrey Angeles, Kamahalan." Naging alarma siya nang magsalita si Kalihim Ed. Ni hindi na niya sinipat ang kausap nito. "Maupo kayo, Ed, Dan," ani ng isang baritonong boses. Nanatiling nakayuko si Audrey habang inihila naman siya ng upuan ni Ministro Dan. "Huwag kang pahalatang ignorante dyan. Maupo ka na." Masamang tingin ang ibinigay niya sa Ministro. Saka lamang napansin ni Audrey na mayroong parihabang mesa sa kwarto at upuan na maayos na nakahilera sa kaliwa't kanan ng mesang yari tiyak sa mamahalin at matibay na punong-kahoy. Naupo siya sa ulunang parte ng mesa katabi si Ministro Danny habang nasa kaliwang parte naman sa dulo si Kalihim Ed. Sinisipat nang mabuti ni Audrey ang mukha ng isang lalaking nasa kanilang katapat. Nag-iisa lamang ito sa dulo. Nakasuot ito ng simpleng itim na suit. "Naipaliwanag mo na ba sa kaniya ang lahat, Dan?" tanong nito. "Opo, Kamahalan, nabanggit ko na rin kina Delfin at Rosanna na ---" "Nais ko rin po kayong makausap kaya po ako sumama rito, Mahal na Hari," putol niya sa ano pa mang sasabihin ni Ministro Dan. Gulat na napatingin sa kaniya sina Ministro at Kalihim. Ang Hari naman sa kaniyang harapan ay ipinagdaop ang mga daliri at ipinatong doon ang baba nito saka siya deretsong tiningnan. "Ano ang nais mong sabihin sa akin, Binibining Audrey Angeles?" tanong nito sa kaniya. "Umayos ka, Audrey," bulong ng Ministro sa kaniyang tabi. Ang Hari ang pinaka-iginagalang na nilalang sa bansang Filipos at maging ng ibang bansa, siguro. Ito kasi ang namumuno sa kanila. Sa rami ng mga nangyayari sa bansa nila ngayon, marami siyang nais sabihin sa Hari. Nabigyan na rin naman siya ng pagkakataong makaharap at makausap ito. Ito na rin siguro ang pagkakataon. Pero. Pero, mayroon din siyang sarili niyang suliranin na kinakaharap. Hindi niya alam kung mabibigyan ba siya ulit ng pagkakataong makaharap itong muli matapos ang mga sasabihin niya ngayon. "Isa lamang po akong hamak na ordinaryong tao. Hindi ho ako karapat-dapat na maging ano ninyo. Kaya huwag na ho ninyo akong anuhin para sa Prinsipe." Shocks! Kung anu-anong ano pa pinagsasabi ko. "Ano'ng ano?" tanong muli ng Hari. Oh! Audrey! Ayusin mo! "Huwag na ho ako ang ipakasal ninyo sa Prinsipe," deretso niyang saad.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD